Love at its Best (Love Series...

By FGirlWriter

6.8M 123K 9.8K

What is love? Written ©️ 2014 More

Prologue: What is Love?
Chapter 1: Love at First Sight
Chapter 2: Chasing Love
Chapter 3: Love to Fight For
Chapter 4: Loveless Marriage
Chapter 5: Letting Love Go
Chapter 6: Love to Pretend
Chapter 7: Love that is Patient
Chapter 8: When Love is Kind
Chapter 9: It does Not Envy
Chapter 10: Does Not Parade Itself
Chapter 11: Is not Puffed Up
Chapter 12: Does not Behaved Rudely
Chapter 14: The Ex-boyfriend, First kiss, and Bestfriend
Chapter 15: Is Not Self-seeking
Chapter 16: Not Easily Angered
Chapter 17: Keeps No Record of Wrongs
Chapter 18: Does Not Delight in Evil
Chapter 19: Rejoices with the Truth
Chapter 20: Surrendering to Love
Chapter 21: Love Always Protects
Chapter 22: Love Always Trusts
Chapter 23: Love Always Hopes
Chapter 24: Love Endures All Things
Finale Chapter - Chapter 25: This is Love
Epilogue: Love at its Best

Chapter 13: Always Beautiful

229K 4.2K 489
By FGirlWriter

Chapter 13: Always Beautiful

"That which is love is always beautiful." –Norwegian Proverb

***

LITTLE scented candles were lighted and gently floating on the man-made pond of their garden. May mga little lanterns din na nakasabit sa nag-iisang puno na katabi ng pond, at sa ilalim niyon ay nakalatag ang isang picnic blanket. There's a bucket of wine, roasted chicken served in a plate, Italian pasta, and fresh strawberries on a bowl.

            Mula sa kinatatayuan niya ay may path ng white rose petals patungo sa picnic blanket at mula roon ay nakakalat na iyon sa paligid.

            Napakasimple ngunit... Eunice's breath was taken away when she saw how the garden was set up.

            "Happy 15th month anniversary, baby."

            Napalingon si Eunice nang marinig ang boses ni Terrence. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. He stopped when he's infront of her.

            He dashingly smiled. "Did you like it?" tanong nito.

            Napapikit-pikit siya. Hindi makapaniwala sa... sa ginawa nito para sa kanya. No, hindi siya makapaniwala na ginawa nito iyon para lang sa kanya.

            "Surprised?" tanong pa ulit nito.

            Napalingon muli siya sa nakaset-up at saka bumaling muli rito. "Y-you really did this f-for me?" mahinang tanong niya pa.

            Tumango ito. "Hindi naman tayo nakapag-celebrate ng unang anniversary natin so... bakit hindi na lang ngayong 15th month natin? Eksakto naman ang date ngayon nang kinasal tayo one year and three months ago."

            "Natatandaan mo ang date kung kailan tayo kinasal?"

            "Oo naman. Bakit hindi?"

            "I thought... galit ka sa'kin noon kaya alam kong gustung-gusto mong kalimutan ang araw na iyon," mahinang saad niya.

            "And I'm not mad at you anymore. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo iyan? At isa pa, unang beses kong kinasal, bakit ko hindi matatandaan ang araw na iyon?"

            "Kinasal ka sa'kin..."

            Kumunot ang noo nito. "Rason ba iyon para hindi ko matandaan ang araw na iyon?"

            "But you hate me."

            Napabuntong-hininga ito. "Dati nga iyon, Eunice. Hindi na nga ngayon," anito nang mahinahon na parang nakikipag-usap sa makulit na bata.

            "Pero—"

            Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Look at me, Eunice."

            Lumabi siya at iniwas ang tingin nito.

            She heard him sighed. "Matigas talaga ang ulo ng batang 'to," he murmured.

            Napatingin siya rito. "I heard that! Hindi na 'ko bata!"

            "Pero matigas pa rin ang ulo mo," diin nito. "Saan banda mo hindi maintindihan na hindi na nga ako galit sa'yo?" mahinahon nang sabi nito.

