The Coño Boy 1 & 2: Love What...

By TheLostConyo

399K 11.2K 2.5K

My name is Sean Ordoveza San Dejas. I was steeling myself for a typical uneventful start of the semester when... More

BOOK ONE: FOREWORD
Chapter One: I Hate P.E.
Chapter Two: Breakfast sa Caf
Chapter Three: T@ng In A Mess, Wrong Car!
Chapter Four: How to Choose the Perfect Swim Trunks
Chapter Five: Boys of the Same Feather
Chapter Six: The Merienda
Chapter Seven: Mirror, Mirror, Side-Mirror
Chapter Eight: Slow-Motion + Sexy Music + Guys in Swimming Trunks
Chapter Nine: Siomai Rice and the Morning After Talk
Chapter Ten: Don't Make Singit Between 2 Pizza Slices
Chapter Eleven: The Guy at F-Hall Driveway
Chapter Twelve: Comfort Food
Chapter Thirteen: Sweet Dreams are Made of These
Chapter Fourteen: Friday
Special Chapter 14B: Lazy Friday
Chapter Fifteen: The White Villa with Blue Window Shutters
Special Chapter 15B: Satisfaction by Shakespeare
Chapter Sixteen: Guardian Angels
Chapter Seventeen: Saturday at Tali Beach
Chapter Eighteen: A Bonfire by the Beach
Chapter Nineteen: Here or There
Special Chapter 19B: Turn Left
Chapter Twenty: To the Right of Me
Chapter Twenty-One: Between the Cold Moon and the Earth
Chapter Twenty-Two: How to End the Weekend
Chapter Twenty-Three: Auntie Knows Best
Chapter Twenty Four: Adjustments for the Not-So-Well-Adjusted
Chapter Twenty Five: Billy Shakespeare Wrote A Whole Bunch of Sonnets
Special Chapter 25B: Loop, Scrub, Press Play
Chapter Twenty-Six: Brown Paper Bag
Chapter Twenty-Seven: Gravy Naman!
Chapter Twenty-Eight: Chosen, Choose, Choice
Chapter Twenty-Nine: The Play's the Thing.
Chapter Thirty: This Deserves a Montage!
Chapter Thirty-One: 23 Days
Special Chapter Thirty-Two: University Secret Files
Chapter Thirty Three: Friday the 13th
Chapter Thirty-Four: The Remains of Friday
Special Chapter 34B: Two Guys, Two Cups, and a Pack of Cookies
Chapter Thirty-Five: Waking Up To A Dream
Chapter Thirty-Six: What You Will or How You Will
Chapter Thirty-Seven: All the World's a Stage
Special Chapter 37B: First Valentines Day
Chapter Thirty-Eight: Take a Bow
BOOK TWO
Chapter Thirty-Nine: Si Jake at ang Sipay
Chapter Forty: 11:57 2-14
Chapter Forty One: By Now...
Chapter Forty-Two: Time
Special Chapter 42B: ... and the Untitled.
Chapter Forty Three: White Day and the Sophomore Slump
Chapter Forty-Four: Throwback Thursday Pa Pala
Chapter Forty-Five: Gaya Ng Dati
Chapter Forty-Six: The Green-Eyed Monster
Chapter Forty Seven: Teach Me How You Look and With What Art
Chapter Forty Eight: The Actor, The Bitch, and the Ball Player
Chapter Forty-Nine: Someone to Watch Over Me?
Special Chapter 50: Watching, Waiting, Wanting
Chapter Fifty-One: Paper Faces on Parade
Chapter Fifty-Two: Resistance is Futile
Chapter Fifty Three: The Night Smiles Three Times
Chapter Fifty Four: The House at the Corner of the Plaza.
Chapter Fifty Five: Sunday Mass the Taga-Gitna Way
Chapter Fifty-Six: Sinigwelas Trees and Fireflies
Chapter Fifty-Seven: Ice Candy, Bananas, and Buco
Chapter Fifty-Eight: Kasalanan ito ni Waze at ni Manong sa Plaza
Chapter Fifty-Nine: Here's to the Ladies Who Lunch
Chapter Sixty: As We Let Time Pass
Chapter Sixty-One: What You Do Not Use, You Will Lose
Chapter Sixty-Two: Oracion
Chapter Sixty-Three: Ako Na Lang (Sana)
Chapter Sixty-Four: Gala Night
Chapter Sixty-Five: A Toast to that Invincible Bunch
Chapter Sixty-Six: Family Day is Overrated
Chapter Sixty-Seven: Sunrise and Sunset are Similar But Not Identical
Special Chapter 67B: University Secret Files Continued
Chapter Sixty-Eight: Paper Crowns and the Clowns that Wear Them
Chapter Sixty-Nine: South Kid Strikes [Back?]
EXCURSUS
Chapter Seventy: It is to be All Made of Sighs and Tears
Chapter Seventy-One: Sociedad
Chapter Seventy-Two: Beware the Ides of March
Special Chapter 72B: Beware the Ides of March Part 2
Special Chapter 74: Shit Hit The Fan
Chapter Seventy-Five: The Fine Line Between Love and a Waste of Time
UPDATE for Book 3!
2 Years to the Day
Cover Reveal: The Coño Boy Book 6
We Are FOUR YEARS Old
The Coño Boy: Still With You
CHEERS TO 7 YEARS!

Special Chapter 73: JAKE

4.1K 134 70
By TheLostConyo

[Please play the song, you'll love it. I'll explain after this very special chapter. ~Author]
Jake's Point-of-View

Two years ago...

"Jake, ano ba? Natangay ba ng Sipay utak mo? Matatalo tayo dahil sa'yo eh!" 

Nakakapikon na itong si Lester.

Jake: Ayoko na! Kayo na lang.

Lester: Ha? Anak ng—

Jake: Bibig mo, Lester! Ayan lang ang simbahan oh, huwag ka mag-mura. Rex, ikaw muna, sub!

Lester: Saan ka pupunta?

Jake: Saglit lang, balik ako.

Lester: 300 ang pusta natin, ano ba?

Jake: Saglit lang, sabi!

_ _ _

Ipa-pasa na sakin ni Lester yung bola nang napalingon ako sa mataas-na-bahay sa kanto ng plaza kanina. May nagbukas ng bintana ng kuwarto sa may malapit sa hagdan paakyat ng bahay ni Doña Doray. Hindi binubuksan 'yon pag ganitong oras. Ibig sabihin, naka-uwi na si Se.

Halos 4:00pm na. Siguro na-traffic sila o tinanghali sa pag-alis.

Hindi na maka-balik yung utak ko sa laro namin. Kanina ko pa sini-silip kung bababa o lalabas si Se sa mataas-na-bahay papunta sa Lola Idang o kaya sa Tito Vic. Hindi naman kasi mahilig na maglala-labas si Se kapag na-uwi rito; doon lang sa dalawang bahay na 'yon siya nagla-lagi.

Evan: Huy, saan ka punta? Akala ko may laro kayo?

Jake: Meron. Pero balik rin ako, saglit lang.

Evan: Ah saan ka pala bukas ng hapon?

Jake: Wala pang plano. Mamaya pa uuwi ang Kuya para sa Noche Buena.

Evan: Birthday ng Kuya Christian bukas. Punta kayo sa bahay bukas ng hapon. Magpapa-inom daw siya.

Jake: Talaga? Legal yan?

Evan: Oo naman! Walang kontra kasi birthday niya at Pasko naman.

Jake: Text mo 'ko. Sige—

Tumawid ako pa-kabila ng Calle Real at naglakad papunta sa bahay ng mga Rivera sa kanto. Napalingon ako sa bahay ng mga Dimaculangan kasi bihira na lang namin ito makitang naka-bukas. Sabagay, bisperas ngayon kaya siguradong may umuwi dahil may mga naka-paradang mga sasakyan sa tapat.

"Lolo, what time do we go to Church later?"

"Around 10:00pm, hijo. Why?"

"Can we drive around town for a while, please?"

Puro Inglesero na naman ang mga Taga-Gitna sa mga susunod na araw.

"Jake, saan ka papunta?"

Si Tito Guimo pala, ang Daddy ni Se. Papalabas siya ng bakuran ng mga Dimaculangan.

Jake: Good afternoon po, Tito. Diyan lang po sa bakery.

Nag-mano ako pagka-lapit niya sa akin.

Tito Guillermo, Daddy ni Se: God Bless. Nanggaling ka na ba sa bahay ng Mama Doray?

Jake: Ahhh... Tito kasi—

Tito Guillermo, Daddy ni Se: Nagda-dahilan ka na naman. Pumanhik ka doon mamaya, matutuwa 'yong si Sean na makita ka. Ang kuya Mack mo pala?

Jake: Pauwi po siya ngayong gabi, Tito.

Tito Guillermo, Daddy ni Se: Buti naman. Heto, pasensiya na kayo, wala talagang oras ang Ninong na mamili ng regalo.

Nilabas ng Tito Guimo ang wallet niya at bumunot ng dalawang tag-one thousand pesos.

Tito Guillermo, Daddy ni Se: Hati na kayo ng Kuya mo diyan.

Inabot niya sakin ng patago yung pera.

Jake: Naku, Tito. Nakaka-hiya naman po.

Tito Guillermo, Daddy ni Se: Itong batang 'to, akala mong iba. Tanggapin mo na yan, Christmas na Christmas tatanggihan mo ang Ninong mo?

Jake: Sige po. Thank you po, Tito.

Tito Guillermo, Daddy ni Se: Pumanhik ka doon sa mataas-na-bahay mamaya. Alam mo naman yang kaibigan mo, talo pa nagkukulong sa convento.

Jake: Opo.

Tito Guillermo, Daddy ni Se: Oh sige, ikaw na bahala sa pamasko ko ha. Pupunta pa ako kay Mayor.

Jake: Opo. Thank you po uli. Merry Christmas po.

_ _ _

Naglakad ako ng kaunti pa lampas sa bahay ng mga Dimaculangan papunta sa Bahay Rivera sa kanto. Tumambay muna ako sa tapat ng bakery na nangungupuhan sa baba ng sinaunang bahay katabi ng internet shop kung saan kami madalas mag-laro.

Jake: Ate, pabili naman po ng Royal, yung maliit lang.

Para naman hindi ako magmukhang walang ginagawa sa tapat ng bakery. Pag may hawak akong bote ng softdrinks, aakalain lang nila na nau-uhaw lang ako. Dito kasi sa bakery mas kita ko ang nangyayari sa mataas-na-bahay. Sinasara nila yung mga bintana ng mataas-na-bahay na naka-tapat sa Calle Real kasi nga doon tumatama yung araw pag ganitong oras sa hapon. Yun lang mga bintana na naka-harap sa plaza, gaya nung kuwarto ni Se, ang bukas.

Tuloy pa rin sina Lester at Rex sa laro nila. Kitang-kita ko sila mula sa bakery at siguradong kita rin nila ako mula doon sa court sa dulo ng plaza. Pero wala silang magawa dahil hindi nila ako mapi-pilit kung ayaw ko. Lagi naman kami nagla-laro ng basketball, kaya sa next time na lang ako babawi sa kanila.

Ilang minuto pa, sumilip si Se sa may bintana ng mataas-na-bahay. Yung bintana na naka-tapat sa malaking sala nila. Doon nga lang siya naka-tingin sa may plaza. Bihis na bihis si Se. Iba na ang porma niya ngayon: napaka-gara.

Sana lumingon man lang siya dito sa may bakery sa baba.

Kumatok na lang kaya ako? Sinabihan din naman ako ng Daddy niya na pumanhik sa bahay ng Doña Doray. May dahilan naman ako kung bakit ako aakyat. Kaso yung hitsura ko ngayon ang problema: pawisan at naka-pang basketball.

Pero mukhang may tumawag ng pansin ni Se at lumingon siya pa-loob at umalis na siya sa bintana.

Hindi pa siguro muna ngayon.

Saka ang pangit naman na papanhik ako sa bahay ng Doña Doray na wala man lang dala na kahit ano lalo na bisperas ng Pasko ngayon.

_ _ _

Jake: Ma, luto tayo ng embutido.

Agnes: Ha? Anong oras na? Hindi ako naka-pamili ng ingredients ng embutido.

Jake: Naka-bili na po ako, Ma.

Sabay lapag ng pina-mili ko kanina sa may bayan. Buti na lang na-aalala ko pa kung ano mga ingredients sa embutido.

Agnes: Na-kumpleto mo?

Jake: Opo! Memorized ko naman yung ingredients.

Pero hindi ako bumili ng raisins, ayaw ni Se ng raisins mula pa nung maliit pa kami.

Agnes: Pina-giling mo ba ng dalawang beses yung karne?

Ang gusto kasi ni Mama, pinong-pino yung karne na gagamitin.

Jake: Opo. Bumili na din po ako ng sliced bread at evaporated na gatas.

Agnes: Special ah. Saan ka kumuha ng pera?

Jake: Pina-maskuhan po ako ng Tito Guimo. May pina-abot din siya para kay Kuya.

Agnes: Ahhhh ganoon ba? Saan kayo nagkita?

Jake: Kanina po, nasalubong ko siya noong palabas siya sa bahay ng mga Dimaculangan.

Agnes: Ah, ano naman ang sabi niya?

Jake: Pumanhik daw po ako sa mataas-na-bahay.

Agnes: Oo nga, tigilan niyo na kasi yang tampuhan ninyo ni Sean.

Jake: Wala naman pong tampuhan, Ma.

Agnes: Halos tatlong taon na kayong hindi nag-uusap tapos hindi tampuhan ang tawag mo doon?

Jake: Mamaya na yan, Ma. Tulungan mo ako sa embutido, please? Dadalhin ko ito sa mataas-na-bahay mamaya.

Aaminin ko, hindi ko rin ma-explain kung bakit kami nagka-ganito ni Se. Sina Mama at Kuya Mack naman paulit-ulit sa salitang tampuhan.

Agnes: Okay-okay. I-toast mo muna yung tinapay gaya ng tinuro ko sayo bago mo gawing bread crumbs, ako na bahala sa carrots at sa celery.

Jake: Sige po. Basta po aabot tayo bago mag-10 ha, Ma?

Agnes: Sige na, unahin mo na yung tinapay para mababad yan sa evap pagkatapos mo.

_ _ _

Agnes: Huwag ganyan ang hiwa ng cheese, Jake. Kapalan mo pa ng kaunti at baka matunaw yan habang nasa steamer.

Ang nipis nga ng pagkaka-slice ko.

Jake: Ganito po?

Kinapalan ko ang pag-slice sa cheese.

Agnes: Ayan.

Jake: Iha-halo rin naman ito sa itlog at sa hotdog sa gitna, di ba, Ma? Ba't kailangan mas makapal ang cheese.

Agnes: Alam mo, Jake, sa pagluluto kasi, may nawawala o nasa-sacrifice tuwing dumadaan ang kahit na anong ingredients sa apoy o sa init. Kapag hindi mo kinapalan o dinamihan ng kaunti yung madaling matunaw gaya ng cheese, sayang lang din yung effort ng paglagay mo sa gitna ng embutido kung mahahalo lang siya sa karne. Kasi nga yung hotdog at sliced na nilagang itlog, makakayanan nila yung init ng steamer at pag-hiwa mo ng embutido, hotdog at itlog pa rin sila. Pero yung cheese, iba siya pag nainitan.

Kuya Mack: Ang haba ng explanation ni Mama!

Agnes: Ay! Andito ka na pala, Mack!

Jake: Hi, Kuya!

Ginabi na rin si Kuya Mack. Pero sabi naman niya late na siya lumuwas kaya sakto din lang ang dating niya. Doon kasi siya nakiki-tira sa isang pinsan ni Mama sa may Diliman.

Kuya Mack: Grabe na talaga ang traffic sa Los Baños bago mag crossing pa-UPLB.

Agnes: Ano ba sinakyan mo? Hindi ba nagpa-baybay na daan para sa Santo Domingo ang labas?

Kuya Mack: Nag-bus ako Ma, di ba? Nag-text kaya ako sa'yo.

Agnes: Hindi ko na namalayan ang cellphone ko, nadagdagan pa itong niluluto ko para mamayang gabi oh, tingnan mo.

Kuya Mack: Uy, embutido?

Agnes: Dadalhin daw ni Jake yan mamaya sa mataas-na-bahay.

Kuya Mack: Talaga? Kaya mo na ulit umakyat sa mataas-na-bahay?

Kung hindi si Mama, si Kuya Mack naman. Oo na, ngayon lang uli ako aakyat sa mataas-na-bahay.

Jake: Maghahatid lang ng pagkain, mahirap ba 'yon?

Kuya Mack: Eh yung hahatidan mo?

Jake: Mamaya ka na nga, Kuya, ang dami pang gagawin dito oh, mag-a-alas siyete na!

Kuya Mack: Ikaw Jake, paskong-pasko para kang bina-banas ng init ng Viernes Santo. Para nagtatanong lang kung okay na kayo ni Sean.

Mama: Hayaan mo na yang kapatid mo, excited lang.

Kuya Mack: Teka Ma, heto oh, may dala me na ham gawang Adelina's po yan sa may Mandaluyong. Saka bumili na rin ako ng cake roll kanina bago ako lumuwas.

Agnes: Saan ka naman kumuha ng pera para diyan? Huwag mo sabihing nagtitipid ka ng baon mo at nagpapa-lipas ng gutom para lang dyan?

Kuya Mack: Hindi po. May sarili naman akong mga raket.

Agnes: Raket? Baka kung anong raket ang pinag-gagawa mo diyan! Asikasuhin mo ang pag-aaral mo! Graduating ka na, hindi yung kung anu-anong sideline ang ina-asikaso mo. Mamaya hindi ka pa maka-tapos. Huwag mo akong gagayahin—

Kuya Mack: Hay naku, si Mama! Ayan na naman. Kasalanan ko na naman yata ang hindi mo pag-graduate ng college eh.

Pabiro na sabi ni Kuya Mack na sanay na sanay na sa line na yan ni Mama na kulang na lang i-record.

Agnes: Kasalanan ng Tatay ninyong magaling. Magaling mambola!

Sabay bagsak ng sandok na panghalo. Halatang affected pa rin si Mama sa nangyari sa kanila ng tatay ko.

Kuya Mack: Ikaw naman kasi, Ma! Nagpapa-niwala ka noon sa kanya. Sinabihan ka lang ng "Kumuha ka ng kutsilyo at hiwain ang dibdib ko. Makikita mo, Agnes lang ang nakasulat sa puso ko."

Agnes: Aba! Kung hindi sinabi ng Tatay niyong pabling yan, hindi ka mabu-buo!

Kuya Mack: Eh paano yan, naka-dalawa siya?

Natawa si Mama.

Agnes: Pilosopo! Yan ba ang natutunan mo sa UP?

Natawa na lang din kami ni Kuya Mack.

Jake: Ay Kuya, may pataglay pala sayo ang Tito Guimo kanina. Abot ko sa'yo mamaya. Sabi pala niya sorry daw at wala na siya oras bumili ng regalo.

Kuya Mack: Talaga? Magkano?

Agnes: Mack, ano ka ba? Magkano agad? Hindi mo man lang ba ku-kumustahin ang Ninong mo?

Jake: One thousand, Kuya.

Kuya Mack: Kita mo, Ma? May kapalit na agad yung budget ko sa ham at cake.

_ _ _

9:05pm

Jake: Matagal pa ba yan, Ma?

Tanong ko kay Mama habang kaka-labas ko lang ng baño para maligo.

Agnes: Huwag mong pindutin yan! Itong batang 'to! Kaka-ahon lang sa steamer, huwag mong gala-galawin at kailangan lumamig yan ng bahagya para mabuo ng tama yung embutido.

Jake: Aabot pa ba ako? Aalis yun sila bago mag-10 para magsimba, Ma.

Agnes: Magbihis ka na kasi muna, ako na bahala magpa-lamig nito. Tatapat ko na lang sa electric fan.

Jake: Sige po. Kuya, pahiram ng t-shirt!

_ _ _

9:25pm

Agnes: Mag-mano ka sa Doña Doray ha pati na rin kina Ate Agatha at Anastasia.

Sabi ni Mama habang inabot niya sakin yung binalot niyang embutido saka chicken hamonado. Specialty talaga yan ni Mama at pang-regalo niya lagi. Siya na lang daw ang nagluluto nito sa amin gawa nang mahirap yung gawing boneless ang chicken.

Jake: Opo.

Agnes: Nag-toothbrush ka ba?

Jake: Opo.

Agnes: Yung dalawang naka-hiwalay diyan sa puting supot na may hamonado din, ihatid mo sa bahay ng mga Ordoveza sa gilid ng simbahan, kay Doña Candida yan ha.

Jake: Opo.

Agnes: Yung nasa ilalim, yan yung kay Sean at kay Doña Doray.

Jake: Opo.

Agnes: Sa Misa de Aguinaldo na tayo mag-kita. Magte-text ako sayo kung saan kami ng Kuya Mack mo, ha.

Jake: Oo na po, Ma! Aalis na ako, baka hindi ko maabutan si Se sa mataas-na-bahay.

Agnes: Sige na. Mag-iingat ka.

_ _ _

Mahaba pa ang lalakarin ko papunta sa may sakayan ng tricycle pa-bayan kaya nagma-madali rin ako. Yung ka-kulitan din kasi ni Mama pag na-labas ka ng bahay, talo pa inspector.

Wala pa ako sa kalahati ng lalakarin ko nang may motor na galing sa likod ko na bumagal ang andar at gumilid kung saan ako nagla-lakad.

Rex: Jake! Saan ka papunta?

Si Rex pala. Kababata din namin siya ni Se at classmate nung sa Liceo pa siya nag-aaral. Siya yung pumalit sa akin kanina nung umalis ako habang nagla-laro kami sa Plaza.

Jake: Pa-bayan. Maghahatid ng pagkain na pa-taglay ng Mama.

Rex: Sabay ka na.

Jake: Thanks, 'tol.

_ _ _

Buti na lang talaga naki-sabay ako kay Rex. Napa-bilis ang biyahe ko papuntang bayan.

Nagpa-baba ako sa tapat ng bahay ng Doña Doray.

Jake: Tao po... Magandang gabi po?

Manang Delia: Sino yan?

Jake: Si Jake po, apo ni Mang Ruben, anak ni Agnes.

Buti na lang si Nanay Delia ang naka-pansin sa tawag ko.

Manang Delia: Ikaw palang bata ka. Dali, panhik!

Jake: Salamat po.

Kahit pa akyat-baba ako sa bahay na ito mula pa nung maliit kami, talagang hinintay ko na masabihang pumanhik sa hagdan. Nitong mga nakaraang taon na hindi na kami nagkaka-sama ni Se, naging malinaw sa akin yung kaibahan ng mga Taga-Gitna at namin. Ang lolo ko ang encargado ng mga tubigan nila Doña Doray kaya alam ko na hindi ka dapat pumanhik hangga't walang pa-anyaya sa taas saka tatandaan mo rin yung lugar mo.

Manang Delia: Dios ko, ka-tangkad mo nang bata ka! Gumu-guwapo ka lalo, ha!

Sabi agad sakin ng Nanay Delia pagka-sampa ko sa huling step ng hagdanan.

Jake: Hindi naman po, ako pa rin 'to, Nanay Delia. Wala naman masyado nagbago.

Manang Delia: Buti naman napa-dalaw ka. Kumain ka na ba?

Jake: Opo, kumain na po ako. Ito po pala, nagluto kami ni Mama ng embutido saka po yung gusto daw ng Doña Doray na hamonadong manok na boneless; pinapa-bigay po niya.

Manang Delia: Yan talagang nanay mo, hindi nakaka-limot. Walang okasyong naka-kaligtaan pati yata noong ng anibersaryo pagkamatay ng Don Javier, nagpapa-taglay lagi ng pagkain dito. Halika, ikaw ang mag-abot niyan sa Salvadora.

Jake: Opo.

_ _ _

Kumatok si Nanay Delia sa kuwarto ni Doña Doray.

Manang Delia: Doña Doray... Doña Doray, may visita ka. Yung anak ni Agnes.

Doña Doray: Patuluyin mo.

Manang Delia: Pasok ka, 'toy.

Binuksan ni Nanay Delia ang pintuan ng kuwarto ng Doña Doray.

Jake: Merry Christmas po, Doña Doray.

Pumasok ako. Nano-nood si Doña Doray ng TV. Halatang bagong-bago yung flat screen niya kasi hindi  pa naliligpit ang kahon nito sa paanan ng kama niya.

Doña Doray: Ay si Jake pala ito.

Lumapit ako sa kanya para mag-mano.

Jake: Mano po, Doña Doray.

Doña Doray: God Bless you. Ang tangkad-tangkad mo na, hijo. Ka-tagal mo nang hindi pumapanhik dito.

Jake: Pasensiya na po. Nagpa-taglay po ang Mama ng embutido saka po itong chicken hamonado po.

Pinakita ko sa kanya ang dala kong binalot ng Mama.

Doña Doray: Naku, hijo, favorite ko yang hamonado na gawa ng mama mo. Siya lang ang naka-mana ng timpla niyan mula sa kapatid ko.

Jake: Sabi nga po niya, hahanap-hanapin niyo daw po ito kung hindi siya magluto tuwing Christmas.

Doña Doray: Bueno, paki-sabi sa Mama mo, salamat at lagi niya akong na-aalala.

Kinuha ni Doña Doray yung maliit na bell na nasa lamesita niya at pina-tunog.

Jake: Opo, sasabihin ko po. Ah, Doña Doray, si Sean po pala? Umuwi po siya, di ba?

Doña Doray: Sinama ng Papa niya sa Pagsanjan kanina para makita ng Lolo Benito niya sa kabila, hindi pa yata nakaka-balik.

Jake: Ah ganoon po ba? Magmi-misa de Aguinaldo po ba kayo?

Doña Doray: Hindi na siguro, hijo. Bukas na lang ng umaga ako magsi-simba. Sina Agatha at Anastasia nasa simbahan na para sa misa. Dito rin kasi ang Noche Buena ng ibang mga kamag-anak sa gitna kaya mabuti na rin na hindi ako mag-simba ngayong gabi; makakapag-pahinga pa ako.

Jake: 'Ka-lamig nga po sa labas, buti nga pong bukas na lang kayo magsimba.

May kumatok sa pinto.

Doña Doray: Tuloy.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga nag-aalaga kay Doña Doray.

Yaya: Ano po 'yon?

Mukhang bago lang siya rito. Ganoon na siguro ako katagal hindi napanhik dito, pati mga kasambahay nila hindi ko na kilala.

Doña Doray: Kunin mo yung dala ni Jake na pagkain. Ibigay mo kay Delia. Sabihin mo na itabi para sa akin yung hamonadong manok at yung embutido naman para kay Sean yan.

Yaya: Opo.

Inabot ko sa kanya yung eco-bag na may embutido at hamonado. Umalis siya pagkatapos.

Doña Doray: Huwag ka na kayang umuwi. Sabi naman ni Guillermo i-hahatid niya si Sean bago mag-alas doce. Dito ka na rin mag-Noche Buena, ka-tagal na kitang hindi nakikitang bata ka, sana naman hindi mo ako tanggihan.

Jake: Paano po yan, Doña Doray, may handa rin po si Mama sa bahay?

Doña Doray: Sumaglit ka man lang dito saka ka umuwi sa inyo. Mai-intindihan ka naman siguro ni Agnes. Matutuwa si Sean na makita ka, lalo na't Pasko.

Jake: Ah, babalik na lang po ako, may kailangan pa rin po akong ihatid sa bahay ng Doña Idang. Nagpa-taglay rin si Mama ng pagkain para po sa kanya.

Doña Doray: Aasahan ko yan, ha? Babalik ka talaga?

Jake: Opo.

Doña Doray: Saglit lang, hijo.

Kumuha ang Doña Doray ng dalawang puting envelope na naka-lapag sa lamesita sa tabi ng kama niya.

Doña Doray: Lapit. Heto, isa sa iyo at isa sa kuya mo.

Lumapit ako at inabot ni Doña Doray yung kanang kamay ko at ma-ingat niyang nilapag sa palad ko yung dalawang white envelope.

Doña Doray: Pagdamutan niyo na lang 'yan ha? Bigay ko na ngayon, baka malimutan ko pa mamaya.

Jake:  Nag-abala pa po kayo, Doña Doray. Nakaka-hiya naman po.

Doña Doray: Hindi ito abala, hijo. Pasko ngayon. Dapat mai-bahagi ang mga biyayang natatanggap. Sabihin mo pala kay Ruben at Agnes na dumaan dito bukas kung hindi sila makaka-panhik ngayong gabi.

Jake: Opo, sasabihin ko po. Thank you po uli. Babalik po ako, Doña Doray, may ihahatid lang ako kay Doña Idang.

Doña Doray: Sige, hijo. Baka pagka-balik mo ay narito na sina Sean.

Jake: Opo.

_ _ _

Jake: Tao po. Doña Idang... Doña Idang...

Aling Julia: Sino yan?

May sumilip mula sa bintana sa taas. Si Aling Julia, malayong kamag-anak ni Doña Idang na nag-aasikaso sa sinaunang bahay ng mga Ordoveza dito sa gilid ng simbahan.

Jake: Si Jake po, Aling Julia. Anak po ni Agnes.

Aling Julia: Ay! Ikaw pala yan. Naku, wala ang Candida. Sinundo nina Doña Loring kanina bago tumunog ang kampana.

Jake: Ah ganoon po ba? Iiwan ko na lang po ang pataglay ng Mama.

Aling Julia: Sige, anak. Kalabitin mo na lang yung tarangkahan at umakyat ka na.

_ _ _

Naglakad ako pabalik sa mataas-na-bahay sa kanto ng plaza. Kung hindi ko pa ako nag-dahila na hinihintay ako sa simbahan nila Mama at kuya Mack kay Aling Julia, baka hindi na ako maka-uwi at nagpu-pumilit siyang kumain ako doon. Hindi pa naman ako gutom at nagma-madali nga akong makita si Se.

Sakto, iniwan nang bukas yung pinto pagdating ko sa bahay ng Doña Doray. Binubuksan naman talaga nila ang pinto pag ganitong mga special occasion gawa ng mga bisita nila. Napatigil ako sa unang step pa-akyat at lumingon pataas. Bukas lahat ng ilaw sa loob ng mataas na bahay. May naririnig na akong nag-uusap sa taas. Siguro nandito na yung ibang mga kamag-anak din nila Sean.

Sana naka-uwi na si Sean.

Pangalawang panhik ko na ito ngayong gabi matapos ang halos tatlong taon simula nang bigla na lang umalis si Se at sa Manila na nag-enrol.

Manang Delia: Oh Jake, buti naman naka-balik ka na.

Nakita agad ako ni Manang Delia pagka-tapak ko sa taas habang papunta siya sa kusina na may dalang tray.

Jake: Opo. Galing po ako kay Doña Idang, naghatid ng pataglay ng Mama. Muntik na nga po ako hindi maka-alis gawa ni Aling Julia.

Manang Delia: Ay Diyos ko, buti na lang naka-alis ka agad. Pag napa-upo ka na ni Juling sa lamesa, baka mapag-kuwentuhan ka pa ng masalimuot niyang buhay!

Nakaka-tuwa pa rin mag-kuwento si Nanay Delia; may sarili siyang tono.

Jake: Nag-dahilan na nga lang akong hinihintay na ako nila Mama sa simbahan.

Doña Salve: Masyado ba akong napa-aga?

Kilala ko yung boses na 'yon.

Kahit bihira ko marinig ang boses na niya alam kong siya lang sa mga Taga-Gitna ang may-ari ng boses na yan. Bata pa lang ako noon, tumatak na sa akin yung boses niya.

Manang Delia: Ay hindi po, Doña Salve, may mga visita na rin naman.

Dahan-dahan umakyat ng hagdan may-ari ng boses na 'yon. May naka-sunod sa kanyang dalawang alalay.

Doña Salve: Napaka-daming tao sa simbahan, bukas na lang ako ng umaga magsi-simba.

Manang Delia: Naku, hindi na po dapat kayo nag-susumiksik sa Misa de Aguinaldo—

Doña Salve: Hindi ko naman pinagsi-siksikan ang sarili ko. May sarili naman kaming mga upuan sa harap. Kapag hindi kami umupo doon baka kung sino na lang sa tabi-tabi ang umupo roon.

Magma-mano pa rin ako kahit nagsusungit na siya.

Jake: Merry Christmas po, Doña Salve.

Yumuko ako para hintayin ang kamay niya pero para lang akong tangang naghintay sa wala. At kahit hindi ako naka-tingin sa mga mata niya, ramdam na ramdam ko yung tingin niya sa akin.

Doña Salve: Akala ko ba mga Taga-Gitna lang ang mga visita ngayong gabi?

Lagi naman nangyayari ito. Tuwing nagkikita kami, bibigyan ko siya ng respeto pero harap-harapan niya akong minamaliit o ini-insulto.

Doña Doray: ¿Por qué, Salve? ¿No es él también tu nieto?
[Why, Salve? Isn't he your grandson?]

Nagulat ako nang sumagot si Doña Doray. Kaka-labas lang yata niya ng kuwarto.

Doña Salve: La sangre no siempre te hace pertenecer, Salvadora.
[Blood doesn't always make you belong, Salvadora]

Jake: Mawalang galang na po, Doña Doray, aalis na lang po siguro a—

Doña Salve: Calla te la gran boca! [Shut your big mouth!] Hindi mo ba nakikitang nag-uusap ang mga naka-tatanda sa'yo? Hindi ka ba tinuruan ng ina mo?

Doña Doray: Esta es mi casa, Salve. Tu nieto es mi invitado.
[This is my house, Salve. Your grandson is my guest.]

Hindi ko talaga kaya tumagal rito. Kahit hindi ko sila maintindihan, nakaka-panliit ng pagka-tao. Ayaw ko ring maging dahilan para ma-high blood ang kahit sino sa kanilang dalawa.

Jake: Pasensiya na po. Aalis na lang po ako.

Nag-step ako ng pa-urong ng dalawang beses bago ako yumuko at tumalikod. Tapos nagma-madali akong bumaba sa hagdan.

Doña Doray: Jake, hijo—

Doña Salve: Hayaan mo siya.

Doña Doray: Paskong-pasko, Salve. ¿Por qué lo tratas así?
[Why do you treat him so?]
_ _ _

Sana hindi na lang ako umalis at tinanggap ko na lang yung mga lumalabas sa bibig niya. Kahit pa nanay siya ng tatay ko, may mga oras na nakaka-wala talaga siya ng respeto. Ang hirap mag-pigil. Hindi ko naman pinag-pipilitan yung sarili ko sa pamilya niya. Ma-ayos naman kami nila Mama at Kuya Mack. Hindi man lang niya naisip na bahay ni Doña Doray 'yon. Pero wala naman talaga siyang paki sa ina-asal niya. Hindi na talaga ako nasanay sa lola kong hilaw.

Kaso lang, hindi na ako puwede bumalik sa mataas-na-bahay ngayong gabi. Balak ko sanang hintayin na lang si Se para maka-usap man lang siya saka umuwi para mag-Noche Buena sa bahay namin. Yun lang, para naman sinasadya na doon pa kami magkita ng Doña Salve.

Wala...

Talo...

Nga-nga...

Para akong kawawang ewan na naka-upo sa bench na malapit sa fountain sa kanto ng plaza na palingon-lingon sa may bintana ng mataas-na-bahay.

Ang tagal naman umuwi ni Se.

Maya-maya lang nag-on na yung ilaw sa kuwarto ni Se. Pero hindi ko naman napansin na may tumigil na sasakyan sa may tapat nila. Hindi pa siguro inabot ng minuto may nag-slide na pabukas ng mga sinaunang bintana; at si Se na nga iyon. Doon siguro siya dumaan sa spiral staircase sa baba ng azotea na ginawang garahe sa kabila. Nakalimutan kong may iba pa palang daan pa-akyat sa mataas-na-bahay.

Parang na-ulit lang yung eksena kaninang hapon.

Nandito na naman ako sa baba, tapos nandoon naman si Se sa taas.

Naisip kong lumapit na lang sa ilalim ng bintana at tawagin na si Se.

Tumayo ako kung sa kina-uupuan ko at naglakad patawid sa mataas-na-bahay.

"Jake! Saan kayo mamaya?"

Napalingon ako sa kaliwa kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Si Liit pala, yung kakambal ni Laki na barkada ni Kuya.

Jake: Sa bahay lang. Umuwi kasi ang Kuya Mack.

Liit: Pag wala kayong gagawin pagka-tapos ng Noche Buena, shot tayo.

Jake: Tingnan ko, text-text niyo na lang din si Kuya Mack.

Paglingon ko sa bintana ng kuwarto ni Se, wala na siya.

Ano ba naman 'to? Pahamak talaga itong si Liit. Hindi naman ako mahilig uminom. Nalingat lang ako saglit, nawala na si Se sa may bintana!

Napa-yuko na lang ako.

Paano pa ako aakyat sa mataas-na-bahay eh naroon pa ang lola kong pinag-lihi sa sama ng loob?

Bakit pa kasi ako umalis kanina?

Paano na yung Pasko ko?

Ni hindi ko man lang makitang ma-enjoy ni Se yung niluto kong embutido.

_ _ _

Mga ilang minuto din akong mukhang tangang naka-tayo sa tapat ng bintana ni Se sa baba nang maabutan ako ng Tito Vic.

Tito Vic: Hoy! Anong ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka umakyat?

Jake: Galing na po ako doon sa taas, Tito Vic. Nandoon po ang Doña Salve kaya po bumaba na lang ako.

Tito Vic: Bakit, si Tiya Salve ba ang pinunta mo? Siya ba ang may-ari ng bahay?

Jake: Huwag na lang po. Ayaw ko na rin ng gulo. Baka pag naroon ako sa taas, madami pa po siyang masabing hindi maganda.

Tito Vic: Sabagay. Marami ring hindi maka-tagal sa ugali ng Tiya Salve. Eh anong inaantay mo rito sa baba?

Jake: Gusto ko lang po maka-usap si Se saglit.

Tito Vic: Nariyan na ba siya?

Jake: Opo

Tito Vic: Pag-panhik ko, sasabihin kong nandito ka naghihintay sa baba.

Jake: Talaga po? Thank you po, Tito Vic!

Tito Vic: Maghintay ka lang diyan.

Iniwan ako ni Tito Vic at umakyat na siya sa mataas-na-bahay.

"ANG YABANG MONG PUTANG-INA KA HA!"

"Ikaw din! Ano bang pinagmamalaki mo ha?"

May nag-aaway sa may plaza.

"May pagma-malaki ako, siyempre! Hindi tulad ng sayo! Maliit pa sa Vienna Sausage!"

"Tang-ina ka! Nakita mo? O sinisilipan mo ako?"

"Inaamin mo nga! Maliit nga?"

Teka lang, sina Rex at Allan yata yon.

"Gusto mo siguro akong tikman kaya burat ko ang bukambibig mo!"

"Hindi ako! Yung girlfriend mo! Bumuka ang bibig niya tapos napansin niya ang luwag pa, maliit lang pala yung isu-subo niya!"

At nag-sapakan na silang dalawa.

Ito namang nasa paligid nila hindi man lang sila inawat at naki-sama pa sa panggugulo. Mukhang ayaw nilang tumigil, kaya naki-alam na ako.

Jake: Hoy! Ano ba kayo? Rex! Allan! Itigil niyo nga yan!

_ _ _

Pati ako na-puruhan ng sapak.

Paskong-pasko...

May pasa sa mukha.

Agnes: Hindi ka na lang kasi pumirmis na bata ka! Naki-sama ka pa sa gulo!

Jake: Pina-titigil ko nga po sila, Ma—

Agnes: Kaya nga, hindi mo naman gulo 'yon, naki-sawsaw ka pa!

Jake: Ginagawa ko lang naman po yung tama eh—

Agnes: Tama? Ayan,na-TAMAan ka tuloy sa mukha! Walang lalabas sa inyo kahit bukas!

Paano na 'to? Gusto ko pa naman makita si Se?

_ _ _

Present Day.

Sean: Eh Tita Agnes was right naman. Bakit ka naman kasi gumitna pa sa away nina Rex at Allan?

Jake: Wala kasing pumipigil sa kanila. Ang mga tao naman sa paligid nila enjoy na enjoy pa manood.

Sean: Pababa na kaya ako that time then suddenly nagka-rumble sa plaza kaya I stopped.

Jake: Ewan ko nga ba. Ang malas talaga ng Paskong 'yon.

Sean: Jake, there's no such thing as malas, I think.

Jake: Sayang lang yung effort ko noon.

Sean: Hindi naman. Sabi nga sakin nila Manang Delia, ikaw daw yung nagdala nung embutido that night. I made baon pa kaya nung embutido. As in dinala ko siya pa-uwi sa bahay namin ni Mama sa Parañaque. 

Jake: Alam mo naman pala eh, ba't di mo na lang ako pinuntahan o hinanap noong sumunod na araw?

Sean: Jake, don't be such a kid. That's two years ago na.

Jake: Sabi ko nga, malas yung Paskong 'yon.

Sean: Sorry na... That's all in the past na, di ba? Promise, this Christmas, I'll make bawi.

Jake: Malayo pa yon, Se. March pa lang oh.

_ _ _

[Author's Note: This wasn't supposed to be a chapter at all. But after serendipitously hearing the song "Sa May Bintana"by Ryan Cayabyab, I thought it best to write this special chapter just for Jake. For the most part, Jake's been a mystery even to me. This special chapter is dedicated to those of you who wish to know more of Jake's back story; and also as a thank you for reaching 41,100 reads today.]

Continue Reading

You'll Also Like

3K 683 83
Matagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglip...
113K 2.9K 21
He was dubbed as the most notorious playboy sa barkadahan nila. Maangas, matalino, at oozing with sex appeal: ilan lamang iyan sa mga katangian ni Re...
16.7K 1K 58
One is seeking for a second chance and the other one is expecting for nothing. How can you bring back the past and make amends to the things that you...
311K 1.8K 5
Ilang beses pinaghiwalay at pinaglaruan ng tadhana, matuloy pa kaya ang pagmamahalan ni Craig at Mokong?