Sword Seeker #1 (God's Child)...

Da luna20moon

609K 20.8K 671

SWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) Digmaan ng mga diyos. Limang planeta ang nang... Altro

◈ The God's Child ◈
◈ Kaibigan ◈
◈ Secretong lugar ◈
◈ Arena ◈
◈ God within ◈
◈ Tinakda? ◈
◈ Unang halik ◈
◈ Panaginip pa ba ito? ◈
◈ Iniisip kahit sa huli ◈
◈ Unang pagkikita ◈
◈ Buhay na ◈
◈ Iisa ang puso't isip ◈
◈ Paghahanda sa misyon ◈
◈ City of Sylvana ◈
◈ Isang Elementasium ◈
◈ Unang piraso ◈
◈ Away ng mga mata ◈
◈ Aquiryana ◈
◈ Isda o tao? O_o ◈
◈ Halimaw sa mundo ◈
◈ Sa likod ng gintong buntot ◈
◈ Isang pagkilala ◈
◈ Pumukaw sa bangungot ◈
◈ Zar'roc 'A Sanar ◈
◈ Itim na mga mata ◈
◈ Panibagong lihim ◈
◈ Pagkilala sa Hari ◈
◈ Elfeeh ng mga diyos ◈
◈ Panibagong kaalaman. Panibagong kalaban ◈
◈ Sakrepisyo para sa daan ◈
◈ Katapusan ng lihim ◈
◈ Huricana ◈
◈ Sa daan (part 1) ◈
◈ Sa daan (Part 2) ◈
◈ Isang nakaraan ◈
◈ Ilalim ng pulang buwan ◈
◈ Nagkita muli ◈
◈ Minsahe ng Diyos ◈
◈ Zyrexis ◈
◈ Itim na kaharian ◈
◈ Totoong Hari ◈
◈ Pag-aaral sa dereksyon ◈
◈ Liwanag ◈
◈ Halik ng kamatayan ◈
◈ Munting kasiyahan ◈
◈ Ang plano (part 1) ◈
◈ Ang plano (part 2) ◈
◈ Para sa tagumpay ◈
◈ Kagandahan ng kaharian ◈
◈ ⊙﹏⊙ Anak ng puto!! ◈
◈ Pag-aagaw sa liwanag ◈
◈ Elfeeh laban sa Elfeeh ◈
◈ Hakbang sa digmaan ◈
AUTHOR'S NOTE!!
◈ Patungo sa bundok ◈
◈ Kondisyon ◈
◈ Katapusan ng digmaan sa kalawakan ◈
AUTHOR'S NOTE!!

◈ Mga pagsubok ◈

7.3K 225 4
Da luna20moon


ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•

Luna's POV

Nagising ako dahil sa ingay, dahan dahan kong hinawakan ang ulo ko dahil sumasakit ito.

"Tumahimik ka nga!" May biglang sumigaw at napa gulong naman ako para lumayo.

"Kasalanan mo kaya ikaw ang tumahimik!" May sumigaw ulit.

Ugh! ang sakit ng ulo ko! TSK!

"UTANG NA LOOB! WAG KAYONG SUMIGAW!" Sigaw ko at pansin kong tumigil rin sila.

"Luna!" Sigaw nila ulit at napa upo naman ako dahil sa gulat.

"Gising kana!" Nagulat ako nung may biglang yumakap sa akin.

"S-sheena.. di.. a-ako.. maka--hinga." Sabi ko at kumalas naman siya sa yakap.

"Patawad. Masaya lang ako dahil nagising kana!" Masayang sabi niya.

Teka....

(O_O) Anong ibig niyang sabihin?

"Buong araw ba akong tulog?" Tanong ko at parang nagiging takbo nanaman ng kabayo ang tibok ng puso ko.

Bigla silang nagkatinginan at yumuko si Sheena, t-teka may problema ba?

Tiningnan ko si Valdesis at pansin kong malungkot ang mga mata niya.

Bakit hindi sila nagsasalita?!

"Mag salita nga kayo!" Inis na sabi ko. "Ano?!"

Nanatiling naka yuko si Sheena kaya si Valdesis ang tiningnan ko. Huminga siya ng malalim at biglang sumeryoso ang mukha niya.

(@_@) Anong ngyayari?!

"Luna, patawad." Sabi ni Valdesis at napa hawak naman ako sa kwintas ko. "Limang taon ka ng tulog."

(O_O)

Para akong na bagsakan ng mundo sa sinabi niya. Limang taon?!

"ANO?!" Gulat na tanong ko at napa yuko naman si Valdesis.

Napa hawak ako sa puso ko dahil sumikip bigla ang dibdib ko. Limang taon?! namatay na ba lahat dahil limang taon akong walang malay?! nag tagumpay na ba ang panginoong itim?!

Parang mahihimatay ako dahil sa mga inisip ko. Tumingin ako sa bintana at pansin kong walang araw at puro ulap lang ang nakikita ko at parang madilim ito. Nagtagumpay na ba ang kadiliman?!

Bigla kong na alala si Gabriel, san na siya?! bakit parang hindi nila kasama si Gabriel?! Wala na rin ba siya dahil pinoprotektahan niya ako sa limang taon?! at dahil nagtagumpay na si Alvamo, pinatay niya ba si Gabriel?!

"Totoo ba ang lahat ng to?" Tanong ko at tumango naman sila.

Napa suntok ako sa sahig dahil sa galit at na butas naman ito. Pansin kong lumaki ang mga mata nila dahil sa gulat. Tumayo ako at pumunta sa pader, sinuntok ko to at nabutas naman agad ito. Gusto kong magwala dahil sa galit ko.

"Luna..." Rinig ko galing kay Sheena pero di ko siya pinansin.

Sinuntok ko ulit ang pader at lumaki ang butas nito. Limang taon?! Limang taon akong walang malay at sa taon na yun maraning kadilimang magagawa!

"Luna." Sabi niya ulit.

"Bakit?" Kontrolado kong tanong.

"Ehhh kasi." Sabi niya at tumingin naman ako sa kanya para ipagpatuloy niya. "Ehhh kasiiiii."

"Bakit nga Sheena?" Tanong ko ulit.

Pansin kong sabay silang lumunok at parang bigla silang naging hindi komportable.

"Bakit. Nga. Sheena?"

Bigla niyang siniko si Valdesis at pansin kong umaatras sila.

"Kasi.... BIRO LANG YUN LAHAT!" Sigaw niya at ang kinagulat ko bigla silang tumakbo!

B-biro lang?

Ibig sabihin.....

"AHHHHHHHH!" Sigaw ko at tumakbo para habulin sila.

MGA WALANGYAH! NA LOKO NILA AKO!

Hinabol ko sila at nakita ko silang tumatakbo palabas ng bahay. Biglang umakyat ang dugo ko sa utak dahil sa galit!

&@$#%£!

Ang sarap nilang patayin dahil sa galit ko!

"LUNA PATAWAD!" Sigaw ni Sheena.

"PATAWARIN MO NA KAMI LUNA!" Sigaw rin ni Valdesis.

"PAPATAYIN KO KAYO!" Sigaw ko rin sa kanila at nilakasan pang tumakbo.

"GABRIEL TULOOONG!" Sabay nilang sigaw.

Mga walangyah talaga!

Ngayon ko lang na pansin na nagpaikot-ikot lang pala kami sa labas. Bigla silang pumasok sa bahay at sinara ang pinto.

Dahan dahan akong naglakad sa pinto at tinulak ito at bumukas naman ito agad. Pumasok ako at parang bigla nalang silang na wala. Siguro nagtatago sila sa isang silid.

Naglakad ako dun at binuksan ang pinto. Sa pagbukas ko nakita kong kumakain sila Denielle at ibang mga bata at lumaki naman ang mga mata nila nung nakita nila ako.

Lumingon ako sa gilid at nakita si Gabriel at parang na gulat rin siya, may na pansin akong nagtatago sa likoran niya at parang na nginginig pa ito.

Naglakad ako papunta sa kanya at hinila ang dalawa na nagtatago sa likoran niya.

"Huhuhu! Luna patawad!" Sabi ni Valdesis.

"Kasalanan niya Luna! naki sabay lang ako! patawad!" Sabi ni Sheena.

"Oh bakit ako?! ikaw kaya!"

"IKAW!" Sheena.

"IKAW!" Valdesis.

"IKAW!" Sheena.

"IKAW!" Valdesis.

Napa tigil naman sila nung bigla kong inilabas ang kapangyarihan ko at tinakpan ang mga bibig nila gamit ng gintong kapangyarihan ko.

"MGA WALANGYAH!" Sigaw ko sabay hila ng tenga nila.

Hinila ko ito ng malakas at nagpupumiglas naman sila sa sakit. Hindi ko naririnig ang mga sigaw nila dahil sa takip ng bibig nila.

May biglang humawak sa balikat ko at nakita si Gabriel. Bigla kong na alala ang ka dramahan ko kanina kaya bigla akong napa yakap sa kanya at umiyak.

"Gabrieeeeel!" Sabi ko.

"Bakit Luna?! anong problema?!" Tanong niya habang niyayakap rin ako.

"Kasalanan nilaaaaa!" Para akong batang nagsusumbong at tinuro ko naman ang dalawa. "Sa-sabi kasi ni-nila, li-mang ta-taon na raw a-akong *snif* tu-tulog! huhuhu!"

"Nagbibiro lang naman kami Gabriel! T-tapos hindi namin alam na dibdibin niya pala ang biro." Sabi ni Sheena kaya tiningnan ko naman siya agad ng masama.

"Mga walangyah kayo! *snif* hindi magandang biro yun!" Bulyaw ko at umiyak pa lalo.

"Tama na nga yan!" Sabi ni Gabriel. "At kayo! umalis nga kayo dito at baka matanggal ko yang mga tenga ninyo!"

Bigla nilang tinakpan ang mga tenga nila at umiling iling at hindi nagtagal nag-uunahan naman sila ng takbo.

Humila si Gabriel ng upuan at pinaupo ako, pansin kong na wala sila Denielle sa silid at naiwan kaming dalawa.

"Bat ka ba umiiyak? para yun lang." Sabi niya sabay pahid sa mga luha ko.

"Eh kasi *snif* akala ko totoo tapos ang unang *snif* pumasok sa utak ko ay patay na kayong lahat!" Sabi ko at umiyak lalo.

"Mga loko talaga." Bulong niya. "Tama na nga yan."

"Ano pala ang totoo? *snif*" Tanong ko sabay pahid ng mga luha ko.

"Limang araw." Sabi niya at lumaki naman ang mga mata ko. "......... di biro lang. Limang oras lang."

Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil dito. Pati pa talaga siya magbibiro ng ganun!

"Tsk! mukha neto. Limang oras ka lang walang malay at sa limang oras na yun, marami ang ng yari."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

Bilang sumeryoso ang mukha niya at pansin kong dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya at napa atras naman ang saakin.

"Na may ngyari sa atin at buntis kana ngayon." Bulong niya.

(O_O)

Biglang uminit ang buong mukha ko at sigurado akong huminto bigla ang puso ko.

"Di biro lang....." Sabi niya at sinuntok ko naman siya sa tiyan.

~(T_T)~ MGA BALIW SILANG LAHAAAAT!

Tumawa siya sabay gulo sa buhok ko at inirapan ko naman.

Bigla niya akong pinatayo at hinila sa may bintana, pagkatapos nun tinuro niya ang labas at....

(O_O)

Sa di kalayuan may nakita akong kulay itim na parang harang at sa taas nito ay mga itim na mga ulap.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Dalawang oras matapos kitang dalahin dito sa loob may bigla kaming na rinig na pagsabog at biglang lumindol. Matapos nun, lumabas kami para tingnan ito at lumantad ang itim na harang na yan." Paliwanag niya.

"Teka, dyan ba ang lokasyon ng Khaatal? tama ba?" Tanong ko.

"Oo dyan nga, parang ginawa nila ito para hindi tayo makakapasok sa bayan ng basta basta lang, na kaylangan nating maghintay sa pulang buwan."

Parang tama siya. Parang ito nga ang ibig sabihin ng harang na yan. Tsk! kainis!

"Ehh anong gagawin natin?!"

