Once upon a STRANGER (lesbian...

By Hazelnot

548K 6.2K 1.3K

Ito ay storya tungkol sa dalawang taong nagkakilala ng dahil wattpad, si Clarice at si Andrea. It is a bisexu... More

Nothing but something...
Prologue
Ang Simula... (First Chapter)
Messages... Chapter 2
Smiles... Chapter 3
Happy Birthday... Chapter 4
I'm interested in you... Chapter 5
Attraction?... Chapter 6
Surprise! Chapter 7
We miss you! Chapter 8
What did you do to me? Chapter 9
AN :)
Picture! Chapter 10
Getting to know! Chapter 11
Sino ka? Chapter 12
Welcome back JILL! Chapter 13
Coffee Shop... Chapter 14
Andrea Catrine... Chapter 15
Phone Call.... Chapter 16
Saan kaya siya pupunta? Chapter 17
Adventure! :) Chapter 18
I know you! :) Chapter 19
I'm so careless! Chapter 20
Facebook Friends... Chapter 21
Sorry... Chapter 22
Guilty? Chapter 23
Magkita tayo! Chapter 24...
Disappointed! Chapter 25
AN
Can we talk? Chapter 26
Bistro Night... Chapter 27
Market Day... Chapter 28
I don't know why... Chapter 29
Wondering why... Chapter 30
Shayne's POV... Chapter 31
Hindi ko na alam... Chapter 32
This is WHY... Chapter 33
She still makes me smile! Chapter 34
Wattpad User... Chapter 35
Breakeven... Chapter 36
What do I feel? Chapter 37
I have something to say... Chapter 38
Pupunta ba ako o hindi? Chapter 39
Part 1... Chapter 40
Part 2... Expect the Unexpected... Chapter 41
Love is a choice... Chapter 42
Text Conversation...Chapter 43
Talking about... Chapter 44
Date? Chapter 45...
Lego House... Chapter 46
Gusto kita... Chapter 47
Kiss sa cheeks... Chapter 48
Ian? Chapter 49
Shayne... Chapter 50
Letter... Chapter 51
Ian's POV... Chapter 52
Jill...ian... Chapter 53
Unlimited Pain... Chapter 54
You like her... Chapter 55
Love and Pain... Chapter 56
Nikka... Chapter 57
What's her reaction... Chapter 59
Once Upon A Stranger... Chapter 60
Sino Si Andrea? :)
AN
I miss this!

To: Miss Author... Chapter 58

4.3K 92 49
By Hazelnot

"Yung kahit gaano ka pa kagaling magpayo, kapag ikaw na mismo ang may problema, hindi mo na din alam ang gagawin mo." 

Ang tagal ng update ko. Wala kasing net sa pinanggalingan ko. :) Pero sana maging worth it naman yung paghihintay niyo. Maraming Salamat guys! 

-Hazelnot

Chapter 58

Clarice POV

Kasama ko yung kaibigan ko ngayon. Nililibot ko sila dito sa min. Maganda na din to para kahit paano ay nalilibang ako. Mas okay na ko, simula nung nagkausap kami ni Nikka. Isang linggo na din ang nakakaraan mula nung nagkausap kami. At masasabi kong unti-unti ay nakakamove on ako.

“Dahan dahan sa pagmamaneho dude!” Grabe talag tong si Lorre. Masyadong kabado eh. Ang bagal bagal ko na ngang magpatakbo eh.

“May lakad ka bang iba Clar? Nagmamadali ka ata eh! Haha.” Isa pa tong si Pat. Tsk.

“Kung kayo na kaya ang magdrive. Hahaha.” Lakas mangasar ng mga to!

“Kung malungkot ka, wag mo kaming idamay sa kabilang buhay! Hahaha. Joke lang Clar! Baka maasar ka na naman dyan! Haha.” Kakaiba talaga bumanat tong si Nikka laging doble meaning! Psh.

Huminto kami para magcr at magpagasolina. Yung iba eto kasama kong nakaupo at nagyoyosi. 9 kasi kaming lahat, kaya eto no choice, ako ang driver nila, tour guide na din! Haha.

1 Message

From: Unknown Number

-Hey I have to unfriend you sa totoo kong facebook, sorry

-_____- Ganyan ang naging reaction ko. Then napaisip ako.

“Sino to?” Tanong ko sa sarili ko.

“Hoy bakit bigla ka na namang napakunot dyan? Sino ba yang katext mo at parang nagbago yang mood mo? Hahaha.” Tanong ni Jc.

“Ah wala, may nagtext kasing unknown number. Hindi ko naman kilala.”

“Kaya nga unknown diba? Hahaha” Biglang banat netong si Pat. -___-

Oo nga naman. Tsk. Napaisip tuloy ako kung sino to. Matagal kong tinitigan yung number bago ko pa sungitan. Familiar kasi, pero hindi ko talaga maalala.

O_______O

All of a sudden bigla kong naalala kung sino nga ba yung nagtext sa kin.

Si Andrea.

Naalala ko, dinelete ko pala yung number niya. Pero minemorize ko din naman. -___- Hay ganyan naman eh. Habang nagmomove on ka, idedelete mo yung mga text niya, pati number niya, pero memorize naman pala. Tsk.

To: Andrea

-It’s okay… -____-

Sa totoo lang hindi ko alam yung magiging reaction ko. Almost two months siyang hindi nagparamdam tapos magtetext siya ng ganyan? Tsk. Hindi ko magets yung point.

From: Andrea

-Tampo ka? :)

Hindi naman ako nagtatampo. Nainis lang ako. Pero wala naman akong magagawa. Mas okay na din siguro yun. Para mabawasan na yung communication naming dalawa. Siguro gusto na din niya akong idelete sa buhay niya. Ang bitter ko pa din. -___-

To: Andrea

-I know you have reasons. I guess its valid. So the answer is No.

Kung ano man yung dahilan niya, hindi ko na tinanong pa. Para sa kin kasi, there are some things in life that’s better left unsaid. Mas magandang hindi mo na lang alam, para hindi ka masaktan.

Andrea’s POV

Sana hindi magtampo si Clarice sa kin. Hindi ko naman gustong idelete siya sa totoong account ko sa facebook. Kaso kasi madali akong mahahanap ng ibang tiga watty dahil friend ko din siya sa Facebook ko na pang watty.

Alam ko namang maiintindihan niya, kahit na hindi na ako magexplain.

To: Clarice

-Yehey.

Natuwa naman ako dahil sabi niya okay lang daw sa kanya. Hirap din kapag alam mong may nagtatampo sayo. Mabigat sa damdamin, nakakadurog ng puso.

“Baby, este bes na lang pala. Hahaha. Kain na tayo gutom na ko! :)”  Nangttrip na naman tong si Jillian. Wala kasi siyang magawa kaya eto nanggugulo siya dito sa condo.

3 weeks lang naging kami ni Jillian. Mahal namin ang isa’t isa pero masasabi kong hindi talaga ako yung taong pwede sa isang relasyon. Ewan ko ba, nagbabago ako kapag taken ako. Pagbabago na hindi maganda kaya naman kapag may chance akong humiwalay ginagawa ko na.

Mahal ko si Jillian kaya ayoko siyang mas masaktan. Hindi niya deserve ang isang tulad ko. Kaya mas pinili ko na lang yung friendship namin.

Sa kanya din naman galing na baka attachment lang yung naramdaman niya, at baka nadala lang kami sa tagal ng pagsasama namin. Kaya nga okay kami ngayon.

“Whatever Bes! Tara kumaen na lang tayo. Gutom lang yan! Hahaha.”

Pagkatapos naming kumaen, tumayo ako para kunin yung pinagkainan namin. At dahil siya ang nag prepare ng food, ako naman ang magaayos.

Habang naghuhugas ako, nagulat na lang ako ng biglang bumagsak yung mga libro ko.

“Bes sorry. Ayusin ko na lang. ^__^”

“Okay lang! Hindi mo na kelangan pang magsorry pa. Haha.”

Pagkatapos kong maghugas, ay hindi pa din tapos magayos si Jillian. Ang dami kasi nung natabig niya na gamit ko, kaya eto tinutulungan ko siya.

“Bes, hindi mo pa din binabasa to?” Napatingin ako sa hawak ni Jillian. Isang envelope, hindi ko alam kung ano yun.

“Ano ba yan?”

“Basahin mo ng malaman mo.” Tinaasan ako ng kilay ni Jillian saka niya inabot yung envelope na hawak niya.

To: Miss Author

From: Clarice

O______O

Tinago ko to dati dahil mas pinili kong hindi na lang malaman pa ang nakasulat dito. Pero eto nasa harapan ko na ulit.

Ilang minuto ko ng hawak tong sulat, pero hindi ko pa din binubuksan.

“Basahin mo na yan bes, I think its time.”

Hay. Wala naman sigurong mawawala kung aalamin ko kung ano mang nakasulat dito.

And then I open it…

Hey kiddo! :) Weird ba na makatanggap ng isang letter galing sa kin?  Alam kong hindi mo to ineexpect. Hindi ko nga alam kung pagtya-tyagaan mong basahin to, alam ko din naman na wala lang sayo to.

Hindi ko alam paano ko to sisimulan, hay. Naalala ko, nung mga panahong reader mo pa lang ako. (Kahit hanggang naman reader pa din ako ng mga ginagawa mo.) Masyado akong na-hook sa story mo, which is unusual para sa kin. To the point na pati sayo ay naging interesado ako.  Nag simula akong i-message ka dahil na-curious na ko sayo. Sa taong nasa likod ng storyang binabasa ko. At sa halos araw araw nating palitan ng messages, unti-unti, sa mga pag susungit mo, nakuha mo ang atensyon ko.

Nung una tayong magkita, akala ko, yun na ang last. Kasi naman diba, ang sungit sungit mo sa kin. Pero mali ako. Natutuwa ako nung masundan pa yun ng isa pang pagkikita. Sa mga panahong nakakatext kita, sa mga panahong nag susungit ka, alam ko sa sarili kong may nabuong isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

Naalala mo dati tinanong mo ko, sabi mo sa kin, “Kung mean ako, bakit mo ako pinagtitiisan” at ang sagot ko sayo, “Ewan ko hindi ko alam. Maybe I find something in you, kaya kahit mean ka, nagtitiis ako.” Well the truth is hindi ko alam kung kelan ko unang naramdaman, kung kelan ko nasigurado, pero kasi sobrang ramdam na ramdam ko na.

Naalala mo ba nung nagsabi ako sayo na gusto kita? Totoo lahat ng sinabi ko. Pero dahil sa mga reaction mo, sa mga sinabi mo, kinailangan kong daanin sa biro. Kaya mas pinili kong magli-lo sayo. Pati nga sa story kong ginagawa about sayo, nagli-lo din ako.

Masakit dahil sa harap harapan mong pag sabing hinding hindi mo ako magugustuhan. Na hindi ako yung taong mamahalin mo. Na magiging  one sided love lang kung sakali. Sino ba namang taong gustong ma-reject ng taong mahal nila? I guess wala naman diba?

Alam kong may mahal kang iba. Pero hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko. Hindi ko akalaing lalalim ang simpleng gusto kita. Mula sa simula, hindi ko ginustong mahulog sayo. Pero nangyari na. And what’s ironic is, kaibigan ko ang taong mahal mo, ang taong hinintay mo ng matagal, ang girlfriend mo.

Sobrang sakit. Ang sakit sakit na. Oo, aaminin ko na this time, Mahal Kita. Hindi ko in-expect na mararamdaman ko to. Matagal kong hinintay na masabi sayo to. Hindi ko lang akalaing sa ganitong paraan mo ito malalaman.

Hindi ko ginawa ang sulat na to para guluhin kayo ni Jill. Hindi mo na dapat pang malaman to pero  kinailangan ko lang tong gawin baka kasi sakaling mawala na ang sakit na nararamdaman ko. Kasabay ng pagbabasa mo ng sulat na to ay ang pagpapakawala ko sa nararamdaman ko sayo. Alam kong hinintay mo sya. Alam kong mas magiging masaya ka kay Jill.

Maaring dumaitng ka sa panahong hindi ko inaasahan. Dumating ka sa panahong  akala ko’y ikaw na yung matagal ko nang hinihintay. Maaring dumating ka para turuan akong mag mahal at magpatawad. Dumating ka para maging parte ng magiging past ko.

Salamat Andrea. Salamat sa lahat. Dahil sayo, mas naging matatag ako. Hindi ko akaling kaya ko palang magmahal ng walang hinihinging kapalit. Hindi ko ineexpect na kaya kong magmahal kahit na alam kong masasaktan lang ako.

Thank you kasi dahil sayo, nagkaron ako ng isang storya. Storya na nagbaka sakaling akong maging totoo. Na kahit kelan ay hindi na pala mangyayari.

Pinapakawalan ko yung nararamdaman ko para sayo, dahil baka kapag yun ang ginawa ko, hindi ka mawala sa kin.

You’re so important, that I don’t wanna loose. Kaya sana maging magkaibigan pa din tayo. Salamat ulit. :)

-Clarice

Continue Reading

You'll Also Like

263K 4.6K 32
Two hearts, two minds, in time did find one love, one two paths the same. Hold fast. . . and love lasts.
109K 3.4K 28
Highest rank achieve #233 in ROMANCE (4-10-18) Thank you for reading! Sequel
7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
621K 9.7K 55
Bakit ang estorya lage nalang may nagkakabanggaan tapos slow motion magkakatitigan ang mga bida at magagandahan or mapopogian sa isat-isa. O kaya nam...