Love at its Best (Love Series...

Door FGirlWriter

6.8M 123K 9.8K

What is love? Written ©️ 2014 Meer

Prologue: What is Love?
Chapter 1: Love at First Sight
Chapter 2: Chasing Love
Chapter 3: Love to Fight For
Chapter 4: Loveless Marriage
Chapter 5: Letting Love Go
Chapter 7: Love that is Patient
Chapter 8: When Love is Kind
Chapter 9: It does Not Envy
Chapter 10: Does Not Parade Itself
Chapter 11: Is not Puffed Up
Chapter 12: Does not Behaved Rudely
Chapter 13: Always Beautiful
Chapter 14: The Ex-boyfriend, First kiss, and Bestfriend
Chapter 15: Is Not Self-seeking
Chapter 16: Not Easily Angered
Chapter 17: Keeps No Record of Wrongs
Chapter 18: Does Not Delight in Evil
Chapter 19: Rejoices with the Truth
Chapter 20: Surrendering to Love
Chapter 21: Love Always Protects
Chapter 22: Love Always Trusts
Chapter 23: Love Always Hopes
Chapter 24: Love Endures All Things
Finale Chapter - Chapter 25: This is Love
Epilogue: Love at its Best

Chapter 6: Love to Pretend

241K 4.6K 331
Door FGirlWriter

Chapter 6: Love to Pretend

A year after...

EUNICE took off her original Gucci sunglasses pagkababa niya sa kotse ng kanyang uncle Johnny. Ang paborito niyang tiyuhin ang mismong sumundo sa kanya sa airport nang malaman nitong uuwi siya ng araw na iyon.

            Bumaba na rin sa kotse ang kanyang uncle Johnny at sinamahan siya sa pagpasok ng mansyon nito. As usual, she'll stay there habang nandito siya sa Pilipinas.

           Agad na lumabas mula sa loob ang mga maids ng uncle niya at saka pinagtulungan na ibaba ang mga gamit niya.

            "Uncle, thank you ulit sa pagsundo sa'kin. I bothered you so much na siguro," aniya rito habang papasok sila sa loob ng mansyon.

            "Hija, hindi ka isang abala sa'kin. Actually, I missed you kaya excited din ako na masundo ka sa airport," masayang sabi sa kanya ng uncle niya. "Isa pa, aalis din kasi ako kinabukasan para asikasuhin ang isa ko pang negosyo sa States. Isang buwan din akong mawawala. And by the time siguro na pauwi na 'ko rito ay pabalik ka naman na ng Paris. Parang hindi rin tayo nagkita."

            She sweetly hugged her uncle. "Thank you, Uncle Johnny. I miss you na rin. So much! I'll join you for lunch and dinner later. I have so many stories to tell you! Hindi ka naman papasok sa office ngayon 'di ba?" she excitedly said.

            "Yes. Okay, hihintayin na lang kita for lunch later. Umakyat ka na sa kuwarto mo para makapagpahinga ka pa. I know you had a long flight."

            "Thanks, Uncle!" Kinintilan niya ito ng halik sa pisngi bago umakyat sa kanyang sariling kuwarto sa mansyon nito.

            "By the way, congratulations, Eunice," pahabol nito.

            Nasa hagdanan na siya nang lingunin niya ito at nginitian. "Thanks, Uncle! Don't worry, nawala na ang tampo ko sa hindi mo pagpunta sa graduation ko," she joked. Dalawang buwan na ang nakalilipas magmula nang makapagtapos siya ng kursong Fashion Designing sa Paris.

            Natawa ito. "I know, I know. I'll make it up to you, for sure. But good thing that Eugene was able to come."

            "Yeah," bored na sagot niya at saka nagpatuloy na sa pagpanhik.

            Nakapunta nga ang kapatid niya noong graduation. That was a big surprise for her because she never expected that her big brother could leave their company and join her in that special day. Kahit pa hindi sila magkasundong magkapatid, naging masaya si Eunice ng araw na iyon. But then, nagmamadali namang umalis ang kapatid niya pagkatapos mismo ng ceremony. Hindi man lang sila nakakain sa labas. Basta binati lang siya nito at binigyan ng flowers at gifts, then he left. At the end, mga kaklase niya lang din ang kasama niyang nag-celebrate.

