High School Zero

By Alesana_Marie

5.9M 193K 48.5K

Tammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood f... More

Copyright
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter 3.5
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Extra #1
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Extra #2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Character List
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Author's Note

Chapter Twenty-Three

88.9K 3.1K 923
By Alesana_Marie

Chapter Twenty-Three

"Tammy, bili tayong ice cream!" turo ni Willow sa ice cream stand kung saan umaabot ng ten scoops ang ice cream. Ang ibang mga bumili ay nahirapan kainin ang ice cream sa cone. Naakit si Willow sa iba't-ibang kulay ng flavors. "Bili tayo ng rainbow flavor!"

Kumislap ang mga mata ni Tammy sa narinig. Nakalimutan na yata ni Willow ang pagd-diet nito. Mabilis na tumango si Tammy at kaagad siyang hinila ni Willow sa pila.

"Hwaa!" tuwang tuwa na sabi ni Willow habang nakatingin sa kanyang ice cream. "Ang ganda!" Kaagad nitong inilabas ang cellphone upang picture-an. Matapos non ay nagpakuha sila ng litrato ni Tammy sa isang babaeng dumadaan.

"Kainin mo na yang ice cream mo," sabi ni Tammy habang kumakain ng ice cream. Pareho silang may seven scoops ng ice cream.

"P-Pero... hindi kaya ako tumaba?" nag-aalalang tanong ni Willow.

Tinignan ni Tammy ang kaibigan. Hindi nito inaalis ang tingin sa ice cream. Mukhang kaunti nalang ay tutulo na ang laway nito.

"Gaano na ba katagal simula noong huling beses ka na kumain ng ice cream?"

"Umm..."

"Kainin mo na 'yan."

"Sige na nga! Pinipilit mo ako e."

Ngunit bago pa man matikman ni Willow ang ice cream niya ay may bumangga na sa kanilang isang lalaki.

"Shit! My shirt!" reklamo ng lalaking nakabangga ni Willow.

"Ow!" sabi ni Willow habang nakatingin sa nalaglag niyang ice cream sa semento.

"Tatanga-tanga! Hindi tumitingin sa daan!" galit na sabi ng lalaki habang nakatingin sa white shirt nitong mukhang nasukahan na ng rainbow ngayon.

"Bakit, tumingin ka rin ba?! Mas stupid ka pala e!" galit na sabi ni Willow. Napikon siya dahil sa nasayang niyang ice cream. Ni hindi pa niya iyon natitikman!

"Sumasagot ka pa!" Biglang tinulak ng lalaki si Willow. "Baka iniisip mo'ng hindi ako pumapatol sa babae!"

"Kyaa!"

Naging mabilis si Tammy sa pag-salo sa kaibigan. Kung hindi niya ito nahawakan sa braso, malamang ay bumagsak na ito sa semento at nagkaroon ng pasa.

Dumilim ang mukha ni Tammy at tinignan ang lalaki. Nasa five feet at ten inches ang tangkad nito at malaki ang katawan na mukhang nahubog sa gym. May piercings ito sa kilay at mga tenga. Sa tingin palang nito ay mukhang hindi na ito gagawa ng mabuti.

"Tammy..." mukhang maiiyak na sabi ni Willow.

Itinago ni Tammy ang kaibigan sa kanyang likod at hinarap ang lalaki. Halata na pakay nitong guluhin silang dalawa. Malawak ang daan sa shopping district. Bakit sila nito binunggo? Ano ba ang pakay nito?

Tinignan si Tammy ng lalaking nakabunggo ni Willow. Hindi nito ipinahalata ang gulat. Hindi nito akalain na mas maganda pala ang babae sa malapitan. Kaagad nitong ikinumpara kay Rinka ang dalaga. Mas maganda sana kung pareho niyang makukuha ang dalawa. Pero mukhang ayaw dito ni Rinka kaya inutusan siyang bigyan ng leksyon ang dalawang ito.

***

"Boss, ano na ang plano?" tanong ni Bo kay Banri habang kumakain ng banana cue na nasa stick.

Naglalakad silang tatlo kasama si Gun – ang beta – sa shopping district matapos tumambay sa bilyaran. Ilang araw na silang tumatambay sa bilyaran para makuha ang atensyon ng mga taga Blackridge Hill. Ito ang misyon na ibinigay sa kanila ng kanilang King.

At sa wakas ay nag-tagumpay din sila! Ang kaso nga lang ay hindi nila alam kung paano sasabihin sa King nila ang magandang balita. Hindi ito nagbigay ng cellphone number sa kanila.

"Maghintay tayo sa lunes," sabi ni Banri na kumakain ng grilled corn na nasa stick.

"Boss, mag-celebrate naman tayo!" sabi ni Gun na may kinakain na mahabang stick ng breaded isaw. "Magpakain ka naman boss!"

"Oo nga, boss! May bagong bukas na kainan, masarap don!" segunda ni Bo.

Lumabas ang mga ugat ni Banri sa noo.

"Wala na ba kayong ibang inisip kung hindi ang lumamon?! Kanina pa kayo kain nang kain! Lahat na binili ko, kulang parin?! Ubos na ubos na ang laman ng wallet ko!" inis na tinignan ni Banri ang dalawa.

Simula nang mag-umpisa sila sa misyon nila, palaging nauubusan si Banri ng pera dahil sa dalawa. Bukod sa pagkain ng mga ito kinailangan din nilang makipag-pustahan sa bilyaran. Siya na ang gumastos ng lahat! Hindi niya alam kung bakit palaging walang pera ang dalawang kasama niya. Kahit na may mga girlfriends ang mga ito, hindi yata tama na hindi magtira para sa sarili.

Nang sabihin niya iyon sa dalawa ay bigla siyang nakakuha ng awa mula sa mga ito. Tinapik tapik ang kanyang balikat at sinabing; 'Hindi mo naiintindihan, Boss.'

Pero bukod sa nauubos niyang pera, mas kinatatakutan ni Banri ang Tatang niya. Lagot talaga siya kapag nalaman nito ang ginagawa niya.

"Hehe. Boss naman," tawa ni Gun. "Chill ka lang, hindi ka naman mabiro."

"Uy, boss si King 'yon ah!" sabi ni Bo na nakaturo sa kabilang sidewalk.

Tumingin sa direksyon na itinuturo ni Bo sina Gun at Banri. Nakita nila si Tammy na may kasamang isang babae at may kaharap na lalaki. Mula sa malayo ay kitang kita nila ang mapang-asar na mukha ng lalaki.

"May gulo yata..." sambit ni Gun.

"Binubully ba si King?" tanong ni Bo, hindi niya alam kung matatawa o maiiyak sa nakikita. Sino ang magtatangka na i-bully ang King nila? Siguro ay sawa na itong mabuhay!

"Uy, Boss! Kaya na ni King 'yan!" sabi ni Gun ngunit hindi siya pinansin ng lalaki.

Mabilis na pumunta sa kabilang sidewalk si Banri. Nakita na niya noon ang lalaking kaharap ni Tammy. Kung hindi siya nagkakamali, leader ito ng isang gang sa distrito nila.

"King," tawag ni Banri kay Tammy. Tinignan siya ni Tammy saglit at tinanguan bago muling tignan ang kaharap nito. Lumipat ang tingin ni Banri sa lalaki. "May problema ba rito?"

"Sino ka naman?" maangas na tanong ng lalaki saka tinignan si Banri mula ulo hanggang paa. Ngumisi ito. "Pwede bang hwag kang makialam?"

Hindi sumagot si Banri at tinignan lang nang seryoso ang lalaki. Nangamoy away kaya naman hindi napigilan ng ilang tao na makiusyoso.

"Boss!" tawag nina Bo at Gun nang makalapit. Tumayo ang mga ito sa likod ni Banri at binigyan ng masamang tingin ang estranghero - habang kumakain.

'Boss?' saisip ng lalaki. 'Boss ba ito ng isang gang? Kapag nga naman minamalas ka.'

Nakita nitong hindi naaayon sa swerte niya ang nangyayari. Hindi nito alam kung gaano kalakas ang gang ng mga ito. Naisip nitong umalis nalang. Sa susunod nalang nito guguluhin ang dalawang babae para makabawi kay Rinka.

Tumingin ang lalaki sa dalawang babae. "Maswerte kayong dalawa, nagmamadali ako. Sa susunod, mag-iingat kayo sa babanggain ninyo. Baka hindi na kayo swertehin sa susunod." Naglakad na ito paalis.

"Ang yabang non, ah! Gulpihin na natin, Boss!" suhestyon ni Gun.

Kaagad na umalis ang mga tao sa paligid nang makitang walang gulo na mangyayari.

"King, ginugulo ka ba non?" tanong ni Banri. "Gusto mo bang—"

"Hwag na Banri, salamat." Madilim parin ang mukha ni Tammy habang nakatingin sa palayong lalaki. Sa susunod na makita niya ito, hindi na niya palalagpasin ang ginawa nito sa kaibigan niya. Lumipat kay Willow ang kanyang tingin. "Okay ka lang?"

Tumango si Willow sa kanya. "Tammy, sino sila?"

"Schoolmate."

Tumango tango si Willow. Nang muli niyang tignan si Banri, bigla niyang naalala kung sino ito.

"Oh!" sabi niya sabay turo sa mukha nang nagulat na si Banri. "Diba ikaw yung tinalo ni Tammy sa laban para maging King?! Wow! Mas mukha ka palang siga sa malapitan! Kumusta na yung ilong mo? Sumasakit pa rin ba? Ang tigas kasi talaga ng ulo ni Tammy e. Hahaha!"

"Pfft!" Nagpipigil ng tawa sina Bo at Gun sa likod ni Banri.

Bigla namang namula ang mukha ni Banri sa naalala. Isa iyong sore spot para sa kanya. Hindi lang siya naisahan at natalo ni Tammy, dahil din doon kaya siya nabugbog ng Tatang niya. Hindi na niya iyon gusto pang maalala ulit.

Umubo si Banri at tumingin kay Tammy.

"King, nakakuha na kami ng black card."

Nagliwanag ang mukha ni Tammy nang marinig iyon. Maaari na silang makapasok sa Blackridge Hill!

"Kung ganon—" naputol ang sasabihin ni Tammy nang may lumapit sa kanilang babae.

"Banri!" sabi ng isang matangkad at magandang babae saka umakbay sa lalaki. Ang mga mapanuring mata nito ay kaagad na napunta kina Willow at Tammy. Bigla nitong sinakal sa leeg si Banri gamit ang braso nito. "Sinasabi ko na nga ba may inililihim ka sa amin! Ipakilala mo naman si Ate sa ka-date mo!"

Ka-date?!

"Ate, a-ano'ng ginagawa mo rito?!" kinakabahan na tanong ni Banri.

Tumawa ang babae at tumingin kina Willow at Tammy. "Bakit hindi kayo mag-dinner sa restaurant namin. Libre ko kayo."

Nang marinig nina Gun at Bo ang salitang libreng pagkain kaagad na nagningning ang kanilang mga mata. Pinunasan nila ang kanilang laway sa bibig at kaagad na sumagot.

"Gusto namin! Gusto namin!" sagot ng dalawang lalaki.

Sinamaan sila ng tingin ni Banri. Hindi pa ba sapat ang mga ipinakain niya sa mga ito?!

***

"Ano?! May dinalang babae si Banri sa restaurant?!" ang gulat na tanong ng Tatang ni Marin nang sabihin niya rito ang nangyari. "Maganda ba? Ano'ng hitsura?!"

Masayang sumagot si Marin. "Sobra! Mukha pong mga anghel, Tang!"

Napahampas ang lalaki sa hita sa saya. "Aba'y napagaling pumili! Nagmana talaga sa'kin ang anak ko! Kwakhakhak!" tawa ng lalaki at halatang sayang-saya. Sa napaka-tagal na panahon ay ito ang unang pagkakataon na may lumapit na babae sa anak niya.

"Ano pa ang ginagawa natin, puntahan na natin sila! Kailangan kong magpakilala sa magiging manugang ko!"

"Tang, magpalit ka muna ng damit! Kanina mo pa suot 'yan," paalala ni Marin sa ama. Siguradong pinagpawisan ito sa pagtuturo sa mga nagt-training mag-boxing.

"Tama ka! Mauna ka na, asikasuhin mo silang mabuti," masayang bilin nito sa anak.

"Yes po, Tang!" sagot ni Marin saka umalis sa gym at pumunta sa katabing chicken and barbeque restaurant ng pamilya.

***

"Boss, bakit naman hindi mo sinabi na sa inyo pala itong restaurant?" manghang tanong ni Gun.

"Oo nga Boss. Edi sana palagi kaming nandito," dugtong ni Bo.

Inis na tinignan ni Banri ang dalawa. "Kung sinabi ko baka nalugi na kami dahil siguradong magpapalibre lang kayo ng pagkain sa akin!"

"Woo! Kuripot mo naman Boss."

"Sobra ka Boss, hindi naman kami ganon."

"Hindi naman kami patay-gutom, Boss."

'Kuripot?' Daig pa niya ang nagpakain ng mga batang kalye sa dami ng nagastos niya sa pagpapakain sa dalawa!

Hindi na pinansin ni Banri ang mga ito. Natuon ang atensyon niya sa dalawang babae na kasama nila. Paano niya ipapaliwanag na hindi naman niya ka-date ang mga ito?! Siguradong nasabi na ng Ate niya sa Tatang nila na may kinatagpo siyang babae kanina!

Sinilip niya ang reaksyon ng dalawang babae sa tapat niya. Nakangiti ang kaibigan ng King nila, may sinasabi ito kay Tammy. Wala naman expresyon ang mukha ng King.

'Hwag lang sanang lalabas si Tatang.'

"Banri, naka-order na ba kayo?"

"Oo Ate," sagot ni Banri sa Ate Marin niya.

"Hintayin nyo lang iyon. Ibinilin ko na sa kitchen na unahin ang orders ninyo." Lumipat ito ng tingin sa dalawang babae. Kumislap ang mga mata nito.

"Te, si Tatang nasaan?"

"Nasa gym."

"Ahh." 'Mabuti. Hwag na siyang lumabas doon.'

"Pupunta raw siya rito mamaya para makilala ang mga kaibigan mo," nakangiti nitong sabi saka umalis.

'Pupunta si Tatang?! Hwag na siyang pumunta!' Kahit kailan ay hindi ito naging interesado sa mga kaibigan niya. Nakaramdam siya ng takot. Siguradong iba na ang iniisip nito!

Hindi nagtagal ay dumating na ang mga pagkain sa mesa nila. At sakto na narinig ni Banri ang pagdating ng Tatang niya.

"Kwakhakhak! Kayo pala ang mga kaibigan ng anak ko!"

Muntik nang maibuga ni Banri ang iniinom na tubig nang makita ang ayos ng Tatang niya. Nakasuot ito ng puting polo shirt na may bow tie. Nakapantalon itong kulay itim at leather na sapatos. Nakasuklay palikod ang buhok nitong pinahiran ng gel. Amoy na amoy niya ang pabango nito. Bigla siyang napaubo. May plano ba itong manligaw?!

Naramdaman ni Tammy na nagtagal sa kanya ang tingin ng matandang lalaki. Hindi nalalayo kay Banri ang hitsura nito, ngunit hindi rin ganoon kalapit. Nakuha nito ang mga mata at kilay sa ama. Pinalad si Banri na makuha sa ina ang ilong at labi nito. Malaki ang katawan ng matandang lalaki, buff at mukhang healthy. Mukhang nasa forties ang edad nito.

"Hija, ang ganda ng kulay ng mga mata mo!" puri ng ama ni Banri sa kanya. "Hindi ko tuloy maiwasan na maalala ang kakilala ko na meron ding ganyang kulay ng mga mata! Kwakhakhak! Siya talaga ang nagpasaya ng kabataan ko! Kumusta na kaya ang mortal kong kaaway? Kwakhakhak!"

"Tang, tama na 'yan. Iwan mo na kami," sabi ni Banri sa ama.

"Marin!" tawag ng Tatang saka nag-taas ng kamay. "Dagdagan mo pa ang pagkain nila. Maglabas ka ng dessert!"

Mula sa malayo, sa tapat ng pintuan ng kitchen, nag-okay sign ang babaeng anak nito.

"Kain lang nang kain. Hwag kayong mahiya," masayang sabi nito sa grupo. Kumuha ito ng silya at umupo.

"Boss, ang cool ng Tatang mo!" bulong ni Bo.

"Oo nga Boss, gusto ko nang magpa-ampon!" dagdag ni Gun.

Napailing si Banri sa dalawang inosenteng lalaki. Kung alam lang nila kung gaano kahalimaw ang Tatang niya pagdating sa ring, siguradong babawiin nila ang sinabi nila.

"Kain lang nang kain. Sige lang, hwag kayong mahihiyang um-order," nakangiting sabi ng Tatang sa dalawang babae. Hindi nito pinapansin ang dalawang lalaki na kasama ni Banri. "Ano palang mga pangalan ninyo?"

"Ako po si Willow, salamat po sa pagkain."

"Tammy po, salamat po sa pagkain."

Lumapad ang ngiti ng matanda. "Walang anuman. Tammy at Willow, ang ganda ng mga pangalan ninyo," tuwang tuwa na sabi nito. "Sino pala sa inyo ang mamanugangin ko?"

Biglang natahimik ang mesa nila dahil sa tanong nito. Gusto nang ilublob ni Banri ang sarili sa drum ng tubig dahil sa narinig. Walang kahihiyan ang Tatang niya!



***AN

Kilala nyo ba si Tatang? Kwakhakhak! 

I have a new story. A Taste of Poison. #Fantasy ;)

Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
8K 473 53
Kurt Alonzo, a boy who sees life in a different perspective. Wherein he thinks he can easily control life as he wants. With his wit and intelligence...
1.7K 102 15
(SPIRITUAL SERIES #5 REPENTANCE) "They are now dead, they live no more; their spirits do not rise. You punished them and brought them to ruin. You wi...
4.6K 238 14
A random edits from snowsparksjoviie. p.s. this is not a shop. Walang magrerequest sa akin!