The Destroyer

By littlemissselle

6.6M 81K 23.1K

Black Series II: I'm Casimir Ramirez. Three words, I DON'T CARE. Shut the hell up or I'll destroy you. More

The Destroyer
TD - 1
TD - 2
TD - 3
TD - 4
TD - 5
TD - 6
TD - 7
TD - 8
TD - 9
TD - 10
TD - 11
TD - 12
TD - 13
TD - 14
TD - 15
TD - 16
TD - 17
TD - 18
TD - 19
TD - 20
TD - 21
TD - 22
TD - 23
TD - 24
TD - 25
TD - 26
TD - 27
TD - 28
TD - 29
TD - 30
TD - 31
TD - 32
TD - 33
TD - 34
TD - 35
TD - 36
TD - 38
TD - 39
TD - 40
TD - 41
TD - 42
TD - 43
TD - 44
TD - 45
TD - 46
TD - 47
TD - 48
TD - 49
TD - 50
TD - 51
TD - 52
TD - 53
Epilogue
Black Note
Special Chapter 1: Geoff & Belle
Special Chapter 2: Henry & Desiree
Special Chapter 3: Jeremy
Special Chapter 4: Jericho
Special Chapter 5: Jhaztine
Last Special Chapter: Casimir & Alex

TD - 37

98.4K 1.3K 353
By littlemissselle

CHAPTER 37      

CASIMIR'S POV

"Pucha, 'wag ka ngang ngumingiti ng ganiyan!" reklamo ni Geoff habang naglalaro kami ng basketball.

Kalaro namin ang ilang pinsan ni Geoff at si George na pinsan ni Henry.

"Bakit, gwapo ko ba?" I smirked.

"Ulul."

"Belle!" rinig kong sigaw ng isa niyang pinsan tapos lumingon si Geoff at naagaw ni George sa kaniya ang bola.

"Ay puta," he murmurs. "Madaya kayo! Tangina niyo naman oh!"

Tinawanan lang namin siya. Matapos kaming maglaro ay naupo muna ako sa bleachers. Binuksan ang gym bag ko at nilabas ang tubig ko. Napatingin ako sa kabilang wing ng bleachers at nakita ko ang isa sa mga pinsan ni Geoff, pinupunasan siya ng girlfriend niya ng pawis. Pucha, wala ba 'yang kamay at 'di kaya magpunas ng pawis?

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinignan kung may text si Alex pero wala. Hindi na ako aasang tatawag 'yon, kuripot sa load 'yon. Napasimangot na lang ako.

"Oh bakit, wala bang text ang prinsesa ni Casimir?" pang-aasar ni Geoff.

"Gago sige galitin mo pa dali." dagdag pa nito ni Henry.

Umarte pa siya na umiiling. "Nako, baka naghahanap na ng iba 'yan. Alam mo naman mga babae 'pag nakakita ng gwapo nako!"

Sinamaan ko sila pareho ng tingin. "Start with me or I'll kick the both of you out of this fucking court, arseholes."

"I really don't get why some girls like temperamental guys." Geoff threw me his sweaty towel.

"Bullcrap!" Hinabol ko si Geoff paikot ng gym. Punyetang 'to, ang baho-baho ng towel niya tapos pawis pa at ihahagis sa'kin!

"Henry tulong naman brad!" sigaw nito.

Sumagot naman si Henry na kakainom lang. "Kaya mo na 'yan, malaki ka na."

"Fuck you!"

"Sorry I only fuck the opposite gender." Kumuha si Geoff ng nakakalat na bola at hinagis kay Henry.

Nang mahabol ko siya ay binuhos ko sa kaniya ang tubig na baon ko, malamig pa rin iyon. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang magmura.

Nagsiuwian na ang mga pinsan ni Geoff at si George. Nasa kotse kami ngayon ni Henry at hindi namin alam kung saan kami pupunta. Nagsasayang lang talaga kami ng gas, mayaman naman si Henry.

"Tara, bar hopping tayo mamaya!" aya ni Geoff.

"Game! No girls allowed," sabi ni Henry habang nagmamaneho.

Tinapik ako ni Geoff sa braso. Nasa backseat kasi siya kaya malaya siyang maglikot, solo niya ang likod. "Ano, game ka?"

I rolled my eyes. "I'd rather stay at home."

"Why are you such a bore? Buti hindi nabo-boring-an sa'yo si Alex. Ikaw, hindi ka ba nabo-boring-an sa sarili mo? Ang boring-boring kaya sa bahay. Ta-..."

I shot him a death glare. "Tangina isa pang boring mo yelo na ibubuhos ko sa'yo."

He gave me a peace sign and a fake laugh. "Joke lang naman. Kung ayaw mo talaga hindi naman kita pipilitin eh. Pero masaya sana kung sasama ka, marami kayang chicks do'n! Iinom, sasayaw, grab a hot girl then make out."

"First, I'm not that desperate to have someone to make out with. Second, what you're saying is my definition of boring. Third, I hate noise. And most of all, I have a girlfriend."

"Naks, loyal." Nakangiti pa ng nakakaloko si Henry habang nakatingin sa daan.

Sasapukin ko sana pero baka mabangga kami so mamaya na lang.

"Grabe, ikaw na talaga mabait na boyfriend... sana lang loyal din sa'yo girlfriend mo." he mumbles. Mahina lang ang pagkakasabi ni Geoff sa huli pero narinig ko pa rin iyon.

No matter how confusing she is, all I have to do is to trust her. I know she's worth the trust. I love her that much.

"Edi sa inyo na lang tayo brad. Tambay." suggestion ni Henry.

"Oo nga para hindi naman boring buhay mo," dagdag pa ni Geoff.

Nilingon ko siya ulit. "Humanda ka na sa yelo mo mamaya."

Pagkarating namin sa bahay, naglaro na lang kami ng xbox. Dito na rin sila nag-dinner at siyempre hindi pwedeng papauwiin ko si Geoff na wala ang yelo niya. Kaya noong nakatalikod siya ay nilagyan ko ng yelo ang likod niya at nagsisisigaw siya. Nagulat pa nga si Manang at akala raw niya kung ano na ang nangyari sa'min.

Kausap ko sa telephone ngayon si Alex.

"Sabihin mo sa kaniya pakamatay na siya." Na-kwento kasi niya na hinahanap daw ako ni Jericho.

I heard her laugh. My favorite sound in the entire world. "Siraulo. O kamusta na ba pakiramdam mo? Wala ka ng lagnat?"

Ilang araw din ako nilagnat at sa mga araw na 'yon, 'di nawala si Alex sa tabi ko. Hindi ko na rin binalak na tanungin siya tungkol kay Jeremy dahil ayokong magsinungaling siya sa akin o 'di kaya ay maging honest siya at sabihin ang totoo... ayokong malaman dahil alam kong 'di ko ikatutuwa ang sagot. Pinapahatid ko na lang siya sa driver pauwi, kasi ayaw niya nga matulog dito sa'min, tapos maaga naman siyang andito sa'min. Sabi nga ni Manang si Alex ang nagluluto ng almusal ko. Natuwa naman ako dahil do'n.

"Okay na 'ko, nakapag-basketball na nga 'ko eh. Sorry 'di kita nasundo ha?"

"Ayos lang 'no! 'Di mo naman ako kailangan sunduin araw-araw. Sinabi na rin naman sa akin ni Geoff 'yung lakad niyo kaya naiintindihan ko."

Kinuwento ko rin sa kaniya ang pag-aaya ni Geoff at Henry na mag-bar. Tumawa lang siya.

"Ano nga pala balak mo sa birthday mo?" I ask. Malapit na kasi ang birthday niya at wala akong maisip na surprise. Hindi naman ako kasing cheesy ng ibang lalaki na napapanuod sa tv o sa movie. Tss.

"Hmm, magta-trabaho." She laughs. "O baka kakain na lang kami ni Axel sa labas."

"Kayo lang? 'Di mo 'ko isasama?"

"Asa ka naman," she teased.

"Ge, ganiyan tayo eh."

Natigil na lang kami sa pag-uusap nang mag-ring ang cellphone ko. Hay leche istorbo naman, nag-uusap pa kami ng girlfriend ko eh.

"Alex, wait lang ah. Tumatawag si Jillian eh," paalam ko.

Si Jillian nga pala, pinsan ko, anak ni Uncle Jerome and Tita Julia. Well, she's 15 and smart too. Binilin nga rin pala siya sa akin ni Uncle. Pumunta rin kasi sila sa England, ni Tita eh.

"Hey, you better make sure na importante ang sasabihin mo," bungad ko sa kaniya.

"Kuya Casimir..." she sound frustrated. At mukhang maingay din kung na saan man siya.

