Love at its Best (Love Series...

By FGirlWriter

6.8M 123K 9.8K

What is love? Written ©️ 2014 More

Prologue: What is Love?
Chapter 1: Love at First Sight
Chapter 2: Chasing Love
Chapter 3: Love to Fight For
Chapter 4: Loveless Marriage
Chapter 5: Letting Love Go
Chapter 6: Love to Pretend
Chapter 7: Love that is Patient
Chapter 8: When Love is Kind
Chapter 9: It does Not Envy
Chapter 11: Is not Puffed Up
Chapter 12: Does not Behaved Rudely
Chapter 13: Always Beautiful
Chapter 14: The Ex-boyfriend, First kiss, and Bestfriend
Chapter 15: Is Not Self-seeking
Chapter 16: Not Easily Angered
Chapter 17: Keeps No Record of Wrongs
Chapter 18: Does Not Delight in Evil
Chapter 19: Rejoices with the Truth
Chapter 20: Surrendering to Love
Chapter 21: Love Always Protects
Chapter 22: Love Always Trusts
Chapter 23: Love Always Hopes
Chapter 24: Love Endures All Things
Finale Chapter - Chapter 25: This is Love
Epilogue: Love at its Best

Chapter 10: Does Not Parade Itself

213K 4.3K 95
By FGirlWriter

Chapter 10: Does Not Parade Itself

"Love is not an egotistical blowhard. Love is not big-headed but big-hearted. This means the more loving you become, the less boasting you need to do." 

–Keith Krell, Bible.org

***

"SPEAK UP, Eunice. Come on, may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Rizza kay Eunice. Dinala siya nito sa isang tahimik na restaurant na nasa loob lang din ng mall.

            Umiling lang si Eunice at nginitian ang kaibigan. "I'm okay na, Riz. Thank you. I'm just a little bit upset... sa s-sarili ko." She sighed. "Pero alam kong, I'll come around later on."

            Tumangu-tango ito. "Akala ko may problema ka sa marriage mo, eh. Nabalitaan nga namin na natuloy ang kasal mo kay Terrence last year. Congratulations!" nakangiting bati pa nito.

            "Y-Yeah... tinuloy ko ang plano ko na ayaw niyong gawin ko." aniya. "Sana nakinig na lang ako sa inyo..." Kung nakinig lang siya sa mga babala ng mga ito ay 'di sana ganito ang nararamdaman niyang sobrang guilt, hindi lang kay Terrence, pero lalo na kay Rachelle.

            Kumunot ang noo nito. "What do you mean? Hindi ba maganda ang pagsasama niyo ni Terrence for the past year?"

            "U-Umuwi ako ng Paris. I finished my studies. On process ang annulment namin ni Terrence. After twenty-three days, magbababa na ang korte ng desisyon."

            Walang sinabi si Rizza kundi nakakaintinding tumango lang. Pero halatang malungkot ito dahil sa narinig mula sa kanya.

            Hindi ito ang inaasahan ni Eunice na reaksyon. Akala niya ay sasabihan siya nito ng 'I told you so', but her friend didn't. Totoong kaibigan nga ito. Mula high school ay hindi niya napansin kung gaano siya kamahal ng mga kaibigan niya. And she had lose them because of her selfishness.

            "Ahm... are you in good terms with Terrence kahit na maghihiwalay na kayo?" tanong nito maya-maya.

            Tumango siya. "Yeah. Like you, napatawad na rin daw niya 'ko. Nawala na 'yung galit niya. He had moved on. Actually, lahat kayo nagkapag-move on na." Ako na lang hindi. "But, I did another selfish favor..." at kinuwento niya rito ang tungkol sa pagpapanggap na pagsasama nila ni Terrence.

            Napasinghap si Rizza. "Oh, my!" But she laughed, afterwards. "You're really unbelievable Eunice," she commented and continue laughing.

            Hindi niya alam kung ma-o-offend ba siya na pinagtatawanan siya nito but she found herself laughing as well. "Ewan ko ba. Mababaliw na yata ako. Kaya siguro ginawa ko iyon. So far, natawid na namin ang isang linggo. And Terrence...well, he's really good at this."

            "Well, I don't know what to say anymore. But, you're twenty-three. You're old enough. I'll just offer my shoulder to you went everything's over."

            "Thank you, girl," she sincerely told her.

            "Anytime."

            "Ahm... ikaw? Kumusta ka na? Congratulations nga pala. I heard you're a CPA now," paglilipat naman niya ng usapan dito.

            "Yeah. Sa wakas! Natapos din sa pag-aaral at pagre-review para sa board exam," proud na sabi nito. "I'm just fine now. Nagta-trabaho na 'ko sa bangko ng family namin. But, I take bookkeeping also, personal accounts from other clients outside the bank."

            "Wow, that's awesome."

            "Nakakapagod naman," nakalabing sabi nito. "But, yeah, it's fulfilling. I got to earn all by myself."

            Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Eunice. Masaya siya para sa achievement ng kaibigan. "How about your lovelife?" tanong niya pa. "Kayo pa ba ni Dean?" tukoy niya sa long time boyfriend nito.

