Tatlong araw na mula nang makauwi ako. Hindi na ako sanay ng walang ginagawa. Naisipan kong mag paint. Habang nagpipinta ay tumunog ang cellphone ko. Nagtaka ako. Bukod kila mama ay wala namang ibang nakakaalam ng number ko.
"Hello?" I asked.
"Hello, Chelsea? Is it real? Are you back?" tanong mula sa kabilang linya.
Napakunot noo ako. "Zeus?"
"Oh, I'm so glad, you still recognize my voice. May I see you today?" tanong nya.
"Ha? Ok sige. Pano mo nga pala nalaman ang number ko..."
"I'm actually few minutes from your house now. Can I drop by, tapos kain nalang tayo sa labas.. " he cut my words.
"Uhm, I--" he was so excited. I can't even finish my sentence. Pinatay na nya agad ang phone. "That guy"
I got up from the chair at naghugas ako ng kamay. I checked myself in the mirror. Ok naman ang itsura ko. Narinig ko na ang busina ng kotse sa labas. Nagsuklay lang ako at saka tumakbo palabas.
"Hi" bati ko.
"Chelsea" he got down from the car and hugged me. "I missed you so much"
"Kumusta?" tanong ko.
"I'm doing pretty well these days. I'm the CEO of our own company now. But still a part of GGC." he said. "Oh, sorry. It's improper to talk about business right now."
Binuksan nya ang pinto ng kotse at pinapasok ako.
He drove to the nearest mall. "Look at you, you're still gorgeous as ever."
"You're a flatterer." nakangiting sabi ko. "You look good too."
He's still handsome. But with maturity now.
Kumain kami sa labas at nagkwentuhan tungkol sa apat na taon na nagdaan. Hindi na ako nagtanong pa tungkol kay Tristan. I've heard enough. Mukang iniiwasan nya rin naman na may mabanggit.
I guess it's true.
"Actually sa bahay nyo talaga ang punta ko kanina. Kaso nasabi ng kapatid mo na wala sila run at nakauwi ka na nga." he said later.
Nag grocery sila mama at Chandria. Nagpaiwan ako sa bahay. Nasa office naman si Papa.
"Ah, nagkakausap pala kayo ng kapatid ko." I commented. "Ano bang sadya mo?"
He hand me an envelope. "Invitation for GGC's anniversary."
Tiningnan ko ang sobre. "I don't want to go, Zeus.."
"Sige na, Chelsea. Nung mga panahong wala ka, naging friends na sila Tito at ang family mo. Your father's company is officially affiliate with GGC now. I don't know for what reasons, but nasabi nila na ayaw mong makibalita tungkol kay Tristan.. " he paused. "But believe me, many things has changed since you left."
Hindi ako nakaimik.
"Tristan will be present. Kung ano man ang gusto nyong pag usapan, pag usapan nyo sa party. I hope na bigyan mo ng consideration. Pero kung ayaw mo talaga, hindi kita pipilitin. Basta sila Mama at Papa mo, kailangang dumalo since they are considered family friend na rin."
Tinanggap ko ang envelope. "Sige, sasabihin ko sa kanila."
What is this? Di ba nasabi kong babalik ako kapag may napatunayan na ako para sa sarili ko? Tapos malalaman kong parte na rin ng GGC ang company ni Papa? Pati ba sya ginipit na ng Daddy ni Tristan?
In the end, I lose.
Wala akong laban. It's time to give up.
"Zeus!!"
Sabay kaming napalingon ni Zeus sa isang babaeng papalapit. Sexy ang pananamit nito at halatang anak mayaman.
"Here's this brat again" narinig kong sabi ni Zeus.
"Pakilala mo naman ako dyan sa ka-date mo" maarteng sabi ng babae.
"Get lost Erin, we're talking about something impo--"
"Hi, I'm Erin Chavez" she offered a handshake.
"I'm Chelsea Henares." ngumiti ako at nakipagkamay sa kanya.
Parang nagulat sya nung sinabi ko ang pangalan ko. Tiningnan nya rin akong maigi.
