When Love Goes Wrong (Book 1...

By frappiness

729K 10.2K 537

Leigh Scarlett Alegre has everything she needed. Materyal na bagay, pera, at edukasyon. Naging marangya ang b... More

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 4

17.5K 261 13
By frappiness

Kabanata 4

Sa dibdib

 

Napatitig na lang ako sa dinadaanan namin. Parang ang layo naman hata ng RepublicX na tinutukoy nitong si Chico. Mga kalahating oras na kasi kaming bumabyahe.

“Malayo pa ba?” napatingin ako kay Chico. Hindi siya tumingin sa akin dahil nakatuon ang atensyon niya sa daan. Ngumisi lang siya sa akin at nagsalita.

“Excited?” nasapak ko ang braso. Bwisit, nagtatanong lang naman ako.

“Nga pala, sure ka ba kay Carmela? Nasa kwarto ko na ba siya?” this time tumingin na sa akin si Chico dahil huminto ang kotse.

“Oo naman. Kinausap ko na siya, noong umaga pa,” aniya. Napalaki ako ng mata sa sinabi niya. “Alam ko namang sasama ka.” kumindat siya sa akin at bumaba na sa kotse. Nagmamadali naman akong bumaba para sundan siya.

Ang bilis niyang maglakad. Walang katao tao sa dito sa baba. Napatingin naman ako sa taas nitong di-kataasang building. Doon sa rooftop nitong building may mga ilaw at tugtugan.

“Chico, dito ba talaga?” hinawakan ko na ang braso niya.

“Of course!” Inalis niya ang hawak ko at pumasok na sa loob. Sinundan ko naman siya sa loob. Pagkapasok madilim pero may mga lamp na nakasabit sa paikot na hagdan papunta sa taas nito. Aakyat na sana kami pero may tumawag kay Chico.

“Chico!” napatingin kaming parehas.

May hinagis ‘yung lalaking t-shirt sa amin. Nasalo naman nitong kambal ko. Gumilid muna kami malapit sa paikot na hagdan na ito.

“Wear this, now.” Inabot niya sa akin ‘yung puting t-shirt. Magsasalita na sana ako pero naghubad na ng damit si Chico. Woo, kaya maraming naghahabol dito sa lalaking ito dahil sa katawan niya e. Hindi kalakihan pero saktong sakto lang. “Common, Scar. Suotin mo na. Akyat na tayo, “ inayos ayos pa niya ang damit sa katawan niya. Halos bumakat na iyon sa kanya. Common, Chico has the body to die for.

Napairap ako sa kanya. Tumalikod naman siya at hinarangan ako. Nagmamadali akong suotin ‘yung damit sa akin. Maliit ‘yung damit sa akin. Feeling ko ang sikip sikip niya sa akin.

“Tara na,” humarap na si Chico sa akin. Inayos naman niya ang damit ko na parang binaba at pinaluluwag.

“Ito na ba ‘yung pinakamalaki sa babae?” napakunot siya ng noo ng luwag luwagan ang damit ko.

“Hindi ko nga alam e,” sabi ko.

Napabuntong hininga naman siya, “palitan natin gusto mo?” tanong niya at inaayos talaga ang damit ko. Ang sikip niya talaga at bakat na bakat sa akin. “nakikita kasi ang taba mo—“ sinapak ko na sa panga. Bwisit. Akala ko pa naman nag-alala siya sa akin na baka mabastos ako pero hindi pala.

“Anong taba ka dyan?!” untag ko.

Tawang tawa naman siya at naglakad na sa hagdan. Aba’t hindi ako sinagot. Hindi ko na lang pinansin kasi baka masapak ko siya ulit sa sagot niya. Ang astig ng hagdan na ‘to kasi paikot siya. Gawa sa kahoy at parang nakakatakot ang bawat hakbang na gagawin mo.

Nang makarating kaming rooftop ay bumungad sa amin ‘yung dalawang bouncers. Kinakapkapan nila ang bisita bago makapasok. Napanganga ako sa laki ng lugar. Maingay dahil sa tugtugan. Magulo dahil sa tawanan. At ito ang RepublicX na wala man lang upuan at mesa. Nakatayo at obligadong sumayaw ang tao.

God, tatayo lang ba talaga rito?

Pumunta na kami sa tapat ng bouncers. Pero dirediretso lang si Chico papasok. Napatigil naman ako ng harangin ako noong isang bouncer. Napalunok ako ng unti unting lumapit ang kamay niya bewang ko. God!

“Not her, my sister!” hinatak naman agad ako ni Chico sa loob. Napanganga lang ako sa kanya, “Newt owned this place. Okay?” napatango naman ako. Hinatak niya lang ako at hindi na ako nakapagsalita. May hinahanap ang kambal ko dito at kung saan saan kami sumusuot. Minsan natatama na lang ako sa mga taong nagsasayaw. Humihingi na lang ako ng pasensya sa natatamaan ko. Lahat ng tao rito nakaputing damit.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng huminto na kami sa isang maluwag na espasyo. Napaangat ako ng ulo nang bitawan ako ni Chico. Si Newt kasama ‘yung Conrad. At si Newt lang ang may dalawang babae. Si Conrad naman ineenjoy lang niya ang beer.

“Common, Scar come and joins us!” Inalok ako ni Newt ng isang inumin. Nanginginig kong kinuha ‘yung inalok niya sa akin. Hinapit niya ang bewang ko at pinalapit sa pwesto nila. Ewan ko tumataas ang buhok ko sa katawan sa hawak nitong si Newt sa akin.

“Dude, not her.” Kinuha naman ako ni Chico kay Newt at nilagay sa tabi niya. Nasa pagitan ako ni Chico at Conrad. Napangisi naman si Newt sa ginawa ni Chico sa kanya.

“Protective brother, man!” aniya Newt at biglang hinapit ‘yung isa sa mga babae niya at hinalikan sa harap namin. Halos manlaki ang mata ko sa ginawa ni Newt. At napalunok ako ng kunin pa niya ‘yung isang babae. Pakiramdam ko masusuka na ako sa nakikita ko kasi hinahalikan naman nung isang babae sa leeg si Newt. God! So gross! Napaiwas na ako at ininom ‘yung hawak-hawak kong inumin.

“Go fuck them to a room, Newt! Go fuck that beast, ladies!” tawang tawa sabi ni Conrad. Oh my God! Kailangan hatang magmumog na itong si Conrad sa mga salitang sinasabi niya. God!

“Common, man! This is heaven! Damn shit!” napaungol bigla si Newt kaya napatingin ako. Akala ko lalabas na ang mata ko sa nakikita ko. God!

“Oh my God!” napasinghap ako at umiwas ng tingin. What the heck? Hinahawakan na nung isang babae ‘yung ano niya. God! Napailing ako at kinuha ‘yung iniinom ni Chico para mawala sa isip ko ‘yung eksenang ginagawa nung babae kay Newt. God, gross!

Naramdaman ko naman ang akbay ni Chico sa akin habang iniinom koi tong mapaklang iniinom niya kanina.

“Have mercy, Newt!” natatawang sabi ni Chico.

So, natural lang kila Chico at Conrad itong nakikita nila kay Newt. Kahapon ganito din si Newt. Araw-araw ba niya itong ginagawa? God!

“No more mercy! No more mercy for this kind of ladies…wild ladies,” Hindi na ako tumingin sa ginagawa ni Newt. What the heck?! “But gonna do the merciless thing later!” Naninidig balahibo ako sa ‘merciless’ word ni Newt.

“But, where’s Benj, Cons?” ewan ko bakit bigla akong napatingin kay Newt nang magsalita siya. Why a sudden interest, Scar?!

“Papunta na…with Gorg,” bigla naman akong napatingin kay Conrad. Ngising ngisi pa rin siya hanggang ngayon. Bigla naman akong napatingin kay Chico nang humigpit ang akbay niya sa akin. Chico wiggled his brows. Inirapan ko lang siya. At inalis ang akbay niya sa akin.

“Oh common, guys!” lahat kami napatingin sa nagsalita gamit ang mic. Huminto ang music at lahat ng tao nakatuon sa kanya. Nagsigawan naman ang mga tao sa kanya. Napakunot ako ng noo nang ganun din ang gawin nila Chico. “So everyone, go, get your permanent marker!”

Nagsigawan ulit ang mga tao at kumuha ng marker sa mga waiter na lumabas kung saan. Nang kumuha si Chico ay kumuha rin ako. “Remember it’s a graffiti party, Scar.” Inirapan ko siya. First time ko, wala akong alam sa mga party party na ganito.

“So this the time where everyone just writes whatever they want, all over each other’s shirt. Okay?” hiyawan ulit ang tao nang magsalita ulit ‘yung lalaki. “Music please!” sigaw nung lalaki. Bigla akong napatakip ng tenga sa biglaang pagtugtog ng music. Nagkagulo naman ang mga tao rito at nagsimulang magsulat sa damit ng bawat isa.

Napaatras ako ng may tatlong babae ang tumakbo sa pwesto namin. At nagdiresto sa kambal ko. Ganun din sa kabilang side ko at may nagtatakbong babae rink ay Conrad. Hindi na ako tumingin kay Newt kasi alam kong ganon din ang katayuan niya ngayon.

Umatras na lang ako ng umatras. Napanganga na lang ako kasi giliw na giliw ang mga babae kay Chico na nagpapalagay ng kung ano sa may dibdib nila. Ganun din sina Conrad at Newt. God! Parang nakaka-op naman. Pero di ba ang tema ng party na ‘to ‘meet new friends’ daw sabi ni Chico. God! Nakakahiya namang lumapit sa kanila.

Napapikit na lang ako at napasandal. Hindi naman ako makaupo dahil wala nga ngang upuan ang bar na ‘to. Ayoko namang pumunta sa kumpulan ng tao kasi ayoko.

Ang ingay dahil sa tawanan, music at kwentuhan. Nagsasayawan sila habang nagsusulat sa damit ng kasayaw niya. Halos mapuno na ng mga pangalan ‘yung damit ng karamihan dito sa party. Habang ako nasa gilid at wala man lang nag-aapproach. OP.

“Hi, can I write my name on your shirt?” bigla akong napaangat ng ulo. Napalunok  ako sa nakikita ko…sa harapan ko. Nangatog ang tuhod ko sa kanya.

‘Uhm…sure,” sabi ko at tumayo ng tuwid. Nangamoy ang marker nang buksan niya.

“My name is first here on your shirt,” slow mo pa akong tumango sa kanya, “but come closer to me…” napalunok ako roon. Lumapit naman siya sa akin. Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa braso ko nang hawakan niya iyon. Pakiramdam ko manginginig pa itong dibdib ko. Bwisit. Lumuhod pa siya sa akin para sulatan ako sa bandang tyan. Napayuko at napatitig ako sa buhok niya. Itim ang buhok niya pero kapag sa unang tingin parang brown na itim. God! Stop staring, Scar!

Nanginig sa una ang kamay niya habang sinusulat ang pangalan niya sa shirt ko. Napakagat ako ng labi ng makita ko na ang pangalan niya. Tumayo siya agad pagkasulat niya. Pero ako nakayuko pa rin ang tinititigan ang pangalan niya.

“Hindi ka ba napagalitan ng mommy mo?” bigla niyang tanong. Napaangat ako ng ulo para matitigan siya.

“Hindi…Benj,” ganito ang pakiramdam kapag sinabi mo ang pangalan niya. Damn.

Napangiti siya sa akin, “good. Mabuti naman,” parang bumigat ang hininga ko sa pagsalita niyang iyon. At lalo na sa pagngiti niya.

“Oo nga e,” sagot ko. God, bakit parang ang awkward awkward ko ngayon. ‘Yung kilos ko ngayon at pananalita sa harap niya.

“Pero I don’t know you, ikaw? Hindi ka ba magsusulat?” nanuyot ang lalamunan ko sa sinabi niya. Napatitig ako sa katawan niya…sa damit niya na puno na ng pangalan at karamihan doon mga babae.

“Sige,” God, ang awkward ko.

“Move closer,” tuluyan na ako hindi makalunok. Why so tense? Scarlett! Para akong robot na lumapit sa kanya.

“Wala ng space, Benj,” napapikit ako nang maamoy ko siya. Ang bango bango ni Benj na para mong gusto mo ganito lang siya kalapit sa’yo.

Napamulat ako ng mata nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na hawak-hawak ‘yung marker. Ang init na palad niya at nanlalamig naman ‘yung akin. Nakakahiya pa kasi pawis ang palad ko sa kaba sa kanya.

Ilang beses akong nagbuntong hininga dahil hindi ako makahinga sa distansya naming dalawa. Para mong dahan-dahan sa paningin ko ang ginawa ni Benj sa akin. Sa pagbigay niya ng direksyon ng kamay ko sa…sa dibdib niya. “Here, sa dibdib,” God! I need air. I need space. I need distance. I freaking need air!

Napatitig na ako sa dibdib niya. At pakiramdam ko nawala ako sa sarili ko. Sa dibdib na nga lang niya walang sulat.  What the heck?! Gustong gusto ko ng lumunok pero wala hata akong karapatang lumunok ngayon sa sitwasyon ko.

Sinubukan kong hindi manginig ang kamay ko para maayos kong masulat ang pangalan ko sa dibdib niya. What the heck?! Pero wala na tuluyang nanginig ang kamay ko noong dumapo na ang marker sa dibdib niya. Ramdam na ramdam kong nakatingin siya sa akin. At parang liit na liit ako sa sarili ko sa titig niya.

‘S’ palang ang nalalagay ko sa dibdib niya pero parang ang tagal-tagal kong isinulat iyon. It is like I am writing my name for ages! God!

Nasa gilid lang ang isang kamay ko at parang hindi na ito makakakilos. ‘Yung isa ko namang kamay na hawak-hawak ‘yung marker ay parang naninigas dahil it is just a distance at matatamaan ko na ang dibdib niya.

I. Freaking. Need. Air. Right. Now.

Nasulat ko na ang letter ‘c’, ‘a’ at isang letter na lang ang kailangan kong isulat pero parang hirap na hirap akong isulat ang ‘r’. Isusulat ko na sana ang letter ‘r’ pero bigla akong nasubsob sa dibdib niya dahil may tumulak sa akin.

Naramdaman ko ang mahigpit na bisig ni Benj sa akin. Hinapit niya ang bewang ko at ang mukha ko nasa dibdib niya talaga. Rinig na rinig ko ang kalmado niyang puso habang ‘yung akin ang bilis-bilis ng tibok. Hinihingahan ko siya na halos amoyin ko na siya ng husto. God!

I need air. Please. Right now.

“The lord Conrad pushed me!” narinig kong sigaw ni Newt. Tumawa tawa pa si Newt noong sinabi niya iyon. Pero ramdam na ramdam ko ang mainit na katawan ni Benj sa akin. At para bang pasong paso ako sa kanya kung hawakan ko siya dahil hindi man lang tumatama ang daliri ko sa kanya! God!

“Be careful, Conrad, “ kalmadong sabi ni Benj at kumalas ng yakap sa akin. Bigla akong napabuntong hininga nang kalasin niya ang yakap sa akin. Pero…pero pakiramdam ko matutunaw ako nang yumuko ang ulo niya at titigan ako. “Are you okay?” pakiramdam ko nawalan ako ng hangin sa tanong niya at ang tanging nagawa ko na lang ay tumango ng slow mo sa kanya.

Gusto ko na rin ng tubig kasi pakiramdam ko napapaso ako sa titig niya. Gusto ko rin ng hangin dahil parang nawawala ako ng pagkakataong huminga.

“Not my fault! It’s the beast’s fault! Si Newt!” sigaw naman ni Conrad. Bigla naman umalis sa titig si Benj kaya nakahinga na ako. Ako na ang nag-alis sa sarili ko  sa espasyong mayroon kami. God, anong nangyayari sa akin?!

Nagbuntong hininga si Benj kaya natigil na ang pagbabangayan nina Conrad at Newt. Maawtoridad ang tingin ni Benj sa kanila kaya natigil ang halakhakan nilang dalawa. Napatingin naman ako sa kambal ko na kanina pa pala nakatingin sa akin. Ngumisi siya nang magtama ang mata namin. Inirapan ko lang siya at pumunta ako sa pwesto niya.

“So speechless, Leigh Scarlett,” aniya Chico pagkarating ko sa pwesto niya.

Alam ko hindi ko na namalayan sila Chico kanina dahil bigla akong umatras sa pwesto ko kanina. Hindi ko sila namalayan at ang mga ginagawa nila.

“Shut up,” my lips drew into hardline.

“Common!” tukso ni Chico.

“No. Shut up,” napayukom ako ng kamay.

“Move on, Scar,” bigla akong napalunok sa sinabi niya.

Inirapan ko na lang siya at hindi pinansin. Nang pumunta sa gawi namin ‘yung isang waiter ay kinuha ko agad ‘yung inumin na kulay asul kaya hindi ko alam kung ano iyon. I drink it straight. Damn.

Pagkainom ko ay biglang nasagi ng paningin ko si Benj na papunta sa pwesto namin ni Chico. Tumalon ang puso ko ng bigyan niya ako ng ngiti at pinakita ang marker. Agad siyang nakarating sa pwesto namin.

“Sca? Is that your name?” natatawa niyang sabi. God, his laugh. ‘Yung tawa niya iba.

Napailing ako. God, Scarlett magsalita ka naman! Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtawa ni Chico. Humanda sa akin ‘yan mamaya!

Kinuha ko naman ang marker sa kamay niya at nilagyan ng ‘r’ ‘yung pangalan ko. Pagkalagay ko tinignan agad ni Benj ‘yung nilagay ko.

“Scar?” this is how Benj says my name. This is how I love my name right now. Napatango ako. Nawalan na naman ako ng pagkakataong magsalita. “Scarlett ‘yung pangalan mo, I guess,” hula niya.

Tumango ulit ako.

But Benj offered his hand to me, “Benjamin, but Benj will do.” Napatitig ako sa kamay niya hanggang sa hawakan ko ito. This is how I touch his hand. Ito yung pakiramdam na hawakan ko ang mainit niyang palad sa akin. “And you?”

“Scarlett, but  I am fine with Scar,” mahina ngunit alam kong narinig niya iyon.

“Benj meets Scar. It’s really nice to meet you, Scar,” wala na. Bigla na akong napatingin sa mukha niya at napako sa ngiti niya. Wala na. Wala na akong masabi sa kanya.

This is how I say his name, “Benj,” and Benj smiled at me again. Damn, speechless.

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 1.1K 40
World Trip Series 6 Previously working as a personal assistant, Raijine was called back to work to this popular Korean superstar after being enlisted...
134K 7.6K 53
ALABANG GIRLS SERIES #4 Sabrina Dardenne lives like a princess all her life, and the only wish of her parents is for her to marry the best man for he...
98.1K 8.1K 74
WARNING: SOME THEMES AND SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCE Clark Mendoza likes to play, but he stumbled into a different kind of conflict wi...
4.8M 110K 40
Agatha Joan Montgomery is what you can call 'The Extraordinary'. She is not the typical rich girl with branded bags and clothes. She is the girl with...