            Rizza widely smiled. "Well, yeah. Tumino na siya magmula nang hiniwalayan ko siya last year."

            "You broke up?"

            "Ahm... kami na ulit. Last month lang," natatawang sabi nito.

            "Bakit naman kayo naghiwalay last year?" Although, she knew that Rizza's relationship with her high school sweetheart had been on-and-off. "At kayo na ulit? Tell me about it."

            Ang naalala ni Eunice about Dean is that, isa itong repeater at ang pinakapalaaway nilang classmate nang high school. Pasaway rin ito at teacher's enemy number one. Pero, tumino naman si Dean kahit papa'no nung fourth-year high school sila. Tumino ito nang maging study buddy nito si Rizza. Rizza was one of the brightest student in their class. Kaya ito ang inutusan noon ng adviser nila na i-guide si Dean para naman maka-graduate na ng high school ang lalaki. Dalawang taon na kasi itong late para mag-college. Hanggang sa ang lagi nang magkasama ay sina Rizza at Dean. Then, Dean courted Rizza.

            Ang magaling niyang kaibigan na takot mag-commit sa isang relatioship dahil bata pa nga sila noon, ay binasted si Dean. Kaso, hindi sumuko ang huli, tuloy pa rin sa panliligaw. Ang alam niya, Rizza was falling in love already. Ito pa at ang lalaki ang magka-partner sa graduation ball nila. Nagpromise ang dalawa sa isa't-isa that they'll be in the same college together, with the same course. Pero, iba ang pinasukan ni Rizza na university at masyado iyong malayo sa napagkasunduan nito at ni Dean.

            "Eunice, you know naman na Dean had this bad attitude of being mayabang. Pero, tolerable naman kasi iyon. Ang mahirap lang sa kanya, tuwing may mga away kami, he kept on bragging that, sa aming dalawa, siya naman daw ang pinaka-nagmamahal because siya ang naghintay sa'kin noon kahit pa hindi ko tinupad ang promise namin sa isa't isa," panimula ni Rizza.

            "Hindi na lang ako kumikibo, tutal, totoo naman kasing ako yung nambalewala sa kanya noon. Sa unang try namin sa relationship namin when we were in fourth-year college, siya lagi ang nasusunod kasi nga mas marami na raw siyang alam sa mga relationships. First love and first boyfriend ko siya, and so, pumayag lang ako na siya ang magkontrol ng relasyon namin. Dean's a really sweet guy kaso lang talaga, he kept on showing off that he knew a lot better about love than I do," pagpapatuloy nito. "Mas alam niyang gawin ang ganoon. Mas alam niyang i-handle ang ganyan, na hindi ko naman daw kayang gawin."

            "Wow, what a jerk," hindi niya mapigilang sabihin.

            "Yeah. Kaya nga, hiniwalayan ko last year."

            She sipped on her mango shake. "Eh, bakit mo binalikan last month?"

            Rizza smiled like a fool. Kinikilig yata ito. "Because he realized his faults. Sabi niya, kahit gaano naman daw kalaki ang pag-ibig niya sa'kin, he should not say those things. Dahil hindi naman importante sa relasyon kung sino ang mas nagmamahal o hindi. Hindi naman paligsahan ang pakikipagrelasyon, kundi pagbibigayan at pag-iintindihan The more important thing is, you both love each other and you both want to work things between the two of you."

            "Wow. Hindi na 'ko magtataka kung bakit mo binalikan," nasabi niya.

            Nagkibit-balikat ito at nilaru-laro ang straw ng strawberry shake nito. "That's what I want him to realize. Kahit masakit sa'kin na makipaghiwalay sa kanya, ginawa ko kaysa naman habang-buhay na lang kaming ganoon. Mahal niya nga ako, but he keeps on bringing up my faults and bragging how long he waited for me and the things I don't know about love and relationships. Naisip ko, kung mahal niya talaga ako, bakit siya ganoon?" anito. "Afterall, love does not parade itself."

            Napatingin siya rito. "Love... does not parade itself?"

            Tumango ito. "It does not brag, Eunice. If you know what love is, we won't brag what we have na wala naman sa iba. Parang sa kapwa natin..."

            "Hindi natin dapat sila iniinggit sa kung anong meron tayo, and we... should not show-off that we're better than they are,"came from Eunice's mouth. Bigla niyang naalala ang pinag-usapan nila kanina ni Evan.

            Ang pag-ibig ay hindi maiinggitin.

            At sa pinag-uusapan nila ni Rizza ngayon, ang pag-ibig ay hindi rin nagmamayabang o nang-iinggit.

            Bahagya na naman siyang napayuko. She learned so much today about love, again, that made her realized how awful and selfish she was. She was so focused on selfishly loving Terrence that she forgot how to respect other people.

            Maybe that's why I dreamt about Rachelle. My conscience made me remember what I did and how truly wrong I am... Kaya nga siguro hindi ako kayang mahalin ni Terrence...