"Maghintay tinakda at gamitin natin ang oras para mag-insayo." Sabi niyang naka ngiti at ako naman tinaasan lang siya ng kilay.

"Para saan?"

"Naka limutan mo na ba, tinakda?" Tanong niya sabay kuha ng kamay ko.

Na gulat ako nung biglang nagliwanag ang kamay naming dalawa at dun lang pumasok sa utak pagong ko ang ibig sabihin nito.

Napa yuko ako at napa buntong hininga. Wala naman kaming gagawin kaya, sige.

"Lumabas ka lang kung handa kana, tinakda. Maghihintay ako dun." Biglang bulong niya at muli uminit bigla ang mukha ko.

Nagsimula na siyang maglakad paalis at naiwan akong nganga dahil sa ginawa niya.

Ang lalakeng yun! ugh!

Naghilamos ako dito sa lababo ng kusina dahil sa inis, galit, gulat, at iba pang na ramdaman ko. Tumingin ako sa harapan dahil may salamin ito na maliit at pansin kong na mumula parin ang mukha ko. Tinali ko ang buhok ko sa lasong nakita ko at tiningnan ulit ang mukha ko.

Nung na kontento na ako sa ayos ko, nagsimula na akong maglakad palabas. Nakita ko sila Sheena sa isang bahay naka upo at nung nakita nila akong naka tingin yumuko naman sila at nagkunwaring may hinahanap sa baba.

(-_-") Mga walang kwenta.

Nakita ko si Gabriel naka talikod at dahan dahan naman akong naglakad papunta sa kanya. Bigla siyang lumingon at pansin kong lumaki ang mga mata niya.

Anong meron?

"Magsimula na tayo." Sabi ko at bigla naman siyang napa ayos.

"Na tatandaan mo ba ang unang pagsasanay, tinakda?" Tanong niya.

Hinukay ko ang buong utak ko sa tanong niya at nung wala akong na hanap, sumuko nalang ako at umiling.

"Yun nga ang na isip ko." Sabi niya at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Pagkontrol, tinakda."

"Pagkontrol ng ano? ng gutom?" Tanong ko at na tawa naman siya.

"Mali, pagkontrol sa galit mo tinakda. Hindi lahat ng oras ay mahahawakan ko ang kamay mo Luna para maibigay ang puting liwanag ko, kaylangan mong kontrolin ang galit mo para hindi mo tuloyang magamit ang kapangyarihan ng Elfeeh."

"Elfeeh? ano naman yan?"

"Ito ang kapangyarihan ng mga diyos. Ang kapangyarihang Elfeeh ay ang ginagamit nila sa labanan para hindi mawala ang konsintrasyon nila sa ibang bagay kagaya ng emosyon at sitwasyon." Paliwanag niya.

"Ibig mong sabihin parang isa lang ang nasa utak mo sa mga oras na yan?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Oo tama ka at dahil hindi kapa eksperto sa kapangyarihan na ito, lumalabas ang kapangyarihang Elfeeh dahil sa galit na nararamdaman mo at kung nasa kritikal kang sitwasyon sa labanan. Ang hamog na itim ang sinyales na lumalabas ito."

"Kaya ba kung lalabas na ang hamog parang hindi ko na kilala ang nasa paligid ko, Gabriel?"

"Oo tama tinakda, kung hindi mo makontrol ulit ang Elfeeh at tinanggap ang kapangyarihan nito. May posibilidad na hindi ka ma tutulongan ng liwanag ko at hanapin ang daan pabalik sa normal mong pangingisip."

(O_O)

Ibig sabihin kung hindi ko ma kontrol ay mawawala ako sa pag-iisip at pumatay nalang kahit sino ayon sa kagustohan ko sa mga oras na yun?!

Sa inisip ko, biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa leeg. Kakatakot naman ata niyan, pano kung magwala ako at wala si Gabriel?!

Kakatakot....

"Handa kana ba tinakda?" Tanong niya at hinawakan ang balikat ko.

"...... Oo handa na."



Valdesis POV

Naka tingin lang ako sa dalawa dito sa labas ng bahay. Hindi ko maintindihan ang pinaggagagawa nila, naglalaban silang dalawa at walang sandata at kapangyarihan silang ginagamit. Pansin kong pinapagalit ni Gabriel si Luna sa pamamagitan ng biglaan niyang itumba si Luna at pinapadapa niya habang hawak niya ang mga kamay ni Luna sa likod nito, at sasabihan ng 'mahina'.

"Ang galing pala talaga ni Gabriel no? isipin mo, si Luna isang anak ng diyos ay mapapatumba niya ng ganyan. Ang galing talaga." Sabi nitong isda sa gilid ko at parang nanaginip ng gising dahil sa mga ngiti niya sa labi.

"Tsk! Eh mas magaling pa nga ako sa pangit na yan!" Sabi ko habang naka taas ang mga kamao ko.

"Ha! pwet mo!" Sabi niya. "Hindi mo pa siya nalalapitan talo kana!"

Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Kapal din neto ehh no?!

"Pwet mo rin! isa akong pulang dragon at ang mga pulang dragon ay ang pinaka magaling sa lahat!" Inis na sabi ko.

"Isa siyang anghel! Psf! hahahaha!" Sabi niya.

Magsasalita na sana ako ng wala akong masabing salita. Bigla siyang tumawa at muli kumulo ang dugo ko.

"@&$#%¥! @#$%& KA GABRIEL!" May biglang sumigaw at nakita si Luna sa parehong posisyon, naka dapa siya at nasa lupa ang mukha niya.

Tsk! napa tumba ulit siya ni Gabriel.

Na gulat ako nung bigla niyang sinipa si Gabriel sa likod at na bitiwan niya naman si Luna. Tumalon naman agad si Luna paatras para lumayo kay Gabriel. Pansin kong hindi na berde ang mga mata ni Luna ngayon, galit na siya.

Tiningnan niya ng masama si Gabriel na parang gusto na niyang patayin ito.

Hahahaha tama nga yan Luna. Para wala ng sagabal!

Biglang may dumaan na malakas na hangin at biglang kumulog ang langit. Uulan nanaman ba? Nagulat ako nung biglang yumakap ang isda sa akin.

"Anong ginagawa mo?!" Inis na sabi ko at pansin kong na nginginig siya.

Teka, takot ba to sa kulog?

"A-ano yun?" Tanong niya at natawa naman ako.

"Napaka ignoranteng isda ka, tawag nun ay kulog at ang kasunod niyan ay kidlat." Sabi ko at biglang nagkidlat.

Nanginig siya ulit dahil dito.

Anong gagawin ko?!

"Dun ka nga yumakap sa puno!" Sabi ko.

Nung wala na kaming na rinig, dahan dahan siyang umayos at tiningnan ako ng masama.

WALANG UTANG NALUOB!

MANGGAGAMIT!

Hindi ko nalang pinatulan at baka maikot ko pa ang ulo nito.

Nag simula na ulit sila Luna at ngayon parang paiba iba na ang kilos niya at na gulat naman ako nung bigla siyang tumalon at sinuntok ang mukha ni Gabriel. Napa atras naman siya nito at pansin kong ngumiti si Luna at parang nakakatakot lang.

Kahit ang ganda ganda niya pero kapag ganyan ang mga mata niya at kasabay sa aurang inilalabas niya ay parang, nakakatakot lang.

"SINO NA ANG MAHINA NGAYON GABAY?!" Sigaw niya kay Gabriel at umatake nanaman ulit.

Natawa ako nun, hindi talaga siya magpapatalo.

°•○●□●○•°

Gabi na at hindi pa tapos ang insayo nila. Pansin ko nga na parang may konting pagbabago kay Luna. Kung na gagalit siya at lumalabas ang itim niyang mga mata ay nakakakilala na siya, pero hindi ko parin alam kung magagawa pa niya yan kung nasa totoo na talagang away.

Hindi parin ako tumatayo sa pwesto ko dahil ang ganda lang panuorin ng pinaggagagawa nila, lalong lalo na kapag na susuntok niya ang mukha ni Gabriel.

Napa tayo ako nung biglang bumagsak si Luna sa lupa. Hindi naman ako nagdalawang isip na tumakbo, nung malapit na ako bigla siyang, tumawa.

Huh?

"Luna!" Sabi ko at lumuhod sa tabi niya.

"Pagod na ako! hahahaha!" Sabi niya at biglang humiga rin si Gabriel sa kanyang tabi.

$&@#%¥!

Inilapit ko ang kamay ko at tinusok tusok ang mukha niya. Hindi siya kumibo at naka pikit lang siya.

"Ang galing mo na Luna." Sabi ko at napa mulat naman siya. Bigla siyang bumangon at nakita ko ang malaki niyang ngiti.

"Talaga?!" Masaya niyang sinabi.

"Oo at yun ay di biro." Sabi ko at pansin kong lumaki lalo ang ngiti niya.

Bigla siyang nag-inat at tumayo.

"Pwede na bang kumain?" Tanong niya at hinila si Gabriel.

Tsk! na kakainis ang mga maliliit nilang ganyan!

"Pagod ka na ba Gabriel?" Tanong niya sa unggoy at tumango naman siya. "Ganun ba ohh sige."

Nagulat ako nung bigla niya akong hinila at pumasan sa likod ko.

"KUNG GANUN ABANTE VALDESIS!" Sigaw niya at tumawa.

Nakita ko ang gulat ni Gabriel at magsasalita pa sana siya ng bigla akong tumakbo. Rinig ko ang tawa ni Luna at binilisan ko pa.

"Woooh! bilis ahh!" Sabi niya nung bumaba na siya. "Salamat!"

Ngumiti siya at tumakbo na sa loob. Pa minsan minsan talaga nagiging bata siya. Hindi nagtagal dumating si Gabriel at pansin kong naka kunot ang noo niya. Hahahahaha!

t(^o^)t Kainin mo! Hahahaha!

Luna's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas at lahat ng yun ay buong araw na insayo. Maaga kaming nagising lahat dahil ngayong gabi ay pulang buwan na. Oras na sa totoong laban, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon o dala lang ito dahil hindi ako gaano naka tulog.

Sinuot ko ang itim kong corset at itim na pambaba, na ubusan ako ng puting damit dahil lahat ng yun ay hindi pa nalalabhan, kaya ito, corset lang. Sinuot ko na rin ang kapa ko dahil para hindi naman gaano na kikita ang balikat ko.

"Luna aalis na daw tayo." Biglang sabi ni Sheena.

"Oo tapos na ako." Sabi ko sabay kuha ng mga gamit ko.

Sa paglabas namin nakita ko sila agad at parang ako nalang talaga ang hinihintay.

"Tagaaaaal." Sabi ni Valdesis sabay akbay sa akin.

"Kasalanan ko bang na ubusan ako ng damit? tsk!" Sabi ko at tinanggal ang kamay niyang naka akbay.

"Ibig sabihin, wala kang damit nga-.. ARAY!" Binatukan ko nga kaya natahimik.

"Ikaw na bahala sa daan Denielle." Sabi ko at tumango naman siya.

Tahimik akong naka sunod sa mga kasama ko at ang tanging maingay lang sa grupo ay si Valdesis at si Keelan, kapatid ni Denielle, dahil nagtatalo sila sa walang kwentang bagay. 

Kahit bata pinapatulan, unggoy talaga.

Ito na ang araw na pinaghahandaan ko. Marami ng araw ang dumaan, at ayoko ng dagdagan pa. Bawat araw na akoy na gigising at wala akong spadang na kokolekta parang bawat araw na yun ay binibigyan ko ng oras na magtagumpay si Alvamo.

Sa gilid ng mata ko, na kita ko si Gabriel. Na alala ko tuloy yung ng yari kagabi. Tinanong niya kasi kung anong ng yari sa akin nung nasa loob ako ng harang ko, dalawang araw na ang nakakaraan. Ehh ayokong sabihin na umiyak ako ng umiyak ng mga oras na yun dahil galit na galit ako sa sarili ko, sa sobrang galit ko na gawa kong saktan ang sarili ko. Na gawa kong sugatan ang sarili ko at dahil ang rami kong sugat na tagalan naman akong pagalingin ang mga to. Na walan ako ng lakas kaya bigla akong na walan ng malay.

