My Guardian

By AnonymousLove000

712 71 18

Sa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para... More

I [revise]
II
III
IV
V
VI
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII

VII

32 3 0
By AnonymousLove000

Mika's POV

Nilamig ako bigla kaya napayakap ako sa sarili ko.

"Epal naman yung malakas na hangin eh. Nagmo-moment ako dito tapos iistorbo?" Tumayo ako dahil malamig na.

Pinagpag ko muna yung pwet ko at tatalikod na sana pero may naramdaman akong mainit sa balikat, likod at braso ko.

Tinignan ko yun at halaaa! Paano ako nagkaroon ng Jacket? Bigla akong kinilabutan. Totoo nga yata na may mumu kapag may alitaptap eh. Kupoo!

"WAHHHH!!!" Tili ko dahil sa naisip ko. Agad kong inalis sa kin yung Jacket at lumuhod sa puno saka ko pinagsalikop yung palad ko at pumukit. "Kung may mumu man dito sorry na. Di ko naman gusto mabighani sa ganda nung mga alitaptap sa puno eh. Promise di na ko pupunta dito basta wag mo lang akong takutin. Huhu! Takot ako sa mu----"

"Tsk.. You're crazy.."

Mas lalong dumiin yung pikit ko at nanginginig na ko..

"Jusme nagsalita ka pa. Pero infairness ang ganda ng boses mo. Pogi ka kaya? Kaso wag ka na magpakita baka atakihin ako sa pu---" Napadilat ako nung may malamig na kamay ang humawak sa balikat ko.

Napatayo ako at tumalikod habang nakapikit tapos pinagpapalo yung mumu.

"WAHHH! LUMAYAS KA! SABI KO WAG KA MAGPAKITA EH! WALA NA PALA KONG PAKIELAM KUNG POGI KA O PANGIT BASTA LUMAYAS KA NA SA HARAPAN KO!!" Pinagpapalo ko pa siya. Infairness matigas yung dibdib. Hihi.

"H-hey.. Mika hey.." Doon ako natauhan.

Tumigil ako at unti unting dumilat. Mumu nga eh, bakit napapalo ko? Tapos kilala pa ko.

Nanlaki bigla yun mata ko at napaatras. Tumalikod ulit ako sa kanya at bumulong.

"Tang mother naman oo! Nasabi ko bang ang ganda ng boses niya tapos tinanong o oa kung pogi? At nakita din ba niya kong magwala at kausapin yun puno? Langya naman. Pahiya ako dun, nakakawala ng pagka-dyosa yun."

"Stop whispering. Mukha kang baliw.." Inayos ko muna yung sarili ko at huminga ng malalim bago humarap sa kanya.

Teka? Bakit kailangan ko ayusin sarili ko sa harap niya? Ahh! Kasi nga napahiya ako kanina! Yun yun!

Yumuko siya at kinuha yung Jacket na nahulog ko tapos inabot sa kin.

Kinuha ko na lang yun kasi giniginaw naman talaga ko. Umupo ako sa bench at tumabi naman siya pero may konting space.

"Bakit di ka pa natutulog? Tapos pumunta ka pa dito?" Tanong ko.

"Can't sleep. I always go here when I can't sleep." Tumango ako. Katahimikan na naman.

Aba bakit ako makikipag-kwentuhan sa kanya? Wala namang topic eh, ano yun? Mukha lang kaming tanga?

"You? Why are you here?" Napatigin ako sa kanya. Nakatingin lang siya dun sa puno kaya ganun na lang din yung ginawa ko bago sumagot.

"May nami-miss lang.."

"Boyfriend mo?" Napatingin ako sa kanya at gusto ko ng sapakin yung mukha niya mawala lang yung mapang-asar na ngisi na yun.

"Utak mo! Wala nga sa isip ko yung boypren boypren na yan eh. Pabigat pang sila sa buhay ko." At flip hair! Oha! Ganyan ang Dyosa.

"Nahhh. It's not Boypren okay? Ang cheap mo magsalita. Boyfriend yun." Umirap na lang ako.

"Lahat na lang ba papansinin mo? Eh yung Ka-dyosahan ko di mo sisitahin?" Mukha naman siyang nandiri sa sinabi ko. Kapal ng mukha nitong mandiri. Kala mo siya gwapo.

Tumahimik ulit kami. Diba kanina dapat papasok na ko? Eh ano pa bang ginagawa ko dito?

"Why do you work as a maid? Mas matatanda pa kami sa inyo yet nagta-trabaho na kayo?" Napatingin ulit ako sa kanya.

Seryoso na nga muna. Tama na muna biro Mika, umayos ka muna. Yang bunganga mo gagamitin mo din dapat sa makabuluhang salita.

"Ampon lang kasi kami.." Sagot ko.

"Magkakapatid kayo?" Umiling ako.

"Mga sanggol pa lang kami nung iniwan kami ng totoong mga magulang namin kala Nanay at Tatay, dun sa umampon sa min."

"So you mean, iba iba yung magulang niyo pero iisa lang yung nagpalaki sa inyo?"

"Oo. Mahirap kasing ipaliwanag. Basta mahirap lang kami kaya kailangan namin magtrabaho." Sabi ko.

Ayoko ng pahabain yung usapan kasi alam niyo naman yung bibig ko, pahamak minsan, baka madulas pa ko at masabi kong Spy kami at kaya kami nandito ay para sa Diamonds.

"So that explains why you sometimes act weird and innocent.." Tumatangong sabi niya.

"Ewan. Hindi lang siguro kami sanay sa mga pangmayayaman na gamit. Sa bahay kasi papag lang higaan namin, tapos electric fan na luma lang walang aircon. Minsan kandila pa yung ilaw dahil walang kuryente. Nung maliliit nga kami, naranasan pa namin na dalawang araw puro tubig at asin lang ang ulam namin. Pero kahit ganon?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Hindi kami nagreklamo. Kasi kahit nararanasan namin magutom sa pagkain, binubusog naman nila kami ng pagmamahal at pangaral."

Titigan. Yun yung ginawa namin sa loob ng ilang minuto. Medyo nailing ako kaya tumayo ako at pinitik siya sa noo.

"Aish!! How dare you!" Bigla siyang tumayo kaya tumakbo na ko.

Tawa lang ako ng tawa habang hinahabol niya ko at for the first time, nakita kong ngumiti siya. Yung totoo at malaking ngiti.

"Blehhh!" Dumila pa ko saka tumakbo ulit.

Nadaanan pa namin sa sala sila Yumi at Dane na napatigil nung nakita kami.

Di pa din sila tulog? Bakit Mika? Kayo lang ni Vince pwedeng magpuyat? Ay wala palang kami.

"Gotcha!" Hinawakan niya ko sa braso at pinitik din sa noo.

Bigla siyang tumakbo paakyat kaya di ko na sinundan. Pagod na din naman ako kaya pumasok na ko sa kwarto ko.

Infairness may ganung side pala si Vince? Hahaha! Magkakasundo kami kung ganun siya lagi. Pero ngayon....

TULUGAN NA!

Yumi's POV

Lumabas ako ng kwarto ko dahil hindi ako makatulog.

Iniisip ko yung sinabi ni Mika kanina. Yung sumusunod daw kay Ela.

Hayst. Bakit ba kasi hindi pa namin hinahanap yung diamonds na yun nang matapos na 'to?

Oo nga noh? Kung ayaw nila, ako na lang muna hahanap.

Pumasok ako sa mga pintong katabi at kaharap ng kwarto ko. Bukas naman. Ang dami kasing kwarto dito eh.

Siguro nandun yun sa malapit sa kwarto nung apat. Tumakbo ako at pinihit yung katabing pinto nung kwarto ni Dane.

Hmmmm... Wala sa cabinet, wala sa ilalim ng kama. Wala dito, wala don.

"Hayyy. San na kaya yun?" Tanong ko at nameywang.

"What are you doing here?"

"Ay pagong na mabilis!!" Napatalon ako sa gulat at napahawak sa dibdib ko.

"I said, what are you doing here?" Tanong niya ulit.

Isip.. Isip... Isip...

"Ano.... Ayun! Naglalaro kasi ako ng holen, kaso gumulong sa kwarto na 'to, di ko makita kaya ayun.."

"Really?" Yung tingin niya parang di naniniwala.

"Promise.." Tapos lumuhod ulit ako at sumilip sa ilalim ng kama para kunyari naghahanap. "Nasan na ba kasi yun?" Tanong ko.

"Di mo na mahahanap yon." Sabi niya kaya tumayo ako at nameywang.

"Eh kung tumutulong ka din kasing maghanap baka makita ko pa diba?" Pero totoo namang di ko na mahahanap yun kasi wala namang ganun.

"Bakit kita tutulungan? Pinapa-sweldo mo ba ko?"

"Eh ikaw? Pinapa-sweldo mo ko?" Pagtataray ko. Tumahimik naman siya.

"But my parents----"

"Hep!!" Tinaas ko yung palad ko para pigilan siyang magsalita. "Wag na nga lang. May holen pa ko sa bag." Naglakad na ako at lumabas ng kwarto.

Whoo! Buti nakalusot. Hahaha! Bumaba na lang ako para pumunta sa sala.

Kinuha ko yung remote at pinaandar yung TV.

Nanood na lang ako ng kung ano mang title ng movie na 'to. Ganda nga ng TV nila eh, malaki tapos flat pa..

Eh yung sa min? Panahon pa yata ni Kopong kopong yun at black and white na nga, kasing laki pa ng radyo. Oha? Diba bongga?

Busy na ko sa panonood nung biglang nalipat sa Sports.

"Aba bastusan lang? Ako nauna dito kaya manood ka sa iba!" Inagaw ko sa kanya yung remote at nilipat sa pinapanood ko.

"This is my house so you better go away!" Inagaw niya sa kin yung remote at nilipat na naman.

"Loko ba? Ako nauna kaya ikaw yung lumayas! May TV ka naman sa kwarto mo!" Satsat ko. Kapal ng mukha nito.

"Sira yung TV sa kwarto ko. Do you think makikipag-agawan ako sa'yo dito kung buo yun?"

"Bakit di mo ipaayos? Yaman yaman mo pero kakuripot!" Inagaw ko ulit yung remote at nilipat.

"Hey maid. You don't have the right to talk to me that way. I'm your master." Tapos inagaw na naman niya sa kin. Langya naman. Baka pati tong TV na 'to masira pa dahil sa ginagawa namin.

"Oh tapos? Maghanap ka ng mapa at tignan mo kung nasan yung salitang PAKE KO. Kapag nahanap mo hindi na ko sasagot sa'yo." Umirap ako binato sa kanya yung isang unan na maliit. May tawag dito eh. Nakalimutan ko na.

"Awww..." Daing niya.

"Arte mo. Maka-daing ka kala mo naman sinipa kita sa little Dane mo. Hmp!" Inagaw ko ulit sa kanya yung remote pero nahawakan niya yung pulso ko at inagaw ulit sa kin.

Ah gusto niya talaga ng laban? Sige ibigay! Nakipag-agawan ako.

"Maganda kasi yung movie eh!n mamaya ka na!" Hinatak ko yung remote.

"Ngayon na yung laban na hinihintay ko!" Siya naman yung humila.

"Dane naman! Movie kasi!"

"Yumi naman! Sports kasi!" Panggagaya niya.

"Gaya gaya!" Hila ng remote.

"Gaya gaya!"

*Hila*

"Movie!"

*Hila*

"Sports!"

*Hila*

"Movie nga!"

*Hila*

"Sports nga!"

*Hila*

Nagpatuloy kami sa bangayan pero napatigil pang nung nakita namin sila Mika at Vince na naghahabulan.

Pano napunta yung dalawa na yun sa labas?

Malamang sa malamang Yumi dumaan sa pinto papunta sa labas diba? Try mong dumaan sa bintana na papunta sa loob, bilib na ko sa makakalabas pag ganun yung ginawa.

Geh bara pa! Malala na lagay ko. Sa sobrang lala pati sarili ko nababara ko.

"Got it!" Sa kakaisip ko sa pambabara ko sa sarili ko. Naagaw na ni Dane yung remote.

"Heh! Lamunin mo yang TV nang wala ng makaagaw hano? Ako na bahala sa ataol mo kapag di ka naka-survive sa paglamon. Geh! Diyan ka na!" Dumaan ako sa harap niya at saka naglakad.

Pero dahil nga may taglay akong katalinuhan at kalokohan.. TING! I have a very very brilliant Idea!

Lumapit ako dun sa saksakan at mabilis na binunot yun kaya namatay yung TV. Oha! Talino ko diba?

Tumingin ako sa kanya na nakatingin sa kin ng masama.

"Belat! Kala mo ah?" At tumawa ako ng malakas.

Mukha naman siyang nainis kaya tumayo at hinabol ako.

Umakyat ako agad papunta sa kwarto ko at naglock ng pinto.

"Whooo!" Huminga ako ng malalim dahil napagod ako kakatakbo.

"Better preoare yourself for my revenge tomorror maid!" Narinig kong sigaw niya kaya natawa na lang ako ng mahina.

Pikon naman pala eh. Haha!

Aya's POV

Nauuhaw ako. Lumabas ako ng Kwarto at nagpunta ng kusina. Kumuha ako ng baso saka tubig sa ref.

Nami-miss ko ng tumambay sa min. Gusto ko na ulit makita sila nanay at tatay.

Sana talaga mahanap na namin yung diamonds na yun para matapos na lahat ng 'to.

Oo nakakapag-aral kami sa magandang eskwelahan, pero hindi sapat yun para sa kin. Mas gusto ko pa din yung dati na kahit tuyo lang yung kinakain namin tuwing tanghali at nagpapawis na yung mga kilikili at singit namin dahil sa init eh okay lang. Basta't uuwi kami kala Nanay at Tatay.

Naiisip ko na nga din umatras sa kasunduan na 'to minsan. Pero tuwing maaalala ko yung umiiyak na mukha ni Mrs. Guevarra, hindi ko magawa. Pakiramdam ko kapag may nangyari sa mga anak nila na masama lalo na kay Andrei dahil siya ang hawak ko, lalamunin ako ng konsensya ko.

Sana lang makita na namin agad yung mga diamonds na kailangan ng mga magulang nila para matapos na 'to.

Osige na nga. Tama na ang drama at nakakadiri. Hahahaha!

Hinugasan ko na lang yung baso at lumabas na ng kusina. Nakita ko pang naghabulan si Dane at Yumi. Oh tapos? Close na sila niyan?

Dumaan muna ko sa Laundry room para kunin yung laundry ni Andrei at pumunta sa kwarto niya.

Wala ng katok katok. Pasok agad.

Kaso, pagbukas ko ng pinto, sakto din sa pagbukas ng pinto ng CR at bumulaga sa kin ang isang nilalang na nakatapis lang ng tuwalya.

"AHHHHHH!!" Sabay na sigaw namin at nabitawan ko pa talaga yung laundry dahil sa gulat.

"TURN AROUND!!!" Sigaw niya kaya napatalikod na lang ako.

"Arghh! Magbihis ka nga!" Inis na sabi ko.

"Don't you know the word KNOCK? Uso kasi kumatok, try mo minsan." Sabi niya. Nakatalikod pa din ako.

"Don't you know din ba the LOCK? Uso maglock ng pinto, try ko minsan." Panggagaya ko sa kanya.

"Ghad! I can't believe this. Ngayon lang talaga may sumagot sa kin ng ganito."

"Well, edi nahanap mo na ang katapat mo." Sabi ko at pinulot yung laundry. "Nakapagbihis ka na ba?" Tanong ko.

"Tss.. How can I change my clothes kung nandiyan ka?" Oo nga naman Aya. Katanga mo din eh.

"Pero uso din naman pumasok sa CR at dub magbihis diba?" Umirap ako at pinili na lang na humarap ng hindi siya tinitignan.

Pumasok ako sa CR at nilagay dun yung laundry. Paglabas ko, nagulat ako kasi ang lapit na niya sa kin.

Lumapit siya kaya napaatras ako. Napasok tuloy ako sa CR. Hindi ko alam pero napatitig na lang ako sa mata niya habang umaatras.

Yung feeling na hindi mo maalis yung tingin mo sa mata niya kasi ang ganda ganda, kumikislap pa at parang hinihigop ka palapit. Yung tipong anghel na bumaba sa lupa dahil sa amo ng mukha pero kapag napatingin ka sa labi ang sarap ng sapakin dahil sa ngisi.

"Bakit ba ang sungit mo?" Tanong niya. Jusme!! Ang bango ng hininga!

"M-may pakielam ka ba?" Langya na yan! Nakakautal!

"Siguro di ka pa nagkaka-boyfriend. Napaka-sungit mo eh." Lumapit pa siya kaya napaatras na naman ako.

"Wala ka ng pakielam." Umatras ulit ako.

"Naman! Maid lang naman kita diba?" Nilapit niya yung mukha niya.

"L-lumayo ka nga! Problema mo ba?" Atras ulit.

"Oh? Bakit ka nauutal?" Ngumisi siya. Tsk.. Sarap sapakin. Pero bakit nga ba?

"Basta!" Ngayon lang kasi may lalaking ganito kalapit sa kin! Bwisit na 'to!

"Am I the first guy who come this near to you?" Tanong niya.

"Ano ba kasing---- ayyy!" At dahil may pagka-shunga ako, sa kakaatras ko, ayun, yung inatrasan ko may harang pala bago sa may gawing shower kaya na-out of balance ako.

At para masulit ang pagka-shunga ko, yung paa ko eh nasunggo yung tuhod niya kaya natumba din siya at sumabay pa na napihit ko yung on ng shower dahil tumaban ako dun.

Ang lagay eh, nakaupo ako at masakit talaga sa pwet, tapos siya nakaluhod sa harap ko at pareho kaming nababasa ng tulo ng tubig.

"Aray ko..." Daing ko dahil ang sakit sa pwet.

"Tss... Idiot."

"Hoy kapal ng mukha mo! Kung di ka kasi lapit ng lagsjsnsbsmhs" arghh!! Tinakpan niya yung bibig ko.

Kfine. Tatahimik na.

Tumayo siya at saktong natanggal yung tuwalya niya sa baba kaya bago ko pa makita yun eh pumikit na ko ng mariin.

"Don't open your eyes." Sabi niya saka ko naramdaman ang kamay na humawak sa braso ko at tinayo ako.

Inalalayan niya kong lumabas ng CR dahil nga nakapikit lang ako. Agad akong umakbo pababa at papunta sa kwarto ko.

Nagpalit ako ulit ng damit at naghilamos. Huminga ako g malalim at tumingin sa salamin.

"Whooo! Intense yun! Langyang Andrei na yan. Buti wala akong nakita!"

Lumabas ko ng banyo at nahiga sa kama ko. Kunyari na lang di nangyari 'to. Kakalimutan ko na yung araw na 'to.

Sa ngayon.. Tulog na muna.

Continue Reading

You'll Also Like

19.9K 800 28
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
15.5K 878 42
Rodrigo a secret billionaire businessman only impregnated a woman in a bar and the child was just left in front of his home with a note that he's the...
8.9K 207 61
Note: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)
1.7K 80 30
She fell first, who fell harder? Si Colleen Vergara at Maya Celeste Arceta ay galing sa magkaibang squad na eventually ay nag-join force as Bibi squa...