The Unmarried Billionaire (Da...

By CovertSolace

652K 28.5K 6K

We met when we were a child. His dad is my dad's friend. I like him because he is too stubborn, but cool. Yet... More

T.U.B
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
chapter 10 snippet
Chapter 10
chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
teaser for the succeeding chapters
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Thank you!
Epilogue
Special Chapter

Chapter 17

14.7K 604 94
By CovertSolace

Yehey! Another update here. Thank you sa mga supporters and mga good people na nagcocomment hahahaha. Salamat sa pag.intindi guys. Tuwang tuwa ako sa mga comments nyo at pati narin sa mga nagvovote. Di na man kayo ganun kadami gaya dati ay still natutuwa padin kami at may nagbabasa padin hehehe. Humihingi kaming mga author ng dm series ng pasensya sa sobrang tagal ng update. Lalo na poh si jae na kasalukuyang abala sa kanilang pila pilang thesis at research paper kaya di pa makakaupdate. Pero yaan nyo na kasi focus na sya sa dm kaya expect nyo pag naging free na kami eh mabilisan na ang update hehehe. Oh sya dahil sa support nyo at tyaga ng paghihintay kaya susundan natin agad ng bagong chapt. Basa na.

Shout out to Iamjaelopez, SOTUSEngineer and YusTimmy

Auster's pov

"Hmmmm ano kayang reviewer ang magandang bilhin?" Usap ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga librong nakapila sa bookshelf.

Nasa isang mall ako ngayon dahil ang bilin ni Uji kay manong Vlad na samahan akong bumili ng mga gagamitin kong school supplies pati narin reviewer books. Kaya eto tulak tulak ni manong ang isang cart at sakin naman ang isa.

Wala akong choice dahil listahan ni Uji ang basehan namin sa kung ano ang dapat na bilhin at ako lang magdedesisyon kung anong kulay or disenyo ba ang bibilhin ko. Kaya eto sa sobrang haba ng listahan eh kinulang ang isang cart.

Pero kahit na sobrang dami ng kelangan bilhin ay naamaze padin ako sa dami ng mga school supplies na nakikita ko ngayon. At ang dami ng libro kaya halos di ko naramdaman ang pagod sa kakaikot namin ni manong.

Natutuwa rin ako kasi si manong mahilig din sa libro. Bihira nalang kasi sa isang makisig at hunk na lalake ang book lover kaya naman nung nalaman kong hilig nya ang mga ito ay isa lang ang nasabi ko "ang swerte ng fiancee mo manong."

Ngayon nga ay nasa isang kilalang books store kami ni manong Vlad at ayun sya nagbabasa ng mga free reading books at mukhang enjoy naman sya.

Hindi ko lang din alam kung ano ba ang pipiliin kong reviewer na makakatulong sakin para makakuha ng mataas na marka sa exam.

Ewan ko ba kung bakit pero tuwing naiisip kong mag-aaral na ako ay napapangiti nalang ako bigla.

Ang sarap kasing isipin na matutupad ko na ang matagal na naming pangarap ni Tita Bless sa akin.

Mga pangarap na akala ko di ko na matutupad pa.

"Sayang tita. Sana buhay kapa para naman masaksihan mo akong tuparin ang mga pangarap ko sa buhay. Mga pangarap na binuo nating dalawa. Pero hayaan mo tita at tutuparin ko parin naman ito. At balang araw alam kong magiging masaya din ako kapiling si Uji." Di ko namalayan ang pagtulo ng luha ko kaya agad ko naman itong pinahiran.

Isang tapik sa balikat ang naramdaman ko habang nagpapahid ng luha.

"Ayos ka lang ba?" Ramdam ko concern sa boses nya.

"Opo manong pasensya na at may naalala lang ako." Tugon ko sa kanya sabay ngiti narin.

"Hmmm eto nalang kunin mo dahil kilala ang entrance exam nila na isa sa pinakamahirap na exam kaya kung masasagot mo ng tama ang mga questions sa booklet nila eh malamang na mataas na marka ang makukuha mo." Saad nya sabay abot sakin ng librong kinuha nya mula sa shelf ng nakangiti.

"Salamat manong." Nakangiti ko naman itong tinanggap.

"Tara at bayaran na natin yung mga libro at kumain tayo alam kong gutom kana." Yaya nito sa akin na kinatuwa ko naman. Sino ba naman kasi ang di mapapagod eh halos dalawang oras na kaming nagpapaikot sa mall.

Mula sa department store, sa mga clothing shop at ngayon sa book store, buti na lang kada bayad namin ay idinederetso na sa may parking lot ang lahat ng binili namin. Special treatment daw talaga ang natatanggap namin sa mall na ito lalo pa at pangalan ni Uji ang lumalabas tuwing nagbabayad kami. Kaya dadaanan nalang namin ang mga binili namin pagmagdadrive na kami palabas ng parking lot.

Sarap talagang maging mayaman, walang hassle.

....

Nasa isang coffee shop kami ngayon na nasa loob lang din ng mall. Mejo light snack lang ang napagkasunduan namin ni manong kase nga nangako din ako kay Uji na sasamahan ko syang mananghalian ngayon kaya bago kami uuwi mamaya ay bibili ako ng mga ingredients na lulutuin ko para sa pananghalian naming dalawa.

Isang creamy frappe lang at blueberry cheesecake ang inorder ko habang machiato at apple muffins naman kay manong. At syempre lahat ng ito ay bayad gamit ang account ni Uji. Ayaw na ayaw nyang kukuha ako sa atm na ibinigay sakin nung organization na pagpapasubasta. Di ko nalang din sya tinanong kung bat ayaw nya akong gumastos at least kahit papaano may milyones padin ako.

Nasa kalagitnaan kami ng masayang usapan ni manong tungkol sa isang librong kinaiinisan nya ng may mapansin akong dumating at umupo sa isang sulok ng table.

"Manong hindi na yun yung doctor na dating gumamot kay tita? Bago sya tinanggap nung kilalang cardiologist ni Uji?" Tanong ko kay manong.

Nilingon naman nya ito sakto sa pagdating ng isa namang gwapong lalake. Mejo matangkad ito ng konte sakin at may kasamang isang nakasuit and tie. Nakipagkamay dito ang doctor at sabay silang naupo. May tila inaabot itong sobre sa doctor.

"Hmmm tama ka sya nga. At ang kaharap nya ay isa sa kilalang businessman. Sige na wag mo na silang tignan. Tapusin na natin ang kinakain natin para makapamili na ulit tayo ng mga lulutuin mo." Utos ni manong sakin kaya pinagkibitbalikat ko na laman ito at tinuloy ang pagkain. Mejo busy rin si manong sa kakalikot ng kanyang cellphone.

.....

Sa wakas ay tapos ko nang lutuin ang pananghalian namin ni Uji. Di mapagsidlan ang tuwa sa puso ko sa tuwing naiisip kong kakain kami ng sabay ni Uji. Natatanggal talaga nito ang mga pagod sa katawan ko, lalo kapag ka pinupuri nya ang luto ko. Pakiramdam ko tuloy daig ko pa si Gordon Ramsey sa pagluluto ehh para akong professional chef.

Imagine ang dating waiter ngayon chef na. Lols.

"Speaking of chef." Agad kong kinuha ang cellphone at tinignan ang schedule ng meeting ko sa dating chef ni Uji. Di naman daw ako dapat kabahan kasi mabait daw ang chef nya dati na ngayon ay nagtatrabaho na sa isa nyang kaibigan. Well sana mameet ko sya kasi gustong gusto ni Uji yung mga luto nya. Mga comfort food daw na para bang luto ng isang nanay.

Nanay. Tama, pareho kami ni Uji na wala nang nanay. Kaya siguro ganun nalang ang pag-aalala ni Uji sakin nung nawala si tita. Kasi alam nya ang pakiramdam ng mawalan ng nanay.

Ang tunog ng pagsara ng cover ng tupperware ang syang hudyat na tapos ko na ang paghahanda ng makakain namin.

Pinagmasdan ko ang dalawang set na tig-aapat na tupperware na nakasecure sa dalawang plastic belt. Marami-rami rin ang niluto ko kasi gusto ko ring sumalo samin sa pagkain ang sekretarya nya at si manong vlad at manong thrace para naman kahit papano ay maenjoy namin ang pananghalian.

"Ang laki naman ng bitbit mo parang ang daming laman." Nakangiting puna ni manong vlad sa bitbit kong thermo bag na nilagyan ng mga pagkain.

"Opo kasi kakain tayo ng marami. Kaya wag kayong tumanggi, sasama kayo ng kain samin ni Uji." Nakangiti kong sagot dito. Sinuklian din ako nito ng ngiti.

Pogi pogi talaga ni manong vlad, pero syempre walang tatalo kay Uji. Hahaha landi ko.

Nang nasa tapat na kami ng opisina ni Uji ay sinalubong naman kami ni ate Dona ng nakangiti.

"Just on time Au." Nakangiting saad nito sakin saka ngumiti rin sa katabi ko. Agad nitong tinanggal ang bag sa balikat ko at iniabot kay manong.

"Ikaw dapat ang nagdadala nyan. Sa laki ng katawan mo di mo dapat pinapabuhat yan sa bata." May pagkastiktang turan ni ate kay mong.

Wala namang nagawa ang isa kundi ang mapakamot ng batok.

"Kanina kapa nya hinihintay. Mukhang excited ulit kumain ng tanghalian kasama ka. At napapadalas na rin ang excitement nya." May lambing sa tono ng boses ni ate. Di ko masabi kung bakit pero magaan talaga ang pakiramdam ko sa kanya.

"Hehehe tamang tama ate. Marami akong niluto at kasya para satin." Natutuwa kong saad din sa kanya.

Agad naman kaming naglakad papasok sa opisina ni Uji.

"Pag sa kanya ate pag sakin manong? Ang unfair naman nun Au." Maktol ni manong sa likod namin.

Nagkatinginan nalang kami ni ate at napahagikhik.

Natutuwa ako sa kanila. Oo at may pagkastrikta si ate pagumasta ito kay manong at sa iba pero hindi mo maikakailang mahal nila ang isa't-isa.

Nang pumasok na kami sa loob ng opisina ay busyng-busy ang napakapogi kong asawa. Lols dejoke. Busyng busy si Uji sa mga papeles sa table nya.

"Dona no appointments for this afternoon please." Bungad nito nang hindi kami tinatapunan ng tingin.

"Boss your lunch is here." Ewan ko pero namula yung pisngi ko sa sinabi ni ate. Para kasing double meaning. Lols dumi na ng utak ko.

Nakita kong napaangat ito ng tingin. At sumilay ang napakatipid na ngiti pero tila ba pang-aakit nito sakin kaya napayuko ako ng maramdaman ko ang tuluyang pamumula ng aking pisngi. Iba talaga epekto ng titig nya sakin. Ibang-iba.

"Vlad pakidala ang pagkain sa kotse ko. Andun na din si Thrace naghihintay. Iabot mo nalang sa kanya." Saad nito sa napakalamig na tono at hindi inaalis ang titig sa akin.

Agad itong tumayo at naglakad papunta sakin. Nang sakt9ng nasa harap ko na ito ay nagsalita itong muli.

"Dona, napirmahan ko na ang mga dokumentong kinakailangan. You know what to do." Saad nito na agad namang sinunod ni ate.

Kakaiba itong nangyayari ngayon. Oo iba si Uji sa opisina at iba sya sa bahay. Parang dalawang personalidad ang nabubuhay sa iisang katawan nya. Pero yung intimidasyong pinapakita nya ngayon ay tila ba napakalakas na halos hindi ako makaimik sa kinatatayuan ko at sa pagkakayuko.

"And you." Napakalamig ng boses nya at napakatindi ng aurang nakapalibot sa kanya. Nakakatakot.

"P-p-po?" Utal kong sagot at unti-unting inaangat ang aking tingin.

Mga madidilim na titig ang sumalubong sa akin. Pinagpapawisan ako ng malamig sa inaasta ni Uji. Ito na ata ang huling araw ko sa mundong ito.

Langyang lalake toh pinaasa lang ako sa mga school supplies kanina. Kung kelan asang asa na ako sa pag-aaral saka naman ako papatayin. Grrrr.

"You are cumming with me." Hindi ko alam kung anong nangyari pero ang kaninang nakakatakot na aura ay tila ba nawalang bigla.

"K-c-cumming?" Wala sa wisyo kong paguulit na sinuklian nya ng kanyang signature smirk. Tsk pogi!

Agad nitong hinila ang aking kamay palabas ng opisina hanggang sa tapat ng elevator.

Nang makapasok na kami ng elevator ay nilamon kami ng katahimikan. Masyadong awkward na nakatitig sya sa repleksyon ko sa mirror ng elevator.

54...53...52...

Pinagmamasdan ko ang umiilaw na numero na hudyat kung saang floor kasalukuyan ang elevator.

24...23....22....

"S-san poh tayo pupunta? D-di ka pa b-ba gutom?" Utal-utal kong tanong na syang bumasag sa katahimikan sa loob ng elevator.

"Wag kang maraming tanong. Yang pag-uutal mo masyadong nakakaturn-on baka gusto mong angkinin kita dito sa loob ng elevator na ito?" Halaos nanlaki ang mata ko sa sinabi nito kaya naman napatakip ako ng aking bibig.

May ghaaad di ko inaasam na magkaroin ng sex video sa loob ng elevator. Alam kong may cctv dito sa loob kaya no no.

Manyak manyak ng isang toh pati elevator kayang gawing motel nako nako.

Narinig ko lang ang pagsmirk nito. Tsk pogi kainiz!

10...9...8

"Eh san nga poh kasi tayo pupunta?" Dahil sa inip eh di ko na napigilan ang aking bibig. Curious ako ehhh ano magagawa ko? Grrrr!

4...3...2

"Heaven" sagot nya.

Ako napanganga.

'Ting' tunog ng elevator.

Agad na hinila ni Uji ang kamay ko palabas ng elevator. At sumalubong sa amin ang sasakyan ni Uji.

Bumaba mula sasakyan si manong Thrace at ibinigay kay Uji ang susi. Isang tapik lang ang ginanti nito sa balikat ni manong saka iginiya ako sa shotgun seat at ikinabit ang aking seat belt.

Ang lapit ng mukha ni Uji sakin kaya mas lalo kong napagmasdan ang kakinisan ng kanyang mukha, ang tangos ng kanyang ilong, ang perpektong mga pilik mata at pati narin ang amoy nya na nasisinghot ko. Grabeh pati yung amoy ang pogi.

"Tapos naba ang pagiimbestiga mo sa mukha ko?" Nabigla ako ng humarap ito sakin matapos nyang i-buckle ang seatbelt ko.

"Ahh--eehh hhhmmmp" di na ako nakapagisip pa ng sasabihin ng bigla nyang hinalikan ang labi ko. napakasuyo ng halik nya at lumalalim ito.

"I've been wanting to kiss your lips the moment you entered my office. Masyado na akong nababaliw sa labi mo at ang hirap kontrolin ng sarili ko." Saad nya matapos kumawala sa aming halikan. Syet pati hininga nya pogi!!!

Agad syang umalis at sinara ang pinto ng kotse at umupo sa may driver seat.

"Ready?" Nakangiti na sya ngayong nakahawak sa manebela. Ang gwapo nya talaga lalo pag ngumigiti.

Tango at ngiti lang din ang sinukli ko sa kanya saka nya pinindot ang screen ng player ng sasakyan at pinaandar ito.

Tumugtog ang pamilyar na tugtugin dito.

(Play vid while reading. Kung pwede lols ☺)


Mas lalong gumaan ang mood namin sa loob at saka umandar ang sasakyan.

Nakikita kong imiindak at sumasabay sa tugtog ang galaw ng ulo ni Uji.

Nakakatuwa syang panoorin. Sa mga ganitong moments pakiramdam ko ang espesyal kong tao.

Ako lang kasi ang nakakakita ng ganitong side ni Uji.

Ang napakapormal at napaprim at proper na tao sa harap ng iba ay may tinatagong kulit at childish na personalidad.

At sa tuwing lumalabas ang pagiging bata ni Uji ay tila ba mas lalo syang gumagwapo sa paningin ko.

Mas lalong tumitingkad ang kakaibang glow na nakapaligid sa kanya sa tuwing nakangiti sya.

At sa tuwing ganito sya ay hindi ko mapigilan ang mas lalong mahalin sya.

Mahal na mahal ko na sya.

"I want something just like thissssss ooohhhwoooo ohhwwoooo!" Pagsabay nya sa kantang tumutugtog.

Napatawa ako dahil sobrang wala sa tono ang pagkanta nya.

Unang beses ko syang narinig kumanta and sana ito narin ang huli.

"Hehe pinagtatawanan mo boses ko." Saad nya habang natatawang nakatuon ang atensyon sa daan.

"Hahahahahah boses mo pala yun? Akala ko palakang natatae." Sabay kaming napatawa sa tinuran ko. Pero mas nakafocus ako sa itsura nya.

Grabeh kahit napakalakas na ng tawa nya ay parang walang pinagbago sa kagwapuhan nya. Tumitingkad ang mga mapuputing ngipin na walang bahid ng imperfection.

Ang swerte swerte ko talaga at sakin pinapakita ni Uji itong side ng kanyang personality.

Hai kaya mahal ko sya ehh. Kasi kahit napakaperpekto nya. Pinapamalas padin nya sakin na tao lang din sya. Nasasaktan, nagsasaya at nagmamahal.

"Uji." Tawag ko dito.

"Hhmmm?"

"Salamat sa pagpapasaya sakin." Nakita kong napangiti ito. Inabot nya ang aking kamay at hinalikan ito.

"If it is you, every risk is worth it." Sagot nya.

Ewan ko ba pero sa oras na ito feeling ko nahigitan ko pa si cinderella sa haba ng buhok ko at parang mas babae pa ako kay Miss Pia Wurtzbach.

















Hay! Ako na talaga ang may gandang hindi ko inakala! Lols.

Itutuloy....
______________________________________

A/N:

Hi guys! Kamusta? So tong update na toh eh pasasalamat ko lang sa inyo na patuloy na sumusuporta sa gawa namin.

Thank you guys!

So, i know mejo borig yung part kaya nilagyan ko nalang ng mv hahahaha. San kaya sila pupunta? Any guess? Ang saya saya ni Bau noh? Hahahaha sana lang tumagal pa yang saya nya hihi. Be ready sa mga upcoming updates guys. Malapit nang magsimula ang tunay nilang kwento.

Oh sya wag kalimutang magvote pati comments. Vote din mga previous chapters guys. Thanks!

Soar high!

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
498K 18.7K 57
Zachary Gabriel Lee is a new office worker at J.A. company which is actually owned by John Alfons Cruz. Gabriel at first, thought, that he is free f...
35.2K 892 10
WARNING! Mature content inside. A BxB story. _________ An androgynous gay is abducted and sold to a lunatic maniac. _________ Originally written by L...
443K 13.5K 56
HIGHEST RANK: #1 in bxb out of 3.46K stories (01/02/2020) #2 in boyxboy out of 6.94K stories (01/02/2020) Mr. Master || Gonzalo Series #1 Simula nan...