Beanie Girl

By _aubrstories

4.6K 95 8

Hindi alam ni Paul Trevor Funtelo na mag-iiba ang ikot ng buhay niya nang makilala si Exellor Oneiro Sebastia... More

author's note #2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 27.5
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue

Chapter 7

92 2 1
By _aubrstories


Chapter 7: Trespassing

_____

"I think every little girl has a little bit of rebellion inside. It's always fun not to follow every trend and not to be the perfect girl. It's edgy to be a little rebellious."

-- Behati Prinsloo
_____


"...Group 3 got a 42, and... Group 4 got a 48, which is the highest score among the groups. Let's give them a round of applause."

Na-announce na nga ang mga scores sa activity namin sa English. I was surprised, the fact that my group had the highest score because of the essay made me somehow uneasy.

It's because of Exellor.

I glance at her, na nakaupo sa may likuran ng row 3. She was staring at the board. Malalim ang tingin niya sa iyon. Kaya naman napatingin ako sa board.

Wala naman nakasulat!

Napatingin muli ako sa kanya...

At nakatingin siya sa akin! Napaurong pa ako ng kaunti sa kinauupuan ko, pero hindi pa rin natinag ang kakaibang tingin niya sa akin. Her arms were resting on her armchair, and lips were straight as a ruler, wearing an emotionless face.

"Woah..." mahina ngunit rinig kong reaksyon ni Jayvee na nasa tabi ko pala. "She's... looking at you."

Napakunot ang noo ko. "No, she's not. At bakit naman siya titingin sa akin?"

Wait. Hold up...

Maybe... that's it.

Why didn't I think of that sooner? Bakit nga ba nakalimot ako na Funtelo ang apelyido ko't kilala halos ng mga tao sa paaralang 'to?

So very obvious. She's obviously stalking me because she's interested on me. Kung maka-snob sa ibang tao para talagang wala kang kausap, but she talked to me! Oo at snob pa rin naman siya sa akin pero parang lagi niya akong iniiwanan ng mga pa-linya niya na ang lalalim, samantalang yung iba, hindi naman niya ginaganoon.

I smirked when realization hit me.

Nagkatitigan kami ng ilan pang mga minuto. Siya ang unang umiwas, at ibinalik ang tingin sa board.

Now I know, Exellor.

***

Maya-mayang lunch, nakisabay na nga ako sa mga kaibigan ko. As usual, nagkwe-kwentuhan kami habang kumakain. Kita ko pa na sinapik ni Kylie si Greg sa batok, kaya napa-aray naman ito dahil sa sakit.

"Anong chick-hunting?! Neta ka, nasa harap mo lang girlfriend mo oh!" sigaw pa nitong si Kylie.

"Nagjo-joke lang nga eh! Diba babe?" sabi naman nitong si Greg pero napasinghal lang si Aimee.

"Loko-loko ka talaga!" inis na sabi niya.

"Hey... Hey..." pagsuway ni Jayvee sa kanila. "I'm the one who needs the hunting, not you Greg. How 'bout you Trev?"

"W-What?"

"You want to go to Caily's later?" pagimbita niya, at sumubo ng kinakaing pork ribs. And party na tinutukoy niya ay kay Caily Emerson. Sikat na volleyball player sa school namin, at girl bestfriend nitong si Rhianne.

And you've guessed it, ayaw rin siya ni Kylie. Masyado siyang bitter sa ibang girls na kasama ko. Nagkakaroon tuloy ako ng assumption na may gusto siya sa akin. I don't mind though.

"I'm not sure bro..."

"WEH? DATING KA BRO, MAMAYA MAGKITA NANAMAN KAYO NI DESTINYYYY!! AYIIIIEEEE! BINATA NA SI JUNJUN!! HAHAHA!" pang-aasar ni Greg.

I gave him the finger, pero humagalpak nanaman siya sa tawa. Tumawa rin ang mga kaibigan ko kaya naman I just gave them all the glare. Umiling-iling ako.

But, his mention of destiny made me look at a certain table...

Nagtama ang mga paningin namin! She's looking at our table! Nakakailan na siya! Adik yata 'tong babaeng 'to! Nanduon siya, at tapos na ngang mag-lunch. Nagtagal ang titigan namin, and her eyebrow slowly rose, at parang nagtaka na.

Magtaka ka sa sarili mo. Tingin ka ng tingin...

Baka... talagang crush niya ko? May hinihintay yata siyang may gawin ako. Naisip ko tuloy yung mga love letters sa locker ko. Baka may binigay sya roon!

Walang pakundangan akong napatayo sa kinauupuan ko, at kinuha ang kamay ni Jayvee.

"Bro, samahan mo ko." sabi ko sa kanya't hinila siya paalis sa table namin. Rinig ko pa ang protesta ng mga kasamahan ko. I heard Greg laugh.

Probably told them I have LBM kaya nagpapasama ako kay Jay. -__-

"Saan ang punta bro?" tanong niya ng bitawan ko ang kamay niya'y pinasunod sa akin.

"Sa hallway. Samahan mo lang ako. May titingnan lang ako sa locker ko."

Lumabas kami ng cafeteria at dumiretso sa Seniors building. Walang katao-tao kaya mabilis akong nakarating sa second floor, kung nasaan ang hallway ng mga lockers. Nang makita ko na nga ang locker ko, agad kong sinulot ang susi ko sa key-slot, and when I opened it, bunch of love letters fell on the floor. They're differently colored kaya alam kong mahihirapan ako sa paghahanap. May narinig akong tumiling mga babae na hindi kalayuan sa distansiya ko, as I start opening them one by one.

"KYAAH! Sana mabasa ni Trevor yung sakeeen!"

"Ang dami oh! Talagang maraming mang-aagaw kay TREV!"

Natawa naman si Jayvee sa mga naririnig. "Dami mong fangirls, bro. Anyway, ano bang hinahanap mo?"

"Just need an envelope that's suspiciously looking." I told him. Tumulong siya sa pagbabasa, at ako rin 'tong aligaga na binasa lahat ng mga love letters.

Hi Trev! Alam mo, crush na crush kitaa! YIE~~~

No.

HELLO TREVOR, SANA MAPANSIN MO AKO--

No.

HI TrEvOr! 4L4m mo, 4ng fogi mo phoe fafa--

f*ck. NO.

I'm not getting anywhere! Inis kong binalik ang mga letters sa locker ko.

"W-Wooaah. Bro, just chill. Who you lookin' for anyway?" tanong ni Jayvee ng makita akong stress na stress na nangyayari. Halos masabunutan ko na sarili ko sa inis! Man! Why is that?!

"Y-You can go. Just don't tell them. Alam mo naman, bubusitin ako ni Greg."

"Sure. Ingat bro." umalis na rin noon si Jay.

Nang saktong umalis siya, ay aalis na rin sana ako, ng bigla nga namang dumating ang timing at kita kong naglalakad sa hallway si Exellor. Dahil lunch, walang katao-tao rito, at mga yapak lamang ng mga paa niya't paghinga ko lang ang naririnig sa buong lugar.

SINUNDAN BA NIYA AKO?!

Kita ko pa siyang sumulyap sa akin sa paglalakad niya. Tumigil siya sa harap ko, ngunit nakatuon ang mga mata niya sa pinto ng isang locker katabi ng sa akin.

IS THAT HER LOCKER?

And it was true. Kinuha niya ang susi niya mula sa bulsa niya'y isinulot iyon sa keyslot ng locker. Binuksan niya iyon at kinuha ang bag niya. Nang malabas niya iyon, sinara niya agad ang pinto ng locker niya't binalik ang susi sa kanyang bulsa.

Bago pa man siya makaalis sa kinatatayuan niya, agad kong hinawakan ang pulsohan ng dalawang kamay niya't naipako iyon sa locker. Napasandal siya sa maraming lockers, kita ko ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha niya, dahil siguro sa biglaang pagtama ng kamay niya sa lockers. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, at tumitig siya sa akin ng malalim.

"Are you really stalking me, Exellor?"

"No." diretsong sagot niya.

"Why are you staring at me earlier then?" I asked. Nanatiling tahimik ang lugar, hanggang sumagot siya.

"Is it bothering you?"

Rinig ko pa ang hininga niya, na kalma pa rin ngunit malakas sa pandinig.

Lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa kanya. Halos maramdaman ko na yung hininga niya sa aking bibig, at bigla-bigla ang pagbilis ng tibok ng puso ko. I felt like running at a marathon.

"Yes, and I think I know what you are thinking..."

Hindi siya nagsalita. Kaya pinagpatuloy ko.

"Do you like me?"

Katahimikan muli ang bumalot sa buong lugar. Her eyes weren't moving. Titig na titig iyon sa mga mata ko, at parang sinisisid ba ang kailaliman noon.

"No. Not... yet."

Not yet???

"Not yet? But are you trying to like me.. What for?"

"Think between my words, Paul Trevor. Don't assume." bigla niyang sinabi. Nawala ang mga ngisi sa aking labi at napalitan ng pagtataka.

"Not yet, 'cause I can never decide my future. Everyone's not sure of everything, and liking you is a possibility. What you're doing causes that possibility to happen. I don't feel any tingling sensations when I see you now, so it's a no... and I wasn't staring at you earlier." sagot niya. Mismo sa mukha ko.

Napabitaw ako sa pagkakahawak sa mga pulso niya. Hindi naalis ang titig ka kanya.

"You're just in denial." sabi ko nang pulutin niya ang bag niyang nasa sahig ng mabitawan iyon sa ginawa ko kanina.

"Think again, Paul." sabi pa nito, at tumungo pababa sa ground floor.

She's freaking lying! Nakita ko, yung mga mata niya sa akin! Hindi naman ako nag-iilusyon eh! Baka sya 'tong gumagawa lang ng paraan para hindi mapahiya.

***

*RIIIIIIIING!*

Tumunog na ang bell, which means tapos na ang final subject namin for the day. Class dismissal na nga.

"Bye guys!" bati ng Guevarra siblings.

"Bye!" bati ko rin ng makalabas na kami ng Seniors building.

"Sabay ka na bro!" aya ni Greg. Umiling naman ako. "Mauna na kayo guys. May aasikasuhin lang ako."

"O-Osige. Bye Trev!" bati ni Rhianne.

Biglang nahagip ng peripheral vision ko si Exellor. Kakalabas lang niya ng building at tumungo palabas ng school. Hinintay ko munang mawala ang mga kaibigan ko out of sight before I decided to:

Follow Exellor.

Sinundan ko siya kung saan man siya pupunta. I kept some good distance from her so she won't notice me. And the fact that there are students everywhere going home makes it an easy distraction and camouflage. Dire-diretso lang kami hanggang lumiko siya sa isang kanto. Lumiko rin ako ang kept following her. I was still familiar of the place since palapasiyal si Greg at dito mahilig mag-skate si Kylie noong mga Grade 9 pa kami.

Diretso lang ang lakad namin hanggang lumiko nanaman siya sa isa pang kanto.

Saan ba ang bahay niya?!

Hindi ko naman din kasi alam kung mayaman siya o hindi. Malaki kaya ang bahay nila? Kilala kaya siya ng mga kapitbahay nila? Ano kayang ginagawa niya pag nasa bahay siya?

Dumarami ang mga tanong sa utak ko habang sinusundan siya sa paglalakad niya. Hindi nagtagal, napunta nga kami sa isang daanan na kung saan puro damuhan lang ang naging paligid. Sa pagkakaalam ko, ito na ang lupaing pagmamay-ari ni Don Kael, ang kilalang mayaman sa lugar namin. Matanda na siya, he's around 60's I think, and he's very strict.

As I continue walking along the fenced path, I saw multiple signs that says: NO TRESSPASSERS. ANYONE WHO'S CAUGHT ARE TO BE PAID A FINE.

I got nervous.

She stopped abruptly. So I stopped. I felt the cold breeze from the atmosphere, giving me the chills. I looked everyone, and looks like we're somehere really isolated.

I was surprised when she ducked, and turned to her right side. Bahagya niyang itinaas ang naka-kubling parte ng fence at kita ko kung paano siya lumusot rito at PUMASOK SA KABILANG DULO! She's trespassing!!

What the f*ck?!

"EXELLOR! WHAT ARE YOU DOING THERE?!" I immediately yelled. Hindi pa man siya nakakatayo, ay napatingin siya sa akin. Still wearing that emotionless face and her red beanie, she slowly stood and recognized me. "Paul?"

Paul nanaman? I told her to call me Trevor!

"Bakit ka nandiyaan? You're trespassing! You want to be caught by Don Kael?!"

"I will not be caught by him." then, she smiled.

Halos magsitaasan ang mga balahibo ko sa paa't braso ng makita siyang ngumiti. That was the first time I saw her smile. Nawala iyon ng ilang segundo, when she turned around, continuing her walking.

"W-WAIT!" I yelled again. She stopped at her tracks, and turned around. Like what she did, dumaan rin ako sa nakakubling banda ng fence (sa bandang kailaliman), and crawled my way to the other side. Pagkatayo ko, ay nagpagpag ako ng damit ng maramdaman ang mga damo na kumapit sa katawan ko.

"Why are you following me?" she asked me.

"I should ask you the same question." I retorted back.

Naglakad lang siya palayo, kaya sinundan ko na't tinabihan.

She's still walking na parang walang sumusunod!

Continue Reading

You'll Also Like

63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
165K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]