My Tag Boyfriend (Season 1)

Galing kay OppaAnja

41.3M 686K 172K

Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng b... Higit pa

My Tag Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
A/N: MTB First Monthsary Celebration 02-02-14
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Ako Puso mo Lyrics
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Special Chapter)
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
My Tag Boyfriend Book

Chapter 39

619K 9.9K 2.2K
Galing kay OppaAnja

Chapter 39

Sitti's P.O.V

          Ilang oras din ang naging byahe namin papuntang Baguio. At alam nyo ba anong nangyari? Halos mamaga na yung likuran ko kakaupo dahil sa tagal ng byahe!

          Bakit kaya ganoon ano? Kapag field tri o kaya may tour, mas matagal ka pang naka-upo sa loob ng bus kaysa sa mismong pupuntahan nyo ano? Hash tag field trip problems!

          Alam nyo wala naman sana akong irereklamo sa byahe na ito dahil sa tingin ko nalabas ko na lahat ng reklamo ko kanina. Kung hindi lang talaga ako sinabotahe ng sarili kong Mama, hindi talaga ako sasama dito.

          So iyon na nga! Dahil sa pinilit akong itabi ng magaling na si Kaizer Buenavista na ito sa tabi nya, bumaha na naman ng bulong-bulungan yung bus namin.

          Alam nyo pa ang nakakainis sa bulungan nila? Hindi pabulong! Ang ingay nila sa buong byahe grabe! Hindi tuloy ako makatulog! Nakakainis!

          "Kapal ng mukha nya na tumabi kay Prince ano?"

          "Oo nga! Kunwari pa sya na hindi nya gusto makatabi si Prince pero deep inside, gustong-gusto nya!"

          "Nakakainggit sya! Katabi nya si Prince! Huhuhu!"

          "Kung ako nakatabi ni Prince? Masaya na akong mamatay! Girl, isipin mo na lang na ilang oras mong makakatabi at maamoy si Prince di ba?! Kyaaaa! Kakakilig!"

          "Nakakarami na talaga ang Felicity Sandoval na yan! Nakakabwisit! Bakit ba ang swerte-swerte nya eh ang pangit naman nya?"

          "Baka ginayuma nya si Prince?"

          "Huh?! Gayuma?! Saan nya nabili iyon? Papagayuma ko din si Prince Kaizer at Prince Kris!"

          "Lagi na lang sya ang bida dito! Nakakainis! Paano na lang tayo mg girls?!"

          Ilan lang 'yan sa mga "hate comments" na naririnig ko kanina. Walang kamatayang hate comment mula sa syempre, mga babaeng naghahabol at patay na patay kay mayabang.

          At si yabang naman? Ayun! Ang sarap ng tulog nya! Nagsosoundtrip pa!

          Kaya pala sya may dalang headphones para di nya marinig yung noise pollution sa loob ng bus! Grabe sya! Napakaselfish! Sana man lang pinahiram nya sa akin yung headphones nya para matahimik din ako kahit paano ano!

          Hindi na talaga ako tinigilan ng mga babae nya! Nakakainis! Bakit lagi na lang ako? Wala na ba silang alam na pagtsismisan maliban sa akin?

          "Okay class idouble check nyo yung mga gamit nyo bago kayo bumaba ng bus huh? Make sure na wala kayong maiiwan kahit na anong gamit nyo dito."

          "Yes Miss!" sabay-sabay na sagot ng mga classmates ko sa Prof namin.

          Ako nanamn ready to go na sana kaya lang syempre, hindi naman ako nagbalak na makipag-unahan sa mga kaklase ko na bumaba sa bus.

          Alam nyo ba yung usual na eksena sa loob ng bus? Yung tipong sasabihin sa inyo ng teacher nyo na by row lang ang pagbaba pero magugulat ka na lang barado na yung dadaanan mo palabas sa dami ng estudyante na excited maunang bumaba? Hash tag field trip problems again!

          "Hindi ka pa ba bababa?" tanong sa akin nung katabi ko matapos nyang tumayo para ayusin sa likod nya yung back pack nya.

          "Hindi. Ayokong makipagsiksikan." sabi ko kahit na wala na naman ng masyadong tao na nasa daanan namin kasi halos nakababa na silang lahat.

          "Tsk! Bahala ka!" inis na sabi ni Kaizer sabay umalis.

          "Ano na naman ba problema nun?" kunot-noong tanong ko habang pinapanood sya na maglakad palabas ng bus.

          Ako naman inayos ko na din yung mga gamit ko saka nagready na tumayo dito sa may upuan namin. Ako na lang kasi ngayon yung natitira dito sa loob ng bus.

          Nung nasa may pintuan na ako ng bus at pababa na doon sa hagdan, nagulat ako nang bigla akong ma-out balance saka derechong bumagsak sa lupa na kinatitirikan ng bus.

          Opo. Unang lumanding ang mukha ko sa lupa.

          "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawanan ng mga classmate ko habang nakaturo pa sa akin.

          Hindi agad ako tumayo. Ayokong ipakita ang mukha ko sa kanila. At saka feeling ko maiiyak na ako ano mang oras mula ngayon.

          Sabi ko na nga ba! Mali talaga ang pagsama ko sa retreat na ito! Senyales na 'to na dapat na akong umuwi bago pa ako masaktan ng tuluyan.

          "Sitti!"

          Hindi ko alam kung naapektuhan din ba yung tenga ko sa pagbagsak ko kasi parang narinig ko yung boses ni Kaizer na tumatawag sa akin.

          "Okay ka lang ba?"

          May bigla na lang humawak sa mga balikat ko na kamay saka ko tinulungang tumayo mula sa pagkakabagsak ko sa lupa.

          Nag-angat ako ng tingin at unang sumalubong sa akin yung nag-aalalang mukha ni Kaizer.

          "Hoy! Magsalita ka! Okay ka lang ba?" kahit na mayabang slash maangas pa din yung paraan ng pagtatanong nya, may narinig naman akong sincere na boses doon sa sinabi nya.

          "O-Oo. Okay lang ako. Salamat." sabi ko pero sa totoo lang, medyo masakit yung mukha ko.

          Sana lang talaga wala akong gasgas sa mukha kasi ang pangit ko na nga, papangit pa ako lalo. Di mas lalo din akong aapihin ng mga nilalang sa eskwelahan namin?

          "Anong okay?! Eh dumudugo na yang ilong mo!"

          Nagulat ako doon sa sinabi ni Kaizer saka dahan-dahan kong itinapat yung mga daliri ko sa ilong ko saka pinakiramdaman iyon. Medyo may nahawakan nga ako na malapot na bagay.

          At sa pagbaba ko ng kamay ko, nakita ko yung dugo sa mga daliri ko.

          "D-Dugo..." nanginginig na sabi ko sabay panginginig din ng mga daliri ko.

          Weakness ko ang dugo. Ay mali pala. Isa na naman sa mga weakness ko ang dugo. Ayoko ko sa mga bagay na may kinalaman sa dugo.

          Kaya pala parang nahihilo ako kanina. At mukhang masama pala talaga yung bagsak ko.

          "Ano bang tinitingin nyo?! Tumawag kayo ng doktor!" narinig ko pang sigaw ni Kaizer sa mga kasama namin.

          Pero yung mga sumunod na eksena medyo naging malabo na para sa akin.

          At saka, unti-unti na ding lumalabo yung paningin ko. At saka tuluyang sumara yung mga mata ko.

Patty's P.O.V

          "Kami na pong bahala kay Miss Sandoval, Miss." sabi ko sa Professor namin.

          "Sigurado ka ba dyan, Miss Santos?" nag-aalalang sabi ni Ma'am sabay tingin ulit sa loob ng kwarto kung saan namin nilagay si Sitti.

          "Opo. Kami na pong bahala dito."