Binawi ko agad ang kamay ko. "Sorry, medyo marumi ang kamay ko, nagpaint kasi ako kanina.."
"Ah" kumurap kurap sya. "It's ok."
"So, can you please leave us alone now, Erin?" tanong ni Zeus.
Sumimangot ang babae. "Ok. Then see you at the party. Bye Chelsea"
Umalis na ito.
"Sino yun?" tanong ko.
"Wala yun. Makulit na anak ng kapitbahay namin." sagot nya.
Ngumiti ako. "She's pretty. Bagay kayo"
He gave me a 'No Way!' look. I laughed at his reaction.
~~❤
Dumating ang araw ng party. I mean, gabi ng party.
I finally decided to show up, hindi lang dahil sa gusto ko, pinilit din ako nila Mama, Papa at lalong lalo na ni Chandria. Bahala na. Gusto kong makita si Tristan. I'm giving it a shot.
I wore a white dress. Fitted ang dibdib at ang balakang. Backless din. Tinernuhan ko ng silver na heels at diamond na earring.
Nagpaayos ako kanina ng buhok sa salon. Hinayaan ko lang na nakalugay yun, pinacurl ko lang ang bandang dulo.
"Stunning lady" sabi ni Papa. "I feel so proud. Saakin mo namana ang ganda mo, iha"
"Papa talaga" natatawang sabi ko.
"Kailangan bang pati ako, sumama?" tanong ni Chandria. She's wearing a black cocktail dress, which she hates so much. Sabi nya gusto nya nalang daw magpantalon sa party.
"Syempre naman, bunso. Ikaw talaga. Minsan lang to e" inakbayan sya ni Papa. "Dalaga ka na rin, dapat marunong ka nang makipagsocialize.."
"Tama na yang kwentuhan nyo, pumunta na tayo.." singit bigla ni mama.
Pumunta na kami sa garahe at sumakay na ng kotse.
Habang nasa byahe, kinakabahan ako. This feeling is so familiar... Nung unang punta ko sa GGC party, kabado rin ako. Pero dati, I have Tristan. Ngayon, sya ang dahilan kung bakit ako kinakabahan.
Ano kayang sasabihin ko pag nagkita na kami?
Hindi ko namalayan ang byahe. Narating na namin ang lugar. Same place. Same thing. We posed for picture.
Habang papasok ay natanaw ko na si Zeus. Sa unahan naman namin ay naglalakad sina Erin at ang pamilya nito. Hindi nya kami napansin.
Nakita ako ni Zeus. Kumaway sya at malaki ang ngiting sumalubong sa akin.
"You came. Wow. You're so beautful" masayang sabi nya.
Nginitian ko sya. "Thank you."
"Hello, Tito, Tita.. I'll lead you to your designated table" sabi nya sa parents ko.
"Good evening din Iho. Thank you." sabi ni Papa.
Dinala nya kami sa table malapit sa gitna.
"Zeus, is Tristan and Xyerah here now?" tanong ko.
Tumango sya. "Yes. You'll see them later. By the way, ngayon na rin iaannounce ang tungkol sa wedding. Sana wag kang mabigla.." he said.
I felt regretful. Bakit pa ako pumunta rito? Itotorture ko lang ang sarili ko..
Nag hive five pa sina Zeus at Chandria bago umalis ang lalaki.
Hindi ako mapakali. Gusto ko nang umuwi. Parang hindi tama na nandito ako ngayon. I can't promise not to cry...
Ilang sandali pa, natanaw ko na ang taong gustong gusto kong makita.
Parang mag slowdown ang lahat. Wala akong naririnig kundi ang tibok ng puso ko. As he slowly walk, grretex by everyone, he's shining in my eyes...
The man I used to love. And still holding my heart all these time. The one that got away..
Tristan.. I missed you.
Napalingon sya sa gawi ko. Pakiramdam ko tumigil ang oras. Our eyes met again.
I held back my tears. It's too early to cry. Bago pa pumatak ang mga ito, tumayo ako at pumunta sa CR.
Stupid. He's not yours anymore. You left him. So wala kang karapatan na umiyak iyak dyan..
~~❤