            Pagpasok niya sa sariling kuwarto ay agad siyang nagpalit ng mas komportableng damit. Then, she threw herself on the bed. Malapit na sana siyang makatulog nang tumunog ang cellphone niya.

            "Bonjour, ma cherie," bati mula sa kabilang linya.

            Napangiti si Eunice. "Hello, Geoff," bati niya rito.

            "Sigurado nasa Pilipinas ka na. How's the flight?" pagkukumusta nito.

            "Tiring," sagot niya at saka napapikit. "Nagpapahinga na nga ako ngayon."

            "Good, good. After two weeks siguro, uuwi rin ako diyan sa Pilipinas. My lola wants me to visit her there," anito.

            "Wow! Magkikita rin pala tayo rito," aniya. "Balitaan mo na lang ako kapag nandito ka na sa Pilipinas, okay? May susundo na ba sa'yo sa airport?"

            "Wala nga, eh. Ikaw na lang?"

            Natawa siya. "That's what I'm going to say."

            "Alam ko," masayang sabi nito. "Better continue resting. After that, kailangan mo nang..." sadyang binitin nito ang mga sasabihin.

            "Geoff," saway niya na ikinatawa lang nito.

            "See you in two weeks, cherie!" tila excited na sabi nito.

            "Bye, Geoff. Take care," paalam niya rito. Pagkatapos ibaba ang telepono ay napabuntong-hininga si Eunice at muling pinikit ang mga mata.

            Sa nakalipas na isang taon ay mas naging malapit pa sila ni Geoff sa isa't isa. But they never tried to enter into a romantic relationship again. Naging mas malapit na magkaibigan lang sila nito. Ito ang nasabihan niya sa lahat ng nangyari sa kanya a year ago. Halos lahat nakukuwento niya na kay Geoff that he became her bestest friend.

            Isa pa, hindi naman talaga siya puwede pang makipagrelasyon sa iba, because... her annulment is still on process. Kahit pa hiwalay na sila ng asawa niya still, kasal pa rin siya hanggang sa walang final decision ang korte tungkol sa annulment case nila.

            Speaking of "asawa".

            Terrence... Nasambit ni Eunice sa kanyang isipan. Napabuntong-hininga na naman siya. Isang taon na nang umalis siya at ibigay rito ang annulment na alam niyang gusto rin naman nito.

            Ang balita nga sa kanya ng abogado niya, pagkalapag pa lang ng eroplano sa Paris, a year ago, on-process na ang annulment ng kasal nila ni Terrence. Aaminin niyang nasaktan siya dahil sa mabilis na pagpirma nito sa annulment papers. Pero ano pa bang aasahan niya? Na magdadalawang-isip pa si Terrence?

            Since then, pilit niyang kinalimutan si Terrence. Binuhos niya ang lahat ng oras sa pag-aaral. Lahat ng dropped subjects niya ay inaral niya during the summer break sa Paris. Hindi niya alam kung paano niya napasa ang lahat ng iyon but she did. Kaya naman nakahabol pa rin siya sa graduation. Because of so much attention on her studies, hindi niya na talaga na-iisip si Terrence.

            Minsan lang, I admit. Pero kahit pala gaano siya ka-busy, sumisingit-singit pa rin si Terrence sa isip niya at naaalala niya lagi ang huling gabi na magkasama sila...

            Nang maalala na naman niya ang tagpong iyon ay agad niyang inalis iyon sa isip. Dapat ang iniisip niya ay ang muling pagkikita nila ni Terrence... sa korte.

            Iyon ang rason kaya siya umuwi ng Pilipinas ngayon. Wala naman talaga siyang plano kundi lang siya pinauwi ng lawyer niya na si Atty. Avila. After thirty days, the court will finally annul their marriage but she better be present when that happened. Nagtataka nga siya kung bakit hindi na lang si Atty. Avilla ang muling mag-represent sa kanya. Ang balita niya kapag pinapatawag siya for further discussion of the case, ang abogado niya ang laging pumupunta  para sa kanya. Kaya hindi niya alam kung bakit ngayon ay dapat na mismong presence niya ang kailangan.

