We got to our destination. It was a grand hotel. May red carpet na nakalatag sa entrance. Binuksan ko ang pinto sa passenger's seat.
"Wait" pinigilan nya ako sa braso.
"Ha? Bakit?" nilingon ko sya. Pababa na ako e.
"May kulang sa suot mo" he leaned closer to me. "Look outside"
Sumunod ako sa sinabi nya. Nakatalikod ako sa kanya. May isinuot syang kwintas sa leeg ko. Kinapa ko ang pendant.
"Heart ba to?" I asked.
"Yes. My heart" he got down from the car at umikot papunta sa pwesto ko. He opened the door and offered his hand.
Tinanggap ko ang kamay nya at we walked hand in hand. We stopped at the entrance for some picture taking. Camera here, camera there. Ang showbiz.
Pakiramdam ko nanlalamig ang kamay ko. Pero pinisil yun ni Tristan. Assuring me that I'm not alone.
Pumasok na kami sa loob. He didn't even have to show any invitation card. Maraming bisitang pumapasok. Sumabay kami sa karamihan para hindi kami makakuha ng atensyon, ganun pa man, Tristan's appearance stands out. Marami pa rin ang napapatingin sa'min. May mga bumabati at nginingitian lang ni Tristan hanggang makapasok na kami sa mismong venue. Maraming lamesa ang nakaayos. Well, as expected sa isang eleganteng pagtitipon,diba?
Dinala ako ni Tristan sa isang mesa malayo sa stage. Naupo na kami. The table can accomodate up to 6 people.
Binasa ko ang nakasulat sa stage.
Guevara Group of Companies 50th Founding anniversary.
Wow.
Not long after, napuno na ang bulwagan. May mangilan ngilang lumalapit sa mesa namin at bumabati. Ilang sandali pa, nakita kong pumasok si Xyerah at ang dalawang lagi nitong kasama sa school. Kasama nila ang Director at isang magandang babae na malamang ay mommy nito.
Naghiwalay silang lima. Lumapit sa mesa namin sina Xyerah. Umupo sila.
"I'll get some drinks" sabi ni Tristan.
Hinila ko ang kamay nya, ayaw kong iwan nya ako.
"I'll go back soon" he kissed my hand. "Xyerah, look after my princess. Don't let any guy go near her, ok?"
Umirap si Xyerah. "Cmon"
Tumayo si Tristan at umalis. Tiningnan ko si Xyerah.
She looked at me from head to foot. "Two hundred fifty thousand."
"Huh?" napakunot noo ako.
"Your dress and shoes" she said. "costs almost 5000 dollars."
My mouth opened automatically. "Ito?" hinawakan ko ang damit ko.
"Tristan must have love you that much. He bought you a real expensive cloth. Even I can't afford it" she sigh. "Anyway it looks good on you."
Naweirdo-han ako sa kanya. Wala yatamg balak mang away ngayon.
"Maganda ka rin sa suot mo ngayon" I complimented her.
"Really?" she looked on the stage. "Too bad, he won't see me in this dress."
I noticed the gloomy look on her face.
Dumating na si Tristan, may dala syang juice. May dumaan na waiter at humingi sya ng wine.
"Gusto ko rin ng wine!" sabi ni Xyerah.
"Shut up. It's not for minors" ani Tristan.
"Speak for yourself" tinawag ni Xyerah ang waiter at kumuha ng isang glass ng wine.
"Bakit ka ba nakikisalo sa mesa namin? Dun ka nga sa tabi ng parents mo!" taboy ni Tristan.
"I hate this party" sagot ni Xyerah. "Don't mind us. Isipin nyo nalang wala kami dito. We'll do vice versa."
Tumahimik ang paligid. Napatingin kami sa entrance at nakita namin ang Isang matandang lalaki, he looks authoritive and strict. Kasama nya ang isa ring formal looking man. I've seen him before. Nakasunod sa kanila si Zeus, at mga tantya ko ay magulang nito.
Bumalik na naman ang inis na nararamdaman ko para sa lalaki. I was stupid enough not thinking about the possibility na magkikita kami dito.
Maraming lumalapit para bumati sa matanda. It took him few minutes before he started walking towards the VIP table at the center. There were twelve seats on that long rectangular table. All facing the stage.
Bago maupo ang matanda ay dumako ang paningin nito sa mesa namin.
Lumapit sila sa table namin. Tumayo si Xyerah. Ganun din si Tristan. Sumunod ako at nakitayo na rin.
"Look at you. My Dear Tristan." tumatawang sabi nito.
"Good evening Chairman, President" bati ni Xyerah.
"My My, good evening young lady. You look great." sabi ng matanda.
Hindi umiimik si Tristan.
"Thank you Sir." replied Xyerah.
"Who is this stunning lady, my boy?" tumingin sakin ang tinawag na Chairman.
"Good evening po." I smiled at him.
He stared at me. Then smiled back. "You must be Chelsea." He offer his hand for a handshake.
"Ah, opo" Tinanggap ko yun.
He shook my hand and then kissed the back of it. "You're beautiful. Salamat at dumalo kayo nitong apo ko."
Camera flashes everywhere. Gusto ko nang magpakain sa lupa.
"That's enough, old man. Hands off my girl" Tristan took my hands from his Grandfather.
Tumawa ang matanda. "Alright. I'll talk to you later. Excuse me."
Umalis na ito.
"May announcement si Dad mamaya. You better not escape" sabi ng Daddy ni Tristan. Ngumiti ito sa kanila bago umalis.
Bago magsimula ang party, nagsalita na ang emcee sa stage. Marami itong sinabi, hanggang sa tinawag ang lolo ni Tristan. All about business and nasabi ng matanda sa stage. Ilang segundo lang naman itong nagsalita.
"And, I don't want to bore everyone with my speech, so I'll go down to a very important announcement."
Nagpalakpakan ang mga tao.
"As you know, I'm not getting any younger. So I would like to announce my son, Richard, as the new Chairman of Guevara Group of Companies."
Naghintay pa kami ng ano pa mang announcement pero wala nang sinabi ang matanda. Umakyat ang Daddy ni Tristan sa stage para magbigay ng speech nito.
After that, the party officially started.
"Excuse us. We're going to the poolside" sabi ni Xyerah at tumayo na ito.
She is smiling now. Nawala na ang tensyon sa muka nito.
Naiwan kaming dalawa ni Tristan sa mesa.
"I'll get some food" he said.
"Sasama na rin ako." Sumabay ako sa kanya.
He chuckled. "No, you stay here. Maraming tao sa buffet table. At isa pa saglit lang ako mawawala. Ang clingy mo ha"
"Clingy ka dyan. Edi pumunta ka" bumalik ako sa pagkakaupo.
Umalis sya. I was all alone now.
"Hello, Miss Chelsea?" napatingin ako sa nagsalita.
Ang papa ni Tristan.
"Hello po."
"I'm Richard Guevara, Tristan's father." he bent out a hand. I took it.
"My Father wants to talk to you. Do you have a minute?"
I hesitated. Tumingin ako sa gawin ng buffet table. Wala pa rin si Tristan.
"Just a minute. Won't take too long." he said.
I nodded and get up from my seat. He led me to a room on the side. Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa amin. Soundproof ang room. Muka itong office. May mesa sa gilid at nakaupo sa swivel chair ang matanda. He's sipping wine.
Tumayo sya nang makapasok kami.
"Hi, Miss Henares."
Tristan's Father then left us inside.
Sobrang nininerbyos ako. Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na yun.