21

6.1K 163 60
                                    

Parang napako sa kinatatayuan si Jho habang pinapanood ang pag-alis ni Bea. Ramdam niya ang patuloy pa din na pag-agos ng mga luha niya habang sinusundan niya ng tingin ang tuluyang paglayo nito.

Hindi siya makapaniwala sa mga pangyayari. Pakiramdam niya ay parang bigla siyang pinanghinaan ng tuhod at sobrang gulong-gulo na ang puso at isip niya.

What is she expecting anyway? Natural lang naman na magagalit at masasaktan si Bea. She basically lead her on. She made her think that there could be something more between them and then she ignored and avoided her for weeks like what they've had was nothing.

And the look of heartbreak on Bea's face? That was the worse. Parang nadurog ang puso niya ng maalala niya ang mukhang iyon.

Sa totoo lang ay gustong-gusto niya itong sundan. Gusto niyang magpaliwanag pero literal na ayaw gumalaw ng mga paa niya. Ano naman kasi ang sasabihin niya? The damage has been done and now Bea does not want anything to do with her.

This is all her fault. She let herself fall for the taller girl only to hurt her in the end. Wala na siyang pinagkaiba sa walang kwenta niyang ex-boyfriend.

Muli siyang tumingin sa direksyon kung saan naglakad papalayo si Bea at napabuntong hininga ng kahit anino nito ay hindi na niya maaninag.

Marahan niyang pinunasan ang mga luha niya. Tumalikod na siya at hahakbang na sana pabalik sa sasakyan ngunit agad na napahinto siya ng makita kung sino ang nakatayo doon at mataman lang na nakatingin sa kanya.

Para siyang natulala habang nakikipagtitigan kay Thirdy. She is instantly lost for words and she honestly doesn't know how she would react.

Lumipas ang ilang segundo na nakatingin lang sila sa isa't isa. Pakiramdam ni Jho ay tuluyan nang huminto sa pagtibok ang puso niya.

Eto na siguro yun. Eto na yung karma niya sa lahat ng kasalanan na nagawa niya.

She is expecting him to be mad. She is expecting him to shout and demand to know what happened between her and Bea.

Ngunit laking gulat niya nang isang matipid na ngiti lang ang ibinigay sa kanya ni Thirdy bago ito tumalikod at nagsimulang maglakad pabalik sa kotse nito na parang walang nangyari.

May pag-aalinlangan man ay sumunod pa din siya dito. Gusto niyang malaman kung ano ba ang iniisip nito.

Huminto si Thirdy sa may harap ng passenger seat at pinagbuksan siya ng pinto kagaya ng palagi nitong ginagawa.

"Thirdy–"

"Pumasok ka na sa loob." walang emosyong putol nito sa kanya.

Napasinghap lang siya. She is not liking this lack of a reaction from him one bit. Para na siyang masisiraan ng bait sa mga nangyayari.

"Kailangan natin magusap." pakiusap niya dito.

"Pumasok ka na."

Napakunot ang noo niya at nanatili pa din sa kinatatayuan, "Ayoko. Hindi ako papasok hangga't hindi tayo naguusap."

Nakita niya kung paano nawala ang kaninang kalmadong mukha ni Thirdy. Napapikit lang ito at parang nahihirapan sa gustong sabihin sa kanya. Sinara nito ang pintuan ng kotse at muli siyang hinarap.

"Para saan pa? I've heard everything I needed to hear and I choose not to talk about it."

"I cheated on you. Hindi mo ba naiintindihan? I cheated!"

"And I'm forgiving you for it." pagpipilit ni Thirdy, "Now get inside."

Natigilan si Jho at hindi makapaniwala sa narinig. Panaginip lang ba 'tong lahat? Bakit? Bakit ganun kadali na lang na patawarin siya nito? Doesn't he understand? She cheated on him. She made a fool out of him and the worst of it all is that she did it with his best friend of all people.

My Best Friend's GirlfriendWhere stories live. Discover now