"What?" iritado kong tanong.

"I need you... Oh fuck, don't come near me!"

Ano daw? "What the hell Jillian?"

"Kuya please!"

"Eh na saan ka ba?! Leche!"

"Sa bar..."

Damn it. Anong ginagawa niya sa bar? Tangna, kinse pa lang siya! Paano siya nakapasok... ah yeah, she probably put some makeup and wear high heels. She looks matured, though.

Nagpaalam ako kay Alex na susunduin ko na muna si Jillian. Wala siyang kapatid na lalaki, bata pa ang kapatid niya, that makes her the eldest. At dahil ako ang panganay sa'ming magpipinsan eh sa akin na rin sila binilin. Binilin lang naman hindi sinabing i-baby sit ko. I seriously can't take care of a kid.

Pinuntahan ko na ang sinabi niyang bar kung na saan man siya. Pinapasok naman ako agad, duh, I'm already 18.

Hinanap ko sa dami ng taong 'yon si Jillian. I've been trying to call her pero hindi siya sumasagot hanggang sa may nakita akong commotion. Mukhang may nag-aaway ata? Kahit hindi ako interesado ay lumapit ako, baka sakaling makita ko roon ang hinahanap ko.

And I'm right. May nag-aaway nga na dalawang lalaki sa harap ng pinsan ko. Napa-irap na lang ako sa kalokohang nagaganap dito. Lumapit ako kay Jillian at hinila siya pero napatigil ako sa paglalakad nang may humila sa kaniya pabalik.

Sinamaan ko ng tingin ang pangahas na 'yon. "Get off her." I said in gritted teeth. Seriously, inistorbo nila ang pakikipag-usap ko kay Alex hindi ko sila mapapatawad.

"Sino ka ba ha? This girl is mine."

I gave him an I-don't-give-a-fuck-look. "And this girl is my cousin and we're going home."

"Ah no, no, no. Hindi pa ako tapos sa kaniya."

Lumapit na ako ro'n sa lalaki para tanggalin ang pagkakahawak niya kay Jillian. "Hoy ikaw, ilang taon ka na ba?" I ask.

"20. Teka, anong kinalaman ng edad ko?"

I smirk. "She's just 15, too young for you, isn't it?"

Halata namang nabigla siya. Hindi naman kasi halata sa itsura ngayon ni Jillian. "I don't care; the younger, the fresher."

"Oh yeah? Ito fresh din." And I punch his face.

"Kuya!" hinawakan ako ni Jillian sa siko para lumayo doon sa lalaki. "Tara uwi na tayo."

Tatalikod na sana kami pero hinawakan ako sa balikat nung lalaki at sinapak. Ah puta nakabawi. Kaya sinuntok ko ulit siya at pumutok ang labi niya. Nakailang sapak din sa akin ang gagong 'to bago pa kami awatin ng mga bouncer.

Hinila ko na palabas si Jillian at hindi na ako nag-atubiling pag-buksan siya ng pinto. Aba, nagawa nga niyang pumunta sa bar tapos magbukas ng pinto ng kotse hindi niya kaya? Nang makasakay siya ay pinaandar ko na rin ang sasakyan.

Walang nagsasalita sa amin pero rinig ko ang paghikbi niya.

I took a deep breath. Kahit papaano eh ayaw ko pa ring umiiyak siya.

"Stop crying," I demand.

"Kuya sorry... sorry kung nadamay ka pa."

At dahil diyan sinermunan ko na siya habang nagmamaneho. "Bakit ba kasi pumunta ka ro'n? Ano, 'di ka ba informed na hindi pwede ang minor do'n ha? Tinakasan mo nanaman yaya mo!"

"Akala ko... akala ko kasi makikita ko siya do'n."

"Sino?"

She gave me a seriously-look. "Boyfriend ko malamang! Kaso... ex ko na pala."

Kumunot ang noo ko. "May boyfriend ka?"

Hinampas niya ako. "Kuya naman eh!" Seryoso, 'di ko alam. Ay, wala lang pala talaga akong pakialam. At ayan nag-kwento na siya sa boyfriend niyang higher year. Nakipag-break daw ito sa kaniya at hinala niyang may bago na itong dine-date kaya siya pumunta sa bar para mahuli pero siya ang napag-trip-an ng mga ugok doon.

"Bayaan mo na 'yon. Marami pa diyang iba." Ugh. I suck in giving advice. 'Yan kasi madalas sabihin ng ibang tao, nakikigaya lang ako.

Nabigla na lang ako nang sumigaw siya. "OMG!"

"Ay puta, ano nanaman?"

"Lagot ako kay Ate Alex! Pahiram phone!" Agad niya iyong kinuha, palibhasa kasi nasa may ibaba lang ng radio nakalagay ang cellphone ko. "Ay, passcode."

Nang mag-red light ay inagaw ko sa kaniya ito at tinype ang code. "Ano ba kasing kailangan mo sa cellphone ko? Wala kang load?"

She rolled her eyes then grabs my phone. "I'll call your girlfriend."

Hindi na ako naka-react dahil maya-maya lang ay kausap na niya si Alex. "Hello Ate Alex, it's me Jillian... Yes, ate punta ka sa bahay nila Kuya please... May sugat siya eh. Nakipag-suntukan kasi siya... No! Kasalanan nung guy sa bar. Pinagtanggol lang ako ni Kuya... Yaay, thanks Ate!"

I saw her smiling like a retard. "Stop doing that."

"What? You owe me this one." She smirked.

"Wow ha. Ako pa may utang sa'yo eh ikaw naman may kasalanan kung bakit ako nasapak."

She faked a laugh. "Thanks ulit Kuya!" kumapit pa siya sa braso ko. "By the way, 'wag mo 'ko isusumbong kanila Mommy ha? Pretty please?"

Inirapan ko lang siya. Well, I guess that means yes for her. Tuwang-tuwa siya eh. Pagkarating namin sa bahay eh andoon na agad si Alex sa sala at si Axel na nakatulog.

"Oh nauna ka pa sa'min," sabi ko.

"Eh nag-taxi na kami, nataranta ako eh. Bakit ka ba nakipag-away ha?!" She stood up and went closer to me. Hinawakan niya ang mukha ko at tinignan ang sugat ko. Sus, dumugo lang naman ng kaunti ang gilid ng labi ko eh.

"Tanong mo diyan sa magaling na babae na 'yan," sabay turo ko sa pinsan kong dahan-dahan na umaakyat sa hagdan. Akala mo naman 'di ko mapapansing tinatakasan na niya ako.

Nag-peace sign siya. "Sorry na! Ate Alex sorry!"

"Bakit ba kay Alex ka nagso-sorry eh ako 'yung nasapak?!" sigaw ko.

Tumakbo na lang siya papunta sa guest room. Dito ko na papatulugin baka kung saan-saan nanaman pumunta eh.

Naupo kami sa dining area at doon ginamot ni Alex ang sugat ko, pinabuhat ko si Axel sa maid namin para dalhin sa kwarto ko, sinabihan ko na ring buksan ang aircon para makatulog ng mahimbing ang bata.

"Alam ko uminit ang ulo mo kaya ka nakipag-away." Ayan nanaman siya sermon niya. Kasalanan talaga 'to ni Jillian. Swear, pipingutin ko 'yon bukas ng umaga.

"Eh binabastos 'yung pinsan ko eh alangan namang pabayaan ko lang." Ngumiti siya at diniinan ang pagdampi ng bulak na may gamot. "Aray naman!"

"Ang cute-cute mo talaga!"

"Oh fck. I'm not cute."

"Oo kaya!"

I rolled my eyes.

Pumunta kami sa kwarto, payapa pa rin naman ang tulog ni Axel, ang batang walang malay sa mundo, tusuk-tusukin ko kaya tiyan nito, magalit kaya? At may aasikasuhin daw na mga files si Alex para sa incoming officers kumbaga 'yung papalit sa kaniya.

"Eh may ginagawa ka pala eh pumunta ka pa dito," reklamo ko.

"Sabi kasi ng pinsan mo may sugat ka at napa-away eh siyempre ano ine-expect mong reaksyon ko? Dedmahin na lang gano'n?" Busy siya sa pagta-type, gamit niya ang laptop ko at nakaupo sa study table ko at ako naman eh nakaupo sa kama, sa tabi ni Axel at pinakialaman ko ang laman ng bag niya, wala akong magawa eh.

"Oo." 'Yon naman talaga ang ine-expect ko eh, 'yung wala siyang pakialam sa akin.

Lumingon siya at tinignan ako ng masama. "'Wag mo nga galawin gamit ko."

"Bakit may tinatago ka?"

"Wala." At bumalik na siya sa ginagawa niya. "Nakakahiya lang 'yung gamit ko."

