19

7K 169 65
                                    

~Loving you makes me want to listen to Regine Velasquez songs over and over when I don't even listen to OPM - Bea~

*********************

"What are you thinking?"

Jho looks down at the curious face of the girl whose head is on her lap. Hindi niya namalayan na nakatulala na pala siya at kanina pa nakatingin sa di kalayuan. Umiling lang siya bilang sagot habang pinagpatuloy ang paghimas sa buhok nito.

Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Bea sa kamay niyang hawak nito. It's as if the taller girl is reassuring her of something and she can't help but to give her a sweet smile in return as they stare at each other's eyes.

Nakaupo sila sa lilim ng malaking puno sa isang sementeryo kung saan nila napagkasunduan na magkita. It's been two weeks since Dani's birthday and they've been secretly seeing each other whenever they can.

They shouldn't be doing this, Jho knows that for sure. Pero mas palaging nangingibabaw ang pagnanasa sa loob niya na makasama si Bea kahit panandalian lang. Kahit yung ganitong patago lang.

Of course, her guilt and conscience are always getting the best of her. Lalo na kapag kasama niya si Bea at biglang sumasagi si Thirdy sa isipan niya. Ngunit agad din na nawawala ang mga iyon kapag pinagmamasdan niya si Bea at nakikita niya ang magagandang ngiti nito.

"Ang ganda mo," biglang sabi ni Bea habang seryosong nakatitig pa rin sa kanya.

Napangiwi lang si Jho at napaiwas ng tingin. She tends to get really shy and awkward when people would compliment her.

"Bolera!"

Isang malawak na ngiti ang binigay sa kanya ni Bea. "Hindi kaya. Maganda ka talaga!"

"Tigilan mo nga ako, Beatriz." inirapan niya ito dahil pakiramdam niya namumula na ang mukha niya dahil sa hiya.

"You know the first time I saw you, I instantly thought you were beautiful." the taller girl continues with a playful tone.

"Kasi madilim nun tapos nakainom ka pa." she answers back.

"Seryoso kasi, Jho." Bea says with an eye-roll. "You caught my attention the moment I laid eyes on you."

Muli siyang napatitig sa mukha ni Bea at hindi niya maikaila ang sinseredad na nakita niya sa mga mata nito. Parang gustong matunaw ng puso niya. Hindi na din niya mapigilan na tuluyang mapangiti.

"Tapos binanatan mo ko ng mga corny pickup lines mo!"

Nakangiting inabot naman ni Bea ang kanyang pisngi at masuyong pinisil iyon. "I remember you laughing at my Yoda pickup line though."

"Kasi sobrang corny." sagot niya dito.

"Kinilig ka lang ata eh."

Mabilis niyang hinampas si Bea sa may braso at sinamaan ng tingin. "Hindi 'no. Kapal nito!"

"Then tell me this," bumangon si Bea mula sa pagkakahiga sa kanyang kandungan para matignan siya ng masinsin. "Why did you kiss me outside of that club that night?"

Natigilan si Jho. Naalala na naman niya ang gabing iyon. Sa totoo lang, isa iyon sa mga gabing hindi niya makakalimutan. It was the night where she got her heart broken for the first time in her life and the same night where she met Bea. The person who confuses hear mind and makes her heart beat a little faster every time.

"Ewan." pabulong at hindi sigurado niyang sagot. "Hindi ko alam. G-ginulo mo isip ko eh."

"Is that your way of saying that you were attracted to me too?" Bea asks her seriously.

My Best Friend's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon