Bestfriends (COMPLETED)

By Kettlekooorn

18.1K 872 164

Talaga bang pwedeng maging mag bestfriend lang ang lalake chaka babae?? Paano kung sa katagalan ng inyong pag... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Author's Note
EPILOGUE

Chapter 48

208 14 0
By Kettlekooorn

Carlo's POV


Kahit nakakaramdam na ako ng pagod at antok pero pag kasama ko si Tine nawawala lahat yon. Nagrequest sya sakin na ipagluto ko raw sya ng pancit canton. Dahil nga mahal na mahal ko sya kaya agad ko syang ipinagluto.





Sinerve ko sakanya yung pancit canton at sabay kaming kumain.


Sarap sa feeling ng ganito.


Midnight snacks and home date.


Tuwang tuwa sya sa niluto ko. Hahahahaha!


"Bessie ang sarap grabe! Thankyou!" Paglalambing pa nya. Ginulo ko nga yung buhok.


"Hay. Hanggang ngayon ba naman mabagal ka paring kumain?" Tanong ko sakanya pagkatapos kong kumain.


Ewan ko ba dito sa prinsesa ko, isang daang nguya ata ang ginagawa nya kada subo nya ng pagkain. Hahaha!


"So naiinip ka?" Masungit nyang tanong. Hala! Nagtampo na.


Inakbayan ko sya.


"Hindi no. Hinding hindi ako mapapagod maghintay sayo. Kahit gaano pa yan katagal." Seryoso ko syang tinitigan sa mata.


Natigilan sya.


I'll give another shot this time. If in any case that she will reject me again, I will still wait for her until she's ready.


"At hanggang ngayon naghihintay parin ako sayo Tine." Maamo kong sabi.


Hinanda ko yung sarili ko sa mga isasagot nya.


May takot at pagaalinlangan ko syang tinignan.


"Baliw ka talaga!" Sagot nya sakin ng tumatawa.


A R A Y !


"Rejection nanaman?" Kunwaring nagtatampo kong tanong. Pero ang totoo naman nyan yung puso ko nagkapiraso piraso nanaman.


"Ikaw kasi e! Joke joke ka!!" Humahalakhak na sya.





Naguluhan ako.


"A-anong ibig mong sabihin na joke joke ako???" Nauutal kong tanong.


"Basta! Ikaw kasi e!" Pagiiba pa nya ng sagot.


Kinulit ko pa sya ng kinulit.


"Ikaw lang naman inaantay ko e." Sumeryoso yung mukha nya.


Natameme ako sa sagot nya.


Tangina totoo ba talaga itong mga naririnig ko mula sakanya.


"T-t-totoo??" Di makapaniwalang tanong ko.


"Kelan pa??" Sunod ko pang sabi.


"5 years ago." Diretso nyang sagot.


DAMN!!!


Kaya ba sinabi nyang joke joke lang ako kasi hindi ko itinuloy yung panliligaw ko noon??


Hay! Ang tanga ko.


Akala ko kasi walang pag asa.


Ngumiti ako ng napakalawak.


Dali dali ko syang niyakap.


"Will you give me the chance again my love? To prove myself to you." Garalgal ang boses kong tanong sakanya.


Gustong kong maiyak sa sobrang tuwa.


Hinarap ako ng maamo nyang mukha.


May mga luha na pala sa mga mata nya.


Agad ko itong pinunasan.


"Y-yes!" Masaya nyang sabi kaya di ko narin napagilan ang mga luha kong kanina pa nagbabadya.


Ang sarap sa pakiramdam.


Di ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon.


"Thankyou! Thankyou my princess. I promise that I won't waste the chance you gave to me. Iloveyou !" Umiiyak kong sabi.


I kissed her forehead.


"Iloveyou! Iloveyou! Iloveyou!" Paulit ulit kong sinasabi sakanya.


Kahit wala pa akong marinig na sagot mula sakanya ngayon, okay lang. Basta gagawin ko ang lahat mapatunayan ko lang na seryoso ako sakanya at mahal na mahal ko sya.











Nakatitig lang ako ngayon sa babaeng minahal ko 5 years ago at minamahal ko pa hanggang ngayon at mamahalin ko pa in the future.


Ang himbing na ng tulog nya sa mga bisig ko.


Napakasaya ko.


Napakaswerte ko.


Hinawakan ko yung kamay nya.


"Mahal ko, hindi ako perpektong tao pero gagawin ko ang lahat para di ka masaktan. Di ko maipapangakong hindi ka iiyak... pero hindi ka iiyak dahil malungkot ka. Iiyak ka dahil sa tuwa. Mahal na mahal kita." Bulong ko sakanya.


Mas hinigpitan ko yung yakap ko sakanya.


Ang tagal ko hinintay itong araw na to.


At eto na nga sya.


Shit!


Ang bakla pakinggan pero gusto kong tumili dahil sa sobrang kilig.





Binantayan ko lang sya hanggang mag umaga.


Hindi parin kasi ako makapaniwala na atlast! Binigyan narin nya ako ng chance.














Tine's POV


Paggising ko nasa kwarto na ako.


Nakatulog ako kagabi na yakap yakap ni Carlo.


Napangiti ako. Naalala ko kasi yung mga naging paguusap namin.


Sa wakas! Nasabi ko narin sakanya yung matagal ko ng gustong sabihin.


Natigil lang ako sa pagngiti mag isa ng marealize kong wala na nga pala si Carlo sa tabi ko. Naramdaman kong nagvavibrate yung phone ko na nasa ilalim ng unan ko.


Kinuha ko iyon at pagkakita sya pala yung tumatawag.


"Hello?" Pagsagot ko.


"Goodmorning my princess! Gising kana po." Masaya nyang bati sakin. Mas lalo tuloy lumawak yung ngiti sa labi ko.


"Alam mo ikaw ang aga aga lakas mo ng magpakilig." Pangiinis ko sakanya. Hahahaha!


"So kinikilig nga?" Tumatawa nyang tanong. Halata sa boses nyang kakagising nya lang din.


Di ko nakaimik.


"Totoo nga. Kinikilig ka nga." Lakas loob nyang sabi na para bang siguradong sigurado sya sa sagot. :D


"Tseeee!" Yun nalang ang naging sagot ko bilang pagprotesta.





"Hahahahaha! Bumangon ka na nga dyan at kanina pa kami naghihintay sayo para sabay sabay tayo magalmusal nila mama." Nagulat ako sa sinabi nya kaya agad akong bumangon at naghilamos. Narinig ko pa syang tumatawa sa kabilang linya. :D


Baliwan talaga sya.


Pagkatapos kong maghilamos lumabas na ako ng kwarto.


Agad na sumilay sakin yung nakangiting mukha ng taong mahal na mahal ko. Napakagwapo nya talaga.


Napalunok nalang ako.


Sinalubong nya ako at niyakap.


Hinalikan nya ako sa noo.


"Kinumpleto mo na agad yung araw ko. Goodmorning! Iloveyou!" Bati nya pa.


Nanlambot ako bigla.


Jusq! Sino ba naman kasing hindi. Isang gwapong nilalang ang babati sayo ng ganito. Hahahahaha!


Niyakap ko sya pabalik. Ang sarap lang sa pakiramdam kasi para kaming bagong kasal.





"Ehem! Tara na sa hapag kainan at kumain." Pagbulabog ng kapatid ko na si Zild.


Nagkatinginan nalang kami ni Carlo at nangiti.

Ang saya ng naging umaga namin.

"Tito, tita... gusto ko lang ho sanang magpaalam na kung papayagan nyo ho ako gusto ko po sanang ligawan si Tine." Seryosong paghingi nya ng permiso sa mga magulang ko.

Nagkatinginan si mama at papa.

Kinabahan ako.

"Iho, ang totoo nyan ayoko sana na humigit pa sa pagiging magbestfriend ang maging relasyon nyo ng anak ko." Seryosong batid ni papa.

Nakita kong parang natigilan si Carlo sa narinig.

Lumungkot yung mukha nya.

"Pero nakikita naman naming masaya si Tine at hindi mo sya pinapabayaan. Ipangako mo lang samin Carlo na hinding hindi mo sasaktan ang anak namin. Malaki ang tiwala ko sayo. Namin ng tita mo." Galak na sabi ni papa.

Nakita kong nagningning ang mga mata ni Carlo.

Halos mapunit na yung labi nya sa sobrang pagngiti.

Tumayo sya at nilapitan sila mama. Nakipag kamay sya at nagpasalamat.

"Tito, tita... maraming maraming maraming salamat po. Hayaan nyo po akong mahalin pa si Tine at ipinapangako ko po sainyo na mamahalin ko sya ng sobra. Sobra pa po sa sobra." Galak na galan na batid ni Carlo habang nakahawak parin sa kamay ni mama at papa.

Papa tapped his shoulder.

"Welcome to the family." Sabi ni papa at niyakap si Carlo.

Natuwa yung puso ko sa mga nakikita ko.

Di ko na napigilan at naiyak na ako.

Niyakap naman ako ni mama.

"Ma, thankyou." Bulong ko kay mama.

"Gusto namin anak na maging masaya ka. At sa tingin namin si Carlo ang isa sa mga taong nagmamahal sayo at magpapasaya." Paliwanag pa nya sakin.

Nginitian ko si mama.

Best day of my life! ❤️




Kinagabihan sabay sabay parin kaming nagdinner sa bahay kasama si Carlo, pero this time andito narin si Drei.

"Ate, ang sarap naman magluto ni mama Diane." Tuwang tuwang sabi ni Drei sakin pagkatapos naming kumain.

Nilapitan kami ni mama.

"Nako anak, dapat lagi kang magpupunta dito para naipagluluto kita." Bilin sakanya ni mama na ikinatuwa ko.

"Love?" Maamong tawag sakin ni Carlo kaya binalingan ko sya ng tingin.

"Hmm?" Pagsagot ko ng makaharap ako sakanya.

Magkatabi kami ngayon sa sofa dito sa sala.

"I'm so so happy!! I may be the imperfect person but I will do my very best to be a good husband for you." Paglalambing nya sabay yakap sa akin.

Kinilig ako ng bongga pero tinawanan ko sya.

"Nagpaalam ka palang bilang manliligaw ko, pero hindi pa asawa." Pangiinis ko sakanya. Hahahahaha.

"Iloveyou Mrs. Perez!" Bulong nya sabay halik sa noo ko.

Haaaaaaay!

Ang tagal kong pinangarap na mangyari itong araw na ito, at ngayon...

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

Napakasaya ng puso ko.

Wala ng mapaglagyan yung kilig ko.

-Kettlekorn❣️

Continue Reading

You'll Also Like

20.6M 509K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
82.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.