Love at its Best (Love Series...

By FGirlWriter

6.8M 123K 9.8K

What is love? Written ©️ 2014 More

Prologue: What is Love?
Chapter 1: Love at First Sight
Chapter 2: Chasing Love
Chapter 3: Love to Fight For
Chapter 4: Loveless Marriage
Chapter 5: Letting Love Go
Chapter 6: Love to Pretend
Chapter 7: Love that is Patient
Chapter 8: When Love is Kind
Chapter 9: It does Not Envy
Chapter 10: Does Not Parade Itself
Chapter 11: Is not Puffed Up
Chapter 12: Does not Behaved Rudely
Chapter 13: Always Beautiful
Chapter 14: The Ex-boyfriend, First kiss, and Bestfriend
Chapter 15: Is Not Self-seeking
Chapter 16: Not Easily Angered
Chapter 17: Keeps No Record of Wrongs
Chapter 19: Rejoices with the Truth
Chapter 20: Surrendering to Love
Chapter 21: Love Always Protects
Chapter 22: Love Always Trusts
Chapter 23: Love Always Hopes
Chapter 24: Love Endures All Things
Finale Chapter - Chapter 25: This is Love
Epilogue: Love at its Best

Chapter 18: Does Not Delight in Evil

246K 4.2K 349
By FGirlWriter

Chapter 18: Does Not Delight in Evil

"Love takes no joy in evil of any kind. It takes no malicious pleasure when it hears about the inadequacies, mistakes, and sins of someone else. Love is righteous." –Steven Cole

***

"CAN I TALK to Attorney Henry Avilla?"

            "Attorney Henry Avilla, Ma'am?" balik tanong ng sekretarya yata ng matandang abogado. Nakuha niya na kasi ang bagong number kung saan nag-oopisina ito. Thanks to her kuya Eugene.

            "Yes. I would like to speak with him," aniya habang iniipit sa tainga at balikat ang phone. Nilagay niya ang huling damit niya sa maliit na maleta bago isinara iyon. Naghahanda na siya para sa bakasyon nila ni Terrence. Mamayang hapon na kasi ang biyahe nila at marami pa siyang binago sa mga dadalhin niyang damit kaya nag-eempake muli siya.

            "Sigurado po kayo, Ma'am? Baka po ang hinahanap niyo ay ang anak niya? Si Attorney Ramses Avilla po?"

            Napakunot-noo siya at hinawakan ulit ang phone. "No, no. I'm looking for Attorney Henry Avilla," she emphasized the first name of the old lawyer. "He's my lawyer for my annulment case I filed a year ago."

            "But, Ma'am, Atty. Henry Avilla already retired from his career nine months ago. Bago po siya nag-retire ay wala na po siyang mga hinahawakan na cases. Sinigurado niya pong wala siyang unfinished business," paliwanag sa kanya ng kausap.

            Napakunot-noo siya. Atty. Avilla already retired? Nine months ago? Eh, sino pala ang humahawak ng annulment case niya?

            "Pero imposible iyan, Miss. Siya ang nag-aasikaso ng annulment ko all this time," pilit niya pa. Kung totoo ngang nag-retiro na ang abogado, sino ang naglalakad ng annulment? Baka naman ipinasa nito iyon sa anak nito? "Ahm, Miss? Maybe, he passed my case to his son. Malapit na kasi ang court settlement and I will definitely need a lawyer. Nandyan ba ang anak niya? Puwede ko bang makausap?"

            "Ma'am, wala po kasi si Atty. Ramses dito. May mga inaasikaso rin kasi siyang mga kaso. Pero baka nga po ipinasa ang case niyo kay Attorney. I'll just take your full name, Ma'am."

            "Eunice Cerys Arguelles-Aranzamendez," sabi naman niya. Ibinilin niya rin kung saan siya puwedeng ma-contact oras na puwede niya nang kausapin ang anak ni Atty. Avilla. When the call ended, takang-taka pa rin si Eunice.

            Kung nagretiro na pala si Atty. Avilla nine months ago, bakit hindi man lang nito nasabi sa kanya? Posible ring ipinasa na lang ang kaso niya sa anak nito dahil ang hinihintay na lang naman ay ang desisyon ng korte. But still, why didn't she know about it?

❤❤❤

"EUNICE, we're here."

            Unti-unting nagmulat ng mga mata si Eunice nang maramdaman ang mahinang pagtapik sa kanya ni Terrence. Pagkarating pa lang nila sa Cebu kanina ay agad na silang bumiyahe na²ng mahigit limang oras papunta sa Monte Amor.

            Monte Amor is a little province on the most southern part of Cebu. Ang kuwento sa kanya ni Terrence ay halos lahat ng kamag-anak nito ay doon naninirahan. Well at least, the elder ones. Parang ang Monte Amor ang naging vacation spot or retirement place ng mga kamag-anak nito na sa Manila talaga lahat galing. Maraming locals ang naninirahan doon but mostly the population was dominated by Terrence's family.