            But okay na rin siguro iyon. Maybe, it's time for her to face Terrence, again. Maybe, it's time for her to settle issues with him once and for all. Gusto niya ring malaman kung kumusta na ito at kung... nahanap na nito si Rachelle. And, probably, kung nahanap na nito si Rachelle, kasama na ni Terrence ang anak nito.

            Maybe, they were a picture of a happy family and after thirty days, kapag napawalang-bisa na ng korte ang kasal nila ay agad na pakasalan ni Terrence si Rachelle.

            That possible idea made her heart twitch. Para bang may maliliit na karayom na tumutusok sa puso niya. Pero binalewala na lang niya iyon katulad ng lagi niyang ginagawa sa tuwing naaalala niya si Terrence. At kapag masyado na niyang naiisip si Terrence katulad ngayon, hindi niya namamalayang nakatulog na pala siya.

            Nagising lang si Eunice dahil sa mga katok sa kanyang pintuan.

            "Señorita," tawag ng isang maid mula sa labas. "Handa na po ang tanghalian. Naghihintay na po ang uncle niyo sa baba."

            Bumangon siya at naghikab. "Sige. Susunod na 'ko sa baba. Thank you," she sleepily said. Kusot-kusot ang mga mata ay napatingin siya sa wall clock na nakasabit sa may ibabaw ng pintuan niya. Alas-dose na pala ng tanghali. Apat na oras din siya nakatulog.

            Agad na nagshower si Eunice at pagkalipas ng fifteen minutes ay pababa na siya ng hagdanan. She's wearing her favorite yellow shirt and white shorts. Mamasa-masa pa ang hanggang balikat niyang buhok dahil mabilisan lang ang pagbo-blower niya roon. Baka kasi mainip masyado ang uncle niya sa paghihintay sa kanya.

            Tuluy-tuloy siya sa pagbaba nang bigla siyang mapahinto dahil sa nakita niyang kausap ng uncle niya sa sala. Napahawak si Eunice sa balustre ng hagdan nang maramdamang parang gustong mauna sa pagbaba ang puso niya kaysa sa kanya.

            Just like before in the coffee shop a year ago, kahit side view lang ang nakikita niya, she's still smitten by his handsomeness and by the way he smiles.

            Masayang nag-uusap ang Uncle niya at si Terrence sa sala. Hindi alam ni Eunice kung ano ang gagawin.

            He's here! Oh my, he's here!

            Suddenly, gusto niyang bumalik sa kuwarto niya at tingnan sa salamin kung anong itsura niya. Biglang gusto niyang magpalit ng mas magandang damit. Parang gusto niyang magtago sandali at pakalmahin ang puso. Gusto niyang tumakbo pabalik sa kuwarto at-

            "Eunice, hija!"

            Napapitlag naman siya sa pagtawag ni Uncle Johnny sa kanya. Napatingin siya sa baba at unang nagsalubong ang mga tingin nila ni Terrence. Nakatingala ang lalaki habang nakatingin sa kanya.

            Kanina gusto lang ng puso niya na maunang bumaba kaysa sa kanya, ngayon gustung-gusto na talagang bumaba niyon at maglulundag sa harap ni Terrence.

            "U-Uncle, hindi mo naman s-sinabi na..." Napalunok siya at nag-iwas ng tingin kay Terrence. Baka mamaya kasi ay hindi niya mapigilan ang sariling bumaba nang mabilis at yakapin ito. Dahan-dahan na lang siyang bumaba habang nakayuko. Ngunit ramdam niya ang mga titig ni Terrence sa kanya.

             Pagkababa niya ay lumapit siya sa mga ito. Nilakasan niya ang loob upang harapin si Terrence. Hindi niya akalain na agad niya pala itong makikita pagkauwi niya. Iniisip niya na ihahanda niya muna ang sarili pero... 'eto na nga sa harap niya ang asawa.