          Tumango na lang yung Ma'am namin saka tuluyang pinaubaya sa akin yung sitwasyon ni Sitti ngayon.

          Sya nga pala, nandito na kami sa loob ng retreat house at nasa kwarto na rin kami na naka-assign sa amin.

          Sa totoo lang hindi dapat ako yung kasama ni Sitti sa kwarto pero nagpumilit ako sa Professor namin na ako na lang ang bahala kay Sitti kaya pinalipat na lang nya ako dito sa kwarto kung saan naka-assign si Sitti.

          Maingat kong sinara yung pinto ng kwarto saka naglakad palapit sa ibang kasama ko.

          "Okay lang kaya sya?" nag-aalalang tanong ko sa kanila.

          Walang sumagot sa tanong ko. Lahat sila nagulat sa nangyari kay Sitti. Kahit din naman ako nagulat.

          Nasa may malapit lang nang mangyari ang pagbagsak ni Sitti doon sa bus. Sobrang bilis ng pangyayari. Nagulat na lang ako nang bigla syang bumagsak.

          Napatingin naman ako kay Kaizer na nakaupo sa tabi ni Sitti na nakahiga sa kama.

          Kahit hindi man nya sabihin sa amin, alam ko na sobrang nag-aalala sya kay Sitti at alam ko din na sobrang galit na galit yan sa nangyari.

          Sabi nila aksidente ang nangyari. Pero hindi naniwala si Kaizer.

          Sabi pa nga nya, imposible daw na bigla na lang bumagsak si Sitti doon sa pagbaba nya sa bus. Na kahit daw baliw si Sitti, hindi naman daw ito bobo para basta-basta na lang matisod pababa.

          Iyon din ang naisip ko kanina. Kasi matapos naming idala si Sitti dito sa loob ng retreat house, bago kami tuluyang umalis, may nakita akong isang estudyante pa na pababa din sa may bus.

          Medyo hindi ko namukhaan yung estudyante na iyon kasi nga nagpapanic na kaming lahat sa biglang pagkahimatay ni Sitti. Bigla na lang sya nawalan ng malay ng makita nyang nagdudugo yung ilong nya.

          Minsan napapaisip din ako na baka may nagtulak kay Sitti. Pero hindi naman maganda ang magbintang na lang lalo na kung wala naman kaming ebidensya di ba?

          At isa pa sa mga inaalala ko yung mga reaksyon sa mukha ni Kaizer, Mobi at Kris. Magkakababata kami. At alam ko kung kailan mananapak ang mga yan. Lalo na si Mobi.

          Sya yung tipo ng tao na sobrang kalmado lang. Pero ngayon, sa sobrang seryoso ng mukha nya, medyo nakakatakot na. Hindi ako sanay na makita sya ng ganito.

          Sabagay, hindi ko naman sya masisisi kasi best friend nya si Sitti. At malaki yung pagpapahalaga ni Mobi sa pagkakaibigan kaya alam ko na sa loob-loob nya ay galit na din sya.

          "Kukuha lang ako ng tubig. Baka biglang mauhaw si Sitti kapag nagising sya."

          Sa totoo lang ginawa ko lang dahilan iyon para lumabas ng kwarto. Hindi ko kasi makaya yung tensyon doon sa tatlong lalaki na kasama ko.

          Sya nga pala. Nasa girl's dorm kami at bawal ang lalaki dito pero pinayagan na lang ng Ma'am namin sila Kaizer dahil nga sa nangyari kay Sitti.

          Papalabas na sana ako ng pinto nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Si Kaizer.

          "Patty..." tawag nya. "Salamat."

          Napatango na lang ako saka lumabas.

          Bihira lang magpasalamat si Kaizer sa mga tao. Kung mapapansin nyo, egoistic ang tao na iyon. Masyadong bilib sa sarili at mayabang.

          At iyong ginawa nyang pasasalamat sa akin? Sensyales lang iyon na sobrang mahalaga para sa kanya si Sitti.

          Alam kong wala sa lugar pero hindi ko mapigilang matuwa at kiligin sa ginawa ni Kaizer.

          Ngayon kasi na nasisiguro ko na kung gaano ba ka-importante si Sitti sa kanya at na talagang napamahal na sya kay Sitti. Kasi kung hindi, hindi naman dapat mag-alala si Kaizer ng ganoon kay Sitti di ba?

          Sa wakas. Nakahanap na din ng bagong magpapasaya sa kanya yung kaibigan ko.

Kaizer's P.O.V

          Isang oras na mula ng mahimatay si Sitti at hanggang ngayon hindi pa din sya nagigising.

          Naiinis ako sa sarili ko. Gusto kong suntukin yung sarili ko ngayon.      

          Kakasabi ko lang sa kanya na poprotektahan ko sya pero anong ginawa ko nung bumagsak sya? Wala!

          "Tawagan na kaya natin si Tita Aimee?"

          Bigla akong napaharap kay Mobi. "Wag mong gawin 'yan."

          "Pero Kai—"

          "Sa tingin mo ba makakatulong kung malalaman ni Tita yung nangyari kay Sitti?" tanong ko. "Hindi di ba? Mag-aalala lang si Tita." Ma-didisappoint lang sya sa akin.

          Isa pa ito sa kinaiinis ko ngayon. Nangako ako kay Tita na aalagaan ko si Sitti, na ako ng bahala sa kanya. Pero nagawa ko ba iyon? Hindi!

          Gusto ko sanang mainis sa sinabi ni Mobi pero hindi ko na itinuloy. Hindi ko din naman sya masisisi na sabihin ang bagay na iyon kasi nag-aalala din naman sya kay Sitti.

          "Kai!" tawag ni Kris sa atensyon ko sabay nguso sa isang direksyon.

          Binalik ko yung tingin ko kay Sitti saka medyo nanlaki mata ko nang makita ko na nakadilat na yung mga mata nya.

          "Nasaan ako?"

          Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para akong pinako sa kinauupuan ko sa tabi nya dito sa kama nang makita ko syang gising na. Hindi ko na nga namalayan na nasa tabi ko na din sila Kris at Mobi at nakatingin na din kay Sitti.

          "Nasa langit na ba ako?" tanong ni Sitti na parang ina-adjust pa yung mata nya sa nakikita nya.

          Tapos napatingin sya sa direksyon ko kaya mas lalo akong hindi nakagalaw. Halos pigilan ko na nga yung hininga ko.

          Natatakot kasi ako na baka kapag gumalaw ako, baka matulog na naman sya at baka hindi na sya magising pa.

          Paranoid na kung paranoid pero sobrang pinag-alala lang ako ng babaeng 'to.

          "Impyerno yata 'tong binagsakan ko. Bakit may mayabang dito?" sabi nya habang nakatingin sa akin. "Lord, wala naman po akong ginawang masama sa inyo maliban sa pagpupuyat ko para lang mag-Facebook at iwan muna mga assignment ko para sa Facebook. Bakit nyo po ako binagsak kasama ang mayabang na ito?"

          Nang ituro nya yung isang daliri nya sa akin, doon lang ako nakahinga ng maluwag saka marahang napangiti.

          "Oo. Nasa imperyno ka nga babaeng adik sa Facebook. Ako ang iyong masamang konsensya kaya hindi tayo pwedeng maghiwalay."

          Nagulat ako nang biglang bumagon mula sa pagkakahiga nya si Sitti saka mas dinuro yung daliri nya sa akin.

          "Nagsasalita yung masama kong konsensya! Waaaa! Bakit?! Bakit mukha ni Kaizer yung masamang konsensya ko?! Hindi naman ako mayabang ah?!"

          Sandali akong nakatingin sa mukha nya saka hindi ko napigilang matawa sa kanya.

          Bakit ba sa lahat ng babaeng pwede kong magustuhan, na in love pa ako sa babaeng baliw na gaya nya?

