My Tag Boyfriend (Season 1)

By OppaAnja

41.3M 686K 172K

Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng b... More

My Tag Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
A/N: MTB First Monthsary Celebration 02-02-14
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Ako Puso mo Lyrics
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Special Chapter)
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
My Tag Boyfriend Book

Chapter 42

552K 10.6K 2.8K
By OppaAnja

Chapter 42

Sitti's P.O.V

          Matagal akong nakatitig sa tapat ng salamin ng dresser sa kwarto namin ni Patty.

          Alam nyo ba itsura ko? Tinalo ko pa yung mga adik sa kanto sa sama ng itsura ko!

          Sabi nila kapag in love ka daw, bumu-blooming ka.

          Eh anong nangyari sa akin?! Bakit hindi naman ako naging blooming?!

          Eyebags. Namumulang mata dahil sa puyat at di pagtulog. Magulong buhok na parang kinalaykay ng paa ng manok dahil sa malamig na hangin sa labas ng bahay. At wag nyong kalimutan yung lutang kong utak dahil sa nangyari kanina. Okay. Kagabi pala. Kasi umaga na.

          Saang parte ng mukha ko yung blooming?! Paki turo nga sa akin please!

          Pero bakit ganoon? Sariwa pa din sa alala ko yung nangyaring pag...pag...

          GAWD! Hindi ito maari! Hindi totoong nangyari iyon! Hindi! Hindi! Hinde!

          "Hindi sapat ang salitang I love You para ipadama ko sa'yo kung ano yung ginawa mo sa akin. Kung anong binago mo sa akin. Alam mo ba ginawa mo sa akin? Hindi mo lang ako niligtas..."

          "Hinayaan mo akong mahulog sa'yo."

          Marahas kong iniling-iling yung ulo ko at tinapik-tapik yung mukha ko nang bigla ko na namang maalala yung nangyari kagabi.

          'Ano ba flashback?! Wag mo namang akong pagtripan ngayon oh! Kahit ngayong araw lang please!' sa isip ko.

          Kaya lang, asa pa akong makikinig sa akin yung sarili kong utak. May sariling utak yan eh!

          "Kapag umiwas ka at tinulak mo ko, ibig sabihin hanggang tag relationship na lang tayo..."

          "Pero kapag wala kang ginawa at pumikit ka, ibig sabihin noon mahal mo na din ako."

          Automatic na namula yung buong mukha ko nang maalala ko yung ginawang pag...pag...

          Yung ginawang pag-kiss sa akin ni Kaizer! Waaaa!!! Nakakahiya talaga!

          Padabog kong pinatong yung mga braso ko sa ibabaw ng dresser saka ko nilubog at tinago ang mukha ko sa mga braso ko.

          'Ano ng gagawin ko ngayon?!' tanong ko sa isip ko.

          'Ano ka ba naman kasi Felicity Sandoval! Kung hindi ka kasi lumabas-labas ng retreat house, di sana walang nangyaring kissing scene sa inyong dalawa di ba?! Ayan! Ang tigas kasi ng ulo mo! Iinom ka lang ng tubig tapos anong ginawa mo? Nakipaghalikan ka kay Kaizer Buenavista?!'

          "WAG MONG SABIHIN YAN!" hindi ko mapigilang magtaas ng boses sa sinabi ng isa pang inner voice sa utak ko.

          Wala na nga akong mukhang maihaharap kay Kaizer, pati ba naman utak ko ginagatungan pa kahihiyan na nararamdaman ko?!

          'Salamat inner voice! Ang supportive mo talaga kahit kailan!'

          "Saan yung sunog?"

          Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang may bigla na lang magsalita sa likod ko tapos tinapik pa yung isang balikat ko.

          Nakahawak ako sa tapat ng dibdib ko saka huminga ng maraming boses para makabawi sa gulat nang biglang sumulpot si Patty sa likuran ko.

          "O? Anong nangyari sa'yo Sitti? Okay ka lang?" nag-aalalang sabi ni Patty habang hinihimas nya yung likod ko.

          "O-Okay lang ako."

          Gusto ko tuloy batukan yung sarili ko sa ginawa kong pagsigaw. Nagising ko tuloy ng wala sa oras si Patty.

          "Anong nangyari sa'yo?" tanong nya maya-maya ng makabawi na ako sa gulat ko. "Saan ka galing? Bakit ganyan itsura mo? Natulog ka ba?"

          Teka! Bakit tinatanong ni Patty kung hindi ako natulog?

          'H-Hindi kaya...nakita nya kami ni Kaizer sa labas kagabi?!' sa isip ko. 'Hindi kaya, nagising namin sa ginawang pagkanta ni Kaizer yung mga kaklase namin?!'

          'Hindi kaya nakita ng lahat ng kasama namin sa retreat house yung ginawa namin ni Kaizer na...na...gawd! Bakit ba hindi ko masabi ng derecho ang bagay na iyon?!'

          "Earth to Sitti! Earth to Sitti! Come in! Come in!" sabi ni Patty sabay pitik ng mga daliri nya sa harapan ko.

          "H-Huh?! Ano iyon?" biglang sabi ko. "May sinasabi ka ba?"

          "Ang sabi ko kung gusto mo na bang bumaba? Tumunog na kasi yung bell ni Ma'am. Breakfast na natin."

          Bumuntong-hininga ako. Akala ko pa naman kung ano na.

          'Mukha namang walang alam si Patty sa nangyari kagabi...' sa isip ko habang palihim kong pinapanood si Patty habang nag-aayos ito ng sarili nito bago kami bumaba.

          Teka! Baba? Kami? Kapag bumaba ako...

          'Magkikita kami ni Kaizer sa baba?!'

          Bigla ko tuloy gustong tumalon pabalik sa higan ko dahil sa biglang naisip ko. Kaya lang di naman pwede iyon kasi nasa taas ng double deck yung higaan ko. Saka hindi na ako pwedeng magpalusot na hindi ako sasama sa pagkain namin sa baba ngayon.

          Wala na akong maidadahilan na palusot para maiwasan na makita si Kaizer!

          Gawd! Nakakainis! Dapat pala kanina lang ako tinakot ng multo sa haunted house na iyon para pwede pa akong magpahatid ng pagkain ko sa kwarto namin ni Patty eh!

          "Tara na?"

          Napaangat ako ng tingin sa nakangiting mukha ni Patty.

          "P-Pwede bang magpahatid na lang ako ng pagkain dito?" alanganing sabi ko kay Patty.

          "Huh? Bakit?"

          "Kasi ano..."

          Ano? Ano? ANO?! Anong sasabihin kong palusot?!

          "Halika na!" natatawang sabi ni Patty sabay niyakap ng isang braso nya yung braso ko para hilain ako patayo mula sa pagkakaupo ko sa tapat ng dresser. "Kung si Kaizer pa rin ang iniisip mo at yung pagyayakapan nyo, okay lang yun! For sure no big deal lang kay Kaizer iyon!"

          'Hindi lang naman yung ang inaalala ko Patty eh!' gusto ko sana isigaw sa kanya kaya lang hindi ko din nagawa.

          Kaya sa bandang huli, napasunod na lang ako kay Patty sa pagbaba namin sa sala para kumain.

          Sana lang wala doon si Kaizer o di kaya nagka-LBM sya para di ko sya makasam kumain sa baba.

          'Magka-LBM sana sya! Sana! Sana! Sana!' mahinang dasal ko sa utak ko.

         

Kris' P.O.V

          "Ano ba Kai Kai? Hindi pa ba tayo bababa? Kanina pa patunog ng patunog ng bell si Ma'am oh!" bagot na sabi ko habang pinapanood ko sya doon sa pag-aayos nya ng buhok nya sa tapat ng salamin.

          Nakakapanibago nga eh! Ngayon ko lang nakita si Kai Kai na nagtagal sa harap ng salamin. Tinalo pa nya babae ngayon eh! Dami nyang arte sa katawan!

          "Wag ka na ding magpabango." nakasimagot na sabi ni Mobillow habang pinipisil ng isang kamay nito yung ilong nito. "Ang sakit na sa ilong."

          Isa pa yan! Si Kaizer nagpabango! Nakaka-WTF talaga! Hindi nagpapabango yan kapag nasa loob lang ng bahay. Sa school lang yan nagpapabango at kapag may lakad. At isang beses lang iyon sa isang araw.

          Pero ngayon, halos ipaligo na nya yung pabango sa katawan nya kaka-spray!

          "Aish!" binalik ko ulit tingin ko kay Kaizer nang bigla syang mainis sabay gulo ng buhok nya. "Bakit ko ba ginagawa 'to?!"

          "Oo nga. Bakit mo ba ginagawa yan?" sabay na sabi namin ni Mobillow.

          Pero mukhang wala namang narinig si Kaizer sa kahit anong sinabi namin kasi patuloy pa din nyang inaaway yung sarili nya sa salamin.

          'Hala! Baliw!'

          "Tsk! Hindi din naman nya mapapansin kung may bago sa akin eh! Sobra kaya yung kamanhidan ng babae na iyon! Psh!"

          Okay. Babae. Ano daw? Sino yung manhid?!

          "Ah..." biglang sabi ni Mobillow na biglang kumuha ng atensyon ko pabalik sa kanya.

          "Anong "Ah?", Mobillow?" tanong ko. "May alam ka ba sa nangyayari sa kaibigan natin ngayon?"

          Hindi ako sinagot ni Mobi sabay dumukot na naman sya ng marshmallow doon sa malaking plastik bag na lagayan nya.

          "Hoy!" sabi ko sabay tulak ng mahina sa balikat nya. "Bakit ka nag ah? Ano yung ah?!"

          Nakakabadtrip talaga 'tong si Mobillow minsan eh! Kapag may alam sya di nya sinasabi sa akin! Ako na lang lagi ang nahuhuli sa balita! Kahit si Patottie may alam eh! Asar lang!

          "Ah. Iyon yung tunog na nilalabas ng tao kapag susubo sila ng pagkain." sagot sa akin ni Mobillow sabay pakita pa sa akin ng pagsubo nya doon sa marshmallows nya. "Ah~!"

          Anak ng pating naman oo! Na-Mobizoned na naman ako lintek!

          "Mister Buenavista, Dela Cruz, Lorenzo, wala pa ba kayong balak bumama huh?!"

          Nagulat kaming tatlo nang bigla na lang bumukas yung pinto ng kwarto namin sabay labas ng dragon este malakas na bunganga pala ng Professor namin.

          Anak ng tilapia! Nasama pa kami ni Mobillow sa kabagalan mag-ayos ni Kai Kai! Tsk!

Sitti's P.O.V

          Nung pagkababa namin ni Patty, sobrang laki at lalim ng ginawa kong paghinga ng maluwag nang hindi ko makita yung si Kaizer Buenavista.

          Tip! Kapag may tao kayong ayaw makita, ipagdasal nyo na magka-LBM sya! Effective sya guys! Promise!

          Kaya lang dahil sa digital na din ang karma ngayon, hindi pa ako nakakaupo sa upuan ko, bigla na lang lumitaw si Kaizer at yung dalawa pa na sina Mobi at Kris sa may mesa namin.

          And good news! Nananadya yung mga kaklase ko—o ako lang talaga nag-iisip noon—kasi nagsi-upo sila sa ibang direksyon at yung bakanteng upuan na natira? Yung sa tabi ko!

          At nasabi ko na bang nakaupo na rin sila Mobi at Kris sa tabi ni Patty?

          Gawd! Makakatabi ko pa yata sya dito sa dining table!

          "Mister Buenavista, ano pang hinihintay mo? Umupo ka na sa tabi ni Miss Sandoval."

          Napansin ko na parang nag-aalangan din si Kaizer na makatabi ako. Pinipilit pa nga nya si Kris na ito na lang ang maupo sa tabi ko pero hindi nagpatinag si Kris.

          Kaya nang mapagalitan si Kaizer sa pangawalang pagkakataon, no choice sya kundi maglakad papunta sa akin at umupo sa tabi ko.

          Ako din naman naupo na rin. Pero yung awkwardness sa paligid namin ni Kaizer sobrang present na napapansin na din iyon ng mga iba ko pang kaklase.

          "Bakit hindi sila nag-iimikan?"

          "Baka nahiya yung ambisyosa sa pagyakap nya kay Prince?"

          "Sus! Kung alam ko lang na gumagana pala kay Prince yung takot-takutan effect di sana ginawa ko din yun sa loob ng haunted house!"

          Nagsimula na naman magbulungan yung mga fan girls ni Kaizer. Yumuko na lang ako at hindi sila pinansin.

          Somehow ini-expect ko na mas magiging malala sila dahil nga doon sa pagkakayakap ko sa Prinsipe pa nila.

          Paano pa kaya kung malaman nila yung tungkol sa...sa...

          Bigla na namang uminit yung mukha ko nang maalala ko naman yung nangyari sa pagitan namin ni Kaizer kagabi sabay lihim akong napahawak sa tapat ng dibdib ko.

          Sobrang lakas kasi ng tibok ng puso ko. Lalo na ngayong katabi ko pa sya dito sa mesa.

          Sa sobrang lakas noon, natatakot ako na lumabas na lang bigla puso ko mula sa dibdib ko tapos biglang sisigaw ng: "Hoy! Kaizer Buenavista na mayabang! In love na ako sa'yo!"

          Marahas kong iniling yung ulo ko para alisin yung kabaliwan na naisip ko.

          Alam kong in love na nga ako pero hindi pa din ako sure na in love na nga ako. First time kong naranasan 'to eh! Ang gulo ko di ba? Alam tapos hindi alam? Tsk! Baliw na nga talaga ako!

          O di kaya mamaya kabag lang pala 'to! Di assuming pa ako? Dapat kong magresearch mamaya tungkol sa mga taong na-iin love!

          "Tapos na ba kayo mag-usap?"

          Biglang tumahimik yung paligid namin nang biglang magsalita si Kaizer. Lihim akong napatingin sa kanya.

          'Bakit parang inis yata sya?'

          Nakita kong sasagot na sana yung isa sa mga nagbubulungang babae kanina nang putulin ni Kaizer yung sasabihin pa lang nito nang bigla na naman syang magsalita.

          "Tapos na ba kayong bastusin yung girlfriend ko sa mismong harapan ko?"

          Mas lalong tumahimik yung paligid namin.

          Mabuti na lang lumabas muna sandali yung Ma'am namin matapos nya paupuin si Kaizer sa tabi ko kasi may tao yata sa labas kaya kaming mga estudyante lang yung naiwan sa harapan ng hapag-kainan.

          "Prince hindi naman—"

          "At magsisinungaling pa talaga kayo kahit na dinig na dinig ko na kayo?"

          Napatingin ako kanila Kris at MM para humingi ng tulong sa kanilang dalawa na awatin si Kaizer kaya lang nagkibit-balikat lang si Kris sa akin at tahimik lang nanunuod si MM.

          Obvious na ayaw nila awatin si Kaizer.

          "Kai—"

          "Alam nyo, kung mambabastos lang kayo ng ibang tao, siguraduhin nyong wala silang makikitang kabastos-bastos sa inyo." inis na sabi ni Kaizer sa mga kaklase kong babae.

          "Eh Prince sya naman ang nauna eh!" biglang sumagot yung isa sa mga alipores ni Margaret. "Inagaw ka nya sa amin! Kaya dapat lang sa kanya na—"

          "Inagaw?" taas-kilay na sabi ni Kaizer. "Kailan ako inagaw ni Sitti sa inyo?"

          "Noong na-tag—"

          "Ay hindi. Mali pala." putol na naman ni Kaizer sa sasabihin ng babae na iyon. "Kailan ba ako naging inyo in the first place? Sino bang nagsabi sa inyo na pagmamay-ari nyo ako?"

          Wala ng sumagot pa kay Kaizer. Lahat sila mukhang napahiya sa sinabi ni Kaizer.

          Grabe manghard si Kaizer pero tama din naman sya kahit papaano.

          "Sa susunod na maulit pa 'to." sabi ni Kaizer sa gitna ng katahimikan. "Kakalimutan kong mga babae kayo at mawawala yung katiting na respeto na meron ako sa inyo."

          Matapos sabihin ni Kaizer ang mga salitang iyon sakto namang bumalik na si Ma'am saka kami nagpray at nagsimulang kumain at umarte yung mga kaklase ko na parang walang nangyari.

          Ako naman halos hindi ko na malaman ko paano ko maitatago yung pagmumukha ko kay Kaizer. Todo yuko na nga ako habang kumakain para lang hindi nya makita yung pamumula ng pisngi ko eh!

          Tapos ito pang inner voice sa utak ko nakakainis! Pa-ulit ng sinasabi na nagpapadagdag lang sa pamumula ng mukha ko!

          "Pinatanggol ako ni Kaizer."

          "Pinatanggol ako ni Kaizer."

          "Pinatanggol ako ni Kaizer."

          "TG."

          Bigla akong nasamid sa kinakain ko nang bigla na lang magsalita si Kaizer sa tabi ko.

          Halos ma-ubo-ubo ako sa gulat nang bigla nya akong tinawag sa tawagan namin.

          "Aish! Ano-ano na namang kabaliwan kasi ang iniisip eh!" inis na sabi ni Kaizer sabay abot sa akin ng isang basong tubig. "O! Inumin mo!"

          Marahan akong umiling matapos kong ma-iubo yung last kong ubo. May ganoon ba?

          "Hindi ayoko." umiiwas ng tingin na sagot ko.

          May pakiramdam ko na tinititigan ako ni Kaizer with his usual annoyed look.

          Dalawa lang naman mukha nya eh! Annoyed saka poker face. Yung ngiti at tawa minsanan lang iyon.

          "Iinumin mo 'to o ibubuhos ko 'to sa ulo mo?"

          Napatingin na ako sa kanya ngayon sa ayoko ko man o sa ayoko ko. "Huh?!"

          "Isa!" sabi nya sabay angat nung baso ng tubig sa ulo ko.

          "Ayoko ko nga—"

          "Dalawa!" sabi nya sabay akmang ibubuhos na yung tubig sa ulo ko.

          "Sinabi ng okay lang—"

          "Tatlo—"

          "Oo na! Oo na!" mabilis na sabi ko sabay biglang kuha sa baso ng tubig na inaalok nya at ininom iyon.

          Maganda din pala na uminom ako ng tubig kasi nawala yung bara sa lalamunan ko.

          Pero hinding-hindi ko aaminin na okay ang ginawa ni Kaizer sa kanya! Mamaya magyabang na naman sya sa akin.

          Saka dinaan na naman nya ako sa dahas! Nakakainis!

          Matapos noon tahimik na kaming kumain ni Kaizer at nanahimik na din yung mga kaklase kong babae sa pagpaparinig nila sa akin ng kung ano-ano.

          Masasabi kong nakatulong talaga yung sinabi ni Kaizer sa kanila kanina. Na kahit na medyo masungit at nakakainis yung paraan ng pananalita nya kanina, napatahimik naman noon yung mga babae kong kaklase sa pang-aaway sa akin. At sana hindi na sila umulit. Nakakapagod na kasi makinig sa kanila eh!

          Hindi ko tuloy mapigilan na lihim na mapatingin sa kanya habang kumakain kami.

          At sa tuwing napapatingin ako sa kanya, mas lalo lang bumibilis yung tibok ng puso ko.

          "Pwede ba wag mo akong titigan!"

          Nagulat ako nang biglang mapalingon sa direksyon ko si Kaizer saka ako tinitigan ng masama.

          Agad ko namang iniwas yung tingin ko sa kanya saka tumikhim at nagkunwari.

          "H-Hindi kita tinitingnan ah! K-Kapal ne'to!"

          Ramdam ko na naman na nakatitig lang sa akin si Kaizer pero maya-maya lang napaharap ako ulit sa kanya nang marinig ko syang napabuntong-hininga.

          "Wag mo akong titigan. Hindi ako makakain ng maayos sa'yo."

          Tumingin muna ako sa paligid para tingnan kung napapansin ba kami ng mga ibang kasama namin sa mesa pero mukhang hindi naman yata dahil busy silang lahat sa pagkain nila.

          "Hoy!" medyo lumapit ako ng kaunti para bulungan sya. "Ang kapal ng mukha mo! Di nga sabi kita tinitingnan eh! Saka ano bang kinalaman ko kung di ka makakain ng maayos ah?!"

          Nagulat ako ng biglang bitawan ni Kaizer yung kutsara't tinidor nya saka sya humarap sa akin ulit.

          At dahil sa inilapit ko yung mukha ko sa kanya para makabulong ako, naging sobrang lapit na ng mga mukha namin.

          "Paano ako makakain ng maayos kung pinapanood ako ng taong gusto ko huh? Alam mo ba kung gaano nakakailang at nakakainis ang ginagawa mo? Buti sana kung aalukin mo na subuan ako at papayagan kitang titigan ako buong araw."

          Agad namula yung mukha ko sa pinagsasabi nya saka umayos ng upo ko at tumalikod sa direksyon nya. Sya naman bumalik na sa pagkain nya.

          At ito na naman yung magulo kong utak. Replay ng replay sa mga paborito nyang part sa mga sinabi ni Kaizer!

          "Paano ako makakain ng maayos kung pinapanood ako ng taong gusto ko huh?"

          "Paano ako makakain ng maayos kung pinapanood ako ng taong gusto ko huh?"

          "Paano ako makakain ng maayos kung pinapanood ako ng taong gusto ko huh?"

          'Taong gusto ko...'  sa isip ko.

          Napakagat na lang ako sa labi ko saka pasimpleng binatukan sarili ko.

          Nakakainis! Bakit nya kailangan sabihin sa akin iyon?! Hindi pa nga nakakamove-on sa ginawa nya kagabi tapos nagsasalita na naman sya ng ganito at ginugulo yung abnormal ng tibok ng puso ko?!

          'Nakakainis ka talaga kahit kailan, Kaizer Buenavista!'

A/N: Hirap talaga ma-in love. Tiis-tiis lang din Sitti! LOL. Comment po kayo ah? Mas mahaba, mas masaya. Hoho!

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
10.2K 786 40
PHS Series #1 Para kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paa...
15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...