Beauty and the Demon

By supladdict

3M 123K 28.5K

(Bloodstone Legacy #2) "Sometimes, it takes a pure and innocent beauty to tame the beast of a demon." Every g... More

Simula
Author's Note
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Huling Kabanata
Epilogue

Kabanata 1

93.2K 2.9K 551
By supladdict


Sino ka?

Hindi ko alam kung ano ang mas masakit sa buhay. Iyon ba 'yong lumaki ka nang mag-isa at walang kasama o iyong may pamilya ka naman pero pakiramdam mo ay mag-isa ka.

Ano man sa dalawa, ang alam ko ay malungkot ako. I always want to be happy. Ngunit masyado sigurong mailap sa 'kin ang kasiyahan.

"Hindi ba dumating si Kamila?" tanong ko kay Lezlie, isa sa kambal na matagal ng nagsilbi sa palasyo. I look around, trying to see a glimpse of Kamila. Tapos na ako mag-umagahan ngunit wala pa rin siya. Dapat sa pagmulat ko ng mata, nakita ko na siya. Iyon ang nakasanayan ko.

"Wala pa po, Mahal na Prinsesa," yumuko si Lezlie. I sighed and ran my fingers through my hair.

"S-sila Nanay at Tatay?" tanong ko. Sandali siyang nag-angat ng tingin upang tignan ako at muling yumuko.

"Magkasama po sila, kasama ang hukbo upang-"

"Hanapin ang kakambal ko." Ako ang nagtuloy. Tipid siyang tumango. Pilit akong ngumiti saka tumango.

"Sige..salamat," I murmured. Tinalikuran ko na siya at lumabas ng palasyo. Mabilis kong tinungo ang hardin at umupo sa upuan na naroon.

Ito lagi. Tuwing umaga, hindi ko na sila naaabutan. Umaalis sila araw-araw para hanapin si Dustin, ang aking kakambal na nawawala. Halos iilan lang din ang naiiwan na kawal dahil dala nilang lahat. Hindi na ako mabibigla kung mapapasok ang kaharian kapag may mga kalaban na sumugod.

I smiled bitterly. They already forget me.

Wala namang problema sa 'kin. I badly want to see my twin brother again. I love him so much. Walang problema kung nangungulila sila sa kaniya dahil maging ako ay ganoon din. Walang problema sa akin kung hanapin nila ang kambal ko. Pero sana naman makita na nila ako. Sana naman mapansin nila ako. At higit sa lahat, sana maalala nila na may isa pa silang anak. Na nandito pa ako, mahal ko sila at miss na miss ko na sila.

I guess, this will be a long day. And I will spend it all alone. I don't have class for today. Araw ng Sabado. I'm homeschooled. Sa totoo lang, ayoko nito. Ayokong dito mag-aral sa bahay. Gusto ko maranasan ang magkaroon ng kaklase tapos makaka-encounter ako ng iba't ibang klase ng teacher. Tapos hindi ako gagawa ng assignment at mangongopya ako sa kaklase ko.

Nababasa ko lamang iyon sa mga libro. But I'm craving to feel that. Gusto ko na kahit minsan, maging normal ang lahat sa 'kin. Dito kasi kapag may klase ako, special treatment. Halos hindi makapag-kunot ng noo ang teacher sa 'kin dahil sa takot sa mga magulang ko. Pero kahit sungitan niya naman ako hindi malalaman nila Tatay at Nanay. And I would love that.

Gusto ko pumasok sa normal na school. Tapos 'yong mga classmate ko ibubully ko tapos ipapatawag sila Tatay at Nanay, tapos papagalitan nila ako at kakausapin! Nanlaki ang mata ko sa naisip. I will try to talk to my parents again. Baka payagan na nila ako.

Napangiti ako at pumalakpak.

Paano ako mang-bubully? Ah, sisipain ko ang kaklase ko o kaya susuntukin sa bibig. Tapos, tapos hindi sila gaganti since I'm their princess!

Humagikhik ako at muling napapalakpak.

"Ang talino ko talaga!" I giggled.

Natigil ako sa pagpalakpak nang lumitaw sa harap ko ang isang bulto. My lips parted and slowly look up. Naagaw agad ng itim na cloak na suot niya ang aking paningin. Umangat pa ang mata ko hanggang dumako ang tingin ko sa kaniyang mukha. Halos matakpan ng hood ng cloak ang kaniyang mukha. Hindi ko 'yon maaninag nang maayos.

"S-sino ka?" I asked. I can't determine if he's a guy or girl. But if I'll look on the body, it is masculine. He's a man.

"What are you planning now, huh?" His baritone voice filled my ear. I shivered. Pakiramdam ko ay namutla ako at nanghina.

"S-sino ka?" Ulit ko. I watch his lips turned into smirk. Lalong nanindig ang aking balahibo at tumayo. He's towering me. Umabot lamang ang eye level ko sa kaniyang dibdib.

"Bakit gusto mong malaman?" He sounds playful. Nakagat ko ang labi.

"Hindi kita kilala. Bakit ka nandito sa palasyo?" Tanong ko.

Kinakabahan ako. Wala man siyang ginagawang masama pero ramdam ko ang dala niyang panganib. Ni hindi ko naramdaman ang presensya niya kanina! Ni hindi ko matukoy kung bampira siya o anong nilalang. All I know is his dark and dangerous aura is something that scares me.

"Beautiful.." he murmured. I froze when his warm palm covered my left cheek. It gently caressed me, na tila hinehele ako.

"S-sino ka? Paano ka nakapasok?" I asked again.

I suddenly want to see his face! Hindi ko iyon maaninag. What if, alisin ko ang hood ng cloak niya? Natigilan ako nang umiling siya.

"You can't do anything against me, lady. Bago mo pa magawa, alam ko na.." Makahulugan niyang saad. Napaawang ang labi ko at umatras. Muling hinuli ng kaniyang palad ang aking pisngi.

What does he mean? Nakababasa siya ng isip?

"Hmm, you can say that.." he gently said. Napalunok ako.

He's not a vampire! I'm sure. O baka naman ito ang kakayahan niya bilang isang bampira? Maririnig lamang ng bampira ang iniisip ng isang nilalang kung ito ang kaniyang mate. Malakas ang koneksyon nila. Pero bago iyon, kailangan muna nilang gawin ang ritwal. Kaya imposible na siya ang aking kalahati.

He smirked again. He's happy because he turned my mind into chaos. Natutuwa siyang marinig na ang gulo ng utak ko. Na marami akong tanong. Well..this is me. Always curious.

"Sino ka?" tanong ko muli. Tumigil sa paghaplos ang kaniyang palad. Ngunit nanatili ito sa aking pisngi.

"Why are you so curious, lady?" he asked. His baritone voice says that how much mature he is. Lumipad ang utak ko sa maraming haka-haka ukol sa kaniyang hitsura. And I want to prove my imaginations, I want to see his face.

"Paano ako hindi magiging curious? E, bigla kang lumitaw rito. I can't even see your face. Sino ka nga ba? Ano ang kailangan mo?" Sunod-sunod ko na tanong. Hindi siya umimik. Ngunit nararamdaman ko ang pagtitig niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa posibilidad na pumasok sa aking isip!

"Kalaban ka ba? Are you here to spy?" Umatras ako ngunit tumama na ang likod ng aking binti sa upuan. Agad akong tumakbo at pumunta sa likod noon kaya nakapagitan na sa amin ang upuan. "Ano? Reveal yourself already!" I hissed. Napalunok ako nang mas bumigat ang kaniyang aura.

Nawala siya sa paningin ko. My lips parted again and look around. But I stiffened when a strong arm caught my waist. It snaked around my stomach and hot breath fanned the side of my neck.

"Hindi ako nakapailalim sa kaharian na 'to para utusan mo, prinsesa. Kahit kailan hindi mo ako mapapasunod. I don't want you and anyone commanding me. I'll do what I want," he firmly said. Suminghap ako ng hangin dahil sa kaba. I can sense the anger on his voice and it's dripping like an acid. Pakiramdam ko ay kaya niya akong durugin habang mahigpit niya akong kinukulong sa kaniyang katawan gamit ang isa niyang braso.

"I'm not anyone's puppet."

I can sense that he wants to be dominant. Always. Ayaw niyang inuutusan siya. I can compare him to those smelly alphas.

"K-kung ayaw mo, e 'di umalis ka dito! Once you're on our territory, you must follow the leaders and I'm one of those leaders!" I replied. Lalong humigpit ang kaniyang braso na nakapulupot sa 'kin. Bumagsak ang tingin ko roon and I notice that his veins are now visible on his white pinkish skin.

He's not really a vampire. O baka katulad ko na half-blooded lamang? Damn, he really makes me curious!

"Am I turning your mind into chaos, lady?" Nanunuya ang kaniyang boses.