            Itinapat ni Eunice ang kamay sa bibig habang marahan siyang humihikab. Madilim na sa labas ng kotse.

            "What time is it?" tanong niya habang lumalabas sila ng kotse.

            "Almost 10 PM."

            Napayakap si Eunice sa sarili dahil sa napakalamig na hangin na sumalubong sa kanya paglabas ng kotse. Tahimik at medyo madilim ang paligid. Tanging ang buwan at mga munting ilaw lang sa poste ang nagbibigay liwanag.

            "Where are we?" she curiously asked Terrence. Wala kasi siyang makitang mga bahay sa paligid. Tanging mga puno lang at damuhan.

            Binuksan ni Terrence ang trunk ng kotse at nilabas ang mga gamit nila. Tig-isa sila ng maleta. "Dito ko ipa-park ang kotse. Hindi na kasi kasya ang kotse sa daraanan natin papunta sa bahay namin dito."

            Tumango siya at kinuha ang maleta niya. "It's so creepy," aniya habang tinitingnan ang paligid.

            Terrence chuckled. "It's just peaceful. Ganitong oras kasi ay wala ng tao rito maliban na lang kung bababa sa bayan ng ganitong oras."

            "Gaano pa kalayo ang house niyo?"

            "A five-minute walk," sagot nito. "Come on." Kinuha nito ang kanyang kamay at nagsimula na silang maglakad habang hila-hila ang mga gamit nila.

            Lihim na napangiti si Eunice nang tingnan niya ang magkahawak nilang mga kamay. "Ahm, Terrence?"

            "Yes?" bahagya siyang nilingon nito.

            "Makikita ko ba sina Gwen at Alynn dito? You know, I really want to thank them. Dahil sa kanila mas naintindihan ko na dapat pala hindi nagtatanim ng sama ng loob sa isang tao. Kaya naging okay na kami ni Kuya Eugene ngayon."

            Ngumiti ito. "Matagal pa ata ang bakasyon nina Gwen at Alynn sa Manila. May plano pa silang pumunta ng Baguio kaya baka matagalan bago ulit sila makabalik dito," sagot naman nito. "But, surely matutuwa sila kapag nalaman nilang may napala naman ang WOW nila."

            They laughed. Pero maya-maya nang matanaw na ni Eunice ang isang malaking bahay ay sinimulan na siyang kabahan. Mas humigpit ang pagkakahawak niya ng kamay kay Terrence.

            "N-Nandyan sina Mama Theresa, diba?"

            Tumango ito. "Yes."

            Huminga siya ng malalim. "K-kinakabahan ako."

            "Bakit naman?"

            "Kasi diba... 'yung tungkol sa annulment?"

            "Don't worry, they understand."

            "Eh, hindi naman nila alam 'yung tungkol sa... sa kondisyon natin, di'ba?"

            Terrence squeezed her hand. "Hindi naman masyadong mausisa sina Mama. Basta ang alam nila, we're in good terms kaya magkasama tayo ngayon."

            "Paano 'yung mga iba mong kamag-anak?" Ipapakilala daw siya nito bukas na bukas din.

            "Huwag ka lang umalis sa tabi ko," nakangiting sabi nito. "Let's just go with the flow."

            Tumango siya. May tiwala siya kay Terrence.

            Maya-maya pa ay nasa labas na sila ng gate ng malaking bahay na gawa sa konkretong semento. Sa labas pa lang ay nakita na agad kung gaano kalawak 'yun. Masyado lang madilim ang paligid.

            "Wala yatang tao," nasabi niya. Sobrang tahimik kasi ng paligid.

            "Bakit iniwang bukas ang gate?" wika naman nito nang itulak nito ang gate at bumukas iyon.

            Magkahawak kamay pa rin sila nang makapasok sa loob.

            Pagkasara ni Terrence ng malaking gate ay biglang lumiwanag ang buong paligid.

            "Maligayang pagdating!" sabay-sabay na sigaw ng mga tao at saka sila sinabuyan ng mga bulaklak at... bigas?

            "What the—" Terrence cursed. Gulat na gulat din sa sorpresang nakahanda para sa kanila.

            "Hala. Mao diay! Guwapa jud kaayo si Eunice, oy!"

            "Diyosa lage! Kaya siguro ayaw i-uwi ni Terrence dito."

            Kasunod niyon ay mga tawanan at paglapit sa kanila ng mga tao. Nasa dalawampu siguro mahigit ang mga ito.

            "Ugh! What's wrong with you, people?" angal ni Terrence nang kuyugin sila ng mga ito.

            Payakap na siya nitong iniiwas sa mga tao.

            May isang guwapong lalaki ang sumagot. "Ano ka ba naman, insan? Kayo na nga sinorpresa, parang galit ka pa. Siyempre natuwa kami na inuwi mo na ang asawa mo rito."

            "Tama! Ang ganda-ganda ng asawa mo, tinatago mo sa magandang angkan din natin?" sabi pa ng isang lalaki. Pinsan din siguro ni Terrence.

            Naramdaman ni Eunice na may humila sa kanya at nawala na siya sa mga bisig ni Terrence.

            She was greeted by a warm charming smile of the guy who pulled her. "Hi, Eunice!" bati nito. "We've been waiting for you na ipakilala sa'min ni Terrence. I'm 'Matthew', Terrence's most handsome cousin."

            Eunice shyly smiled. Pero bago niya pa ito mabati ay may humila na naman sa kanya—rather may humapit sa kanya sa baywang.

            She landed on another guy with obvious refined muscles. "'Wag kang maniniwala kay Matt. Ako talaga ang pinakaguwapo sa mga magpi-pinsan. Macho pa. 'Andrew' by the way. So nice to finally meet you, Eunice!"

            "Ah—"

            A guy gently pulled her away from Andrew. Hinalikan siya nito sa kamay. "Huwag mo silang pansinin, Eunice," the charming guy said with a foreign accent. "Sila na actually ang patapon sa aming angkan. 'James' is the name."

            "Bitiwan niyo nga ang asawa ko!" narinig niyang sabi ni Terrence.

            Napalingon siya pero ibang mukha naman ang bumungad sa kanya. Another handsome guy kissed her hand. "Alam mo Eunice, hindi ko alam kung anong nakita mo kay Terrence. Pero dahil pinsan namin siya, magpapaubaya kami. Ako nga pala si Titus."

            Napasinghap si Eunice nang may humalik naman sa kanyang pisngi. "Call me 'Jude'," ani ng lalaking hindi matatanggi ni Eunice na napakaganda ng mga ngiti at ng dimple nito sa kaliwang pisngi. "I won't be sorry I kissed you on the cheeks. You're just so beautiful and I can't help my handsome self."

            Then, someone hugged her from behind. "Maayong gabii, cousin-in-law! You really look like a goddess. Kaya dapat hindi ka sa'min itago ni Terrence. Isa siyang lapastangan na ipagkait sa amin na masilayan ang kagandahan mo. Ako nga pala si Pedro. But 'Peter' would be really cool."

            "Will you stop harrassing my wife?!" sigaw na talaga ni Terrence. Sobrang layo na pala niya rito.

            "Group hug natin si Eunice!" Andrew suggested. Sabay-sabay naman siyang niyakap ng mga pinsan ni Terrence na nagpakilala sa kanya.

            Dahil sa bilis ng mga nangyari ay natawa na lang si Eunice. Parang biglang dumami ang "Geoff" sa katauhan ng mga pinsan ni Terrence.

            It's raining men. Literally.

            "Ahm... It's a pleasure to meet you all, also. I'm glad to be here," sa wakas ay nasabi niya sa mga ito.

            Parang mga batang nagpalakpakan ang mga ito at niyakap ulit siya nang sabay-sabay.

            "Bakit ba hindi kita unang nakilala?" sabi pa ni Matthew.

            "It's a sin. But maybe I'm inlove with you already," biro pa ni James.

            "Mga pinsan! Alert, alert! Palapit na si Terrence!" Jude warned.

            At kung gaano kabilis na binati siya ng mga ito ay ganoon din kabilis lumayo ang mga ito sa kanya.

            Salubong ang mga kilay ni Terrence habang naglalakad ito palapit.

            "Nagtataka pa kayo kung bakit ayaw ko iuwi si Eunice dito," parang naiinis na wika nito. Pagkuwa'y bumaling sa kanya. "Are you okay?" Nag-aalala na ito. "Anong ginawa nila sa'yo?"

            "Chill lang, pinsan!"

            "We just greeted her!"

            "With kisses and warm hugs!" Nagtawanan ang mga ito nang lalong nagsalubong ang mga kilay ni Terrence at akmang lalapitan ang mga pinsan pero mabilis na nagsialisan.

            "Good night, Eunice! See you tomorrow!" paalam ng mga ito. Nandoon lang pala talaga sila upang i-welcome ang pagdating nila.

            "Hey, I'm okay," nakangiting wika niya kay Terrence. "Ahm, they seem... nice and ah—playful. Pero wala naman silang ginawa na something uncomfortable."

            He sighed. "Halika na. Pumasok na tayo sa loob para makapagpahinga na. Bukas ko na lang ipapakilala sa'yo ang iba ko pang mga pinsan at kamag-anak."

            May mga nakita siyang ibang mga bata at babaeng kinakawayan siya.

            Ngumiti siya at kumaway pabalik sa mga ito.

            "Hindi mo naman sinabi na ganito pala kayo mag-welcome kahit pa gabing-gabi na."

            Umikot ang mga mata nito. "Hindi ko rin alam na gagawin nila 'to. Pasimuno daw sila Peter. Ugh!"

            She giggled. "Good night!" bati niya sa mga hindi siya nabati kanina na ngayon ay papaalis na. "Marami rin pong salamat!"

            "Ang dami mong kamag-anak!" naibulalas niya pagpasok nila ng bahay. She has relatives also but they were scattered around the globe. At kahit kailan ay hindi pa nagkasama-sama sa isang lugar.

            "Wala pa iyon sa kalahati. Malaki kasi ang pamilya ng Mama ko. 'Yung iba na sobrang malayong kamag-anak na ay kinikilala pa rin." Kinuha nito ang hila-hila niyang maleta at ito na ang nag-akyat niyon sa magiging kuwarto nila. Tahimik na ang buong bahay. Mukhang hindi na rin sila nahintay ng mga biyenan niya.

            Pagpasok nila ng kuwarto ay agad na silang nag-ayos para sa pagtulog. Walang aircon ang kuwarto ngunit sapat na ang nakabukas na bintana dahil sa malamig na simoy ng hangin na pumapasok. Agad na nakatulog si Eunice na may ngiti pa sa mga labi.

            Hindi naman pala siya dapat kabahan sa pakikipagkilala sa mga kamag-anak ni Terrence. Kahit sandaling-sandali lang ang sorpresang pagsalubong sa kanya ng ilang pinsan nito, still she felt the warmth that she's welcome in their family clan.

            She's excited for the coming days.

            Mahimbing na nakatulog si Eunice buong gabi at nagising lang siya dahil sa direktang pagtama sa balat niya ng papasikat na araw. She was about to reach for Terrence but she's not on his side of the bed.

            Imumulat na sana ni Eunice ang mga mata nang marinig niya si Terrence na nakikipag-usap sa telepono.

❤❤❤

"NAKITA NIYO na si Rachelle? Nandyan pa ba siya? I want to see her," mahinang sabi ni Terrence sa kausap niya sa telepono.

            "Pinsan, walang tao sa loob ng bahay," imporma sa kanya ni Matthew na siyang tumutulong din sa kanya upang mahanap si Rachelle at ang anak nila. "Pero, may nakausap ako na isang ale na kapitbahay nila. May Rachelle nga raw na nakatira dito. At pinsan, positive.  May anak nga daw na kasama. A baby boy."

            Napalunok si Terrence at tila may mainit na kamay na humaplos sa kanyang dibdib. Lalaki pala ang anak nila ni Rachelle. Ngayon niya lang nalaman iyon. And he's...proud of it.

            "Tinanong ko kung kailan babalik pero hindi nila alam dahil madalas daw talaga umalis si Rachelle na kasama ang anak at pagkatapos ay matagal bago bumalik. Last week pa daw umalis, eh," dagdag pa ng pinsan niya. "I also asked if Rachelle has a husband. Ang alam daw nila ay mayroon pero hindi raw nila nakikita."

            Napabuntong-hininga siya. Looks like he can't see her yet. He can't meet his child yet. Sa tagal nang paghahanap niya kay Rachelle ay nasa Monte Amor lang pala ito. Siguro napili nito ang lugar dahil talaga namang tago at tahimik sa maliit na probinsiyang iyon. Hindi nga nakalagay ang Monte Amor kahit sa mapa ng Cebu.

            "Okay. Just tell me kapag may balita na ulit," aniya sa pinsan.

            "Sige, sige. Oo nga pala, mamaya huwag mong kalimutan na ayain si Eunice sa plaza. Nandoon kaming lahat mamaya. You're wife will surely have fun."

            Napakunot-noo siya nang maalala ang ginawa ng mga ito kagabi. "Anyway, about what you all did last night, what the hell was that?"

            Tumawa ito sa kabilang linya. "We just like to welcome you and Eunice. Alam mo namang matagal na siyang gustong makita ng mga kamag-anak natin na kasama namin kagabi." Sumipol ito. "You're wife is surely hot, Terrence. Those curves and all. Ah! So sexy and beautiful."

            "Say that again in front of me and I will punch you on the face." Loko-loko talaga ito. Sa katunayan, lahat ng pinsan niyang lalaki. Laking gulat niya lang kagabi na nandoon din pala ang mga ito. Katulad din nila ni Eunice ay nagbabakasyon lang sila roon.

            Tumawa na naman ito. "Buang ka." He said he's crazy. "Masyado ka palang seloso. Possessive pa jud kaayo!" tukso pa nito.

            "Whatever, Matt," sabi na lang niya. "I'll hang up."

            "Fine, fine. See you later."

            Pagka-end call niya ng telepono ay napalingon siya sa natutulog pang asawa. Dahan-dahan siyang lumapit at kinumutan ito. Tumatama na kasi ang sikat ng araw sa maputi at makinis nitong balat. Then, he stared at her pretty face. Bigla siyang napaisip.

            Oras na mahanap niya na si Rachelle, paano niyang sasabihin kay Eunice ang lahat-lahat?

❤❤❤

"GOOD MORNING, hija!" masiglang bati ng ina ni Terrence pagkababa nila sa komedor. "Buti at gising na kayo ni Terrence. Halina't sabay-sabay na tayong kumain."

            Nakangiting lumapit siya rito. "Good morning po, Mama Theresa," bati niya rin dito at saka humalik sa pisngi nito.

            "Nakatulog ka ba nang maayos?" tanong nito.

            Tumango siya. "Opo. Masarap po ang lamig ng hangin. Tamang-tama lang po."

            "Mabuti naman kung ganoon," anito. She gently touched her face and tenderly smiled at her. "Nakakatuwang makita ka ulit," malambing na wika ng ginang sa kanya.

            Ang huling pagkikita nila ay noong kasal pa nila ni Terrence more than a year ago. Hindi na siya nagkaroon pa ng ibang pagkakataon na makita ang ginang. Siguro ay dahil nahihiya siya rito sa ginawa niya sa anak nito noon. Kahit pa galit sa kanya si Terrence noon ay kabaligtaran naman ang pinakita ng mga magulang nito sa kanya. Si Mama Theresa pa nga ang tumulong sa kanya sa pag-aasikaso ng mga bisita sa kasal.

            She sweetly smiled at her mother-in-law. "I'm also glad to see you, Mama. It's a pleasure to be here in Monte Amor. I'm so excited to roam around the place."

            "I'm sure you do. Tamang-tama nga ang pagdating niyo dahil naghanda ng salu-salo ang mga kamag-anak namin. Dumating din kasi noong isang araw lang ang mga pinsan ni Terrence. Siguro nakilala mo na sila. Sila ang mga sumalubong sa inyo kagabi."

            Natawa siya nang maalala ang mga makukulit na pinsan ni Terrence. "Sila Matthew, Andrew, Jude, James, Titus, at Peter po?"

            "Aba at nakilala mo pala silang lahat?"

            "Paanong hindi?" singit ni Terrence na kabebeso pa lang sa ina nito. "Kakaiba sumalubong ang mga unggoy na iyon."

            "Nako, kilala mo naman ang mga pinsan mo. Parang hindi mo rin gawain ang ginagawa nila."

            "Hindi nga."

            "Masyado ka kasing serious sa life, anak."

            Eunice chuckled. Mukhang killjoy pala talaga si Terrence.

            "Anyway, how are you, Eunice? I like to congratulate you, by the way. Naka-graduate ka na pala ng Fashion Designing sa Paris. I'm so proud of you."

            Parang natutunaw ang puso niya. Napakabait ng ina ni Terrence at kung tingnan siya nito ay parang kung paano siya tingnan ng mommy niya noong bata pa siya.

            "Thank you po, Mama. I'm doing f-fine naman po. May trabaho na rin po ako sa Paris ngayon."

            "That's great!"

            Umupo na sila nang sabay-sabay sa hapag.

            "Ma, nasaan si Papa?" tanong ni Terrence.

            "Nasa kusina. Nagpapaka-chef. 'Yang Papa mo mula nang magretiro, kung anu-ano na lang ang gustong gawin sa buhay."

            "Breakfast is ready!" Mula sa kusina ay lumabas ang ama ni Terrence na may dala-dalang dalawang malalaking plato na naglalaman ng kanilang agahan. Nilapag nito iyon sa lamesa.

            Naalala niya tuloy nang bata pa siya at pinagluluto rin sila noon ng daddy niya.

            "O, Terrence, hijo, you're looking good!" bati nito sa anak pagkatapos ay bumaling sa kanya. "Eunice, hija. It's so nice to see you again. You look so lovely in the morning!"

            Tumayo siya at lumapit dito. "Thank you, Papa Enzo. You're in a good shape, also."

            Hinalikan siya nito sa pisngi. "Nasa genes talaga 'yan," nakangiting sabi nito. Ang mga ngiti nito ay parang mga ngiti ni Terrence. Actually, Papa Enzo looks like the older version of his son.

            Magana na silang nagsalu-salo sa agahan habang nagpapalitan ng mga kwentuhan. They looked like a complete happy family.

            Family. That's the one thing that Eunice long for years. Kahit pa nandyan naman ang daddy Johnny at kuya Eugene niya, still hindi mawawala sa kanya na ma-miss ang magkaroon ng kumpletong pamilya.

            Maya-maya ay napatingin siya kay Terrence. Totoo kayang nahanap na nito si Rachelle? Ibig sabihin ay mahahanap na rin nito ang anak nito. Magkakaroon na ito ng pamilya...pagkatapos nilang magkahiwalay.

            Dati, handa na siya sa paghihiwalay nila. Noon, alam na niya ang posibilidad na mahanap na nito si Rachelle at ang anak nila. Pero ngayon, lihim niyang hinihiling na sana hindi pa nito tuluyang mahanap sina Rachelle.

            Alam niyang nagiging makasarili na naman siya kaya naman pinipilit niyang alisin iyon sa isipan.

            Ngayon, alam na niya kung anong epekto sa kanya ng "pretend love" na hiningi niya rito. Akala niya gusto niya lang maranasan kung paanong magmahal si Terrence kahit isang buwan lang.  But now, she wanted it to be forever. However, it's not possible.