            "Eunice, you're sad, again." Napaangat siya ng tingin kay Rizza. "May nasabi ba 'kong mali?"

            She tried to smile but failed. "Rather, you said the right things. I-I am the one who's wrong. Sana talaga nakinig ako sa inyo noon nang pagplanuhan kong awayin si Rachelle para lumayo siya kay Terrence..."

            Lumipat si Rizza sa tabi niya. "Hey, tapos na iyon. Nangyari na, eh. Don't be hard on yourself." Kinuha ng kaibigan ang bag nito at may nilabas doon. "Here. Ibibigay ko sa'yo 'tong ticket para sa concert bukas ni Samuel Lucas." Samuel Lucas is a popular musician, dancer, and male singer of the country.

            Kinuha niya iyon mula rito. "Samuel Lucas? 'Di ba eto ang ultimate crush ni Syrel?" tukoy niya sa isa pang kaibigan.

            "Yup! And she's going to be there. Sigurado akong matutuwa iyon kapag nakita ka niya."

            "Pero... hindi na ba galit si Syrel sa'kin?"

            Rizza rolled her eyes. "Hello! Si Syrel kaya ang pinakamabait sa'ting apat. Sa tingin ko nga, nang magkatampuhan tayo the day more than a year ago, kinabukasan siguro napatawad ka na niya. Isa pa, gusto ka na rin makita niyon. Sige na, punta ka na. Mag-bonding kayo ni Syrel. Baka sakaling maglighten-up ang mood mo dahil sa fangirling craze niya bukas."

            Napangiti na siya kahit papaano. Gusto na nga rin niyang makita pa si Syrel. She also wanted to reconcile with her katulad ngayon kay Rizza.

            Niyakap niya ang kaibigan. "Thank you, Rizza!"

            "Anytime. Concert ticket lang naman iyan," natatawang sabi nito.

            "And also thank you for not bragging... you know," aniya na tinutukoy ang tamang mga hinala nito sa kalalabasan ng plano niya noon.

            "Because, I love you, girl! You deserve a hug not a brag."

❤❤❤

"NANDITO ka na pala."

            Napalingon si Eunice kay Terrence pagpasok nito ng kuwarto nila. Gabi na siyang nakauwi dahil marami pa silang pinagkuwentuhan ni Rizza at pinalipas niya muna ang lungkot na nararamdaman.

            "Hi," nakangiting bati niya sa asawa. "Pasensya na ginabi ako. I accidentally bumped into an old friend. Hindi namin namalayan ang oras."

            Tumango ito at sinara ang pintuan. "Kumusta ang naging meeting mo kasama si Mr. Dimitri?"

            "It went well."

            Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at itinaas iyon nang bahagya. Kumunot ang noo nito. "Are you okay?" tanong nito.

            "Of course. Why?"

            Tinitigan siya nito nang matagal. "You look... sad."

            Nahalata pa rin nito iyon? Ginabi na nga siya sa pag-uwi para lang ma-kondisyon ang sarili para hindi na nito mahalata. "H-Huh?" Iniwas niya ang mukha rito. "No, I am not."

            "Are you sure?" paninigurado pa nito.

            Tinalikuran niya ito at pumunta na lang ng walk-in closet para makapagpalit na siya ng damit pero sinundan siya nito.

            "Do you need a hug?"

            She turned to him and saw his arms wide open. Parang matutunaw na naman ang puso niya dahil sa ginagawa nito. Lumapit siya rito pero nagsalubong ang kilay niya nang lumayo ito at humalukipkip.

            "Tell me first what made you upset," he demanded.

            Napalabi siya at tinalikuran ulit ito. "I'm not upset," matigas niya pang sabi.

            "Hindi halata," he sarcastically said.

            She sighed. Nakikipagsabayan ito sa tigas ng ulo niya. "I... I just knew today that..." Humungot muna siya ng malalim na hininga. "L-Love is not jealous and it does not b-boast..." Marahang nilingon niya ito. Her eyes on verge of crying. "And I'm an awful kind of person... because of what I did to R-Rachelle more than a year ago..."

            He did not say anything. Napapikit siya nang talikuran siya nito. Tears fell to her cheeks and she sobbed.

            Ngunit, natigilan siya nang maramdaman ang isang panyo na tumutuyo ng pisngi niya. She opened her eyes and he saw Terrence wiping her tears away using his handkerchief.

            Then, he embraced her so tight. "You really deserve a hug."

            Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at hinigpitan din ang yakap dito.

            She deserves a hug, they said. They're right. She badly need it.


***

Let's get connected!

Follow my official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

229K 5.9K 53
Heaven's Angel University isang unibersidad kung saan puno ng lihim, misteryo, at mga hindi pangkaraniwang nilalang. Mga nilalang na tanging sa imahe...
4.9M 76.9K 28
With the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging matatag sina Eunice at Terrence para sa isa'...
41.5K 1.4K 27
• 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟱 - 𝟮𝟬𝟭𝟳 • (𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐓𝐫𝐢𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐)
55.5K 2.3K 16
C O M P L E T E D You have to keep your faith in order to experience the best fate.