          "Baliw." sabi ko saka marahang pinitik yung noo nya. "Hindi ka pa patay. Wala ka sa langit at lalong wala ka sa impyerno. Asa ka namang tatanggapin ka nila doon?"

          Sandaling tumitig sa mukha ko si Sitti kaya napangiti ako sa kanya. Sunod nyang tiningnan yung paligid namin.

          "Kung hindi ito impyerno at hindi pa ako patay, nasaan ako?" parang bata na tanong nya.

          "Nasa retreat house ka, Sitti." naunahan ako ni Kris sa pagsagot.

          "Retreat house?!" nanlaki yung mata nya nang sabihin iyon. "Please paki dala na lang ako sa impyerno. Mas gusgustuhin ko pang makasama ang masamang konsensya ko kaysa makasama kayong lahat!"

          Tinawanan lang sya ni Kris saka naman sya sinimulang kumustahin ni Mobi. Habang ako naman pinapanood ko lang sya.

          Hindi ko alam kung ano ba dapat maramdaman ko ngayon. Pero isa lang ang nasisiguro ko.

          Masaya ako na gising na sya.

          "Iwan nyo nga muna kami sandali."

          Napatingin si Kris at Mobi sa akin pati na din si Sitti. Lahat sila pare-parehas ng reaksyon sa mukha. Nagtatanong kung bakit.

          "Please." sabi ko sa dalawa. "Kakausapin ko lang sya sandali."

          Sandali pang nagpaalam yung dalawa saka sila tuluyang lumabas ng kwarto at iniwan kaming dalawa ni Sitti.

          Ngayon, kaming dalawa na lang ang nandito sa loob.

          "Kumusta ka na?" tanong ko. "Okay ka na ba?"

          "B-bakit mo natanong?" nahihiyang sabi nya. "Bakit concern ka yata sa akin ngayon?"

          Marahan akong ngumiti saka umurong palapit sa kanya.

          Bago pa ako makapag-isip ng tama, bigla kong inangat ang mga kamay ko saka ko sya niyakap at marahang hinila palapit sa katawan ko.

          Naramdaman ko yung pagpupumiglas ni Sitti mula sa yakap ko pmas hinigpitan ko lang yung yakap ko sa kanya saka ko binaon yung mukha ko sa leeg nya.

          "Salamat at gising ka na." mahinang sabi ko. "Alam mo ba na halos patayin mo ako sa pag-aalala ko sa'yo huh?"

          Matapos kong sabihin iyon, biglang huminto si Sitti sa pagbabalak nyang itulak ko palayo sa kanya. Pero hindi ko pa din sya binitawan at mas hinigpitan ko pa yung yakap ko sa kanya.

          "Akala ko iiwan mo na ako..." mahinang sabi ko.

          "Huh? Ano iyon? Hindi kita narinig?"

          Napangiti ulit ako saka bumitaw sa kanya at muli syang hinarap. "Ang sabi ko, ako puso mo."

          Bigla syang namula matapos kong sabihin iyon. Lihim naman akong napangiti.

          'Sa wakas. Naintindihan mo na din ako.'

          Sandali ko syang tinitigan, mula ulo hanggang paa nya na naka-Indian sit sa kama. Kahit na iniiwas nya yung tingin sa akin at sinasabihan ako ng mga bagay-bagay, hindi ko pa din inalis yung tingin ko sa kanya.

          Sobrang natakot talaga ako nang mahimatay sya sa braso ko.

          Natakot ako. Nagpanic. Halos hindi na ako huminga.

          Mahal ko na kasi sya eh. Sya na yung buhay ko. Korni pero wala na akong maisip na salita na pwedeng sabihin para ipaalam kung gaano ba kahalaga sa akin ang baliw na babaeng 'to.

          Kung wala sya, hindi ko alam kung ano ng mangyayari sa akin. Siguro ako pa din yung Kaizer na walang pakialam sa mundo. Yung Kaizer na wala ng ibang inisip kundi sarili nya.

          Si Sitti yung nagbalik ng buhay ko. Ano na lang mangyayari sa akin kapag iniwan nya ako?

          Ano na lang ang magiging buhay ko kung mawawala yung babaeng naging puso ko?

          "Ano ba?! Wag mo nga akong tingnan!" inis at naiilang na sabi nya sabay bato ng unan sa mukha ko.

          At doon bumalik sa reyalidad ang utak ko at inis na kinuha yung unan na binato nya sa akin.

          "Wag mo akong simulan, Felicity Sandoval." inis na sabi ko. "Baka gusto mong ibaon kita ng buhay sa unan na 'to?!"

          "Eh di gawin mo kung kaya mo!" sabi nya saka kumuha ng panibagong unan sa likod nya at binato na naman sa akin. "Hahaha! Bull's eye na naman—"

          Bago pa nya matapos yung sasabihin nya, mabilis kong binato sa pagmumukha nya yung dalawang unan na binato sa mukha ko.

          Mukha okay na naman sya. Nagagawa na nya akong asarin eh!

          'Tsk! Nasayang lang kakornihan ko sa babaeng baliw na 'to!' inis na sa isip ko.

          Magbabatuhan na naman sana kami ulit nang biglang bumukas yung pinto at sabay kaming napalingon sa may pintuan.

          "Uy! PDA! Nakalimutan nyo bang nasa ibabaw kayo ng kama ngayon?" sabi ni Kris.

Sitti's P.O.V

          "Uy! PDA! Nakalimutan nyo bang nasa ibabaw kayo ng kama ngayon?"

          Biglang pumasok si Kris sa kalagitnaan ng paghihiganti ko sa pagbabato ni Kaizer sa mukha ko ng dalawang unan ng sabay.

          Grabe sya! Hindi man lang nya naisip na kakabagsak lang ng mukha ko sa lupa kanina tapos binato pa nya ako sa mukha?! Grabe! Sadista sya! Sadista!

          Nagulat ako nang biglang tumayo si Kaizer. Ewan ko nagulat yata sya doon sa sinabi ni Kris. Sa sobrang pagmamadali nya ngang tumayo, nauntog pa sya doon sa kama sa taas ng kama ko. Sa baba ng double deck kasi ako nakahiga ngayon.

          Napatingin ako kay Kaizer at itinakip na naman nya yung likod ng kamay nya sa bibig nya habang namumula sya.

          'Tsk! Gaya-gaya kay Kazehaya! Di hamak namang mas gwapo iyon ano!' sa isip ko habang inis na tinatapunan ng tingin si Kaizer.

          "Sitti okay ka na ba talaga?"

          Napatingin ulit ako  doon sa may pintuan, kay Kris.

          "Oo." matipid na sagot ko.

          "Kung ganoon, pwede ka na sigurong sumali sa activity natin ano?"

          "Anong activity?"

          Oo nga pala. Nasa retreat kami. May mga "activity". Tsk! Pwede bang i-excuse yung may damage sa mukha sa activity ng retreat at wag isasali sa lahat ng activity sa retreat habang buhay?

***

          "For our first activity for today, we will play tug of war!" masayang sabi ni Ma'am sabay wagayway pa nung flag na hawak nya.

          Hindi naman sya tuwang-tuwa sa laro namin ano?

          "Each team will compose of sisx members again. Only this time, one of your groupmates will play on the team of your enemy and vice versa." sabi ni Ma'am saka in-explain sa amin kung paano lalaruin yung tug of war.

          Noong una, tinanong ako ni Ma'am kung kaya ko na ba talaga. Gusto ko mang sumagot ng hindi pa kaya lang yung bibig ko walang pakisama at nagsalita ng katotohanan.

          Alam nyo, laking pasalamat ko na lang na miraculously, walang gasgas yung mukha ko. Dumugo lang yung ilong ko. Buti na lang talaga! 

          Alam nyo na naman siguro yung larong tug of war di ba? Ito yung larong maghihilaan kayo gamit yung isang mahabang lubid. Kung sino yung mas malakas humila, sila yung mananalo at matatangay pa nila yung mga talo pabagsak sa lupa.

          Lupa. Bagsak. Na naman. Nakakainis! Mabuti na lang at sa damuhan kami maglalaro ngayon at hapon na. Hindi mainit. Okay na din maglaro ng tug of war.

          Hindi ko sinasabing gusto kong maglaro ng tug of war huh? Sinasabi ko lang na okay maglaro sa hapon kasi hindi mainit. Iyon lang!

          "Para sa magiging team leader."

          Ayan na naman sila sa bunutan-bunutan na yan! Alam nyo ang nagustuhan ko lang sa laro na 'to, nalipat sa kabilang team si Margaret. Di ba nga magkakagroup kami nila Kris, Kaizer, Mobi, Patty at Margaret? Kaya lang, sa kinaswerte-swerte ko, si Margaret yung napili na malipat sa kabilang team na makakalaban namin.

          Todo dabog nga sya kanina eh! Paano mahihiwalay sya sa Prinsipe nyang si Kaizer. Pero bandang huli, walang nagawa si Margaret kundi ang sumunod sa utos ng Prof namin.

          "Margaret Torres for Team A."

          Nako! Kawawa yung magiging team leader sa amin! Panigurado kakawawain iyon ni Margaret kapag hindi kami nagpatalo sa group nila.

          Si Margaret pa?!

          "For team B..." sabi ni Ma'am habang bumubunot ng isa sa mga pangalan sa team namin.

          'Sana si Kaizer mabunot para manalo kami. Pwede din si Patty o di kaya si Kris. Manyakin nya lang si Margaret mananalo na kami—'

          "Felicity Sanbdoval for Team B."

          Napalingon ako sa mga kasama ko. Wala pa kasing kumikilos sa kanila. Sarap pagsabihan ng mga 'to na: "Hoy! Leader daw! Labas na! Kakalabanin nyo daw si Marga—"

          Teka! Felicity Sandoval.

          Ako iyon ah?!

          Ako yung leader?!

          "Lumapit sa akin iyong dalawang leader."

          Napatingin ako kay Margaret na naka-mataray post na. Cross arms, taas ang isang kilay at ang talim ng mga mata.

          Napalunok tuloy ako ng wala sa oras.

          Nasabi ko na ba? Na yung leader ang pupwesto sa unahan ng pila? Na yung leader ang unang hahalik sa lupa oras na mahila sila ng mga kalaban?

          At nasabi ko na din ba na limang matatangkad na lalaki yung kasama ni Margaret sa kabilang team?!

          Gusto kong humiling na lamunin ako ng lupa para matapos na ang paghihirap ko sa araw na 'to.

          Ano ba tadhana?! Bakit ba pilit mo akong nilalapit sa kapahamakan?! Kay Margaret?!

          "I expect a clean fight alright?" sabi ni Ma'am.

          "Sure Miss." mabilis na sagot ni Margaret saka nya ako tiningnan mula ulo hanggang paa tapos ngumiting tagumpay sya sa akin.

          Ilang beses akong napalunok.

          Paniguradong magiging kawawa na naman ako sa kamay ni Margaret.

          Akala ko ba retreat 'to? Di ba ang retreat dapat nagpapabuti ng tao?

          Eh bakit nila sinama si Margaret?!

          Bakit?!

LEAVE COMMENTS PO. Salamat.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

11.2M 187K 34
Georgina is homeless and broke, and her ex-boyfriend came to her rescue by letting her temporarily stay in his house. But with the two of them living...
13.3M 640K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
230K 4.4K 44
COMPLETED. MFBB SEQUEL MY FLOWER BOY BROTHER (BOOK 1 ans 2) IS NOW AVAILABLE AT PRECIOUS PAGES STORE FOR ONLY 119 PESOS :) Grab your copy now :) Pa...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.