❤❤❤

"SAAN TAYO pupunta?" sabik na tanong ni Eunice kay Terrence nang ayain siya nitong lumabas ng bahay. "Papasyal ba tayo ng Monte Amor?"

            Ngumiti ito. "Papasyal tayo pagkatapos ng hinandang party sa plaza."

            Tumango siya. "Iyon ba ang sinasabi ni Mama Theresa na hinanda raw ng mga kamag-anak mo?"

            "Yup. Parang reunion party. Ngayon na lang kasi nagkasabay-sabay na umuwi kami ng mga pinsan ko rito," sabi nito. "Is it okay if we'll just walk? Hindi naman ganoon kataas ang araw."

            Tumango siya. "No problem with me." Naka-walking shoes naman siya kaya naman walang problema sa kanya kahit gaano pa kalayo ang lalakarin nila.

            Hinawakan nito ang kamay niya na parang normal lang nitong ginagawa at pagkatapos ay naglakad na sila papunta sa plaza na sinasabi nito.

            Ang akala niyang plaza na sinasabi nito ay nasa bayan pa. Pero hindi pala. "Plaza" lang pala ang tawag ng mga ito sa isang malaking gazebo na malapit sa baybayin.

            Eunice was pretty amazed when he saw a huge crowd having fun in the big gazebo. May mga makukulay pang banderitas na nakasabit sa loob. Parang isang fiesta.

            "O! Dumating na si Terrence! May kasamang diyosa!" bigla na lang sigaw ng isang matanda na may katabaan at nakatayo mismo sa bungad ng gazebo.

            "Tito Max, hindi niyo naman po kailangang i-announce," natatawang sabi ni Terrence saka nagmano sa matanda.

            "Panganay na kapatid siya ni Mama. Siya si Tito Max," bulong sa kanya ni Terrence.

            Tumango siya rito at lumapit kay Tito Max. "Good morning po. Ako po si Eunice," aniya at saka nagmano rito.

            "Aba'y pagpalain ka ng Diyos, Eunice. Hindi ako nakarating sa kasal niyo kaya hindi ko akalain na napakaganda mo palang bata."

            Napangiti siya. "Thank you po."

            "Kuya Terrence! Kuya Terrence!" May isang batang lalaki ang lumapit kay Terrence.

            "O, Red! Ang laki mo ng bata ka!" Terrence patted the boy's head. "Siya nga pala si Red, Eunice, pinakabunso naming pinsan. He's ten years old." baling ng asawa sa kanya.

            "Hi, Red!" bati niya sa bata na nginitian naman siya.

            "Hello po, kayo po ang asawa ni Kuya Terrence?" tanong nito. "Bakit po ang ganda niyo?"

            She chuckled at parang nahiyang sagutin ang tanong na iyon. Well, sanay siyang tinatanong nang ganoon, pabiro man o hindi ay nasasagot niya iyon dati. Pero, ngayon ay nahiya na siya ng isang bata na ang nagtanong?

            "Ang hula ko...," biglang singit ng pinsan ni Terrence na si Andrew. She remembered him easily because of his mucles. Ito yata ang pinaka-well fit sa mga magpipinsan. "Kaya ganito kaganda si Eunice dahil sa past life niya ay isa siyang diyosa ng kagandahan."

            "At ako ang diyos ng kaguwapuhan!" singit naman ni James. Natandaan niya ito dahil sa kakaibang accent nito. British maybe.

            "Pa-uso ka," natatawang sabi ni Titus. "Kung ikaw ang diyos, ano pa 'ko?"

            "Hello, Eunice!" Bago pa siya mahalikan ni Jude ay naitago na siya ni Terrence sa likod nito.

            "Ang alam ko, si Red ang kausap namin, e. Huwag nga kayong papansin," saway ni Terrence sa mga ito.

            "Seloso!"

            "Halika na, Eunice, papakilala kita sa mas matino kong mga pinsan at kamag-anak." Iginiya na siya ni Terrence sa loob ng gazebo. Iniwan nilang nagtatawanan ang mga pinsan nito.

            Napasinghap si Eunice dahil sa dami ng mga tao. Kung tatantiyahin ay mahigit limampung tao ang nandoon, hindi pa kasama ang mga bata. Napakalaki nga talaga ng get together na iyon.

            Maya-maya pa'y sinimulan na siyang ipakilala ni Terrence sa iba pang mga kamag-anak nito. Masyadong maraming pangalan na tinandaan si Eunice. Buti na lang, matandain siya sa mukha at pangalan kaya walang problema. Ang kaso hindi niya lang talaga akalain na pati pa pala fourth degree cousin ni Terrence ay makikilala niya.

            At nang makilala niya pa ang mga pinsan ni Terrence ay napakahigpit ng hawak nito sa kamay niya. Parang ayaw talaga siya nitong pakawalan. Napapansin niya rin na habang nakikipagkuwentuhan siya sa mga pinsan nitong babae, ay gumagawa ng paraan ang mga iyon na mahila siya palayo kay Terrence. Ngunit hindi talaga hinayaan ng asawa na mahila siya ng mga iyon. Walang alam ang mga ito sa tunay na sitwasyon nila ni Terrence kaya nagiging maingat sila.

