8

7.3K 207 36
                                    

Hindi namalayan ni Jho na napapangiti na siya sa sarili niya habang nagluluto siya ng fried rice para sa breakfast nila. Bigla kasing sumagi sa isip niya yung eksena nila ni Bea kagabi nung nasa arcade sila. She never thought that she would enjoy Bea's company that much. Ang kulit kulit kasi niya tapos parang bata lang siya pero ang laki niyang tao kaya nakakatuwa siya tignan.

They even talked about a lot of things. Actually, siya lang talaga yung madalas nagsasalita sa kanilang dalawa pero ang sarap din kasing kwentuhan ni Bea. Yung tipong makikita mong nakikinig siya talaga sa sinasabi mo. Yung parang interesadong interesado siya talaga sa mga kwento mo sa kanya kahit super random naman minsan nung iba.

Kaya nga naniniwala na talaga si Jho na first impression doesn't always last. Ibang iba kasi si Bea dun sa akala niyang Bea na nakilala niya dun sa club kung saan sila unang nagkita. She somehow feels guilty because she said a lot of stuff to her that can be construed as offensive and insulting. She judged her too quickly based on what she saw while Bea was interacting with her date or whoever that girl was. Alam niyang sobrang nasungitan niya si Bea nung gabing yun. Buti na lang talaga nabigyan pa sila uli ng pagkakataon na magkita at lalong magkakilala.

Truth is, she really like Bea and she wants to be friends with her. Hindi niya alam kung bakit pero sobrang gaan ng loob niya dun sa tao.

"Jhoooo!"

Biglang napakunot yung noo ni Jho nung marinig niya yung tawag ni ate Ella mula sa labas ng bahay nila. Ano na naman kaya ang problema nun?

"Maraguinot! May naghahanap sayo. Kaibigan mo daw!"

Hay napaka bastos talaga ng bibig ni ate Ella. Ilang beses na niyang sinabihan yun na huwag siya tatawagin sa apelido, ang kulit kulit pa rin! Pero sino naman kaya yung kaibigan na yun na naghahanap sa kanya ng ganoon kaaga? Napatingin siya sa may orasan at nakita niyang magaa-alas otso pa lang.

"Jho!" Ate Ella calls out once again.

Napabuntong hininga na lang si Jho at pinatay na yung kalan para hindi masunog yung niluluto niya at inalis yung apron niya para pumunta na sa labas. Baka pumutok na kasi yung ugat ni ate Ella kakasigaw. Pwede naman kasi tawagin siya ng maayos 'di ba? Kung bakit naman sigaw ng sigaw yung babaitang yun? Baka tuloy magalit na naman yung masungit nilang kapitbahay sa taglay niyang kaingayan.

"Ano bang problema mo ate Ells? Ang aga aga sigaw ka ng sigaw!" bungad niya ng makalabas siya ng bahay.

Naabutan niya si ate Ella sa may harap ng gate na kinakausap kung sino man yung bisita niya.

"Hay salamat, lumabas din! Oy Jho, kanina pa may naghahanap sayo dito oh."

Tumabi naman si ate Ella mula sa pinto ng gate nung makalapit siya para makita niya kung sino ba yung naghahanap sa kanya.

Jho's eyes instantly widen and she stops in her tracks when she sees the person standing in front of their house. Sa dinami dami kasi ng pwedeng maghanap sa kanya, hindi niya inaasahan na siya pa yung makikita niya ngayon.

"Bea? A–anong ginagawa mo dito?"

Mukhang nahihiyang ngumiti si Bea sabay abot nung yellow cardigan ni Jho na kagabi pa niya hindi mahanap. "Yeah, I just... I wanted to drop this off. Naiwan mo kagabi sa kotse ko."

Kinuha yun ni Jho at matipid na ngumiti din. Nagulat at nagtataka siya kung bakit kailangan pa pumunta ni Bea ng ganoon kaaga para lang isauli yun. She can't help but be touched, though, at the thought of this girl making an effort to go to her house early in the morning just to return her cardigan.

And to think that she was just thinking about Bea a few minutes ago. Eto na siya ngayon nakatayo sa harap niya mismo. Bakit ang weird nung coincidence?

My Best Friend's GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora