Love at its Best (Love Series...

By FGirlWriter

6.8M 123K 9.8K

What is love? Written ©️ 2014 More

Prologue: What is Love?
Chapter 1: Love at First Sight
Chapter 2: Chasing Love
Chapter 3: Love to Fight For
Chapter 4: Loveless Marriage
Chapter 5: Letting Love Go
Chapter 6: Love to Pretend
Chapter 7: Love that is Patient
Chapter 8: When Love is Kind
Chapter 9: It does Not Envy
Chapter 10: Does Not Parade Itself
Chapter 11: Is not Puffed Up
Chapter 13: Always Beautiful
Chapter 14: The Ex-boyfriend, First kiss, and Bestfriend
Chapter 15: Is Not Self-seeking
Chapter 16: Not Easily Angered
Chapter 17: Keeps No Record of Wrongs
Chapter 18: Does Not Delight in Evil
Chapter 19: Rejoices with the Truth
Chapter 20: Surrendering to Love
Chapter 21: Love Always Protects
Chapter 22: Love Always Trusts
Chapter 23: Love Always Hopes
Chapter 24: Love Endures All Things
Finale Chapter - Chapter 25: This is Love
Epilogue: Love at its Best

Chapter 12: Does not Behaved Rudely

217K 4.2K 216
By FGirlWriter

Chapter 12: Does Not Behaved Rudely

"Love has good manners. It is courteous, polite, sensitive to the feelings of others and always uses tact." – Steve Cole, Bible.org

***

"TAMA NA kasi, Terrence! Stop pretending that you adore me! That you love me. Let's just stop this. Stop acting like you care!" Humagulgol na siya ng iyak at saka napaupo sa lupa.

            Wala siyang pakialam kung may makakita sa kanya. All she wanted to do was cry. There is so much in her mind that her heart can hardly process.

            Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Terrence. "But I'm not pret..." he murmured that Eunice can't understand.

            Pero ayaw niya ring makinig dito. Ayaw niyang makarinig muna ng kung ano. For two days, she had heard so much. She thought that another definition of love would strike her conscience more.

            "Eunice? Are you even listening to me?" Terrence warily asked.

            Umiling siya. "N-No..." she sobbed.

            "What? Hindi ka nakikinig sa'kin? Ang dami-dami kong sinabi tapos hindi ka nakinig sa'kin?"

            Lalo siyang naiyak dahil tila pinapagalitan siya nito. Tumaas kasi ang boses nito na parang nainis sa kanya.

            "B-Bakit? Ano bang mga sinabi mo?"

            Nagpakawala ito ng hininga saka iiling-iling na lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at inalalayan siya nitong tumayo.

            "Huwag kang maglupasay sa lupa. Madumi diyan." Naglabas ito ng panyo mula sa bulsa nito. "Tapos umiiyak ka pa, baka isipin ng ibang tao kung anong ginawa ko sa'yo." Then, he gently wiped her face with his handkerchief.

            "Ano na naman bang nangyari sa'yo?" maingat nitong tanong.

            Ngunit hindi niya ito sinagot. Tuluy-tuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya.

            He sighed. "Tahan na," bulong nito. "I thought maayos ka na kagabi?"

            Akala niya rin ay ayos na siya. Iniwas niya ang mukha rito at saka lumayo. "Umuwi na lang tayo," she softly said. "G-Gusto ko nang magpahinga."

            Napabuntong-hininga ito. Tila sumusuko na dahil hindi makakuha ng matinong sagot mula sa kanya. Then, he murmured something.

            "Are you saying something?"

            Umiling ito at saka ibinigay sa kanya ang panyo. Kinuha niya iyon at pinahid sa mga luha niyang hindi na yata titigil pa sa pagbagsak.

            "Come on, let's go home."

❤❤❤

"IS SHE always like that when she's upset?" tanong ni Terrence sa kabilang linya.

            "Yes," sagot ni Eugene. "Mostly, kapag alam niyang may kasalanan siya at nakokonsensya siya, ganyan siya."

            Napalingon si Terrence kay Eunice na mahimbing nang natutulog.

            "She's on the process of changing I think. Keep her by your side, Terrence. Ilang weeks na lang naman. Then you can..."

            "Yeah..."

            "Have a good night, then," paalam na ni Eugene mula sa kabilang linya.

            Pagbaba ni Terrence ng telepono ay humiga na rin siya sa kama. Patagilid siyang humiga –paharap kay Eunice. Maingat niyang idinantay ang braso sa baywang nito.

            Idinikit niya ang noo sa noo nito at saka siya pumikit. "You'll be fine soon, baby. I'll make sure of that," he silently promised.

❤❤❤

MAAGANG nagising si Eunice kaya naman agad na siyang bumangon at hindi na hinintay na magising pa si Terrence. Naligo siya at inayos ang sarili. Pagkatapos niyon ay maingat siyang lumabas ng kuwarto upang hindi magising si Terrence. Mabilis siyang bumaba at palabas na sana ng bahay nang makasalubong niya si Mang Emman.

            "O, Ma'am Eunice! Magandang umaga po! Ang aga niyo pong nagising," anito habang may dala-dalang timba at tabo. Nilinis siguro nito ang mga kotse.

            "G-Good morning, also, Mang Emman."

            "Maaga po ata ang lakad natin ngayon, ah," nakangiting sabi nito nang mapansing nakabihis siya.

            "May pupuntahan lang po akong kaibigan."

            "Aba'y gising na rin po ba si Engineer?"

            Umiling siya. "Baka po maya-maya magising na rin po siya. Ahm, I'll go na, Mang Emman. Pakisabi na lang kay Terrence na pumunta ako sa kaibigan ko."

            "Sige, ho. Ipagbubukas ko na po kayo ng gate. Mag-ingat ka, Ma'am."

            Tumango siya at dumiretso na sa garahe. Sumakay siya sa kotse niya at agad na pinaandar iyon nang mabuksan na ang gate. Kumaway pa siya kay Mang Emman bago siya tuluyang makalabas.

            Last night before she sleep, nakatanggap pa siya ng text mula kay Syrel. Nagtataka kasi ito kung bakit siya biglang nawala sa concert. She reasoned out na maaga siyang sinundo ni Terrence kaya hindi na siya nakapagpaalam dito. Then, Syrel told her na ngayon na pala ang uwi ni Lorraine mula sa Cebu at gusto sana nitong sumama siya sa pagsundo sa kanilang kaibigan sa airport. Ayaw niya sanang lumabas ng bahay dahil parang mas gusto niyang magkulong sa kuwarto.

            Pero naisip niya na oras na rin siguro ito para makausap niya na rin si Lorraine. Tutal naman, ayos na sila nina Rizza at Syrel. Ang kinatatakot lang naman niya ay baka makarinig na naman siya ng mga salitang mas makakasundot sa konsensya niya.

            Ngunit, naisip niyang mas mabuti na rin siguro iyon. Because, deep inside her, she really wanted to learn more... especially about the word 'love'. Naalala niya ang sinabi ng mommy niya nang nabubuhay pa ito. Napakaraming definition niyon at dapat talagang maging maingat siya kung anong paniniwalaan.

            At kung titingnan ang mga nangyari sa kanya sa mga nakalipas na linggo magmula nang magsimula ang 'pretend love' nila ni Terrence, all the things she learned about love were just... connected to each other. Maybe now, she's on the right path.

            An hour later, nasa NAIA Terminal 3 na siya upang salubungin ang kaibigan. Nag-park siya sa parking lot ng airport at saka pinuntahan sina Syrel at Rizza na naghihintay sa kanya sa isang coffee shop na nasa loob ng airport.

            "Hey, girls," matamlay ngunit nakangiting bati niya sa mga ito.

            "Hi, Eunice!" Sandaling tumayo si Rizza at si Syrel upang makipag-beso sa kanya. "Have you eaten your breakfast?" tanong pa ni Rizza.

            Umiling siya.

            "Sige, I'll order your fave frappe and a strawberry shortcake," prisinta ni Syrel bago ito tumayo at pumunta sa counter.

            "So, how are you? Nag-enjoy ka ba sa concert kagabi?" tanong ni Rizza.

            "A-Ahm... yeah. Nakakatuwa si Syrel mag-fangirl as always. And it's a shock for me nang ipakilala niyang boyfriend niya na si Sam."

            Tumawa ito. "I know, right? I can imagine that we had the same reaction nang ipakilala niya sa'tin si Sam," iiling-iling na sabi nito. "Kung dati, puno ng posters ni Samuel Lucas ang kuwarto niya, ngayon, puno na ang cellphones niya dahil sa kaka-selfie with her boyfriend. Sayang lang that she can't post it on Instagram."

            Nakabalik na si Syrel na dala-dala ang order nito para sa kanya.

            "Thanks," aniya.

            "Don't mention it," nakangiting sabi nito bago bumaling kay Rizza. "Wala ata si Dean? I thought kasama mo siya ngayon?"

            "Susunod na lang daw siya. He's not used to waking up this early."

            "Hayy...Rich kids," parinig ni Syrel na parang hindi sila kabilang sa mga iyon.

            Nagtawanan ang dalawa habang ngingiti-ngiti lang si Eunice. She quietly sipped her frappe and just listened to Syrel and Rizza.         

            "Girls!"

            "Lorraine!" sabay na untag pa nina Rizza at Syrel. Lorraine was fast approaching their place habang hila-hila ang maleta nito.

            Tumayo ang dalawa niyang kaibigan at sinalubong ito. Ganoon din ang ginawa niya.

            "Hi, Oyen," bati niya sa kaibigan gamit ang nickname nito.

            "Eunice!" masayang bati nito. "You're here!"

            Tumango siya at niyakap ito.

            "Wow! I so missed you! Where have you been, girl?" anito habang gumaganti ng yakap.

            "Tinapos ko ang studies ko sa Paris. Just graduated more than two months ago," kuwento naman niya rito.

            "That's great! Congrats!"

            Bumalik na sila sa puwesto nila at kasama na nila si Lorraine.

            "Buti naisipan mong umuwi rito sa Pilipinas," sabi nito.

            Tumikhim si Rizza na alam ang rason kung bakit siya umuwi roon. "It's a long story, actually."

            Tumangu-tango si Lorraine. "Mamaya na lang natin pag-usapan. Oh, wow! Kumpleto na ulit tayong apat!"

            "O-Oyen..." untag niya rito.

            "Yes?"

            "I'm sorry about... you know, more than a year ago..." she apologetically smiled.

            Ngumiti ito. "Wala na iyon, Eunice. Kalimutan na natin." Tinapik-tapik nito ang kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa. "You've been forgiven a long time ago. Ikaw pa? Hindi ka naman namin matitiis. Saka normal lang sa magkakaibigan ang magkatampuhan. Ang mahalaga, we don't raise our prides too high. Nawalan lang talaga kami ng contact sa'yo this past year. Kaya it's hard for us to reach you."

            "Yeah. And I'm also sorry for that."

            "Group hug!"

            Nang yakapin siya ng mga kaibigan ay doon lang tunay na lumabas ang totoong mga ngiti ni Eunice. She felt light.

             This is the love that she failed to notice.

             True friendship.

❤❤❤

"HEY, EUNICE, thank you for volunteering to bring me home," pasasalamat ni Lorraine nang nakasakay na silang dalawa sa kotse.

            Nauna na kasing umalis si Syrel dahil sa trabaho at si Rizza naman ay sumama sa nobyo nito. Kaya naman siya na ang nag-offer kay Lorraine na ihatid ito sa sarili nitong bahay sa Pasig.

            "It's nothing. Saka makakapag-bonding din tayo on your way home. Nung isang araw naka-catch up na 'ko with Rizza. Kahapon naman kay Syrel. And now, I would like to catch up with you."

            "Hmm... may itatanong ako, Eunice," ani Lorraine. "Is it okay if pag-usapan natin 'yung naging tampuhan natin more than a year ago... you know, kung bakit ako galit na galit nang malaman ko ang tungkol sa plano mo?"

            Napasulyap siya rito at pagkuwa'y binalik ang tingin sa kalsada. Tumango siya. She really wanted to know Lorraine's side, too.

            Humugot muna ito ng malalim na hininga. "Alam mo bang wala na kami ni Lawrence?"

            "Huh?" gulat na reaksiyon niya. Lawrence was Oyen's boyfriend for three years. "Kailan pa?"

            "Last year. Before we graduated from college."

            "B-Bakit? Iyon ba 'yung sinasabi nila Rizza na 'it's complicated' noon?"

            Tumango ito. "When I heard about your plan, natahimik ako noong una. But then, nang makita kong sobrang pursigido ka na i-degrade si Rachelle para lang magkasira sila ni Terrence, hindi ko na napigilang magalit sa'yo. Ayokong ituloy mo ang plano mo. Ayaw kong magaya ka kay Trixie Villarosa. Remember her?"

            Kumunot ang noo niya. "Our classmate in high school? The bitchy one? What about her?" Remembering Trixie, ilang beses niyang nakaaway ito noong high school. Pa'no kasi, kung isa siyang brat, mas brat pa ito sa kanya and she's really bitchy , katulad ng laging nababalitaan na ilang beses itong nang-agaw ng boyfriend ng may boyfriend.

            Natawa ito. "'Bitchy talaga? Well, siya ang girlfriend ngayon ni Lawrence."

            "What?!" gulat na gulat na sabi niya. Napasulyap pa siya rito saglit. "Pa'nong naging girlfriend ni Lawrence ang Trixie na iyon?" takang-takang sabi niya. Paano naman kasi, kilala niya si Lawrence. He's a gentleman and a caring and very loving boyfriend. Kaya nga hindi niya alam kung anong magiging rason nina Oyen at Lawrence para mag-break.

            "Siya ang rason kung bakit kami naghiwalay," mahinang sabi nito. "Ginawa niya sa'kin, 'yung planong gagawin mo kay Rachelle noon."

            Napasinghap siya at napahigpit ang hawak niya sa manibela. "W-What?"

            "Freshmen year pa lang, gusto na ni Trixie si Lawrence. But you know that first year pa lang, ako na talaga ang nililigawan ni Lawrence. Sa buong relasyon namin, hindi naman nanggulo si Trixie o ano. Then, senior year came. May isang bagong organization na sinalihan si Lawrence at sinalihan din pala iyon ni Trixie." Pagkukuwento ni Lorraine. "Sobrang daming activities ng org na iyon na lagi ng magkakasama ang mga members. That time, Trixie and Lawrence became closer to each other. Nagselos ako... but Lawrence assured me na magkaibigan lang talaga sila ni Trixie."

            Humugot ito ng malalim na hininga. "But you know, the quiet ones were not quiet at all. They're plotting something that you will never anticipate to happen. To make the long story short, Trixie planned to break us up. I saw her and Lawrence kissing, sa likod ng mga bleachers sa school gym. Nagpaliwang si Lawrence sa'kin but I never really listened to him... I went to Trixie and confronted her, but she acted that I hurt her or something. Kumalat sa buong campus iyon. May mga medical records pa siya na nagpapakita ng mga pasa na nakuha niya raw sa pananakit ko sa kanya. Kahit hindi totoo iyon, napahiya ako sa buong campus. Everybody hated me and bashing me to the point na ayaw ko nang pumasok."

            Nanginginig si Eunice. Tila bumalik na naman ang lahat ng ginawa niyang pagpapahiya kay Rachelle noon.

            "Nagkalabuan na kami ni Lawrence...He tried to defend me, naniniwala siyang hindi ko iyon ginawa so, he went to Trixie. Pinakiusapan niya na tigilan na kami. Pagkatapos niyon, nawala lahat ng bad issues tungkol sa'kin. Tuwing nakikita ko si Trixie, siya na ang umiiwas. Pero isang buwan bago ang graduation, napansin kong napapalayo na rin sa'kin si Lawrence. Hindi na talaga nabalik kung anong meron kami, eh," pagpapatuloy pa ng kaibigan. "Nasa plano mo na dapat may mangyari sa inyo ni Terrence para mahuli kayo ng conservative mong uncle...'

            Napangiwi siya nang maalala iyon.

            "Nung araw na pinuntahan ni Lawrence si Trixie para makipag-usap na tigilan na kami, pumayag si Trixie but he need to spend the night with her. Just one night and she'll leave us alone and will clean my name..."

            Nanlaki ang mga mata ni Eunice. Saktong red light kaya hininto niya ang kotse at napatingin kay Lorraine.

            Walang ekspresyon ang mukha nito. "He got Trixie pregnant. At kahit ayaw ni Lawrence na maghiwalay kami, he needed to choose Trixie. Kailangan niyang panagutan 'yung baby. Nang naghiwalay kami, that's also the night na sinabi mo 'yung plano mo. Galit na galit ako kay Trixie pero nung marinig ko 'yung mga sinabi mo, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Gusto kitang pigilan. Kasi ayokong maranasan ni Rachelle yung sakit na naramdaman ko. Ayokong maging katulad ka ni Trixie, Eunice," sabi nito habang diretsong nakatingin sa kanya.

            Oyen is the side of the story that she barely heard from Rachelle. Her friend reflects all the pain she got from a manipulative bitch like Trixie that reflected her.

            Hindi alam ni Eunice kung ano bang dapat sabihin. Because right now, she's hating Trixie and cussing her inside her head. Ngunit, ano bang pinagkaiba ng ginawa nila?

            Wala.

            Eunice was starting to cry, again. Pero pinagpatuloy niya ang pagmamaneho.

            "Alam mo, Eunice, nung graduation day tapos umakyat si Trixie sa stage na hindi pa halata ang tiyan, gustung-gusto ko siyang sabunutan, kaladkarin pababa sa stage, curse her, call her a 'bitch', a 'whore'. I want to humiliate her. Gusto kong ipalam sa lahat ng tao kung gaano siya kalandi, kung paano siyang nang-agaw ng boyfriend, kung gaano niya kami sinasaktan ni Lawrence," parang nanggigigil na sabi nito.

            "B-Bakit hindi mo ginawa?" Eunice felt that Trixie deserved all that. Kung isang araw ay susugurin siya ni Rachelle, hindi na siya magugulat pa. Because she deserved all that.

            "Love does not behaved rudely, Eunice," Oyen softly said. "Kahit pa pinahiya ako ni Trixie noon, it's not good to stoop down to her level. Kahit pa inagaw niya ang boyfriend ko, hindi pa rin tamang ipahiya ko siya o pagsalitaan siya ng masama sa harap ng maraming tao," ani pa nito. "Mas maganda nga siguro na gawin siyang punching bag to let all my anger out. But still, love is not rude. If you have love in your heart, hindi mo gagawin iyon."

            "You will not dishonor others just so because they already did that to you..." wala sa sariling nadugtong ni Eunice. Naalala niya na ang pag-ibig ay matiyaga. And when love is patient, hindi kailangang maghiganti sa nakagawa ng mali sa'yo.

            "That's right. Sobrang hirap man ng nangyari sa'ming tatlo pero siguro ganoon talaga. Hindi lang talaga kami ni Lawrence ang para sa isa't isa," sabi pa nito.

            Oyen reached her hand na mahigpit na nakahawak sa manibela. "Life is full of surprises, Eunice. All you have to do is bury the love in your heart para enjoy mo pa rin ang life kahit ano pang dumating na hindi mo inaasahan. God allowed things to happen dahil kailangan nating maranasan iyon. Para sa'kin, I learned to let go, forgive, and just... love the things around me."

            Eunice looked at her smiling friend.

            "There's always graciousness in love which never forgets the good manners and right conduct.  Nakakalungkot pa rin kung iisipin, but, the thought that God have stored something better for me, nakaka-excite lang na malaman kung ano iyon," masigla at masayang sabi nito.

            Tumango siya at nginitian din ang kaibigan.

            "Kaya kung ano man ang naging resulta ng ginawa mo, Eunice..." pahabol pa nito. "As long as nagsisisi ka na sa ginawa mo, at gusto mong matama iyon, you're just doing it right."

            Napasinghot siya. Nakagat niya ang mga labi.

            "I know what happened. Na-kuwento na ni Rizza iyon sa'kin pagkatapos mong ikuwento sa kanya."

            Hininto niya sandali ang kotse sa isang tabi at tumingin rito. "I-I am so guilty."

            "It's all right, Eunice. Everything's going to be fine."

            "W-What should I do?" helpless na tanong niya.

            "Just say a little prayer. Forgive yourself and when the time comes na magkakaharap kayo ulit ni Rachelle, ask for her forgiveness," nakangiting sabi nito.

            Niyakap niya nang mahigpit ang kaibigan.

            How can she forgive herself?

❤❤❤

HAPON na nang makabalik si Eunice ng bahay. Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya ngunit hindi pa rin maiaalis sa kanya ang katamlayan. Napagdesisyunan niyang matulog na lang upang matigil siya sa pag-iisip masyado.

            Nagising na siya ng alas-siyete ng gabi. Madilim sa loob ng kuwarto at tanging ang tunog lang ng aircon ang naririnig. Bumangon siya nang makaramdam ng gutom. Naghilamos muna siya at nagsuklay ng buhok bago bumaba.

            Napakunot-noo siya ng walang kahit isang ilaw ang nakabukas doon. Pero may nag-iisang liwanag na nanggagaling sa garden nila.

            Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdanan at pumunta ng garden.

            Pagbukas niya ng sliding door palabas ay nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Her breath was taken away when she saw how the garden was set up.

            "Happy 15th month-anniversary, baby."


***

Let's get connected!

Follow my official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 21.3K 11
1st installment of The Manila Lady-Killers. What will happen when the Spoiled Heiress meets the Bastard of Disaster? Dylan Romero, also known as t...
504K 13.7K 45
Highest Achievement: Rank #156 in Romance Category (CROWN - Book 1) Napasok sa isang magulong high school life ang tahimik na si Yuya Ichinose. Paano...
24.1K 1.1K 21
Midnight tripping na hindi dapat pinapatulan lalo na kung hindi pa midnight. ♥♥♥ 11/15/2022
689 13 34
Etereala Joy Lorenzo was stuck in a hospital for ages after her whole family died. Due to this, she hid to the world. But what will happen if a funny...