Beautiful Days (Completed)

By YorTzekai

244K 7K 479

BOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala... More

Beautiful days (boyxboy)
Kabanata 1
kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 13
Kabanata 14- collab with SO INTO YOU of Ytianity!
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
WAKAS!

Kabanata 9

9K 267 12
By YorTzekai

"Totoo bang nakipaghalikan ka kina Kein at Auel?" tanong ni Clive sa akin na sobrang ikinagulat ko.

"Why did you want to know? Its just a game." sabi ko at tinungo ang cabinet para magkalkal ng damit.

"I don't know. I just don't feel good na hinahalikan ka ng ibang lalaki." aniya na dahilan kung bakit muli ko syang hinarap.

Tama ba narinig ko o dala lang ito ng nainom ko? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay parang lalabas ito sa katawan ko.

"Anong sabi mo?" ang naninigurado kong tanong. Gusto kong maka siguro kung hindi ba ako nililinlang ng pandinig ko. Dahil ang maka dinig ng mga ganon mula sa kanya ay parang nagbibigay sa akin.

Huminga sya ng malalim bago nagsalitang muli. "Nevermind. Sige na,mauna na akong lumabas." at lumabas na nga sya ng kwarto.

Anong problema nya? Bakit umaakto sya ng ganyan?

Ipinagkibit balikat ko na lamang ito at nagpalit na ng damit. Paglabas ko ng kwarto ay nagtatawanan na sila,paubos na din ang inumin. Tamang tama at antok na ako.

Tulad ng usapan ay naki sleep over nga sina Auel at Kein,ngunit sina Clive at Yannah ay umuwi. Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang ginagawa nila pag silang dalawa lang. At aaminin ko,masakit pala talaga ito.

Hanggang sa dumating ang araw bago ang sinasabing bakasyon ni Leer sa Isla Fuentebella. Sobrang excited ni Auel at buong araw tumambay sa coffee shop.

"Nakakailang kape na yang tropa mo?" ang tanong ko kay Kein habang tinitingnan si Auel na nasa labas,dun sa may payong naming table.

"I don't know. Sobrang excited lang siguro ng gago." ani Kein at bumungisngis. Hanggang sa may mag park na pamilyar na sasakyan. "Oopps! Nandyan na ang manliligaw mo."

Bumaba si Adonis sa kotse nya na naka suit pa. Ang gwapo talaga nya kahit na nasa early thirties na sya.

"Mamaya ko na sya haharapin. Marunong naman syang maghintay." at nagsimula ko ng ayusin ang mga table na iniwan ng mga costumer.

Hindi nauubusan ng tao ang shop,gwapo at magaganda ba naman ang mga crew. Napaka giliw pa sa mga costumer,kadalasan yung iba nagkakape nga pero tumatambay na din para lang makita at makausap ang mga paborito nilang crew,at ang pinaka mabenta ay si Cross kahit na medyo suplado sya.

Hanggang sa matapos na ang shift ko. Lumabas na ako at nginitian ako ni Auel,lalapit na sana sya ng lumapit si Adonis,kita ko kung paano nagsalubong ang kanyang mga kilay. Sinenyasan ko sya na maghintay,kaya napalingon din sa kanya si Adonis.

"I missed you Kloyy,Im sorry kung hindi ako nakipagkita this week. Maraming pending na trabaho at tinapos ko muna,so that mas marami na ang time nating magiging magkasama." aniya pagkatapos akong halikan sa pisngi.

Nagulat ako. Alam ko may ilang nakakita at hindi ako sanay sa ganon. Para mawala ang pagiging akward ng moment ay ngumiti na lamang ako.

"Tara,maupo muna tayo,ipapakilala kita sa kaibigan ko." at hinila ko si Adonis papunta sa pwesto ni Auel. "Auel this is Adonis,Adonis this is Auel." pagpapakilala ko at naglahad ng kamay si Adonis,tinanggap ito ni Auel.

"Nice to meet you. Im Adonis,manliligaw ni Kloyy." at halos sabay kaming napanganga ni Auel. Hindi ko alam kung tama ba itong sinabi ni Adonis o hindi.

"Ah. Ganon ba? Nice." ang tanging nasabi na lang ni Auel at tiningnan ako ng may mga matang nagtatanong. Naupo na kaming tatlo. Sumenyas si Adonis at lumapit si Jaii,umorder sya ng tatlong slice ng blackforest at dalawang chocomouse,samantalang sa kanya naman ay purong kape.

"Uhm,by the way,may out of town swimming kami. Would you like to come?" ang tanong ko kay Adonis. Wala lang gusto ko lang sabihin.

"San naman? Tamang tama,free na ako simula bukas." nakangiting sabi ni Adonis. Si Auel naman ay tahimik at nakikinig lamang.

"Bukas na yon. Sa isla Fuentebella." sagot ko. Bumalik na si Jaii kasama si Kein at nilapag na sa mesa ang order namin.

"Oh. Sige,magpapa book na ako ngayon. Im sorry Kloyy and Auel,but I have to go." ani Adonis,tumayo,naglapag ng pera sa mesa at mabilisan akong hinalikan sa labi saka umalis.

"The fox. DOM Kloyy? Really?" ang hindi mapigilang react ni Auel ng tuluyan ng maka alis si Adonis.

"Hindi sya DOM! Tumigil ka nga dyan!" ani ko at tumawa lang ang ungas. Inubos na namin yung cake.

"San tayo?" ani Kein na naka bagpack na. Tapos na din ang shift nya.

"Kina Kloyy muna tayo,dun ako matutulog para hindi ako maiwanan bukas!" sagot ni Auel at tumawa. Napailing na lamang kami ni Kein.

"Excited!" ani Kein.

"Syempre! Bakit hindi ka na lang sumama?"

"That's a good idea! Hintayin nyo ako,magpapaalam lang ako kay Maam Emi." at pumasok ulit sa loob ng coffee shop si Kein.

Kinabukasan,maaga pa lang ay gising na ako at naglinis ng bahay,natutulog pa din si Auel sa sofa. Hindi ko pa sya ginigising dahil hinihintay ko ang tawag ni Adonis. Hanggang sa may kumatok sa pinto,pag bukas ko ay si Kein,kasama si Clive at Yannah.

"Pasok kayo." ang sabi ko na lamang. Binulabog nila si Auel at lumabas muna ako. Sakto nagpark ang kotse ni Adonis sa tapat ng bahay.

"I know its late,pero pwede mo bang tawagan ang kaibigan mo at sabihing susunod na lang tayo?" ani Adonis ng papasok na kami sa bahay.

"Sige,pero madami tayo eh." ani ko,pumasok na kami sa loob at tumahimik silang lahat. Ipinakilala ko si Adonis kina Clive at Yannah.

"Ganito na lang. Mag commute na lang tayo papuntang airport. Iwan natin ang ating mga sasakyan dito." ang suhestyon ni Adonis na sinang ayunan ng lahat. Kaya agad kong tinawagan si Leer.

"Ngayon mo lang naisipang tumawag? Pumunta na kayo ni Auel dito. Hindi kami aalis hanggat wala kayong dalawa." ani Leer.

"Eh kasi,ano uhm."

"Hintayin namin kayong dalawa." at naputol na ang tawag.

"Adonis,guys." ang nahihiya kong pagtawag pansin sa kanila. "Pwedeng mauna na kami ni Auel? Yon ang protocol eh."

"Its okay my dear. Kami na lang nitong mga kaibigan mo ang magsasabay papunta dun." nakangiting sabi ni Adonis. Ngumiti din ako,napaka baet nya at napaka maintindihin.

"Salamat!"

"Wala yon. Now go." lumapit sa akin ito at hinalikan ulit ako ng mabilisan sa labi,kitang kita ko ang pag igting ng mga bagang ni Clive. Bago pa ako maka react ay hinila na ako ni Auel.

"Tara na!" at kinaladkad ako ni Auel palabas ng bahay.

Pagdating sa meeting place ay nagulat ako. Apat na helicopter ang sasakyan namin.

"Woo! Ang astig nito tol!" ani Auel kay Leer matapos naming makipag kamustahan.

Agad kong napansin yung mga hapon. Napansin ni Leer na nakatingin ako sa mga ito kaya ipinakilala nya kami.

At napag alaman kong yun pala yung Kii,ang pinsan nitong si Chibikii at ang boyfriend nung Kii na si Mamoru. Teka? Boyfriend?

Kaya pala malungkot mga mata ni Leer. Tsk,kawawa naman sya.

"Yung mga kaibigan namin susunod." ani ko sa mga ito.

"Ayos yan! The more the merrier!" maligalig na sabi ni Winji.

"Mukhang mag eenjoy tayo sa bakasyong ito." dagdag pa ni kuya Uriel.

Sa buong byahe ay hindi ko maiwasang mamangha. Ganito pala ang pakiramdam pag nasa himpapawid. Napaka ganda ng mga nadadaanan. At si Auel naman ay panay ang picture. Grabe ang adrenaline rush nya,pakiramdam ko hindi ko kayang tapatan.

At nang marating namin ang Isla Fuentebella ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Napaka puti ng mga buhangin,napaka asul at linaw ng dagat. Kaya pagbaba pa lang ng helicopter ay kanya kanya na ng kuha ng litrato,may group picture din na ang kumuha ay isang foreigner na napadaan lamang.

Magkasama kami ni Auel sa kwarto. Wala namang kaso sa akin yon,basta huwag ko lang maaalala yung halikan namin dahil paniguradong maiilang ako.

Sakto tanghalian ay magkakasabay kaming lahat na kumain sa restaurant ng hotel. Masasabi kong ang astig lang ni Mister M at talagang ginastusan nya kami. Pero may iba din akong nararamdaman. Pakiramdam ko may mangyayaring hindi namin magugustuhan.

Pagkatapos ng lunch ay nagkaroon ng bonding ang lahat. Dun ko nakausap si Kii,at masasabi kong may pinagdadaanan din sya,kita ko din kung paano nya tingnan si Leer. Ganun ako kay Clive.

Pero kung si Leer ang mahal nya? Bakit si Mamoru ang boyfriend nya? Napaka komplikado naman ng pag ibig,kaya takot talaga ako eh. Pero pag naiisip ko si Adonis parang pakiramdam ko ay kaya kong lumaban.

Ilang saglit pa ay dumating na sina Adonis. Sinamahan ko sila sa reception area,kumuha sila ng kwarto. Hindi lang ako mapakali dahil alam kong tinitingnan ako ni Clive.

At sa totoo lang naiinis ako sa pinapakita nya. Hindi man lang sya nahihiya kay Yannah na tinitingnan nya ako ng ganon. Hindi ako natutuwa,ayoko mag assume pero kasi naman hindi ko maiwasang mag isip ng iba. At ayokong maging dahilan ng pag aaway nila kung sakali.

Sinamahan ko si Adonis sa suit nya.

"Bakit hindi ka na lang lumipat dito sa kwarto ko?" ani Adonis habang inaayos sa cabinet ang mga damit nya,isang linggo kaming mananatili dito sa Isla Fuentebella.

"Nako,nakakahiya naman. Pero huwag na." ang maayos kong pagtanggi.

"Dapat nga tayo ang magkasama dito. Para na din tayong mag karelasyon diba?" ang pabulong nyang sabi sa tenga ko.

"Uhm-" ngunit bago pa ako makapag salita ay siniil nya ako ng halik. Parang makina na automatiko akong tumugon. Hanggang sa muli nya akong angkinin sa ikalawang pagkakataon.

"Kailan mo ako sasagutin?" nakangiting sabi ni Adonis habang nagbibihis ako,samantalang sya ay naka hubo't hubad pa ring nakahiga sa kama.

Napaisip ako bigla. Gusto ko si Adonis,gusto ko ang ginagawa namin. Pero pakiramdam ko talaga ay may maaapakan akong tao pag sinagot ko sya. Isa pa,ayokong magmadali,gusto ko pang mas magkakilala kami.

"Pwedeng pag isipan ko muna? Hindi pa kasi ako nakikipag relasyon eh,at kung sakali ikaw ang una at hindi ko alam ang gagawin." ang tapat kong sabi. Gusto kong maging honest kay Adonis.

"Okay dear. I'll wait,hindi kita mamadaliin." aniya. Tumayo at hinalikan ako sa labi.

Nasasanay na ako,dama ko na,na sobrang napapalapit na ako kay Adonis. Pero gusto ko kasi,kung magiging kami ay wala na akong pagtingin kay Clive.

At pinapanalangin kong mawala agad iyon. Pero sabi naman nila natutunan ang pagmamahal. Mabait si Adonis at ramdam kong hindi nya ako sasaktan.

Lumabas na ako sa suit ni Adonis na pre occupied ang pag iisip.

"Anong relasyon nyo nung Adonis na yon?"

Sabi ng isang boses na ikinagulat ko. Nilingon ko ito.

"Clive!"

Continue Reading

You'll Also Like

40.6K 1.6K 23
(Highest rank: # 2 ) Tatlong taon narin ang lumipas magmula ng lumipat sila Kristian sa tapat ng bahay namin at sa tatlong taon nayun ay lihim ko sya...
129K 2.3K 11
BOYXBOY GAY BROMANCE YAOI ~ Side story of AMIEL and KYROO from HE's DATING A BEKI. Alamin ang makulit na buhay pag ibig nila. NOTE: This is a short s...
581K 40.8K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
116K 2.7K 21
BOYXBOY GAY YAOI BROMANCE -- Nabigo ka. At sa araw ng pagpaparaya mo para sa taong mahal mo ay bigla namang dumating ang taong magpapatibok ulit ng p...