Ang sinabi ko sa kanya ay nag-usap lang kami ng spada pero ang hindi ko alam, nung wala akong malay, may nakita siyang isang sugat sa kamay ko. Tinanong niya si Sheena kung saan galing ito at sinabi rin niya na may nakita siyang mga gintong dugo sa damit ko.

(-_-") Ayun, nag-away na tuloy kami.

Galit na galit siya dahil bakit raw hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo, ehh ayoko kasing madamay siya sa mga problema ko. Problema ko yun at dapat wala akong dinadamay na iba.

Napa buntong hininga ako, ang raming problema ehh.

Nagulat ako nung may biglang humila sa akin at tinakpan ang bibig ko. Sisikuhin ko na sana ng nakita ko si Gabriel pala ito. Dahan dahan niyang kinuha ang kamay niya at may tinuturo.

Sa isang malaking bato sa di kalayuan ay may naka tayong lalakeng naka itim at may dalang isang pana. Nagmamasid siya sa paligid at pansin ko ang itim na marka sa kanyang leeg.

Lumingon ako sa gilid at nakita ang mga kasamahan kong nagtatago rin.

"Valdesis akyatin mo ang punong yan at tingnan mo kung ilan sila. Siguraduhin mong walang makakakita sayo." Bulong ni Gabriel at tumango naman si Valdesis.

Nagsimula na siyang umakyat at naiwan kaming nagmamasid sa paligid.

"Luna tingnan mo." Bulong ni Sheena sa akin. Pansin kong naka tingin siya sa likod at dahan dahan ko namang tiningnan ito.

(O_O)

Muntik na akong mapasigaw dahil sa gulat buti nalang at na pigilan ko ito. Sa likod ng tinatayuan namin ay nagbubundukang mga buto ng ibat ibang klaseng hayop. Pansin kong na gulat rin si Gabriel nung lumingon siya, anong ng yari sa mga hayop na ito?

Sila ba ang may kagagawan ng mga to?! Kaya ba wala akong na kikitang mga hayop sa paligid?

Ano bang pumasok sa mga utak nila?! napa ka purong demonyo ng mga spirito nila!

Oo nga pala, wala silang mga kaluluwa. Utak at puso nila ang purong demonyo dito!

Kinolekta ko agad ang lakas ko para huminahon ang sarili ko.

May biglang humawak sa balikat ko at napa talon naman ako nito sa gulat, nakita ko si Valdesis at binatukan ko naman ito.

"Maliban sa isang yan." Bulong niya sabay turo sa lalake kanina. "ay may tatlo pa sa bandang kaliwa."

"Pwede ko bang hiramin ang pana mo?" Sabi ni Gabriel kay Denielle at di nagtagal ay binigay niya naman ito at ang mga palaso niyang dala.

Hinanda niya ang pana at biglang tumayo, tinira niya ito sa lalakeng nasa bato at na tamaan naman ito sa dibdib niya. Umupo siya ulit at kumuha ng tatlong palaso, tumayo nanaman siya at ang kinagulat ko ay sunod sunod niyang tinira ang tatlong palaso.

Ang galing niya palang gumamit ng pana, ilan pa kayang sandatang alam niyang gamitin.

Tumayo na kami ulit at nagpatuloy sa paglalakad. Na daanan namin ang lalake kanina at nakita ko rin ang tatlo pa sa kaliwa, at lahat sila ay sa dibdib ang tama.

Habang nagpapatuloy kaming naglalakad, para kaming naglalakad sa daanan ng mga kalansay. Parang bawat puno ay may naka tambak na mga buto ng hayop.

Habang papalapit kami sa bayan ng Khaatal ay parang lumalakas ang na raramdaman kong masamang enerhiya. Ilang oras nalang sigurot darating na kami.

"Luna, patawad." Biglang bulong ni Sheena.

"Di wala yun, kasalanan ko kaya ayos lang." Sabi ko at ngumiti, hindi ko alam na naka tingin pala si Gabriel sa akin at agad ko namang iniwas ang mga mata ko.

Alam kong galit pa siya kaya hindi na ako magtaka kung bakit hindi pa niya ako kinakausap.

"Bati na ba kayo?" Tanong niya ulit. "Para kasing nagkaroon ng gera kagabi dahil sa away ninyo."

"Wag mo ng isipin yun, ayos lang talaga." Sabi ko at naglakad papunta sa gilid ni Valdesis.

Ewan ko ba pero parang may mga matang tumitingin sa akin galing sa likod, at ayaw ko namang lingunin ito dahil baka si Gabriel ito. Siguro galit pa talaga siya.

"Oh bat malungkot ka?" Tanong ni Valdesis.

"Di wala to, siguro dala lang to dahil hindi ako naka tulog ng maayos."

"Siguro kakaisip yan sa na lalapit nating kasal. Hahaha! Di biro lang, wag ka ngang sumimangon ng ganyan. Para kang bakulaw ehh."

Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Na alala ko tuloy si Jake, yan kasi ang tinatawag niya sa akin kapang sumisimangot o di ako ngumingiti. Namiss ko na talaga siya, kapag ganito ako siya lang ang parating magpapatawa sa akin kahit wala naman siyang ginagawa. Siguro na sanay lang akong kasama siya parati kaya na mimis ko na siya.

Napa hinto ako dahil biglang lumindol, at bigla naman akong hinila ni Valdesis.

Hinila ko rin si Faraahn na karga ang kanyang kapatid, saan naman kaya galing ang lindol na ito?

"Sana hindi tama ang nasa isip ko ngayon." Rinig ko kay Denielle.

"Bakit Denielle?" Tanong ko naman.

"Kung hindi ako nagkakamali, ang ganitong lindol ay ginagawa lang ng-.."

RAAAAAAHHHRRR!

Hindi niya na tapos ang kanyang sasabihin dahil biglang may sumigaw. Napaka lakas at hindi ko gusto ang sigaw na yan.

"Ugandi." Bulong ni Keelan.

"Ugandi?!" Sheena/Ako

RAAAAAAAHHHRRRR!

Sumigaw ito ulit at ngayon, kinuha ko na ang spada ko. Kung ano man yang Ugandi nilang tinatawag, parang hindi maganda ito.

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko nung bigla nalang nagkaroon ng malakas na pag-apak at parang tumatakbo ito, sa lakas nito parang tumatalon ang maliliit na bato sa lupa.