            "Okay, fine. Hindi ka na galit sa'kin. Pero... pero, sinabi ko na sa'yo kahapon na tigilan na nga natin ang pagpapanggap 'di ba? Hindi mo na kailangang gawin ang lahat ng ito!"

            Tila lumungkot ang ekspresyon ng mga mata nito. "Hindi mo ba nagustuhan?" tila nanamlay ito.

            Napayuko si Eunice. "Gusto. Gustung-gusto ko..." she whispered. No one ever did that for her. No one ever prepared something surprising and sweet for her.

            Maingat na inangat ni Terrence ang baba niya gamit ang daliri nito. "Iyon naman pala, eh. Then, let's not spoil the moment."

            "Pero kunwari lang ang lahat ng 'to... Hindi 'to totoo."

            Mula sa mga balikat niya ay dumulas ang mga kamay ni Terrence sa kanyang braso papunta sa kanyang mga kamay. Hinawakan nito iyon at marahan siyang hinila patungo sa picnic blanket.

            "Mukha bang imagination lang lahat ng 'to? Mukha ba 'kong ilusyon lang?" nakatawang wika ni Terrence. "Well, ang roasted chicken kapag kinain mo, hindi iyon biglang mawawala. Mabubusog ka pa. Yung wine kapag ininom mo, malalasing ka talaga. At yung mga kandila sa pond subukan mong hawakan ang apoy kapag napaso ka, hindi ko lang alam kung masabi mo pang hindi totoo ang lahat ng 'to," nakangising sabi niya.

            Alam ni Eunice na alam ni Terrence na hindi iyon ang ibig niyang sabihin ngunit unti-unti siyang napangiti sa mga sinabi nito. Oo nga naman, ang lahat ng nasa paligid ay totoo.

            "Ganito ngayon ang gusto ko," sabi pa ni Terrence. "Gusto ko sa gabing 'to, kalilimutan mo lahat ng bumabagabag sa'yo. I want you to breathe. Gusto ko sa gabing 'to, kalilimutan mo muna ang lahat ng tao sa paligid mo maliban sa'kin. I want you to be with me."

            She pouted her lips. "Magpapanggap na naman tayo?"

            "No. It's called relaxation." Inalalayan siya nitong makaupo sa blanket. "We have this night to be able for us to clear our minds and recreate ourselves."

            "Tapos bukas, back to reality."

            Umupo ito sa tabi niya. "Don't think about tomorrow, Eunice."

            "Anong iisipin ko?"

            Inabot nito sa kanya ang isang plato ng pasta. "Gutom ka na at kakain na tayo ng special dinner."

            "Anong susunod kong iisipin pagkatapos niyon?"

            "Kailangan mo ng panulak. Kaya iinom ka ng wine."

            "Tapos?" Unti-unti nang nangingiti si Eunice. Tama si Terrence. She has been self-pitying for the past days at nakalimutan niyang sandali munang kalimutan ang lahat, at i-absorb nang maayos ang lahat ng natututunan.

            "Malalasing ka."

            Mahina siyang natawa.

            "Tapos iinit ang pakiramdam mo..."

            Napaangat siya ng kilay.

            Napangisi ito. "Kaya maiisipan mong mag-swimming sa pond para magpalamig."

            Tuluyan nang natawa si Eunice. "Hindi ako kasya sa pond!" natatawang sabi niya.

            Tumawa rin ito. "Kaya nga huwag mo nang isipin ang mamaya. Basta kakain muna tayo ngayon." Inangat nito ang sariling plato ng pasta. "Let's eat?"

            Tumango siya at ngumiti. "Bon appétit!"

❤❤❤

"OKAY, WHAT now?" tanong ni Eunice kay Terrence. Katatapos lang nilang kumain at parehas na silang nakasandal sa katawan ng puno habang kumakain ng strawberry na sinasawsaw nila sa condensed milk—thanks to Mang Emman's idea.

            Tumingin ito sa kanya. "Can you tell me what's been bothering you these past few days?"

            She made face. "Akala ko ba kakalimutan ko muna 'yan?"

            "Puwede namang hindi mo sabihin. Tinatanong ko lang kung masasabi mo na ba sa'kin. Because you know, I'm still your husband. Your still my wife. We can share problems. You can share it to me."

            "Parte ba'to ng pretend love na hiningi ko sa'yo?"

            Napabuntong-hininga ito. "Ganito na lang, I can be your friend, Eunice. You can share your problems to me."

            She really need to let it out and Terrence is ready to listen. Unti-unti siyang nagpakawala ng hangin. "You know that guilt's eating me up, right?" Nakayukong pag-uumpisa niya habang iniikot-ikot ang isang strawberry sa condensed milk. "No, let me correct that. Guilt has been eating me since we got married and now, it's swallowing me very hard."

             Napatingin siya rito. He's listening intently.

            "I'm a perfect model of a 'kontrabida'. Lalo na sa lovestory niyo ni... ni Rachelle..."

            Nanatili pa rin itong nakikinig sa kanya. He's expression was just neutral.

            "I've been jealous because she has you. I brag of what she doesn't have, so that she'll lose her confidence. I insulted her so she can feel degraded. I... I did rude things just to make her believe... na hindi kayo bagay. That in the end, magkakahiwalay rin kayo because you'll end up with me..." She sobbed.

            "B-But what's a pretty face with a rotten heart? " naiiyak na sabi niya. She rested her forehead on his shoulder. "What adds up to my guilt is the fact that... ang pangit ng ugali ko pero n-nagawa akong patawarin ng mga kaibigan ko. They loved me, but I didn't realize it agad.

            "Ikaw? Napatawad mo na 'ko. Hindi ka na galit sa'kin. Everybody moved on except me. And I think I can never m-move on. I'm trapped inside the darkness I made, T-Terrence," humahagulgol na sabi niya. "I'm t-trapped."

            Terrence said nothing but hugged her tightly. Sa loob ng mga yakap nito ay hinayaan lang siya nitong umiyak nang umiyak. Which made her...at ease. Hindi ito nagsasalita pero pinaramdam nito sa mga yakap na... nandoon lang ito, na hindi ito mawawala, at kasama niya lang ito.

            "You're trapped if you want to stay trapped, Eunice," he whispered. "You made the darkness and you can destroy it."

            "I-I don't know how..." she helplessly said. "I don't know how to forgive myself."

            Sabi ni Lorraine, patawarin niya ang sarili pero paano nga ba ginagawa iyon? If she looks awfully at herself, also?

            "The more someone denies what she is, her faults, her imperfections –the more hurtful for her to accept what she truly is."

            "I'm a scheming brat and a bitch."

            "But now, you're a crybaby."

            Lalo siyang napaiyak.

            "Hey, it's a joke!" tila natarantang sabi nito.

            "Terrence naman, eh!"

            "Okay, okay..." Napabuntong-hininga ito. "Ganito na lang, isipin mo ang mga gusto mong baguhin sa sarili mo."

            Kusang ipinikit niya ang mga mata. I'll never hurt someone again or stepped on them just to get what I want. We can't always get what we want. We'll do things the right way, Eunice. We'll do things with love. She whispered to herself.

            "Can I do it?" she absentmindedly asked Terrence. "Can I-I change?"

            "Yes you can. And you will."

            "Pa'no mo nalaman?"

            "Because God will make you." He hugged her again. "Now stop crying and let's pray."

            "Pray?"

            "Yes. Pray." He closed his eyes. "There's no one who can calm a troubled heart but Him. It's when we're lost that we find Him. It's when we're broken and His the only one who can fix us..."

            Tila may humaplos na mainit na bagay sa puso ni Eunice. Pumikit din siya katulad nito. And for a while, walang nagsasalita sa kanila. Tahimik ang buong paligid at ang paghipan lang ng malamig na hangin ang nararamdaman nila.

            Eunice doesn't know how to pray. She's not used to it but she tried anyway.

            I don't know how to pray, God. I don't know how to talk to You. Pero... sabi ni Terrence, You can calm a troubled heart. Can you take my burdens away, God? Please change me, because I don't know if I can.

            "If you can't put your faith on yourself, then put it all to Him."

            Please fill my heart with love, God...

            "Believe in Him."

            ...help me forgive myself, because I know You can.

            "Because He's great and all powerful."

            Amen. Eunice slowly opened her eyes and was greeted by Terrence's loving face.

            Suddenly, she felt...lighter. This time, her heart's really light. Her mind is clear.

            "Kumusta ka na?" nakangiting tanong nito.

            Nahawa siya sa mga ngiti nito. "Much better." Lumayo na siya sa mga yakap nito. "Thank you, Terrence," she sincerely said. Ganoon ba lagi kapag nagdadasal? Gumagaan ang pakiramdam?

            "Okay ka na talaga?" paninigurado pa nito.

            Tumango siya. "Yeah. Everything you said was effective." Tinaasan niya ito ng kilay. "Magpa-pastor ka ba?"

            Napaismid ito. "Bagay ba 'ko maging pastor?"

            Pabirong tiningnan niya ang kabuuan nito. "Nah. You're too hot and gorgeous."

            "I know."

            With that, they burst out laughing.

❤❤❤

"LAGI NA lang akong umiiyak nitong mga nakaraang araw. I feel so ugly!"

            Tumingin sa mukha niya si Terrence. "Hindi naman, ah."

            Nag-init ang mga pisngi ni Eunice. Hindi niya mapigilang ngumiti. "T-Talaga?"

            "Ahm... you just have swollen eyes, parang sa palaka."

            Napasinghap siya at hinampas ito sa braso. Tumawa naman ito.

            Natakip niya ang mga kamay sa mata. "Ugh! I knew it! Ang pangit ko na talaga!"

            "It's just a joke, Eunice. Hindi ko naman sinabing mukha kang palaka," tumatawang wika nito.

            "Mga mata ko lang, ganoon?"

            "Ahh...ganoon nga siguro."

            "Terrence!"

            Tumawa na naman ito. He's making fun of her!

            "Come on, Eunice, 'wag mong takpan ang mukha mo. You're beautiful, okay?"

            "Mukha akong palaka," nagtatampong sabi niya.

            "Maganda naman."

            "Still a frog!"

            He joyously laughed, again. Natawa na lang din si Eunice.

            "Ugh! Ang pangit ko na talaga!"

            Tumikhim si Terrence. "Gusto mong sumayaw?"

            "Sumayaw?" nagtatakang tanong niya rito.

            Tumayo ito at pagkuwa'y inabot ang kamay niya. "Yup. Let's dance. Tuloy natin ang sayaw nung concert."

            "Nasaan ang music?" tanong niya pa habang tumatayo.

            Ngumiti lang si Terrence at hinapit siya sa baywang. Umangat naman ang isang kamay niya sa mga balikat nito habang magkawak ang isa pa nilang mga kamay.

            "What's the song again, in the concert?" Terrence asked.

            "'Beautiful in my eyes'," sagot naman niya.

            He nodded and then cleared his throat.

            "Oh my gosh! Are you going to sing?" she excitedly asked. Hindi niya pa narinig na kumanta ito kahit noon!

            "Baka tumula lang ako," he sarcastically said.

            Lumabi siya. "Nye-nye."

           "Hindi ba, dapat 'kokak'?" tukso pa nito.

            "Terrence!" Lalayo sana siya ngunit mas hinapit siya nito.

            "You're my piece of mind in this crazy world...You're everything I've tried to find...Your love is a pearl..." Terrence started singing while looking at her.

            "You're my Mona Lisa... You're my rainbow skies.. And my only prayer is that you realize..." he started to sway her.

            He smiled. "You'll always be beautiful in my eyes..."

❤❤❤

"THE WORLD will turn... And the seasons will change..." he continued as they sway. "And all the lessons we will learn will be beautiful and strange... We'll have our fell of tears...Our share of sight... My only prayer is that you realize..."

            Terrence smiled at Eunice. "You'll always be beautiful in my eyes..."

            When Eunice smiled back as she swayed with him, Terrence felt that he accomplished his plan for the night.

            To make her feel better.

            To make her smile.

            Gusto niya rin sanang iparating kay Eunice na lahat nang matututunan pa nito tungkol sa buhay at sa sarili nito ay hindi magiging ganoon kadali. Gusto niyang malaman nito na kahit ano pang pangit ang makita nito sa sarili, mananatili ang kagandahan nito.

            Because, maybe they started rough but Terrence already saw that there's something incredible about Eunice.

            "You will always be..." Inikot niya ito gamit ang isang kamay."...beautiful in my eyes..."

            He heard Eunice giggled.

            "And the passing years will show...That you will always grow..." He pulled her closer, again, and directly looked into her eyes. "Ever more beautiful in my eyes..."

            Eunice is really beautiful. And he knows that she'll grow more. Her heart will soon glow because of love.

            Habang pinagpapatuloy niya ang pagkanta ay nakatitig lang siya sa magandang mukha nito. It's the face he noticed more than a year, but it's the look in her eyes that he failed to see.

            She was a lost little girl that ever wanted was to truly find what love is.

            Kung sana nakita niya lang agad iyon noon, sana natulungan niya na itong mahanap iyon noon pa. Sana sabay nilang nahanap iyon.

            Hindi naman akalain ni Terrence na sa pag-alis nito, saka niya pa lang mas malalim na maiintindihan ang pag-ibig. Hindi naman niya akalain na sa pag-alis nito ay saka lang niya mapagtatanto ang lahat. Hindi naman niya akalain na sa pag-alis nito...

            Napasinghap si Eunice at nanlaki ang mga mata nang umulan ng rose petals habang nagsasayaw sila.

            Napatingala ito at natawa. "Mang Emman?"

            Napatingala na rin siya at nakita ang matandang katiwala na nasa terrace at nagsasaboy sa kanila ng mga bulaklak.

            "Napag-utusan lang, Ma'am."

            Napatingin sa kanya si Eunice. "It's your idea?"

            Napangisi lang siya. "I saw it in the movies."

            Tumawa ito. "Ang corny!"

            Patuloy pa rin ang pag-ulan ng mga bulaklak. Natawa na lang din siya. It's corny, indeed.

            "Mang Emman, tama na po," utos niya sa matanda.

            "No!" pigil ni Eunice.

            "Akala ko ba corny?"

            She sweetly smiled. "But I like it." Pumulupot ang mga braso nito sa leeg niya. "Thank you, Terrence."

            "You're always welcome, baby."

            She smiled wider. "Sana hindi na lang 'to matapos."

            He just smiled. Pinikit niya ang mga mata at dinikit sa noo nito ang noo niya.

            "Just don't think it will end."

            "But it will..."

            "We're still here."

            She chuckled. "You know how to convince. Magpa-pastor ka nga talaga siguro."

            "Are you willing to be a pastor's wife?"

❤❤❤

SABAY PANG napamulat ng mga mata si Eunice at Terrence pagkatapos ng tanong na iyon ni Terrence.

            Mas lumakas pa ang pagkabog ng puso ni Eunice. Kanina pa parang tatalon ang puso niya mula sa ribcage dahil sa mga tingin ni Terrence habang nagsasayaw sila. Idagdag pa ang "pag-ulan" ng mga bulaklak –thanks to Mang Emman.

            "Hindi ka na nakasagot," anito.

            Mahina siyang natawa. "Well, I'm okay to be just an engineer's wife."

            Bigla na namang "umulan" ng rose petals and this time it's color pink. White kasi ang kanina.

            Dahil sa sobrang tuwa ni Eunice ay di niya mapigilang mabilis na halikan si Terrence sa mga labi na ikinagulat nito.

            "Happy 15th monthsary!" masayang bati niya rito. At least they got to celebrate one bago sila tuluyang maghiwalay nito pagkatapos ng mahigit dalawang linggo pa.

            Hindi na mahalaga kung kunwari o totoo ang paghahanda nito. Ang mahalaga gumawa si Terrence ng paraan para mapasaya siya.

            "Kanta ka pa ulit!" she requested.

            Ngumiti ito. At maya-maya ay may mga pilyong ngiti na sa labi.

            "We were as one, babe, for a moment in time..." he sexily sang while sliding down his hands on her waist. "And it seemed everlasting that you would always be mine..."

            Napalunok si Eunice. Her heart raced a mile as Terrence closed her body to his. Mali yatang nag-request pa siya ng isa pang kanta rito.

            "Now you want to be free, so I'm letting you fly.. Cause I know in my heart babe, our love will never die... No..." He's almost whispering  the lyrics that it sent shivers through Eunice.

            Memories of the only night they shared together came rushing to her mind.

            "You'll always be a part of me..." he continued. " I'm a part of you indefinitely..."

             Eunice soflty gasped as Terrence lowered his face to hers...

            "Girl, don't you know you can't escape me..." His eyes caught hers.

            "Ooh darling, cause you'll always be my baby." Napapikit si Eunice. She can already smell his sweet-minty breath...

            "And we'll linger on... Time can't erase a feeling this strong..." he continued singing softly as a force pushed Eunice to come closer to his face.

            "No way you're never gonna shake me..." Sigurado si Eunice na kaunti na lang ay maglalapat na ang mga labi nila.

            Hindi na alam ni Eunice kung anong iisipin lalo na nang unti-unti ay...

            "Sir, naubusan na po tayo ng bulaklak!"

            Napadilat si Eunice. Ganoon din si Terrence.

            Suddenly, the moment's gone.

            "Magaling sa timing si Mang Emman," pabirong sabi niya habang nakatingin sa taas ng terrace.

            "You bet," dagdag pa ni Terrence.

            Natawa siya at napatingin dito. Ngunit, sa pagtingin niya rito ay sinalubong siya nito ng halik... sa mga labi!

            "Happy 15th monthsary," nakangiting bati nito pagkatapos.

            Kahit nagulat ay napangiti pa rin si Eunice. He treated her so special that night kaya naman nilundag niya ito ng yakap.

            "I'll never forget this, Terrence," masayang bulong niya rito. Because that night, napalabas ni Terrence ang lahat ng emosyon na puwede niyang maramdaman.

            "Me, too, baby. Me, too."

❤❤❤

NAGISING si Terrence na kaharap ang mahimbing na natutulog na si Eunice. Napangiti siya nang mapansing mas magaan na ang paghinga nito at tila nakangiti pa ito habang natutulog. Halatang hindi na ganoon kabigat ang kinikipkip nito.

            Mas lumapit siya rito at niyakap ito sa baywang. Awtomatikong sumiksik naman ito sa kanyang dibdib. Pipikit na sana ulit siya ng may kumatok sa pintuan ng kuwarto.

            "Sir Terrence?"

            Maingat siyang bumangon upang hindi magising si Eunice. Naghihikab na lumapit siya sa pintuan.

            "Bakit po, Mang Emman?" tanong niya rito nang pagbuksan niya ito ng pinto.

            "Sir, may bisita si Ma'am."

            Napahikab ulit siya. "Mga kaibigan niya ba?"

            Umiling ito. "Si Geoff Martin daw po."

            Biglang nawala ang antok ni Terrence.


***

Let's get connected!

Follow my official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

3K 128 15
The Cristina and Leonardo's love story. [HER POV] BOOK 2 Cover by: PANANABELS
2.7M 75K 82
"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel tha...
662 57 29
"Walang istorya ang hindi nagtatapos. Kaya bibigyan ko ng wakas ang ating pagmamahalan. Masayang wakas." Matalik na kaibigan, iyan si Dion Felix Rom...
133K 3.9K 79
Started: May 3,2021 Status: Completed Finished: June 17,2021 Ps. This is unedited story and i don't have plan to edit kaya sorry kung may mga wrong t...