            Maya-maya pa'y nagsimula na ang munting programa na hinanda ng mga ito. Maraming mga palaro sa mga bata at kahit sa mga matatanda. Napuno ng tawanan at tilian ang buong gazebo nang sumali ang mga pinsan ni Terrence na mga walang damit pang-itaas! They were all shirtless while playing under the hot sun.

            "Terrence! Sumali ka nga rito!" sigaw ni Matthew. "Ang daya mo, kami lang naarawan dito!"

            "Sumali ka na, Kuya Terrence!" sabi pa ni Demie—second cousin ni Terrence. "Sumali ka sa mga nag-uumapaw na kaguwapuhan doon."

            Napalingon sa kanya si Terrence. "Okay lang sa'yo?" tanong nito sa kanya.

            "What do you mean?"

            "Na iiwan muna kita rito sandali?"

            Nginitian niya ito. "Don't worry, I can manage. Sumali ka na roon," pilit niya rin dito.

            Tumango ito at sumama sa mga pinsan nito. "Agawang Buko" raw ang lalaruin ng mga ito.

            "Ang daya! Naka-shirt pa si Terrence! Take it off!" sigaw ng mga kamag-anak nito.

            "Take it off! Take it off!"

            "Gusto niya raw si Eunice, maghuhubad! Hoo!" sigaw ni Peter. Binatukan naman ito ni Terrence.

            Eunice just laughed when the crowd urged her to go to Terrence and take off his shirt. Pero pinigilan siya ni Terrence nang lalapit na siya rito.

            "It's okay. Maarawan ka pa. Masyadong mainit," anito sa kanya.

            Umani sila ng mga tuksuhan mula sa mga tao. Then, Terrence slowly took off his shirt. Sumabay sa naging tilian sina Matthew na ikinatawa ng mga tao.

            Si Eunice naman ay napalunok. Is Terrence slowly taking off his shirt or... kusang slow motion lang talaga ang tingin ni Eunice habang naghuhubad ito?

            Hinding-hindi nagpapahuli ang katawan ni Terrence sa mga pinsan nito.

            Binato ni Terrence ang shirt nito sa kanya. Agad naman niyang nasalo iyon at napangiti. She started cheering for his husband.

            "Alam mo ba na mahirap pilitin si Kuya Terrence na sumali sa mga larong ganyan?" sabi sa kanya ni Demie habang pinapanood nila ang laro.

            "He's really a killjoy, huh?" biro niya.

            Tumawa ito.

            "Hindi naman sa KJ," sabi naman ni Charlette –isa pang pinsan ni Terrence, third degree. "Noong bata pa kasi sina Kuya Terrence, medyo ahm... lampa siya."

            "Really?" 'di makapaniwalang sabi niya.

            Tumango sina Demie at Charlette.

            "Madalas siyang mapagtawanan. Pero sa lahat siya ang pinakagusto ng mga kamag-anak namin," ani Demie.

            "Pa'no, siya lang naman ang humble kung ikukumpara mo kina kuya Matt," natatawang sabi ni Charlette.

            Napangiti siya. Totoo naman kasi iyon.

            "Saka idol din siya ng mga bata rito. Minsan may tinuro siya sa mga bata, eh."

            "Ay, oo, natatandaan ko 'yan," sabi pa ni Demie. "Sabi niya sa mga bata rito noong huling dalaw niya na huwag daw mag-iisip ng masama sa isang tao."

            "Kahit daw ginawan tayo ng masama ng taong iyon."

            Napatingin si Eunice kay Terrence na masayang nakikipag-agawan ng buko sa mga pinsan nito.

            "Parang anghel si Kuya Terrence nang sinabi niya iyon, eh 'no, Demie?"

            "Oo nga. Ano pa nga ba 'yung sinabi niya noon, Charlette?"

            "Kaya raw ganoon kasi ang pag-ibig daw ay hindi masaya sa kasamaan. Hindi raw dapat natutuwa kapag napapahamak ang kapwa—kaaway mo man o masamang tao. Ang totoong mapagmahal na puso, hindi nagagalak sa kahit anong ikapapahamak ng iba."

            Tumawa si Demie. "Ang deep! May hugot feels!"

            Dahan-dahang napalingon si Eunice sa mga ito. "Sinabi iyon ni Terrence?" she softly asked. Ito na naman siya. Natatamaan.

            Dahil minsan niya nang hiniling na sana wala na lang si Rachelle sa buhay ni Terrence. Na sana hindi na lang ito nabuhay para wala siyang kaagaw kay Terrence noon at para masaya siya. Makasarili talaga si Eunice noon.

            "Oo! May example pa nga siya, eh. Kunwari daw may ginawang masama sa'yo ang isang tao, hindi ka nga gumanti pero tuwang-tuwa ka naman nang na-bad karma iyong taong iyon. Hindi raw dapat ganun, eh."

            Napakunot-noo siya. "Pero, hindi naman maiiwasan na matuwa ka dahil parang bumalik lang sa taong iyon 'yung ginawa niyang masama sa kapwa niya, 'di ba?"

            "Oo naman pero..." ani Demie. "Love does not delight in evil. Kung maiiwasan naman natin, bakit hindi natin subukan?"

            "Ang galing talaga ni Kuya Terrence, eh 'no? Saan niya kaya natutunan iyon?"

            Kay Terrence mismo galing ang mga salitang iyon. Ibig bang sabihin, tuwing nakikita siya nitong nasasaktan noon sa pagsasama nila bilang mag-asawa, hindi ito natutuwa? Nang umalis din ba siya last year ay hindi ito naging masaya?

            Bakit? Mahal ka ba?

            Napabuntong-hininga na lang siya. Terrence cared for her.

            Mahal ka bilang kapwa. Puwede na rin. Tukso pa ng isip niya.

            "May panalo na!"

            "Si Kuya Terrence ang panalo!" sigaw ni Charlette.

            Nanunuksong tiningnan siya ni Demie. "Inspired."

            Pinagtinginan din siya ng iba. "Dahil diyan may kiss dapat!"

            Pinagtulakan na siya ng mga tao na lumapit kay Terrence.

            Pawisan na ito at maraming buhangin sa katawan. Ilang beses din kasing nahiga ito sa buhanginan habang nakikipag-agawan ng buko kanina.

            "Congrats," bati niya rito habang pinupunasan ang pawis nito sa mukha. She tiptoed and kissed him on the cheeks.

            He smiled. "I did it for you."

            She sweetly smiled at him. "Marami ka nang ginagawa para sa'kin," makahulugang sabi niya rito. "Masasanay na 'ko niyan." Dahil kahit hindi ito mismo ang nagsabi sa kanya ng mga sinabi nina Demie, he made her realized something about love.

            Parang ang hirap lang na hindi maging masaya kapag na-karma ang mga gumagawa ng masama, but then, a loving heart never wanted bad things to happen to anyone.

            "Walang masama kung masasanay ka," sabi pa ni Terrence.

            "Pero—" hindi na natuloy ni Eunice ang sasabihin nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa kanyang bulsa. "Ahm, excuse me," paalam niya kay Terrence at saka ibinigay rito ang shirt nito.

            "Sure."

            Lumayo siya sa mga tao at saka sinagot ang tawag.

            "Hello?" sagot niya sa kabilang linya.

            "Good afternoon. Mrs. Eunice Aranzamendez?"

            "Yes. Who's this?"

            "Ma'am, I'm Atty. Ramses Avilla. Son of Atty. Henry Avilla," pagpapakilala nito.

            Bigla siyang napatuwid ng tayo. "Ahm, yes, Attorney. I've been waiting for your call about my matter."

            "Yes, yes, Mrs. Aranzamendez. Ahm, I tried to look for your case. Annulment case, right?"

            "Yes," mabilis ang sagot niya.

            "Are you sure about the case, Mrs. Aranzamendez?"

            Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "I'm sure about it, Attorney. Siya pa nga ang gumawa ng mga papeles at pinapirmahan sa asawa ko."

            "Well, Ma'am, wala pong kahit anong annulment case na hinawakan ang aking ama for the last year."

            "W-What?" naguguluhang wika niya. "I-I can't understand." Anong mga sinasabi nito? Paanong wala?

            "My father said, hindi naman pinirmahan ni Mr. Aranzamendez ang annulment papers kaya naman walang annulment case ang na-process."

            Nanlaki ang mga mata niya. Bigla siyang napahawak sa isang malaking bato sa tabi niya. Hindi pumirma si Terrence? Pero paanong...? Bakit...?

            "W-Walang annulment?"

            "No annulment case for you and your husband."

            Ngunit, sabi ng uncle Johnny niya ay pinapatawag nga siya ng korte kaya siya umuwi ng Pilipinas. Sabi pa ng kuya Eugene niya ay susuportahan daw siya nito sa araw ng final decision ng korte.

            Pero... walang annulment? How come?

            Napalingon siya kay Terrence na nakikipagkuwentuhan sa mga kamag-anak nito.

            Bakit umaarte ito na may totoong annulment pero wala naman pala itong pinipirmahan.

            "A-Are you sure about t-this, Attorney?"

            "Yes, Mrs. Aranzamendez. Hindi kayo maghihiwalay ng asawa niyo."


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 96.8K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
688 13 34
Etereala Joy Lorenzo was stuck in a hospital for ages after her whole family died. Due to this, she hid to the world. But what will happen if a funny...
55.5K 2.3K 16
C O M P L E T E D You have to keep your faith in order to experience the best fate.
41.5K 1.4K 27
• 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟱 - 𝟮𝟬𝟭𝟳 • (𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐓𝐫𝐢𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐)