If Happy Ever After Exist (WM...

By babaengfragile

14.5K 248 283

People change. Everyone does. Paano kung yung dating lumalaban para sa pag-ibig niyo ang taong sumuko this ti... More

IHEAE (WMCMMTG Book 2)
Prologue (REVISED)
Chapter 1: Trouble Already?
Chapter 2: Italy?
Chapter 3: Fast Forward.
Chapter 4: His Classmate? Or His Mistress?
Chapter 5: Class Resumes.
Chapter 6: Meanwhile in Italy.
Chapter 7: Detention.
Chapter 8: August Rush (Part 1)
Chapter 9: August Rush (Part 2)
Chapter 10: Homecoming
Chapter 11: Ditching Classes 101
Chapter 12: Switch World.
Chapter 13: Madrigals in Trouble.
Chapter 14: Revelation #1: Saab's Missing.
Chapter 15: Immersion.
Chapter 16: Pagudpud Escapade (Part 1).
Chapter 17: Pagudpud Escapade (Part 2).
Chapter 18: Revelation #2: Lies and Secrets
Chapter 18.5: A Gift of Love.
Chapter 19: New member of the family?
Chapter 20: Revelation # 3: The Lovers from the Past.
Chapter 20.5: Ashley's POV
Chapter 21: The Great Kate.
Chapter 22: Old Woman.
Chapter 23: Sweetest Downfall.
Chapter 24: Haunted Night.
Chapter 25: Truth Hurts.
Chapter 26: Last Date.
Chapter 27: Tres Marias.
Chapter 28: TO DO LIST.
Chapter 29: Preparations.
Chapter 30: Surprise.
Epi--charchar :3
Chapter 31: Love Drunk.
Chapter 33: His Family
Chapter 34: New Life.
Chapter 35: Same Old Issues.
Chapter 36: New Girlfriend.
Chapter 37: Soft Opening.
Chapter 38: Still hurts.
Chapter 39: Cheers to Broken Hearts.
Chapter 40: Shit just got real.

Chapter 32: Last Task.

143 2 9
By babaengfragile

Ysh's POV

Nag-aantay ata ako ng himala. Bakit nga ba ako naghihintay sa bruhang yun? Nalalapit na kasi ang alis ko at gusto ko lang matapos yung to-do-list ko. Siguro naman this time mapagbibigyan ko na sarili ko sa gusto kong mangyari? -_-

"Miss hindi ka pa ba oorder?" patatlong tanong na sakin nung lalaki sakin.

Kuya hindi ka pa ba napapagod kakapabalik-balik? Hindi ka rin ba naiirita sa sarili mo? Hindi ka ba naririndi kasi punyeta paulit-ulit ka ng kakatanong.

Pero syempre di ko masabi. Hindi ako eskandalosa shet yan. "Sige Kuya aalis na lang ako." at ayun naglakad na ako palabas nung karindirya.

Ang cheap ko na at sa karindirya lang ako nakikipagkita. Cheap na talaga ako.

*RIIIIIIIIING*

(Hoy bruha sorry traffic asan ka na ba?)

"Ako pa talaga ang bruha? Andito sa may karindirya. Pinaalis na ko't lahat-lahat eh wala ka pa."

(Malapit na talaga konting tiis na lang.)

"Bilisan mo yun naman kasi kailangan natin mag spy."

(Okay okay okay be there in a 10 minutes.)

*TOOOOOOOOOOOOOOOT*

Joke lang yung sa spy may pupuntahan kasi kaming super importante. Hihi.

"Ate I'm hungry." ay shit kasama ko nga pala kapatid ko. Hahaha. Ano ba to hibang na hibang na ko.

"Bunso aantayin lang natin si Ate Jizika tapos kakaen na tayo." paliwanag ko sa kanya.

Minsan nakakainis yun di mo alam kung gusto ka ba talaga tulungan o lalo lang pabigat sa mga dalahin mo sa buhay.

"The pretty is here." bungad niya sakin. Hindi ko nga pansinin.

"Hoy andito na ako!" sabay hampas niya sa balikat ko.

"Uy! Andyan ka na pala." kunyare akong nagulat.

Sumimangot naman siya dahil alam niyang inaasar ko siya hahahahahahaha! "Kontrabida ka talaga sa buhay ko. Biatch. Anyways asan na si poging Cyron?" pogi daw ampotek ang landi talaga neto kahit kailan.

"Okay okay si Cyron. Tss." ayan makukuha naman pala siya sa tingin. Kahit itaob ko Earth Cyron is Saab's husband kaya wag na siya sumawsaw dun may isa na ngang nakikiapid dadagdag pa siya. 

"Sinasabi ko sa'yo Jizika wag si Cyron may kalalagyan ka talaga." konyatan ko kaya siya ng mga sampu para magising to.

"Cut the crap wala akong balak no kadiri yang pinag-iiisip mo sakin. Lalandiin ko na nga lang syempre wala ng sabit" okay gusto ko matawa. Hahahahahahahaha. Ayan fulfilled na yung gusto ko.

"Wag mo ko igaya sa'yo mahilig sa complicated." ako na naman po ang nakita.

Malaki talagang pinagpapasalamat ko kay Jizika kasi all this time andito siya kung wala siguro siya ayun mental na inabot ko. Huhuhu.

"Anong relasyon mo kay Cyron?" tanong ng isang stranger samin. Nagkatinginan kami ni Jizika kasi natakot ako.

"Punyeta teh may kasama akong bata." bulong ko sa kanya.

"A-anong g-gagawin natin?" Nangangatal ang loka. Hindi kami pwedeng magpahalatang natatakot dahil baka rapist pala to. Tae.

Tirik na tirik ang araw may rapist.

"Ysh." sabay-sabay kaming napatingin sa lalaking nagsalita. Si Cyron! Huhuhu! Savior!

"Uy Cyron." grabe dami niyang dala. Diaper. Gatas. Pati groceries. Tinulungan naman namin siya ni Jizika.

Paglingon ulit namin nawala na yung lalaki. Nakakatakot talaga hah!

Pag-akyat namin sa condo niya tanging maid lang ang nandun at yung baby dahil may pagkachismosa ako tinanong ko "Asan si Stephanie?" natigil tuloy siya sa pag-aayos nung pinamili niya.

"Pumasok sa trabaho niya." tapos ngumiti na siya. At some point naiinis at nagagalit ako sa kanya pero alam ko naman sa sarili ko na may reason si Cyron.

Ayokong magpaka makitid ng utak at basta ko na lang siya sapakin without hearing his side kahit wala naman siyang obligasyon sakin dahil hindi naman ako ang Legal Wife. Lakas maka TLW.

Nakakatuwa din yung Stephanie na yun pinaglaban din karapatan ng anak niya para magka-ama.

Kahit saang anggulo natin ngayon tignan agrabyado bestfriend ko. Mas kailangan niya ngayon si Cyron.

"Ang cute cute ng baby." sabi ni Jizika habang nilalaro yung baby. Tinitignan ko din yung bata. Parang ma--

"Ate I'll pee." singit ng kapatid ko. "Saan CR niyo?" tinuro naman ni Airo na nasa kabilang ibayo ng unit.

Dapat pala talaga kapag mangangaliwa ka marami kang pera the more money the more girls you have. Pucha.

-

Matapos namin mag lunch sa kanila ayun super kwentuhan hanggang mapadpad na naman ang atensyon sakin.

"Kamusta kayo ni Carl?" tanong niya sakin. Hindi pa niya alam?

"Wala na Cyron." pinilit ko ngumiti niya. Sumisikip na naman yung dibdib ko at may mga luhang namumuo sa mata ko.

Nagulat ako nung lumapit si Cyron sakin at hinagod ang likod ko kaya napasandal ako sa kanya "Iiyak mo lang kung gusto mo. Naiintindihan naman kita Ysh. Ganyang-ganyan din naramdaman ko kay Saab."

Ayoko na nga lang din kasi pag-usapan. Paano ako makakalimot kung bawat tao na lang ng nakapalibot sakin related sa kanya at bawat minuto pinapaalala nila sakin.

"Hindi ko man alam kung anong dahilan mo Ysh alam ko maiintindihan ka din ni Carl. Baka isang araw magkita na lang kayo mag thank you pa siya sa'yo." patuloy yung pagcomfort sakin ni Cyron.

Yun yung kinatatakutan ko na dumating yung araw na maka move on si Carl tapos ako hindi pa pero ayoko rin maging selfish. Ayokong ipagdamot kay Carl yung saya na pwede niyang mahanap sa iba.

Makakalimot din ako.

-

After ng madramang kwentuhan na yun ay gumabi na rin kaya kailangan na naming umuwi. "Salamat Cyron. Kamusta mo na lang kami kay S--"

*EEEEEEEEEEEKKK*

Biglang bumukas yung pinto at nagulantang ako sa babaeng pumasok si Stephanie. Tumaas yung presyon ko at gusto ko siyang sabunutan hanggang maubos lahat ng buhok niya.

Ngumiti lang siya samin at pumasok sa loob pero nakayuko siya. Dapat lang mahiya siya. Punyeta.

Hinatid kami ni Cyron hanggang sa baba. "Okay na kami dito Cyron." sabi ko sa kanya. "Nag-iintay na din yung driver namin."

Pero may kanina pang bumabagabag sakin "Jizika mauna na nga kayo ni Sean." baka makapunta na ako ng France pero binabangungot pa rin ako ng mga tanong ko.

Umuna na sila Jizika sa sasakyan "Cy-" naputol yung sinabi ko dahil bigla siyang hinablot ng isang lalaki at sinimulang gulpihin. Taenang yan.

"Kuya tama na!" hindi ako makasingit potek ayoko masapak. Ito namang si tanga ayaw lumaban. "Hayop ka! Diba sabi ko alagaan mo si Stephanie! Pati ang anak ko! Hayop ka! Ibang babae na naman kasama mo!" pagmumura nung lalaki.

Paulit-ulit siyang sinusuntok nung lalaki. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Gago ka talaga! Wala kang kwenta. Hindi ka bagay maging ama! Lalo na maging asawa!"

Sobrang may pinanggagalingan yung galit nung lalaki. Hindi pa lang masyadong klaro sa akin ang nagaganap.

Tumigil lang yung lalaki nung may dumating na mga security. Okay pasensya na nilamon ako ng takot ko. Huhu.

"Hoy Miller! Ayusin mo buhay mo! Sabihin mo kung di mo kaya buhayin mag-ina ko! Hayop ka!" Hindi ko alam kung saan ako unang magrereact sa lalaking mukhang rapist, sa pagkakasuntok kay Cyron o sa mga narinig ko.

"Okay ka lang? Putek malamang hindi." inalalayan ko siya para makaupo. "Ang tanga mo naman bakit hindi ka lumaban!" nakakaasar eh.

Tinext ko si Jizika para umuna na lang sila at bumili ako ng betadine at kung anik-anik sa may drugstore sa baba ng condo para magamot ko si Cyron.

"Nakita mo ko sa ganitong sitwasyon. Pasensya na Ysh. Ha-ha." pinilit niya tumawa. Para saan? Shunga-shunga talaga tong lalaking to.

"Siraulo ano ka ba may pinagsamahan naman tayo. Pero naguluhan ako sa sinasabi nung lalaki kanina." natawa lang siya sa sinabi ko "Wag ka tumawa kailangan ko ng sagot." sabi ko sa kanya habang ginagamot yung mga sugat niya.

"Hindi ko anak yung baby kanina." Hindi ko alam anong dapat ko ireact. Magalit ba ko? Dagdagan ko ba sugat ng gagong to?

"Sinundan ako ni Steph nung nagpunta ako ng Italy. Buntis na siya nun." pinapakinggan ko lang bawat sinasabi ni Cyron "Alam ng nasa taas Ysh na ni minsan hindi ko ginalaw si Steph kahit maghubad pa siya sa harap ko bihisan ko pa siya." TALAGA LANG HA? TALAGA LANG?

So all this time palabas lang ang lahat? "Naawa ako sa batang dinadala niya. Gusto niyang ipalaglag kapag hindi ko pinanagutan. Ayokong ipagkait sa bata na makita tong mundo, na mabuhay siya."

Konti na lang iiyak na naman ako. Ano ba to wala ng araw ata na hindi ako umiyak "Ysh hindi ko niloko si Saab never. Simula't-simula pa lang minahal ko na si Saab alam mo yan."

Lalo akong naawa sa kanya. "Naging mahina lang ako dahil hanggang ngayon hindi ko masabi kay Saab. Hindi ko alam paano sabihin sa kanya lalo na ngayon wala siyang maalala." niyakap ko si Cyron huhubells may makakita man wala akong pakialam dahil never ko siyang pinagnasahan.

"Ayokong ipaalala kay Saab na sinaktan ko siya kasi nagsinungaling ako sa kanya. Hindi ako naging honest sa kanya. Hindi ako mabuting asawa sa kanya." umiyak na rin si Cyron.

Bihirang-bihira sa lalaki ang umiiyak pero hindi yun tatak na mahina sila kundi matapang pa nga sila kasi nailalabas nila saloobin nila.

"Araw-araw pumupunta dito yung tatay nung bata pero hindi siya nakakaakyat. Ayaw siya paakyatin ni Steph kaya tuwing umaga at hapon ganun set up namin ilalabas ko dito yung bata para makita niya." kawawa din yung totoong tatay ng bata.

Nung mag sink in sakin yung mga pangyayari saka ako nakapagsalita "Ipaglaban mo si Saab Cyron. Kung talagang mahal mo siya. Aminin mo sa kanya yung totoo."

Cyron kahit ikaw na lang gumawa ng mga bagay na hindi ko kayang gawin. "Para kay Saab Cyron maging matapang ka, maging malakas ka." Wag mo kong gayahin dahil ako mahina ako sobrang mahina ako.

-

Pasado alas nuebe na nung matapos kami sa masinsinang usapan namin ni Cyron. Ay grabe iyakan naming dalawa.

"Una na ko Cyron  gabi na rin." paalam ko sa kanya.

"Hatid na kita." offer niya.

"Naku hindi na ano ba malaki na ko kaya ko na sarili ko. Basta ha si Saab alagaan mo."

"Parang di ka na babalik ah." sabi niya sakin.

"Siguro. Ewan. Bahala na." pinilit ko pa ring ngumiti sa kanya.

Pumara na ko ng taxi pero bago ako pumasok sa taxi ginawa ko yung pinaka purpose ng pakikipagkita ko sa kanya. Di ko na dapat gagawin yun pero parang kusa na lang yung kamay ko. Hehehe. Sorry not sorry.

*PAK*

"Isa na lang ha. Para kay Saab yan. Para yan matauhan ka. Ay nako Cyron utang na loob gawin mo yung mga hindi ko nagawa. Ipaglaban mo si Saab UTANG NA LOOB!" napahawak siya sa pisngi niya na sinampal ko.

Hindi ko na nga nilakasan kasi gulpi sarado na siya dun sa lalaki kanina.

Tumawa siya bago magsalita "Alam mo bang kanina ko pa yan iniintay. Salamat Ysh. Di bale pag naging okay na kami ni Saab papadala ko agad sa'yo picture namin. Buong pamilya."

Matapos yun sumakay na ko sa taxi at tuluyang umuwi. Nakakagaan ng loob kahit di ko masulusyunan problema ko nakatulong naman ako sa ibang tao.

Atleast sakin malinaw na kung anong nangyayari. Sana magkaayos na sila ni Saab.

Pagdating ko sa Hotel na tinutuluyan namin ni Andrei nag-aayos na siya ng mga gamit. Damn France wait for me. We'll be there soon. See you France! :3

Continue Reading

You'll Also Like

97.6K 2.4K 52
What will you do if you end up in someone else body?
9.4M 286K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
96.3K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
53.9K 1K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...