17

7.7K 243 70
                                    

"H-Huwag mo nga akong titigan ng ganyan."

Naiilang na iniiwas ni Jho ang mga mata niya mula sa mga malalim na titig ni Bea. Bigla kasi siyang nakaramdam ng pagkahiya at sigurado siyang kasalukuyang namumula na ang mukha niya dahil dito.

Nakaupo sila ngayon sa sofa at kanina pa parehong hindi nagsasalita. Pakiramdam ni Jho ay parang biglang umurong ang dila niya at hindi na niya nagawang umimik mula nang nagkasalubong sila sa elevator ni Bea. She has all the intentions of leaving the vicinity but the elevator opened just in time to reveal the girl she's been waiting for almost two hours looking just as surprised to see her.

Balak na niya talagang umuwi pero mabilis na hinapit ni Bea ang mga braso niya at pinilit siyang pumasok muna. Hindi na niya nagawang tumanggi ng makita niya ang mga mata ni Bea na parang nagmamakaawa na huwag muna siyang umalis. Ngayon ay sobrang kaba na ang nararamdaman niya dahil nasa harapan na niya itong babaeng kanina pa niya hinihintay.

Dinaig pa ata niya ang stalker dahil sa ginawa niyang paghihintay sa harap ng condo unit ni Bea ng dalawang magkasunod na gabi. Sigurado din siyang naghihinala na sa kanya yung nakatirang koreano sa kabilang unit na sobra kung makatitig kapag dinadaanan siya.

Bakit ba kasi niya 'to ginagawa? Bakit siya balik ng balik dito? Bakit kahit anong gawin niya hindi niya magawang alisin si Bea sa sistema niya?

Alam niyang mali 'to at hindi na dapat siya bumalik. She shouldn't be entertaining any thoughts of having feelings for someone else aside from her boyfriend.

Pero parang may parte sa utak at puso niya na palagi na lang gustong makita at makausap si Bea mula nung gabing yun.

"Sorry. I can't help it." sagot naman ni Bea pero hindi nito inalis ang mga mata niya kay Jho.

Jho bites her lower lip and tries hard to keep herself from smiling. Sinilip niya si Bea mula sa gilid ng mata niya at nakita niyang nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. Mas lalo tuloy siyang nailang.

"Baliw ka." mahina niyang sabi dito.

"Baliw sayo."

Hindi naman agad nakasagot si Jho doon. Hindi din naman niya alam ang isasagot. Nakaramdam siya ng kilig pero mas lalo lang niyang itinago ang mukha niya para hindi makita ni Bea ang pamumula nito dahil sa mga pasimpleng banat niya.

"Sorry, that just slipped from my mouth."

Pinili niyang hindi na lang ulit magsalita at nagkaroon na naman silang dalawa ng isang nakakabinging katahimikan. Jho really wants to know what's running on Bea's mind at the moment but she can't find it in herself to speak up and ask.

"Jho?" Bea suddenly says, breaking the silence between them. "May tanong ako."

"Hmm?"

Hinayaan na niya ang sariling tumingin sa direksyon ni Bea at nakita niya na masinsin pa rin itong nakatingin sa kanya. Meron din siyang nakitang kung anong emosyon sa mga mata nito na hindi niya mawari.

"If Thirdy is not in the picture," pagsisimula nito. "Do you think... there is a chance for the two of us?"

Jho immediatey stiffens at the question. Hindi niya kasi inaasahan ang tanong na iyon. Napatitig lang siya sa mukha ni Bea ng matagal bago siya nakasagot.

"Hin–hindi ko alam." nauutal niyang sabi. "Siguro?"

Napaisip siya. Meron nga bang chance para sa kanila ni Bea kung hindi naging sila ni Thirdy? Bukod kay Thirdy, isa pa lang ang naging boyfriend niya kaya masasabi niyang hindi naman siya ganun ka-experienced pagdating sa relationship. Buong buhay niya, ang alam niya ay straight siya at hindi pa niya nakita ang sarili niya na makikipag relasyon sa kapwa niya babae.

My Best Friend's Girlfriendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن