Love at its Best (Love Series...

By FGirlWriter

6.8M 123K 9.8K

What is love? Written ©️ 2014 More

Prologue: What is Love?
Chapter 1: Love at First Sight
Chapter 2: Chasing Love
Chapter 3: Love to Fight For
Chapter 4: Loveless Marriage
Chapter 5: Letting Love Go
Chapter 6: Love to Pretend
Chapter 7: Love that is Patient
Chapter 8: When Love is Kind
Chapter 9: It does Not Envy
Chapter 10: Does Not Parade Itself
Chapter 11: Is not Puffed Up
Chapter 12: Does not Behaved Rudely
Chapter 13: Always Beautiful
Chapter 14: The Ex-boyfriend, First kiss, and Bestfriend
Chapter 15: Is Not Self-seeking
Chapter 17: Keeps No Record of Wrongs
Chapter 18: Does Not Delight in Evil
Chapter 19: Rejoices with the Truth
Chapter 20: Surrendering to Love
Chapter 21: Love Always Protects
Chapter 22: Love Always Trusts
Chapter 23: Love Always Hopes
Chapter 24: Love Endures All Things
Finale Chapter - Chapter 25: This is Love
Epilogue: Love at its Best

Chapter 16: Not Easily Angered

235K 4.1K 369
By FGirlWriter

Chapter 16: Not Easily Angered

"Love is not provoked. Love is not given to emotional outbursts, is not exasperated by petty annoyances, and refuses to let someone else get under one's skin." ~Steven Cole

***

NAPASIMANGOT SI Eunice nang sa ika-limang subok niya sa pagtawag sa kanyang abogado ay wala na namang sumagot. Ilang beses na rin siyang nagpadala ng email at wala pa kahit isang reply ang matanda at respetadong abogado na si Atty. Avilla.

            Mukhang kailangan na niyang puntahan ang kapatid niya. Kailangan na naman niyang manghingi ng tulong rito. Lalo siyang napasimangot. Ayaw na ayaw pa naman niyang  humihingi ng pabor sa kapatid niya. Pangako niya na huli na ang paghingi niya ng tulong sa kuya Eugene niya noong nagpatulong siya rito para sa annulment case. Kaya nga siya nagkaroon ng abogado na nag-asikaso ng lahat magmula nang bumalik siya ng Paris more than a year ago dahil sa kuya Eugene niya. Pero hindi naman niya ma-contact ngayon si Atty. Avilla.

            Hay... malapit nang humarap sa korte pero wala naman akong abogado. No choice. I need to go to Kuya Eugene. Baka alam niya kung may bagong contact number si Attorney.

            Napabuntong-hininga na lang siya at saka ibinaba ang cellphone niya nang sa ika-anim na pagtawag ay wala pa rin. Pumunta na lang siya ng dining area. Saktong naroon na rin si Terrence. It's time for their breakfast.

            "Ang aga-aga, nakasimangot ka," pansin ng asawa pagka-upo nila.

            She pouted her lips. "Don't mind me. May kailangan kasi akong asikasuhin."

            "Ano naman iyon?" tanong pa nito habang inaabot ang tasa ng kape na itinimpla niya para rito.

            She sighed. "Hindi ko kasi ma-contact si Atty Avilla, my lawyer. Sinong kasama ko sa korte by the final decision ng annulment kung 'di ko naman siya makausap?"

            Napansin niyang tila nasamid ito habang umiinom.

            "Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong niya rito. "Masama ba ang lasa ng kape?"

            Umubo-ubo ito. "N-No. Napaso lang dila ko."

            "Ah," tumatangu-tangong wika niya. Kumuha siya ng wheat bread.

            "Anong p-plano mo?" tanong pa nito.

            "I'm going to kuya Eugene maybe by tomorrow. Baka alam niya kung paano ko mako-contact si Attorney," sabi niya sabay kagat sa tinapay.

            "Anyway, gabing-gabi na pala ako uuwi mamaya. I'm going to visit some construction sites by afternoon and then, may general board meeting mamaya," pag-iiba nito ng usapan. "Kung hindi ako makakahabol sa dinner, huwag mo na lang ako hintayin. But, I'll try to get home as soon as I can. Para masabayan kita."

            Hindi alam ni Eunice ngunit biglang nawala ang simangot sa mukha niya at napalitan iyon ng ngiti sa mga labi. That's what real husbands do. Tila nagpapaalam ito sa kanya bilang asawa talaga nito. Nabasa niya noon sa isang libro na napapakita ng mga husbands na importante sa kanila ang mga asawa nila kapag tila nagpapaalam ang mga ito rito. Terrence doesn't want her to get worried in case that he got home late.

            Eunice, Eunice, 'wag masyadong madala. More than two weeks na lang, remember?

            Lihim niyang sinimangutan ang konsensya dahil doon. More than two weeks na lang naman, she'll enjoy it anyway.

            "Okay. I'll just wait for you later," nakangiting sabi niya rito. Because of that, some wifely instincts rose inside her. Kaya naman sobrang inasikaso niya ito. "Dapat kumain ka nang marami ngayong breakfast. Ang dami mo palang activities mamaya." Halos mapuno ang plato nito pagkatapos niyang lagyan iyon ng pagkain.

            Tiningnan siya nito. "Mauubos ko kaya 'to?"

            "Ahm... siguro. You must finish it para marami kang energy for later." Kumagat ulit siya sa tinapay na kinakain niya.

            "Napapansin ko laging wheat bread lang ang kinakain mo sa umaga, " anito habang sinisimulan ang mga nilagay niya sa pinggan nito.

            "I'm maintaining my figure. Ayokong tumaba. I'm practicing proper diet para hindi ako mahirapan mag-burn ng fats."

            Umiling-iling ito. "Come here," utos nito. Sumenyas pa ito gamit ang daliri.

            "Why?"

            "Just come closer."

            Inilapit niya ang upuan sa tabi nito.

            "Closer."

            Inilapit niya lalo hanggang sa magkadikit na ang mga upuan nila.

            "More closer," utos pa ulit nito.

            Napakunot-noo siya. "Terrence, magkatabi na tayo."

            Umiling ito at saka ngumiti nang nakakaloko. "Stand up."

            Tumayo naman siya. Ano bang plano ni—Impit siyang napatili nang bigla na lang siyang hilahin nito. She's now sitting on his lap!

            "Terrence!"

            "Now, I'll teach you how to eat properly," nakangiting sabi nito bago tumusok ng ham at bacon gamit ang tinidor. Tinapat nito iyon sa bibig niya.

            Umiling siya. "No, Terrence. Too much cholesterol. I'm happy with my bread."

            "Come on, baby. Tulungan mo 'kong ubusin ang pagkain. I can't eat all these."

            Lumabi siya. "But..."

            "Hindi ka tataba mamaya kung kakain ka lang ng mga ito. Huwag ka puro wheat bread lang. You have to."

            "But, I'll easily gain wait!"

            He chuckled. "Who cares?" Nilapit pa nito sa kanya ang pagkain. Lumayo naman siya.

            "Terrence naman, eh," angal niya pa ngunit mapilit ito.  Biglang may naisip si Eunice. "Aha!" She faced Terrence. "Sige, papayag na 'ko to finish all of these with you."

            "Very well."

            "But!" she smiled playfully, "you'll kiss me."

            Tila nasorpresa ito sa sinabi niya. But, then, he sexily smiled. "Saan?"

            Eunice giggled. Tila kiniliti ang puso niya dahil sa pilyong tanong nito. "You decide. Basta sa bawat pag-kain ko, dapat may kapalit na kiss."

            Tumango ito nang isubo na nito ang ham at bacon sa kanya at kinain niya na iyon.

            He kissed her left shoulder. Tumusok ulit ito ng pagkain at ito naman ang kumain. They were sharing the same food, plate, and fork.

            Kumuha na rin siya ng sariling tinidor maya-maya at sinubuan niya na rin ito. Nagtatawanan pa sila nang sinadya niyang lakihan ang isinubo niyang pagkain dito. Sa bawat pagkain naman niya ay hinahalikan siya nito sa balikat, magkabilang pisngi, braso, at kamay.

            Well, she must admit. She's enjoying their playfulness. She might gain weight later... but she'll never trade a "sweet" moment like this with Terrence.

            Isang subo na lang ay tapos na ang pagkain nila. Sa kanya ang huling subo kaya naman may isa pa siyang halik mula kay Terrence.

            When she finished eating, she playfully looked at Terrence. He smiled at her.  "You should eat like this more often. Pinakamahalagang parte ng araw ang pagkain ng breakfast. Just work-out after if you really want to be fit."

            "Okay. So, where's my kiss?" parang batang sabi niya.

            "Close your eyes."

            Napaangat siya ng kilay. "Why?"

            "I'll kiss you."

            Napakagat-labi siya habang napapangiti. "Where?"

            "You know where," he chukled.

            So, she closed her eyes. Kasabay niyon ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya. Lalo na ng hawakan ni Terrence ang magkabilang pisngi niya.

            Then, she felt Terrence's thumb crossing her lips. Her heart pound harder. Lumipat ang isa nitong kamay sa kanyang batok. He grabbed it and—

            "Ma'am Eunice, may bisita po kayo!" sigaw ni Mang Emman mula sa sala.

            Sabay pa silang napa-facepalm ni Terrence. "Lagi na lang," Terrence murmured.

            Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa hita nito. She breathe out. Ano bang meron at lagi na lang sumisingit si Mang Emman sa "tamang" oras?

            Speaking of Mang Emman, nakangiti itong lumapit sa kanila. "Ma'am, nandyan po ulit si Sir Geoff. Hinahanap po kayo."

            Nagsalubong ang mga kilay ni Terrence. "Why is he here, again?"

            Nagkibit-balikat siya at saka mabilis na pumunta ng sala.

            "Bonjour!" masiglang bati ni Geoff sa kanya sabay yakap sa kanya nang mahigpit.

            "Good morning," bati naman niya. "I thought maghahanda ka ngayong araw para sa pagpunta mo ng Isabela tomorrow?"

            "Yeah. Pero kilala mo naman ako. Hindi ko kayang hindi ka nakikita kung alam kong malapit ka lang naman," malambing na sabi nito.

            Kinurot niya ang magkabilang pisngi nito. "You're so sweet!"

            Akmang hahalikan siya nito nang may mabilis na humila kay Eunice palayo rito.

            "You, again," wika ni Terrence na siyang humila sa kanya.

            Ngumisi si Geoff. "And you're grumpy again in the morning."

            "Geoff," saway ni Eunice dito. Bumaling siya kay Terrence. "Don't mind him."

            "I won't if he'll stop hugging and kissing you," seryosong sabi ni Terrence. Nawala na ang pagka-playful nito kanina.

            "Dude, that's pretty normal. We're friends! Bestfriends," sagot pa ni Geoff. Hinila siya nito at inakbayan. "We did that a lot of times already in France. Walang malisya."

            Mahinang siniko niya ito. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit pa nito kailangang sabihin na ganoon ang normal gestures nila sa Paris. And what's with Terrence being grumpy?

            Mula sa pagkakaakbay ni Geoff sa kanya ay hinila muli siya ni Terrence palayo sa kaibigan.

            May sasabihin sana siya nang nananadya na inakbayan ulit siya ni Geoff. Pero hinila siya ulit ni Terrence palayo.

            "Ahm, guys? What the hell?" aniya nang maulit pa ulit iyon. Tila nag-tug of war ang mga ito.

            Geoff laughed. "We're playing. And you're the prize. Isn't it exciting?" parang batang sabi nito.

            Walang sinabi si Terrence pero nakakunot pa rin ang noo nito.

            Napailing-iling na lang si Eunice at lumayo sa dalawa.

            "So why are you here, Geoff?" tanong niya sa kaibigan.

            "Aayain sana kita mamayang gabi ulit. Let's go to a bar! Let's party!" he invited.

            Biglang nagningning ang mga mata ni Eunice. She missed going to a bar! "Oh, I would love to—"

            "No," mariing sabi ni Terrence. "You're not going, Eunice."

            "What?" malungkot na tanong niya. "Why?"

            "Because I said so," seryosong sabi nito at saka biglang tumalikod. He went upstairs.

            "Uh-oh," tanging reaksyon ni Geoff. "I better go. Call me kapag pinayagan ka na." Kinindatan siya nito. Then, he went off.

            Napabuga ng hangin si Eunice. Sinundan niya si Terrence sa taas. Bakit naman kasi ganoon lang ang rason nito? She can't have fun in the bar because he said so?

            That's irrational!

            "Terrence, I think wala namang masama if I'll go to a bar later tonight," bungad ni Eunice pagpasok pa lang ng kuwarto nila. Nakita niya si Terrence sa walk-in closet na nagsusuot ng gray long-sleeved polo nito.

            "A bar is a dangerous place, Eunice. Gabi pa. And you'll surely drink," sabi nito habang nakatalikod sa kanya. "Baka mapahamak ka."

            Napaismid siya. "Mapahamak? I'm not a clueless teenager anymore that sneaks in a club! I'm already twenty-three!" she snapped.

            Humarap ito sa kanya. "I know, Eunice. But, still bar pa rin iyon."

            "I'm with Geoff naman later. He'll surely take care of me. Hindi niya 'ko hahayaang mapahamak. And besides hindi naman niya siguro ako dadalhin sa hindi safe na lugar. I trust Geoff."

            "Ang sabihin mo gusto mo lang siyang makasama mamaya," nagtatagis ang mga ngipin na sabi nito. "Pinahaba mo pa."

            "What?" 'di makapaniwalang sabi niya. Napailing na lang siya. "I want to go to the bar because I miss partying. And yes, I want to go with Geoff because he's not KJ like you!"

            "Too bad I'm your husband. Kapag nagkahiwalay na tayo, saka mo siya pakasalan and you can party every night in a bar." Tinalikuran na naman siya nito at akmang lalabas na ng kuwarto nang pigilan niya ito.

            "Terrence? Bakit ka ba ganyan?" nagtatakang wika niya. "Kahapon, okay lang naman sa'yo na magkasama kami, ah? Now, it's a big issue?"

            "Then, fine! Sumama ka sa kanya. Go to the bar, get drunked, and make out with your fun bestfriend!" he burst out right in front of her face.

            Napasinghap siya. "I don't make out with Geoff!" Tumaas na rin ang boses niya katulad nito. "Geoff never took advantage whenever I'm drunk! And I'm sure as hell, I'm not a cheap slut when I get wasted!"

            "Really?" tuya pa nito. "Because the last time I saw you drunk, we end up lavishing each other, didn't we?"

            Parang may mabilis na sibat ang tumusok sa dibdib ni Eunice at eksaktong nabaon iyon sa puso niya. She treasured that first and only intimate night she had with Terrence before she left a year ago. He's the first and only man she shared it with. Pero sa tingin lang nito ay lasing siya kaya siya bumigay. Lasing lang sila pareho kaya nangyari iyon.

            Nangilid ang mga luha sa mata ni Eunice. Napayuko na lang siya. "I-I'm still not a slut..." bulong niya na narinig ni Terrence.

            "E-Eunice..." mahinahon na ngayon ang tinig nito. He reached for her but she stepped away.

            "You're going to be late for work," sabi na lang niya habang nakatalikod na rito. "You better go."

            "Eunice—"

            "Just go!"

            Huminga ito ng malalim. "Damn it," he silently cursed before she heard the door closed.

            Kinuha niya ang cellphone at umupo sa gilid ng kama.  Pinunasan niya ang mga luha at tinawagan si Geoff."

            "Hey! So, what's up?"

            "Pick me up at nine PM. Let's have some party."

❤❤❤

MASAMANG tiningnan ni Terrence ang kaibigang si Dale nang tumawa ito pagkatapos niyang ikuwento rito ang naging pag-aaway nila ni Eunice.

            "Wow! Dale, that helps," sarkastikong wika niya sa kaibigan.

            "Looks like you will be sleeping on the sofa later, Mister," biro pa nito.

            Napabuga siya ng hangin. Hindi naman niya gustong masaktan si Eunice. But she said he was a KJ not like Geoff! Nainis siya kaya siguro kung anu-ano ang pinagsasasabi niya.

            "Hindi naman kasi iyon ang gusto kong sabihin, eh." Nasipa niya ang isang maliit na bato. Kasama niya ito ngayon sa paglilibot ng malalaking project sites ngayon ng Sagittarius. Although he's now the Vice President, tumutulong pa rin siya sa pagpa-plano ng mga project at sa pagsisigurado na maayos na nagagawa iyon.

            "Tsk, tsk, tsk. Sasabihin mo lang naman kasi na nagseselos ka. Pinaiyak mo pa si Eunice."

            Matalim niyang tiningnan ito. "Bakit naman ako magseselos?"

            Iiling-iling ito. "Pare, hinding-hindi ko makakalimutan kung paanong pina-rush mo ang pagpapa-research sa'kin ng 'biography' ni Geoffrey Martin nang nasa Paris ka ten months ago. The two of you almost had the same achievements. Graduated with honors, trusted leader, and many other excellent records. Isa siyang mahigpit na kakompetensiya," anito. "Kaso, hindi siya KJ. Lamang ng isang paligo, dude!" pang-aasar pa nito sa kanya.

            Kasalanan niya bang hindi siya kasing-masiyahin katulad ni Geoff?

            "Minsan pare, ilabas mo rin 'yang pagka-cheerful mo at nang hindi ka nasasabihan na KJ," tumatawa pa ring sabi ni Dale.

            Napatingin siya sa kaibigan. Dale used to be more serious than him ngunit nang magpakasal ito eight months ago. He loosened up. At ngayon nga, pinagtatawanan pa siya nito na parang aliw na aliw pa sa pag-aaway nila ng asawa.

            Ngunit maya-maya ay sumeryoso na ito. "Alam mo, Terrence. Sigurado namang hindi rin iyon ang gustong sabihin ni Eunice but well, you provoked her to be mad at you. Na-provoke ka rin niya at 'ayan na nagkasakitan na kayo."

            Terrence sighed.

            "Sabi ng misis ko, love does not provoke," Dale shared. "It's not easily angered. Hindi ka gagawa ng mga bagay o magsasabi ng mga salita na puwedeng ikagalit sa'yo ng isang tao. Hindi ka rin papatol kapag ikaw naman ang ginalit. Because it's a cycle." Itinaas pa nito ang mga kamay at nag-gesture ng isang 'cycle'. "Kapag pumatol ka, papatulan ka rin pabalik, eh. At siguradong papatulan mo lang ulit and then it goes on and on..."

            "I know," mahinang sabi ni Terrence. Nakalimutan lang niya talaga kanina iyon. Dapat nag-isip muna siya bago nagbitiw ng mga salita. It's a given responsibility to every human. Thinking first before speaking.

            "Nasaktan ka lang kaya natural lang iyong naging reaksyon mo. Hindi naman maiiwasan. Pero... mas maganda pa rin talaga kung natutunan nating umiwas na lang muna kapag nasa kainitan na ng diskusyon ang mga bagay," dagdag pa nito. "Naalala mo nang mga bata pa tayo noon? Kapag nagkakaroon ng away?"

            Tumango siya at napangiti. "Sabi ng mga nanay natin, huwag na lang tayong pumatol sa mga umaaway sa'tin. Umatras na lang tayo at hayaan nilang isipin na natalo tayo o duwag  tayo."

            "It's in losing that we win."

            Because the more the heart loves, the more the mind understands.

            "Nagkakabati-bati rin naman tayo kapag malamig na ang mga ulo. Huwag lang masyadong maraming nakikisawsaw sa away."

            Nagkatawanan sila.

            "I could have told Eunice na pag-usapan na lang namin ulit mamayang gabi ang tungkol sa pagpunta niya sa bar," nagsisising wika niya. Next time, he won't really say something when he's on top of his emotions because most probably, everything will be messy.

            Tinapik-tapik siya nito sa balikat. "Just say you're sorry sincerely. Give her a kiss. Eunice deserves that." 

            Give her a kiss.

            Huwag lang sanang biglang sumingit si Mang Emman sa "tamang" oras.

❤❤❤

"I WANT to dance. Let's dance?" sabay hila ni Eunice sa kamay ni Geoff.

            Umiling lang si Geoff. "I'm going to finish this first," sabay angat sa pangalawang baso niya ng vodka na hindi pa nangangalahati. "Go dance," he told her. Matipid na nginitian niya rin ito.

            Nagkibit-balikat ito. "Okay. You follow me after drinking that, alright?" nakangiting sabi nito at saka dumiretso sa dance floor ng bar. Sumali ito sa isang grupo ng mga babaeng nagsasayaw.

            From his seat, he watched over Eunice. She's really dancing joyfully. No one will ever noticed that she had a fight with her husband.

            Sometimes, guys are idiot. Sasabihin na lang na nagseselos, nagpapaiyak pa ng babae. Tsk tsk. Nasabi ni Geoff sa isip. Nang sunduin niya kanina si Eunice ay tahimik lang ito habang papunta sila ng bar. At nang ipilit nito na isang hard drink ang gusto nito ay pinigilan niya ito, pero nang ikuwento nito ang naging pag-aaway nila ni Terrence, he gave her the drink she wanted.

            Napansin niya ang lalong paglakas ng tugtog at ang pagdami pa ng mga tao. It's almost eleven PM and the night is just getting started. Tiningnan niya ulit si Eunice at patuloy pa rin ito sa pagsasayaw kasama ang iba pang mga babae. May hawak na rin itong baso ng isang lady's drink. She started to dance sexily but still with grace.

            Paniguradong lasing na lasing na ito.

            Tatayo na sana si Geoff upang hilahin na ito pabalik sa puwesto nila nang mapansin niyang may umiilaw sa dala nitong purse. Wala sa sariling kinuha niya ang cellphone nito mula sa loob niyon. At tama nga ang kanina niya pang hinala na tumatawag na si Terrence rito.

            "Hey, Geoff!"

            Napapitlag siya nang makitang nasa harap niya na pala si Eunice. Kinuha nito sa kanya ang cellphone nito. "Uh-oh. Husband alert," she said while giggling. Then she just turned-off her phone.

            "I think we should go home," aniya rito.

            She made face. "The night is still young, Geoff! Wala pa nga tayong dalawang oras dito." Umupo na ulit ito sa inuupuan nito kanina. Naglabas ito ng panyo mula sa purse nito at sinimulang punasan ang pawis sa mukha at leeg. Hinawi nito ang mahabang buhok sa isang gilid.  Napansin niya ang pagpungay na ng mga mata nito.

            Pinatong niya ang mga braso sa bar counter at saka niyukyok ang ulo nito roon. "I'll tell you something..." she murmured.

            "What is it?" Umupo na muli siya sa tabi nito.

            Inangat muli nito ang ulo. "Sabi ni Terrence... pumunta daw ako dito sa bar. I'm already here so, check! Then, get drunk..." Kinuha nito ang vodka niya at mabilis na inubos iyon "Check!"

            Pumungay lalo ang mga mata nito at tinitigan siya. "Alam mo kung ano pang isang sinabi niya?" She crawled her hands up to his chest. Napalunok siya sa init ng mga kamay nito na tumatagos sa shirt niya.

            She leaned closer to him. "Sabi niya, 'make out with your fun bestfriend'..." she whispered.

            He laughed nervously. "T-That's a nice suggestion," he tried to joke.

            "You think so?" nakangisi pang tanong nito habang pumapaikot na ang mga braso nito sa kanyang leeg.

            Dear Lord, don't lead me unto temptation. Amen. Malakas siyang tumikhim at inilayo ito sa kanya. "Sorry. I don't make out with married ladies."

            Tumawa ito at niyakap siya. "Sabi ko nga, you'll never take advantage of me, eh." She rested her head to his shoulder.

            Hinaplos-haplos niya ang buhok nito. "Magiging okay rin kayo ni Terrence."

            "Baka magalit lalo siya kasi umalis ako. Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit siya biglang nagagalit, eh. I tried to understand, but how?"

            "Oh, cherie," tangi niya lang nasabi.

            Lumayo ito sa kanya at mas pumungay pa ang mga mata nito. Inaantok na rin siguro. Tiningnan siya nito pero maya-maya ay lumagpas ang tingin nito sa kanya.

            Napalingon si Geoff at nakitang papalapit si Terrence sa kanila.

            Tinanguan siya nito at lumapit kay Eunice.

            "Terrence?" Halatang di makapaniwala si Eunice na nandoon ang asawa nito –thanks to him.

❤❤❤

"TERRENCE?" di-makapaniwalang sabi ni Eunice nang makita siya. Namumungay na ang mga mata nito nang sobra.

            Terrence smiled at her wife. "Inaantok ka na," he calmly said. "We better go home now, baby."

            "H-Hindi ka na galit sa'kin?"

            Umiling ito. "Ako dapat ang nagtatanong niyan sa'yo. Hindi ka na galit sa'kin?"

            Napayuko ito. She's still hurt from their petty fight. Napabuntong-hininga siya.

            "Can you still walk?" Inalalayan niya ito patayo ngunit agad na bumuway ito. Sabay pa sila ni Geoff na umalalay rito.

            She's half-asleep already. Kaya naman pahigang binuhat niya na ito palabas ng maingay na bar.

            "Thank you for texting me earlier kung nasaan kayo," pasasalamat niya kay Geoff nang sumunod ito sa parking lot.

            Pagdating niya kanina sa bahay ay nag-alala siya nang hindi makita si Eunice. Then, he received a text message from Geoff. Kararating pa lang ng mga ito sa bar nang nag-text ito.

            Kaya naman hinayaan niya na lang muna ang mga ito. Pero kanina lang ay hindi na siya nakatiis at sinundan sila.

            Pagdating sa kotse niya ay tinulungan siya nitong buksan ang pinto ng kotse. Isinakay niya si Eunice sa passenger seat. He reclined the car seat. Sinigurado niya na komportable si Eunice bago niya sinara ang pinto.

            "Hey, don't suggest to her to make out with me, okay? Kasi alam mo namang sinusunod ka niyan."

            Nanlaki ang mga mata niya. "What?!"

            Ngumisi ito. "She just tested me, don't you worry. I don't take advantage. So not me."

            Nakahinga siya ng maluwag. He must admit, Geoff's a respectable guy. "Thank you."

            "Don't make her cry anymore just because you're jealous of my gorgeousness."

            Bahagya siyang natawa at maya-maya ay tumango.

            "I won't ever make her cry anymore just because... just because I'm jealous."

            "...Of my gorgeousness," dugtong pa ni Geoff.

            "Don't push it."

            Geoff laughed while Terrence entered the driver's seat. He drove his wife home.

            He'll make it up to her.


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 51 6
William Tiongson believed that he had found the one. Just when things start to fall into place, an accident turns his whole world upside down. After...
689 13 34
Etereala Joy Lorenzo was stuck in a hospital for ages after her whole family died. Due to this, she hid to the world. But what will happen if a funny...
229K 5.9K 53
Heaven's Angel University isang unibersidad kung saan puno ng lihim, misteryo, at mga hindi pangkaraniwang nilalang. Mga nilalang na tanging sa imahe...
1.6M 96.9K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...