"HINDI MAGANDA TO! TAKBO NA!" Sigaw ni Denielle sabay hila sa kanyang kapatid.

Kinuha naman agad ni Sheena ang kapatid ni Faraahn at tumakbo. Tumakbo kami ng tumakbo at tumingin ako sa likod para makita kung ano ba talaga ang tinatakbuhan namin at nung makita ko ito...

(O_O)

Isang malaking mukhang kabayo at sobrang laki ng kanyang mga paa, kulay itim ito, pero ang hindi ko maintindihan dahil may takip siya sa likod at parang bahay ito ng pagong.

Ang wirdo at na kakatakot dahil sa kanyang mga pulang mga mata.

Ang bilis niya!

Na gulat ako nung bigla siyang bumuga ng apoy at tumalon naman kami para ilagan ito. Ni yakap ko si Sheena dahil dala niya ang sanggol at mabuti nalang at hindi sila na tamaan ng apoy.

Pano niya na gagawa yun?! Nasa Huricanah kami! Bakit apoy ang gamit niya??!

"Ano na?!" Sigaw ko.

Na gulat ako nung biglang tumakbo si Gabriel papunta sa halimaw at nilabas ang kanyang spada.

"GABRIEL!" Sigaw ko.

Sinalubong niya ang nilalang at nagwala naman bigla ang puso ko sa nakikita ko. Nung malapit na siya, tumalon siya ng mataas at hinampas ang kanyang sandata sa may likod ng nilalang.

Kitang kita ang daan ng kanyang spada dahil sa puting bakas nito sa likod ng halimaw pero ang ikinagulat ko sa lahat, ay dahan dahang na wala ito at bumalik sa dati na parang walang ng yari.

Na wala! at parang hindi man lang siya na tamaan nito.

Tumakbo na ako papunta kay Gabriel at gayun din si Valdesis.

"Anong ng yari?!" Tanong ni Valdesis na halatang na gulat.

Lumaki ang mga mata ko nung bigla nanamang tumakbo ang nilalang papunta sa amin. Biglang pumunta si Gabriel sa harapan ko para protektahan ako pero hinila ko naman siya para tumakbo.

Habang hilang hila ko ang kamay niya, may bigla akong na ramdaman na papalapit sa likod ko at nakita ang apoy galing sa nilalang. Tinulak ko ng malakas si Gabriel at inilabas ang kapangyarihan ko para harangan ito.

Ang lakas ng apoy niya dahil nagawa niyang mapaatras ako sa tinatayuan ko, humugot ako ng enerhiya ko at inilabas ang pwesa ko. Siya naman ngayon ang napa atras sa ginawa ko.

May na ramdaman akong kamay sa braso ko para hindi ako matumba at nakita ko si Gabriel.

"Ayos ka lang, tinakda?" Pag-alalang tanong niya at ako naman na gulat dahil pinansin niya ako.

"TAKBOOO!" Sigaw ni Valdesis at hinila niya ako.

Tumakbo kami hanggang nakita ko sila Sheena na umaakyat ng puno.

"DALIAN NINYO!" Sigaw ko at lumaki naman ang mga mata nila nung nakita nila kung ano ang nasa likod namin.

"Zar'roc 'A Sanar." Rinig ko sa isip ko.

Nagsalita ang spada.

Kinuha ko naman ang spada ko at inilabas ang talim nito, huminto ako at hinarap ang nilalang. May na ramdaman akong enerhiya na lumalabas sa spada at agad ko naman itong hinalo sa enerhiya ko. Ramdam ko ang na mumuong kapangyarihan ko sa talim ng spada  at agad naman akong tumakbo papunta sa halimaw.

May na kita akong palaso na lumipad papunta sa halimaw at na tamaan ang noo nito, bigla siyang huminto at nagwala. Nilakasan ko pa ang pagtakbo at nung malapit na ako, inihanda ko ang spada ko sa harap at hiniwa ang halimaw sa gitna.

Isang malakas na liwanag ang lumabas at nakita kong nabiak ang matigas na bagay sa likod niya, at hindi nagtagal bigla nalang itong sumabog at nagkapirapiraso sa paligid.

Naka tayo lang ako habang hinihingal, tinusok ko ang spada sa lupa para hindi ako matumba. Hinawakan ko ang kwintas ko at nagpasalamat, lumiwanag naman siya at nawala. Hindi nagtagal may na rinig akong tumatakbo palapit sa akin.

"Baliw ka ba, Luna?!" Biglang sigaw ni Gabriel at na gulat naman ako nung hinila niya ang mukha ko para tingnan siya ng maayos.

"Bitiwan mo nga siya!" Sigaw rin ni Valdesis. Biglang tinulak ni Gabriel si Valdesis at bigla namang dumating si Sheena para pigilan niya ito.

"Wag kang makialam, Valdesis!" Sigaw niya ulit at pulang pula na siya dahil sa galit.

Anong problema niya? Bakit ba siya na gagalit?!

"Ano bang problema mo, Gabriel?!" Inis na sabi ko rin.

"Paki usap, wag mong gawin yun." Pabulong niyang sinabi at lumaki naman ang mata ko dahil dun.

Bakit galit siya kanina at ngayon parang bigla nalang siyang naging ganito?

Kitang kita sa mga mata niya ang pag-alala at napa ngiti naman ako ng palihim.

"Nasa dugo ko na yun kaya wala ka ng magagawa." Sabi ko sabay alis.

Naglakad ako palayo sa kanila at papunta kela Denielle.

"Patawad." Napa talon ako nung may biglang nagsalita sa gilid ko at nakita si Gabriel.

Di ko man lang siya na ramdaman!

"San? sa paghila sa mukha ko?" Sabi ko at nakita ko naman siyang napa hilamos gamit ng mga palad niya.

"Luna sandali." Napa tigil ako sa paglalakad dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Di ko sinasadya. Nag-alala lang ako."

"Ehh ginulat mo rin kaya ako kanina, wag kang mag-alala, ang spada ang may gusto nun." Sabi ko.

Magsasalita pa sana siya ng may biglang sumigaw.

"MAGPAIWAN KAYO?!" Sigaw ni Sheena at pansin kong nagsimula na pala silang maglakad.

"Wag ka ng lalayo sa tabi ko." Sabi niya at hinila niya na ako papunta sa mga kasamahan namin.

Dalawang oras na ang naka lipas at parang wala ng kataposan ang daan na ito. Kakapagod.

Ang tahimik naming dalawa ni Gabriel dahil parang galit parin siya sa akin. Na gugulat nga ako dahil bigla niya nalang hinahawakan ang kamay ko kung may na ririnig siya sa paligid.

(-_-") Diba baliw?

"Gutom ka na ba?" Tanong ni Sheena na tumabi sa akin at muli inalok niya ang pulang buhangin.

"Ano ba yang buhangin na yan at parang inaaraw araw mo na yan?" Tanong ko sabay turo sa pulang buhangin.

"Sabi ko nga diba na isa ito sa mga kinakain ng mga Aquireen sa mundo ko kung kami ay wala sa tubig. Ang saraaaaap!" Sabi niya at inabot ang buhangin sa akin at tinulak ko naman ito palayo.

"Di wag na at isa pa, hindi ako isda." Sabi ko.

"Ikaw Gabriel? Gusto mo ba?" Alok niya dito sa katabi ko.

"Isa rin akong anghel kaya di na." Sagot niya at umiling naman si Sheena at nagpatuloy siyang kumain ng pulang buhangin.

"Sa palagay mo, totoong buhangin ba yun?" Bulong kong tanong kay Gabriel.

"Patay na siguro siya kung totoong buhangin talaga yun." Pabulong din niyang sagot.

(-_-") Sabi ko nga ehh.

Habang naglalakad kami may biglang na sagap ang ilong ko, parang amoy, basa na lupa. Biglang dumaan ang malakas na hangin at lumakas ang amoy nito. Nagtaka ako nung biglang umiba ang amoy nito at parang amoy ng isang mabangong bulaklak.

Tumingin ako sa mga kasamahan ko at parang hindi nila na amoy ito.

Lumalakas ang amoy ng bulaklak at parang ang sarap lang amoy amoyin nito. Hindi ko alam pero bigla akong tumawa.

"Hahahahaha!" Inakbayan ko si Sheena at tumawa ulit.

"May nakakatawa ba?" Tanong niya at natawa naman ako lalo nun.

Ngayon ko lang na laman na nakakatawa pala siya, tumingin ako kay Gabriel at mas lalo akong na tawa.

NAKAKATAWA!

Bigla kong na dakip ang mga mata ni Valdesis at napa hinto naman ang pagtawa ko. Ngayon ko lang na pansin ang maganda niyang mga mata. Dahan dahan akong naglakad sa kanya at hinila ang damit niya, tinitigan ko ang mga mata niya at parang ang ganda lang nito.

Inamoy ko ang leeg niya at ang bango. Tumingin ako ulit sa mga mata niya at may bakas ito ng gulat. Na aamoy ko ulit ang bulaklak at parang nagkaroon ng pagsabog sa utak ko dahil sa bango nito.

Binalot ko ang mga braso ko sa leeg niya at tinaasan niya ako ng kilay. Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya, at may biglang humila sa braso ko at nakita si Gabriel.

"Anong ginagawa mo Luna?!" Sigaw niya at na tawa ulit ako. Ewan na kakatawa talaga siya.

Tumingin ako ulit kay Valdesis at pansin kong kumunot ang noo niya. Tiningnan ko si Gabriel at sinamaan ng tingin. Tinulak ko ang kamay niya at pumunta kay Valdesis, niyakap ko siya at inilagay ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Ang bango mo!" Masayang sabi ko.

"LUNA!" Sigaw ulit ni Gabriel at muli sinamaan ko siya ng tingin.

"Pwede mo ba akong pakasalan Valdesis?" Tanong ko na may malaking ngiti.

"Uhmm, gusto ko man pero, may mali." Sabi niya at dahan dahan niya akong tinulak.

Biglang humigpit ang dibdib ko sa ginawa niya. Ayaw niya ba sa akin? Bakit?!

Napaluhod ako dahil biglang naging gulay ang mga paa ko. Pwede na akong mamatay, ayaw ni Valdesis sa akin. Kinuha ko ang spada ng langit at nilagay ito sa leeg ko. Pumikit ako at inihanda ang sarili.

Nagulat ako nung may biglang kumuha sa spada ko at muli nakita si Gabriel.

"Tama na nga yan Luna! Tama na ang kabaliwan na ito!" Sigaw niya at hinila ako. Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap.

"Hindi kita mahal Gabriel, si Valdesis ang mahal ko." Sabi ko sabay tulak sa kanya at niyakap si Valdesis. "Ikaw lang Valdesis, ikaw lang!"

Na amoy ko ulit ang mabangong bulaklak at sa sobrang saya ko bigla kong hinalikan ang pisngi ni Valdesis.

Niyakap ko ulit siya at hinimas himas ang matikas niyang dibdib, tumingin ako sa kanya at binigyan ko siya ng matamis kong ngiti.

Sa gilid ng mata ko nakita ko si Denielle na may binubulong kay Gabriel at na tawa naman ako nung nakita ko ang mukha niya.

"Pwede mo ba akong halikan Valdesis? at kung hindi, pwede na akong mamatay." Sabi ko at inilagay ang mga braso ko sa leeg niya.

"PAPATAYIN KITA VALDESIS KUNG MAY GAGAWIN KA!" Rinig ko kay Gabriel.

Hinila ko bigla ang mukha niya at hinalikan ko siya, pero bago pa dumikit ang mga labi ko sa kanya, bigla siyang umiwas kaya ang pisngi niya ang na halikan ko.

"DALIAN MO GABRIEL AT PAG DI AKO MAKA PAGPIGIL GAGAWIN KO LAHAT NG GUSTO NIYA!" Sigaw ni Valdesis at natawa naman ako.

"Mahal mo ba ako Valdesis?" Pangakit kong tanong at bigla namang lumaki ang mga mata niya. Tumayo ako ng maayos at tumingin sa mga mata niya.

"Mahal mo ba ako Valdesis?" Tanong ko ulit at dahan dahan kong tinanggal ang kapang suot ko at pansin kong napalunok naman siya. "Gusto mo bang ipadama ko ang pagmamahal ko sayo?"