            "Nandito si Terrence dahil may nakalimutan pala kaming pag-usapan tungkol sa isang big project ng Sagittarius," paliwanag ng uncle niya na nahalata siguro ang pagkagulat niya. "Hindi ako puwedeng umalis bukas nang hindi namin iyon napag-uusapan. Wala naman sigurong problema sa'yo iyon, Eunice."

            "O-Of course. Of course, walang problema iyon, Uncle," matapang niyang sabi at saka sinalubong ang mga tingin ni Terrence. "H-Hi," nakangiting bati niya rito.

            Inaasahan niya na pormal siya nitong babatiin o baka nga hindi pa siya pansinin. Ngunit, ganoon na lang ang lihim niyang pagsinghap nang ngitian siya nito pabalik.

            That gorgeous smile... 

            "Hello, Eunice. It's been a while."

            Yes, it's been a while. And she wants him, still.

❤❤❤

HABANG nagtatanghalian ay tahimik lang na nakikinig si Eunice sa mga pinag-uusapan nina Uncle Johnny at Terrence. Wala kasi siyang masyadong naiintindihan tungkol sa mga engineering stuff na sinasabi ng mga ito. Para nga iyong naging business lunch dahil sa mga pinag-uusapan nila.

            Katapat ng inuupuan ni Eunice ang puwesto ni Terrence kaya naman lihim niya itong natititigan kapag busy ito sa pakikipag-usap sa uncle niya. Napansin niya ang mga pagbabago rito. Well, his hair is still cleanly trimmed, but he have grown stubbles on his face that made him look... sexy.

            Terrence used to have a "prince-charming" appeal. Ngunit ngayon, iba na talaga ang dating nito. Kahit ang paraan ng pagsasalita nito, ang pagkilos nito, kahit na ang mga tingin nito ay iba na... basta! Everything about him was stronger and sexier. There's a dangerous aura in him.

            Dangerous? No. Terrence was never dangerous. He's not just the guy that you can fool, again, Eunice. She mocked herself.

            "Mabuti pa, ituloy na lang natin 'to sa study room. I'm finish eating, anyway." Tumayo ang uncle niya. "Excuse me for a while," paalam pa nito sa kanila.

            "Uncle..."

            Bumaling ito sa kanya. "I think mamaya sa dinner na lang tayo mag-usap, Eunice. Magpahinga ka ulit pagkatapos mong kumain." Bumaling naman ito kay Terrence. "Sumunod ka na lang kapag tapos ka na sa pagkain. I'll be waiting in the study." Pagkuwa'y nagmamadaling umakyat ang uncle niya sa study room.

            Inatake na talaga ng kaba si Eunice. Ngayon, silang dalawa na lang ni Terrence.

            "Hey," untag nito na nakapag-paangat ng tingin sa kanya rito. "Kanina ka pa tahimik," anito.

            She swallowed the food on her mouth. "A-Ahm... wala naman kasi akong sasabihin. Hindi ko rin naman alam ang pinag-uusapan niyo ni Uncle Johnny," simpleng sagot naman niya.

             Tumangu-tango ito. "So, how's life?" pangangamusta nito habang tinutuloy ang pagkain.

            Napangiti si Eunice. Terrence is trying to make a conversation. "I-I'm doing fine. May trabaho ako sa Paris ngayon. Designer, of course." She's working as a fashion designer in a famous clothing company in Paris. "Nag-leave lang ako ng isang buwan para sa...you know."

            Nakaiintinding tumango ito. "Congratulations for finishing your course."

            "Thank you. How about you? Kumusta ka na?"

            "After my father retired on his position sa Sagittarius, ako na ang pinalit nila. Since then, mas naging busy ako. But, I'm doing fine. Matagal na rin naman akong sinanay ni Papa dahil ako talaga ang gusto nilang ipalit sa kanya."

            Hinintay niya na banggitin nito ang tungkol kay Rachelle o tungkol sa baby nito pero wala na itong dinugtong pagkatapos ng sinabi.

            Nagpatuloy sila sa pagkain. But she's really curious to know about what happened to him and Rachelle after she left.

            Inabot niya ang baso ng juice at uminom doon. Then, she heaved a deep breath.

            "How about... Rachelle?" lakas-loob niyang tanong dito.

            Napaangat ito ng tingin pero parang hindi naman na nagulat sa tanong niya. Sinalubong din niya ang mga tingin nito.

            Uminom muna ito ng juice bago siya sumagot. "Well, she's fine... I think."

            Napakunot-noo siya."You think?" What does he mean by that?

            Nagkibit-balikat ito. "I never found her. Pero sabi ng mga kamag-anak niya, she's doing fine wherever she is."

            "Sumuko kang hanapin siya?"

            Tipid itong ngumiti. "Kapag ayaw magpahanap, hindi mo talaga mahahanap."

            "P-Pa'no na ang b-baby niyo?"

            Nakita niya ang paglungkot ng mga ngiti nito. "Maybe, I'll meet him or her at the right time."

            "Bakit ka tumigil na hanapin sila?"

            "Actually, I didn't. Pinapahanap ko pa rin sila. I'm expecting a positive response by next month," pormal na sabi nito. "Ang mahalaga lang sa'kin, malaman ko kung nasaan sila."

            Hindi na alam ni Eunice ang isasagot. Buong akala niya sa nakalipas na isang taon ay nagawa nang bawiin ni Terrence si Rachelle.

            "By then, what's your plan?" she curiously asked.

            "Hindi ko pa alam," anito sabay kibit-balikat. "How about you? Any plans after a month?"

            Nakuha niya ang ibig nitong itanong. "I'm going back to Paris. Babalik ako sa trabaho ko."

            "Iyon lang?" parang 'di naniniwalang sambit nito.

            Tumango naman siya. "Yes, iyon lang. Bakit?"

            "No plans of... having a vacation with your boyfriend?" maingat na tanong nito.

            She raised an eyebrow. "I have no boyfriend, Terrence."

            He raised an eyebrow, too. Ayaw maniwala.

            Natawa siya rito. "Last time I checked, kasal pa 'ko sa'yo until thirty days so, I don't want to commit adultery."

            Napangisi ito. "Right."

            She looked at him.

            He looked at her.

            Nagkangitian sila at hindi nila alam kung may nakakatawa ba, pero nauwi iyon sa pagtatawanan.

            Now, Eunice is sure na may nagbago nga kay Terrence.

            He's not mad at her, anymore.

❤❤❤

KINAKABAHAN si Eunice habang hinihintay niyang matapos ang pag-uusap ni Uncle Johnny at ni Terrence sa study.

            Sa nalamang hindi pa pala nagkabalikan ulit sina Terrence at Rachelle ay gumana na naman ang utak niya. Sa nakita niya kay Terrence kanina, hindi niya maiwasang maisip ang naisip. Hindi niya alam kung papayag ito ngunit gusto niyang subukan. Gusto niyang bago siya mahiwalay rito nang tuluyan ay may isang buwan naman siyang alaala na masaya itong kasama...

            Kahit kunwari lang.

            Sa totoo lang magmula nang makita niya ulit ito pagkalipas ng isang taon, gusto niya na naman na makasama ito, makapiling... Parang nagsisisi pa siya sa desisyon niyang makipaghiwalay rito because selfish as she may seem, she still wanted Terrence all this time. Mahal niya pa rin ang binata sa kabila ng lahat ng galit na pinakita nito sa kanya noon.

            "Eunice?"

            Agad siyang napalingon nang marinig ang boses ni Terrence.

            "I'm going home," paalam nito. "I think magkita na lang tayo sa... korte."

            Napatango siya. "T-Thank you, Terrence."

            "Why?" nagtatakang tanong nito.

            Napayuko siya. "B-Because... because, you're not mad at me anymore."

            Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya. "Matagal na iyon. Isang taon na rin mahigit. I mean, I think you've learned your lesson. I learned mine. I've realized also a lot of things. Nagpadala ako masyado sa galit dahil sa ginawa mo." He apologetically smiled. "I'm sorry also, Eunice. Because I've been a jerk of a husband sa first months ng kasal natin. I admit, hindi maganda ang ginawa ko and that won't justify the things you've done to me. Nasaktan kita. Please, forgive me."