"Bitawan mo ako. Pakawalan mo ako! Or-or you'll be killed by our knights!" Banta ko sa kaniya. Ang kaniyang presensya ay nagbabanta ng panganib at ang sitwasyon ko ngayon ay hindi nakakatuwa! Paano kung kalaban talaga siya? He can kill me on a snap!

Kinagat ko ang labi at hinawakan siya sa braso. A foreign feeling immediately enveloped my being.

"Why would I? Give me a good reason, hmm. And mind you, it's the other way around. Hindi nila ako mapapatay.."

Pumikit ako nang mariin at hinigpitan ang hawak sa kaniyang braso. Sunod ay may munting liwanag ang lumabas sa aking palad. Mabilis iyon na lumapat sa kaniyang balat at ang kasunod ko na lamang na alam ay tumalsik ako nang ubod lakas patungo sa kabilang dulo ng hardin.

I felt dizzy. Ang pagtama ko sa mataas at matayog na pader ay nagdulot ng munting biyak dito. Napangiwi ako sa sakit ng likod. It's an excruciating one. My body arched and tried to touch my back.

"Fúck!" I murmured.

"Prinsesa! Liezel bilisan mo! Ang prinsesa!"

Someone came. May mga umalalay sa akin. Unti-unti akong nagmulat at hinanap siya ng aking mata. Nakita ko siya sa kabilang dulo. Tumingin siya sa gawi ko at tanging ngisi ang huli kong nakita bago siya humalo sa hangin.

"Anong nangyari sa'yo, mahal na prinsesa?" They asked. Nagkakagulo sila nang dalhin ako sa kwarto at pinahiga sa kama. Pinikit ko nang mariin ang mata bago pinakiramdaman ang sarili. I'm already fine. Umupo ako at lalo silang nataranta.

"Prinsesa-"

"I'm okay," tanging saad ko. Nag-aalalang mukha ni Lezlie at Liezel ang bumungad sa akin. Jasa likod nila ang iba pang mga kasambahay.

"Anong nangyari? Bakit ganoon an-"

"I'm okay. Please stop worrying," I whispered. Tumayo na ako at iniwan sila. Tumungo ako sa teresa saka sila sinenyasan na lumabas na ng aking kwarto. Nag-aalangan man ay umalis din sila.

I sighed and leaned on the railings.

I suddenly felt emptiness. Parang may kulang. I feel lonely.

I tried to smile saka tumungo sa bathroom. Hinubad ko ang dress at hinayaan na dumausdos iyon pababa. Hubad akong humarap sa malaking salamin. Bahagya akong tumalikod at tinignan ang aking balat na may mga sugat. May ilang dugo ang umaalpas. I sighed again and watch the wounds slowly closing. Unti-unti iyon na gumaling ngunit mabagal kumpara sa mga maliliit na sugat na natamo ko noon.

"Oh! What happened to you my baby Princess!?" Pinanood ko ang biglang paglitaw ni Nanay sa aking likod. Napangiti ako at pinanood siyang hinaplos ang aking likod.

"Does it hurt?" She asked. Concern was laced on her voice. Parang maiiyak pa siya sa pag-aalala. Umalpas ang luha mula sa aking mata habang nakatitig sa aming repleksyon.

"Sobra po Nanay. Sobrang sakit," I whispered. Niyakap niya ako mula sa likod. Napapikit ako at tuluyang naiyak.

Pagmulat ko ay wala na siya. Dapat pala mas ma-enhance ko pa ang kakayahan ko na 'to para mas matagal kong nakasama si Nanay kahit imahinasyon ko lamang. I want to see her like that, really.

Iyong halos maiiyak siya sa pag-aalala sa akin. Iyong sa bawat luha ko ay nandiyan siya para damayan ako. Kaya labis akong nagpapasalamat na may kakayahan ako na ganito.

Pero alam kong mas niloloko ko lang ang sarili ko.

Naligo ako at nagbihis. Maghapon ko silang hinintay. I want to see them and hug them so tight.

Nang dumating ang gabihan ay mag-isa akong kumain. Hinintay ko sila pero alas-nwebe na ng gabi, wala pa rin sila. Napagpasyahan ko na mauna na lang. I'm sure that they already ate, hindi naman papayag si Tatay na magutom si Nanay.

Lumipas pa ang ilang oras at tumuntong na sa hatinggabi. Napatayo ako nang makarinig ng mga boses sa malayo. Napangiti ako at hindi ako nagkamali dahil pumasok na sila nang palasyo. Exhaustion is written on their faces. Ngunit ang kalungkutan ay hindi nakatakas sa akin. And I know why. They failed again, for the thousandth time.

"Nay, Tay!" Bati ko sa kanila at pumunta sa kanilang harapan. Nanay's tired eyes landed on me. I smiled on her. Sabi kasi sa libro na nabasa ko, tanggal ang lahat ng pagod ng magulang kapag nakita ang kanilang anak. I'm just trying.

"Kumusta po?" I asked and stepped forward.

"Wala pa rin.." she murmured. My heart clenched. I wanted so bad to comfort her. Hinaplos ko ang balikat niya at hinalikan sa pisngi.

"Nay, wag ka po mag-alala. Mahahanap din natin siya," saad ko. Pagod siyang tumango at nilampasan ako. Sinundan ko siya ng tingin, kapagkuwan ay humabol sa kaniya. Niyakap ko ang braso niya at hinaplos iyon.

"Nay kumain na po kayo 'di ba? Pero baka gutom ulit kayo. Ipaghahanda ba kita ng pagkain?Ano po gusto niyo?" I smile widely. Ngunit napawi iyon nang dahan-dahan niyang pinalis ang aking hawak mula sa kaniya. Pinilit kong ngumiti kahit sa loob-loob, wasak na wasak na ako.

"Patrisha, pagod na ako."

"Ihatid ko na po kayo sa kwarto niyo. Tapos susuklayan kita ng buhok tapos papanoorin ko kayo matulog ni Tatay ba-"

"Maaga pa kami bukas Patrisha. Huwag ka na makulit, huh? Sige, matutulog na ako."

Nawala na siya sa harapan ko. Kinagat ko ang labi at pinisil ang palad. My eyes landed on the entrance kung saan papasok pa lamang si Tatay kasunod si Leo. I waved to Leo and smiled on him. He bowed before leaving. Tumakbo ako patungo kay Tatay.

"Tatay! Tatay! Good evening. Gusto mo ba i-massage kita? Hindi ka naman matutulog 'di ba?" I greeted him. Tinignan niya ko saka yumuko para halikan ako sa noo. Sumabit ako sa kaniyang leeg at hinalikan siya nang tatlong beses sa pisngi.

"Tara 'tay?" I feel so excited. He smiled that didn't reached his eyes.

"Matulog ka na, baby. Kailangan ako ng Nanay mo..." He whispered and in a snap, he vanished on my sight.

Kailangan ko rin po kayo..

I sighed and look around. Ang mga kasambahay ay nasa paligid, nakahilera at nakayuko pero alam ko na alam nila ang nangyari. Kumunot ang noo ko.

"Hala! Sige! Magsialis ako. Binibwiset niyo ako! Hindi pantay ang pila niyo. Dapat bukas pantay kayo kung hindi, papaalisin ko kayo! Hmp!"

I mixed on the air and in the blink of an eye, I'm already inside my room. Tumungo ako sa teresa at napangiti nang makita ang kulay pulang rosas. It's so dark at lalong tumingkad ang kaputian ko nang hawakan ko 'yon.

Gusto ko umalis bukas para hanapin nila ako at maalala na anak din nila ako. Ang kaso, nagtatalo sa isip ko ang mga bagay-bagay. Kapag nangyari iyon, I will just another burden. Dagdag hanapin lang ako pero baka hindi naman kasi hindi naman nila ako hinahanap. Katulad kanina, ako ang nag-approach. Noong ibang pagkakataon, nasa kwarto ako pero hindi rin naman nila ako inakyat.

Then, I will go out because I want. Hindi para magpapansin kung 'di dahil gusto ko makahinga. Para magpahinga. Para magsaya kahit papaano.

I'm excited for tomorrow.

*******
Thank you for reading this. I hope for your support 'til the end. Love lots <3

Fb Group: Supladdict's Stories
Fb Acc: Shainette Retona (Supladdict WP)

Supladdict<3

Continue Reading

You'll Also Like

652 52 40
Marley Fernan, a scholar girl in Constellation University. She's part of detective club because she wants to be a detective in the future. Her soft f...
205K 11.5K 48
One accident greatly changed her reality. She thought she was going to die for sure, but strangely enough, she survived. But what awaited her was so...
Chasing Red By MISSL

Teen Fiction

193K 2.9K 59
~She belong's to Him. @2015 @MissLStories
1.4M 72.4K 45
Bloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na es...