Napalunok siya ulit, dahan dahan kong inayos ang buhok ko para makita niya ang leeg ko at muli napalunok siya. Tumalon ako bigla sa kanya at binalot ang mga binti ko sa katawan niya.

"Valdesis." Bulong ko sa tenga niya.

"GABRIEL DI KO NA KAYA!" Sigaw niya ulit at tumahimik naman siya nung bigla ko siyang hinalikan. Bigla siyang nanigas sa ginawa ko, pero nung ginalaw ko ang mga labi ko, bigla niya akong tinulak.

"Di na normal yun. Pero ang sarap!" Sabi niya at tinulak pa niya ako. "Di pwede Luna. Alam kong may mali kaya..... sige na nga! bahala ng mamatay!"

Ngumiti ako sa sinabi niya at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit. Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya para halikan siya, pero nung malapit na ang halik, may biglang muhila sa braso ko at may sumuntok kay Valdesis.

Nakita ko si Gabriel at parang naging kamatis na ang mukha niya dahil sa pula nito. Tinulak ko siya at aakmang tatakbo kay Valdesis pero biglang sumulpot si Denielle sa harap ko.

May nakita akong bulaklak sa kamay niya at nagulat ako nung bigla niyang hinipan ito sa mukha ko. Na amoy ko ang bango nito pero iba sa na aamoy ko kanina. Tumingin ako ulit kay Denielle at pansin kong naging dalawa siya, tumingin ako sa paligid at parang umiikot ito.

Biglang sumabay ang katawan ko at natumba ako, pero bago pa ako ma hulog sa lupa may mga kamay na sumalo sa akin. Bigla ko nalang na ramdaman na kumakati ang loob ng ilong ko.

"Aaahh aaahh ahhh aacchuu!" Napa haching ako dahil dun at parang umikot bigla ang utak ko.

Teka anong ngyari?

Tumingin ako kung sino ang may ari ng mga kamay sa braso ko dahil ang higpit lang ng pagkahawak niya at nakita si Gabriel.

"Anong ginagawa mo jan? at teka bat naka upo ako dito?" Tanong ko sabay turo sa lupang unti unti ng nagkakaroon ng mga halaman.

Napa ka wirdo naman ng utak ko. Wala akong na tatandaan na pumayag siyang magpahinga kami ngayon.

Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap at parang na uubusan ako ng hangin dahil dito.

"Hinalikan ka ba ng unggoy na yan?!" Tanong niya at pansin kong nagpipigil na siyang sumigaw ngayon.

"Huh? hinalikan? Bakit niya naman gagawin yun?" Na lilitong tanong ko.

"Sa toto-.. hmmm hmmm!" Rinig ko galing kay Keelan at pansin kong tinatakpan ni Valdesis ang bibig niya.

"Oo nga! nasa misyon tayo at ang seryoso ko nga ngayon!" Sabi ni Valdesis.

"Bakit ganyan na ang suot mo?!" Galit ulit na tanong ni Gabriel.

Oo nga. Bat di ko suot ang kapa ko? Sigeee, ang wirdo nun.

Tumayo ako at naglakad papunta sa kapa ko na nakita ko na nasa lupa.

"Pwede ba ninyong ipaliwanag ang ngyari?" Sabi ko habang inaayos ang suot ko.

"Na hanggap mo ang masamang hangin ng isang diwatang Lyraa." Denielle.

"Kaya pala ang baho dito." Sabi ko.

"Sa totoo lang, ang masamang hangin ng Lyraa ay amoy bulaklak at kung sino man ang makakaamoy nito ay ma wawala sa isip niya."

"Bulaklak? patay na bulaklak siguro. Wala akong natatandaan at parang sumasakit pa ang ulo ko dahil sa ginawa mo kanina sa bulaklak na yun." Sabi ko at nag simula ng maglakad.

Ang dami namang ka wirdohan ang lugar na ito. Huling na alala ko lang ay naglalakad lang kami ng tahimik ni Gabriel at yun, wala na.

Habang naglalakad kami parang ang dikit lang ni Gabriel sa akin, di na nga nakakadaan siguro ang hangin sa amin.

"May problema ba Gabriel?" Tanong ko at umiling lang naman siya. Napa buntong hininga naman ako nun.

°•○●□●○•°

Isang malaking butiki na kulay dilaw, parang baka na may mataas na ilong, napaka laking ahas na kulay pula, higanteng mukhang ipis. Lahat ata yan ay na daanan namin at lahat ng yun ay napatay nila.

Eh lahat ng yun ay wala akong ginawa kundi tingnan lang sila dahil inuunahan na ako ni Gabriel at susunod si Valdesis, pansin ko nga na naka ngiti si Valdesis habang nakikipaglaban, ewan ko ba dun. Na baliw ata.

Umaatake sila na parang mga baliw, kakatakot nga ehh at lahat yun sila ay may na kakatawang pangalan.

Mahigit siyam na oras na kaming naglalakad, at kita ko na ang pulang buwan sa langit at hindi pa ito bilog. Ramdam na ramdam ko na ang masamang mahika sa paligid.

Isang oras ulit ang dumaan at kita ko na talaga ang harang, naka upo lang kami sa isang tagong lugar na nahanap nila Gabriel. Pahinga na raw namin ito at paghahanda, dahil sa likod ng tagong lugar na ito ay malapit na sa harang ng bayan ng Khaatal.

Ilang oras nalang at bubukas na ang harang na yun at handa na ako sa kung ano mang mangyayari sa loob ng bayan ng Khaatal. Gagawin ko lahat para malinis ang lugar na ito bago kami aalis sa mundong ito.

°•○●◇●○•°

thanks for reading!!!

rj

Continua a leggere

Ti piacerà anche

19.8K 1.9K 53
Midnight Hunters, a group of criminals that are being chase by the government. They are still unknown by the public, this mysterious group has been t...
24.1K 685 56
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
213K 10.3K 68
SWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga m...
229K 8.9K 46
Sa mundo ng mahika, mga halimaw at kapangyarihan. Paano mabubuhay ang isang normal na tao na nagmula sa isang ordinaryong mundo? Hindi niya inaasahan...