            Tila matutunaw ang puso ni Eunice. Kung tutuusin mas masama ang ginawa niya rito at sa relasyon nito kay Rachelle. Mas nasaktan niya ito pero ito pa ang humihingi sa kanya ng tawad.

            Hindi niya mapigilang yakapin ito. "I'm sorry, Terrence... I should be the one asking for your forgiveness... I'm sorry, T-Terrence... Please, forgive me..."

            Naramdaman niya ang pagbalot ng mga braso nito sa baywang niya. "I forgive you, Eunice. Matagal na kitang napatawad," he whispered. Napabuntong-hininga ito bago lumayo sa kanya. "Maybe, kapag na-annul na ang kasal natin, we can start a free and new life. Siguro tama lang na bumalik ka sa Paris at tinapos mo ang pag-aaral mo. It gave us time to cool things down. Indeed, time heals all wounds."

            Tipid siyang napangiti. Buti pa ang sugat, hinihilom ng panahon. Paano naman ang pagmamahal sa isang taong imposible siyang mahalin pabalik? Nahihilom din ba iyon ng oras?

            "I better go," paalam na muli nito. He kissed her on the cheek and bid a goodbye. Lumabas na ito ng pintuan.

            Napapikit siya. Terrence has moved on, already. Ngayon, bakit niya pa itutuloy ang plano niya sanang sabihin dito?

            No, Eunice! This is your last chance! Just tell him! Kapag hindi siya pumayag which is more possible, then just move on! But you must try! You must try! Kumbinsi niya sa sarili.

            Dinilat niya ang mga mata. "Terrence!" Mabilis siyang lumabas ng bahay at hinabol ito. Nakalabas na ito ng gate at pasakay na sana ng kotse nito nang maabutan niya ito.

            "Terrence, wait!"

            "Yes?" lingon nito sa kanya.

            Nagsimula nang kumabog nang napakalakas at mas mabilis ang dibdib niya.

            "Can I ask a favor from you, before magdesisyon ang korte tungkol sa annulment?"

            "Sure thing," pagpayag nito.

            Tumikhim muna siya bago muling nagsalita. "Tutal, isang buwan na lang ang marriage natin..." Kinakabahan siya sa susunod na sasabihin. "Can we pretend?"

            Kumunot ang noo nito. "Pretend what?"

            She look straight into his brown eyes. "Pretend to be a normal..." Napalunok muna siya. "...c-couple."

            Nagtataka ang tingin nito. "Pardon me?"

            Humugot siya ng malalim na hininga at matapang na sinalubong ang mga tingin nito. "Tutal, we will go our separate ways after a month... can you pretend that you love me? Can we pretend that real love exists between us?" she softly and clearly asked.

            "W-Why?" kulang ang salitang 'shocked' sa ekspresyon nito.

            "I know this is ridiculous, but please..." she's pleading to him, already. Pride was nothing for Eunice. Isusuko niya lahat kung iyon lang ang paraan para maranasan niya kahit hindi totoo kung paano magmahal si Terrence. Hindi na siyang aasa na mahalin nito. But legally, they still have a month to be a husband and a wife.

            Legally, Terrence is still hers...

            Napabuntong-hininga si Terrence pagkatapos ng mahabang katahimikan sa pagitan nila. He looked at her.

            Eunice's eyes widened when he swiftly kissed her on the lips.

            "I will be waiting in our home, Eunice. I will be waiting for you, baby," makahulugan at nakangiting sabi ni Terrence bago ito umalis.


***

Let's get connected!

Follow my official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

38.2K 2K 55
• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is a simple cashier in a department store...
7.3K 227 5
It all started with that site where you get to talk with strangers.
3K 128 15
The Cristina and Leonardo's love story. [HER POV] BOOK 2 Cover by: PANANABELS
129K 424 159
compilation of the best stories- a must read on wattpad add this to ur libraries! ------- highest ranking- #1 in bestwattpadstories ❤️