I'm so careless! Chapter 20

6.9K 86 7
                                    

Alam kong maikli tong chapter na to! I have some works to do kaya yun! :)

 

Nagupdate ako dahil nangulit si Andrea na mag UD na daw ako, no nagDEMAND siya, ay hindi INTUSAN niya ko! hahaha... hoy Andrea namiss kita! :) Thank you ha? :) You know what I mean!

_____________________________________________________________________________

Chapter 20

 

Andrea’s POV

 

Ang daming nangyari sa araw ko. Nandiyang nakapaglinis na ako ng bahay, nakapagluto na ako ng pagkain, nakapaghugas na ko ng plato, nakapag-aral na ko at marami pang iba. Kaso pilit pa ding pumapasok sa isip ko yung sinabi ni Clarice eh. Masaya siya at may kinalaman ako dun?

Ano namang kinalaman ko dun? Wala akong matandaang ginawa para sumaya siya. Minsan nga hindi ko siya nirereplyan eh. Don't tell me natuwa siya dahil dun.

Hindi na ako natutuwa. Sino naman kasing matutuwa sa sinabi niya?! Hindi niya ko pinapatahimik. I hate it when others make me think. Nasasayang ang neurons ko.

Wala naman talaga akong pakialam kung ano man yun. Pero kung may kinalaman sakin, dapat kong malaman.

Maghapon ko na yun iniisip pero hindi ko pa din tinanong sa kanya. Iniiwasan ko kasing kulitin siya. Ayokong isipin niyang masyado akong interisado. Pero ayoko din naman na napapaisip ako ng ganito.

To hell with with that. Tinawagan ko siya.

Calling Clarice…

“HI!!! Bakit?”

 

“Hoy. Ano ba kasi yun?”

 

“Ang alin?”

 

“Yung sinasabi mong masaya ka, at may kinalaman ako dun.”

 

“Hahaha, wala yun!” (Kanina ko pa iniisip tapos wala? Hindi ako naniniwala! I won't settle for that answer.)

“Ano nga kasi?!” (Bakas sa tono ng boses ko ang pagkainis sa kanya. Hindi ko maiwasan eh.)

“Bakit kelangan mo pa malaman?”

 

“Well you said it has something to do with me. So it's only normal if I asked about. Come on, what is it?” (Naiinis na ko. Bakit kasi ayaw pa niyang sabihin. Kung wala pala siyang balak aminin edi sana hindi niya nalang binanggit.)

“Hahaha, easy ka lang Ms. De Guzman!” (For a second, I was shocked. How did she?...)

“Oh my God! Paano mo nalaman yan?” (Paano niya nalaman yun? May nakausap ba siyang isang wattpad user na nakakaalam ng pangalan ko?)

“Basta…haha.” (I hate that answer. It makes me think more than I already have.)

“Paano nga?” (Tumaas na yung boses ko. Hindi na ako nagtatanong. I am demanding for an answer.)

“Wag mo ng alamin pa. Haha!”

 

“May nagsabi ba sayo na wattpad user? Yun lang yung possible way para malaman mo eh. The rest clueless na ako.”

 

“Ok fine! Hindi sa wattpad user ko nalaman! Sa We Chat!”

Napatampal ako sa noo.

How can I be so careless. Bakit ba hindi ko man lang naisip yun? Ang alam ko tinanggal ko na yun eh!

And because of my carelessness, kilala na niya ako. Greaat! -__-

 

Clarice POV

 

Wala akong balak sabihin sa kanya na alam ko kung ano yung buo niyang pangalan.

Nakaplano na kasi yung mga gusto kong mangyari! Naisip ko, gusto ko siyang huntingin.

Hindi ko pala nabanggit na she’s an actress! Sosyal diba? Nagaattend kasi yung ng acting workshop! And kapag may mga play she do some roles in theater sa school nila.

So gusto ko siyang puntahan sa school nila, yung magaabang ako ng play nila, tapos manunuod ako! :) Exciting kaya yun. Gusto ko siyang makita pero hindi pa ako handang magpakita sa kanya.

Umabot na dun yung pagiging stalker ko! Oo, pakiramdam ko stalker niya ko.

Kasi simula nung makilala ko siya, lagi akong naghahanap ng way para makilala siya. Mga simpleng bagay na ginagawa sa wattpad, kahit kanina ko lang nakita yung Facebook niya, ilang beses ko ng inopen, nagtitingin ako ng mga information para malaman ko yung ilang bagay tungkol sa kanya.

Gusto kong malaman kung san siya talaga nakatira, kung ano itsura ng mga kapatid niya, kung anong pangalan  ng mga friends, kung nasa friend’s list niya ba sa facebook yung crush niya! Bakit gusto ko yung malaman? -___-

 

Pero tinigil ko naman na yung pagiging stalker ko mula nung sumuko na ko sa paghahanap sa kanya sa facebook. Nawalan na kasi ako dati ng pag-asa na malaman yung buo niyang pangalan.

Kasalanan ko bang biglang magaappear yung name niya dun? Hindi naman eh. Hindi ko yun sinasadya, pero nagustuhan ko yun. :)

 

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon