My Best Friend's Girlfriend

By pressedlemon

186K 4.7K 1.1K

Are you willing to give up your friendship with your long-time best friend so you can finally pursue the very... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
22
Author's Note

21

6.1K 163 60
By pressedlemon

Parang napako sa kinatatayuan si Jho habang pinapanood ang pag-alis ni Bea. Ramdam niya ang patuloy pa din na pag-agos ng mga luha niya habang sinusundan niya ng tingin ang tuluyang paglayo nito.

Hindi siya makapaniwala sa mga pangyayari. Pakiramdam niya ay parang bigla siyang pinanghinaan ng tuhod at sobrang gulong-gulo na ang puso at isip niya.

What is she expecting anyway? Natural lang naman na magagalit at masasaktan si Bea. She basically lead her on. She made her think that there could be something more between them and then she ignored and avoided her for weeks like what they've had was nothing.

And the look of heartbreak on Bea's face? That was the worse. Parang nadurog ang puso niya ng maalala niya ang mukhang iyon.

Sa totoo lang ay gustong-gusto niya itong sundan. Gusto niyang magpaliwanag pero literal na ayaw gumalaw ng mga paa niya. Ano naman kasi ang sasabihin niya? The damage has been done and now Bea does not want anything to do with her.

This is all her fault. She let herself fall for the taller girl only to hurt her in the end. Wala na siyang pinagkaiba sa walang kwenta niyang ex-boyfriend.

Muli siyang tumingin sa direksyon kung saan naglakad papalayo si Bea at napabuntong hininga ng kahit anino nito ay hindi na niya maaninag.

Marahan niyang pinunasan ang mga luha niya. Tumalikod na siya at hahakbang na sana pabalik sa sasakyan ngunit agad na napahinto siya ng makita kung sino ang nakatayo doon at mataman lang na nakatingin sa kanya.

Para siyang natulala habang nakikipagtitigan kay Thirdy. She is instantly lost for words and she honestly doesn't know how she would react.

Lumipas ang ilang segundo na nakatingin lang sila sa isa't isa. Pakiramdam ni Jho ay tuluyan nang huminto sa pagtibok ang puso niya.

Eto na siguro yun. Eto na yung karma niya sa lahat ng kasalanan na nagawa niya.

She is expecting him to be mad. She is expecting him to shout and demand to know what happened between her and Bea.

Ngunit laking gulat niya nang isang matipid na ngiti lang ang ibinigay sa kanya ni Thirdy bago ito tumalikod at nagsimulang maglakad pabalik sa kotse nito na parang walang nangyari.

May pag-aalinlangan man ay sumunod pa din siya dito. Gusto niyang malaman kung ano ba ang iniisip nito.

Huminto si Thirdy sa may harap ng passenger seat at pinagbuksan siya ng pinto kagaya ng palagi nitong ginagawa.

"Thirdy–"

"Pumasok ka na sa loob." walang emosyong putol nito sa kanya.

Napasinghap lang siya. She is not liking this lack of a reaction from him one bit. Para na siyang masisiraan ng bait sa mga nangyayari.

"Kailangan natin magusap." pakiusap niya dito.

"Pumasok ka na."

Napakunot ang noo niya at nanatili pa din sa kinatatayuan, "Ayoko. Hindi ako papasok hangga't hindi tayo naguusap."

Nakita niya kung paano nawala ang kaninang kalmadong mukha ni Thirdy. Napapikit lang ito at parang nahihirapan sa gustong sabihin sa kanya. Sinara nito ang pintuan ng kotse at muli siyang hinarap.

"Para saan pa? I've heard everything I needed to hear and I choose not to talk about it."

"I cheated on you. Hindi mo ba naiintindihan? I cheated!"

"And I'm forgiving you for it." pagpipilit ni Thirdy, "Now get inside."

Natigilan si Jho at hindi makapaniwala sa narinig. Panaginip lang ba 'tong lahat? Bakit? Bakit ganun kadali na lang na patawarin siya nito? Doesn't he understand? She cheated on him. She made a fool out of him and the worst of it all is that she did it with his best friend of all people.

He sighs and takes a step towards her. He reaches out and gently holds her hand. "Narinig ko lahat. Ako naman ang pinili mo diba? Yun lang ang mahalaga dun."

Napailing lang siya at agad na bumitaw sa kamay nito. Mali 'to. Hindi dapat ganito ang mga sinasabi niya. She knows that she doesn't deserve his forgiveness and she wants him to tell her what's really on his mind at the moment.

"Ganun lang yun? Pinapatawad mo na 'ko? Thirdy, I cheated on you with Bea!"

And it's as if Jho's last words have triggered something in him and he bangs his fist on the hood of his car, startling her.

"Ano bang gusto mong sabihin ko? Gusto mong magalit ako? Gusto mong magwala ako ngayon dahil niloko mo 'ko? Niloko niyo 'ko? Ano?"

Sa totoo lang ay hindi niya alam ang isasagot kay Thirdy. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin nito. Kung ano ba ang gusto niyang maging reaksyon nito sa ginawa niyang pangloloko. Nakagat na lang niya ang ibabang labi niya ng maramdaman ang muling pagtulo ng mga luha niya.

"You can't just say that you're forgiving me and pretend this did not happen." she murmurs. "I - I don't deserve it. I don't deserve your forgiveness."

Malalim ang paghinga na pinakawalan ni Thirdy habang nakatingin sa kanya. Pareho silang nagsusukatan ng tingin na parang naghihintayan kung sino ang unang susuko. Pawisan at namumula na ang mukha ni Thirdy habang si Jho naman ay patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha.

Ilang segundo ang lumipas na hindi sila nag-imikan bago dahan-dahang lumapit si Thirdy at inabot ang kanyang pisngi para haplusin. Napapikit lang si Jho at hinayaan ito.

"I love you, okay?" pabulong at kalmadong sabi nito habang marahang hinihimas ang pisngi at buhok niya. "I love you so much that I'm willing to forget whatever happened between you and... between you and her. Huwag mo lang akong iiwan."

Jho takes a deep breath and holds his hand on her face. He still loves her after everything she did to him. He's a good guy and he doesn't deserve to be cheated on and yet here he is, still willing to love her.

Siguro tama nga ang naging desisyon niya na tapusin na ang namamagitan sa kanila ni Bea. Tama nga ang naging desisyon niya na piliin si Thirdy. Alam niya sa loob-loob niya na mahalaga din ito at may puwang sa puso niya. Pasasaan pa at makakalimutan din niya si Bea at matututunan niyang mamahalin si Thirdy katulad ng pagmamahal nito sa kanya ngayon.

"Please promise me you won't leave me for her. Promise me, babe."

Mataman na tinitigan niya ito sa mga mata bago niyakap ng mahigpit at tumango lang bilang sagot.

********************************

"Sige Jho, bagalan mo pa para hindi tayo makauwi agad!"

Biglang nagising sa pagkatulala si Jho nang nakapamewang na sumulpot si ate Ella sa harap niya. Nagpatumpiktumpik pa siya sandali bago naalala na nandito nga pala sila sa mall ngayon para mag-shopping ng mga kailangan nila sa apartment.

"Init naman ng ulo mo ate Ells, alam mo naman na may pinagdadaanan yung tao." sagot naman ni Maddie na hawak lahat ng napamili nila. Kakabalik lang nito galing Davao isang linggo na ang nakakalipas mula nung birthday ni Jho.

Isang linggo na din na parating parang wala siya sa sarili. Parati na lang siyang natutulala at nagugulat kapag may kumukuha ng atensyon niya at tinatanong kung ano ang problema. Sinasabi na lang niya ayos lang siya kahit ang totoo ay parang gusto niyang takbuhan ang lahat ng problema niya at magpakalayo-layo.

"Aba, sino bang may gusto niyan? Hindi naman ako nagkulang sa paalala. Pero ano? Nagpadala kasi masyado sa tukso kaya ayan, tignan mo nangyari."

"Ate Ells!" siko pa ni Maddie dito.

Nagbuntong hininga lang si Jho, "Okay lang Maddie. Tama naman si ate Ells."

May point naman kasi si ate Ella. Siya naman talaga ang may kasalanan sa lahat kaya wala siyang karapatan na magmukmok.Naikwento na niya sa mga housemates niya ang mga nangyari kinaumagahan ng makita nila na namamaga ang mga mata niya sa kakaiyak. Magkaiba man ang naging reaksyon ng mga ito ay pareho pa din nilang dinamayan at pinagaan ang loob ni Jho matapos ang lahat. Siguro nga ay maswerte na din siya dahil kahit papaano ay may naniniwala pa din na hindi naman siya talaga masamang tao sa kabila ng mga maling nagawa niya.

May tipid na ngiti na Inabot niya yung ibang shopping bags mula kay Maddie at nagsimula na muling maglakad.

Nagulat naman siya ng biglang hinapit ni ate Ella ang braso niya at sinabayan siya sa paglalakad. "Tara na nga. Umuwi na tayo para maipagluto mo na kami ng sinigang mo. Nagugutom na talaga ako."

"Eh kakakain lang natin ha?" sabad naman ni Maddie.

"Naku Maddie, huwag ka na umepal diyan baka ikaw pa makain ko sa sobrang gutom ko."

********************************

Maayos na inilagay ni Jho yung mga shopping bag sa likod ng kotse ni ate Ella at saka sumulyap sa relo niya. Alas otso na ng gabi pero hanggang ngayon hindi pa din sila nakakauwi. Bumalik pa kasi yung mga kasama niya sa may department store dahil naiwan nila yung biniling body pillow ni Maddie. Tinamad na din kasi siyang maglakad pabalik sa loob kaya nagpaiwan na lang siya sa may parking lot.

Kinuha niya yung phone niya mula sa bulsa para tawagan si ate Ella at itanong kung nasaan na sila pero mukhang naka-silent mode ito dahil hindi nito sinasagot yung tawag. Nagbuntong hininga na lang siya at papasok na sana sa loob ng kotse nang biglang may tumawag sa pangalan niya.

"Jho?"

Napalingon siya at agad na nakilala ang maputing babaeng naglalakad palapit sa kanya.

"Fel."

Napa-deretso siya ng tayo at napatitig lang dito. Naalala niya na ang huling pagkikita pa nila ay yung Halloween party kung saan namagitan ito sa kanilang dalawa ni Bea habang nagsasayaw. Parang kinabahan siya bigla dahil sigurado siyang matagal nang may suspetya si Fel sa totoong relasyon nila ni Bea.

"I didn't expect to see you here. Who's with you?" simpleng tanong nito.

Hindi sigurado si Jho pero parang may narinig siyang himig ng pag-aakusa sa tono nito.

"Ah, mga housemates ko. Nag-shopping lang kami."

Tumango lang si Fel pero bakas sa mukha nito ang hindi pagkakumbinsido sa sagot niya. Hindi alam ni Jho kung ano ba ang problema nito. Kung ano man yun, wala na siyang pakielam. Siguro nga kaibigan ito nila Thirdy at Therese pero kahit nung umpisa pa lang hindi naman naging magaan ang pakiramdam at pakikisama niya dito. Hanggat maaari, ayaw niyang makipag-plastikan.

"Sige Fel, mauna na 'ko." paalam niya dito sabay bukas ng pinto ng kotse.

"Wait," pigil nito sa kanya. "I know about you and Bea."

Agad siyang natigilan sa mga sinabi nito. Wala siyang nagawa kundi isara ang pinto ng sasakyan at muli itong harapin.

"Bea is a good person and she has one of the biggest hearts that I know." Fel crosses her arms on her chest. "She doesn't deserve to be someone's second option. Whatever you have going on with her needs to stop."

She takes a deep breath. She's really getting sick of these kinds of confrontation. "I'm sorry Fel, pero wala kang alam. Please let me be."

Pero parang hindi natinag si Felicia at tinaasan pa siya nito ng kilay. She may be smaller than Jho but she can't deny that this girl can really be intimidating when she wants to be.

"Do you even have feelings for her? Oh baka naman ginamit mo lang siya? How about Thirdy? You can't have them both you know? You can't possibly be that selfish."

Nakipagsukatan siya dito ng tingin. Biglang nagpintig ang tenga niya pero sinusubukan niyang kontrolin ang sariling damdamin. This is not the time and place to quarrel with someone.

"She loves you," Fel continues, her voice wavering a little. "She's willing to throw away her friendship with Thirdy and with everyone else for you. And you're using and taking advantage of her. What kind of a person are you, Jho? How could you even play both of them just like that?"

Itinaas na niya ang kanyang kamay para pigilan itong magsalita. Ayaw na niyang marinig ang mga sasabihin nito sa kanya ngayong wala naman itong alam sa mga totoong nangyari. In the first place, she's just some girl whose in love with Bea and is mad at her because Bea is in love with her.

"I know you're thinking that I don't deserve her love. Totoo naman eh. I don't deserve Bea. I don't even deserve Thirdy after what I did."

She takes one step on Felicia's personal space, giving her a determined stare.

"Pero mali ka. Hindi ko siya ginamit. Totoo lahat ng pinakita ko kay Bea. At kung iba ang sitwasyon namin ngayon, pipiliin ko siya. Pipiliin ko siya dahil mahal ko siya."

********************************









A/N: this sucks but oh well 🤷‍♀️

please also listen to the song in the media. it's a perfect song for Jho's feeling through this whole thing 😂

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 66.6K 46
Evil. Manipulative. Mysterious. Will you fall for him? -- Date started: September 7, 2014 Date finished: June 8, 2018 DARAGON FANFIC x YG FAM FANFIC...
3.1M 86.5K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
6.9M 166K 56
X10 Series: Alexander De Silva Kilala bilang 'nice guy' ng gang na tinatawag na X10. Mabait pero masama kung magalit. Isang gentleman kung maituturin...
206K 5.7K 40
The Secret Victorious Gang is just one of the gangs in Ateneo. In the world of the gangs, killing is legal. SV Gang is one of the most feared gang th...