Wala naman pala eh. Anong problema niya? Tss. Mga babae talaga, weird. "Ano ba naman 'to Alex, ang kalat ng gamit mo!"

Humarap siya ulit sa akin. "Kaya nga 'wag mo galawin kasi magulo gamit ko!"

"Bakit kasi 'di ka nag-aayos?!"

"Busy kasi ako!" Hihilahin niya sana ang bag niya sa akin pero naitago ko agad sa likod ko.

"Tapusin mo na 'yang ginagawa mo!"

Umangil pa siya at mahinang nagmura habang nagta-type. Nilabas ko lahat ng gamit niya at ako na ang mag-a-ayos. Not that I am an OC type but I don’t know I just feel like seeing her stuff. "Putek pati ba naman balat ng candy sa bag mo tinatapon?" Hindi siya sumagot pero ramdam kong napipikon na siya.

Pati notebook may dala siya. Ah, checklist niya. Pinasadahan ko ng tingin. Natatawa ako sa ka-kornihan ni Alex, siyempre 'di ko pinahalata. Hopeless romantic naman nitong babaeng 'to.

Ideal guy:
- Matangkad
- Matalino
- Gwapo
- Mabait
- Palangiti
- Friendly
- Gentleman
- Romantic

Lahat ng physical aspects meron naman ako eh. Attitude lang wala. Tss. Pero sa last part nakakainis eh. May nakasulat pang,

"In short, Jeremy Roxas <3"

Tangina ho.

Kinuha ko 'yung pentel pen ko na nasa table lang malapit sa akin at ginuhitan pangalan ni Jeremy, pinalitan ko ng, "CASIMIR RAMIREZ" nilakihan ko para ramdam niya.

Sa ibang pages nga eh may mga pictures pa nila ni Jeremy. Punyeta. Sabagay, wala pa pala kaming picture ni Alex na magkasama ano? 'Di ko feel eh.

Puro naman notes, checklist, at Jeremy laman nito. Para naman magkaroon ng sense itong notebook na 'to eh sinulatan ko na.

Perks of dating CASIMIR:

1. You'll get famous.

2. I can give you anything you want.

3. Nobody can hurt you.

4. I'll treat you like a real princess.

5. You'll feel loved.

PS. ALMOST PERFECT NA 'KO. SA'N KA PA? 'WAG MO NA 'KO PAKAWALAN.

Agad kong sinara 'yung notebook at ipinasok sa bag niya nang mapansin kong papalingon siya.

"Siguraduhin mo lang na wala ka nanamang kalokohang ginawa sa gamit ko Casimir." Mapanghusga 'yung tingin niya. Bwiset.

"Wala." Inayos ko nga gamit niya eh, walang kalokohan do'n.

Hinatid ko siya pauwi, hindi na ako bumaba dahil gabi na rin.

Magpapakabait na ba ako? Magpapaka-gentleman na ba ako? Magiging friendly na ba ako?

Punyeta.

ALEX'S POV

Pagkahatid sa akin ni Casimir ay tinignan ko ang bag ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nasa matinong kalagayan pa ang mga gamit ko. Hindi niyo lang po alam eh si Casimir po ay madalas makasira ng gamit hindi ko alam kung sinasadya niya ba o hindi talaga siya aware na nasisira na niya?

Katulad noon may sakit siya, sabi ko sa kaniya mahiga lang siya sa kama at kukunin ko lang 'yung dinner at gamot niya tapos pagbalik ko hala sira na 'yung drawer niya. Nabwisit daw kasi siya, ayaw mabuksan, hindi niya mahanap 'yung susi. Akala ko nga nagloloko lang siya na may sakit pero hinipo ko ang noo, mainit pa rin naman.

Dati nga nung sa school, balita ko na lang na may sugat na 'yung kamay niya kasi sinuntok ang salamin ng bulletin board. Sinong matinong tao ang gagawa no'n? Jusko.

Pero kung may bagay man siyang talagang iniingatan niya eh iyon ay ang art materials niya at mga libro.

Kinuha ko na ang reminder notebook ko at chineck ang mga bagay na natapos ko na. Nang mailipat ko naman sa ibang page... pucha ano 'to?

Akala ko ba wala siyang kalokohang ginawa? Eh ano 'tong perks of dating Casimir na 'to? Siraulo talaga ang isang 'yon! Pero natatawa na lang ako sa mga nilagay niya lalo na sa PS niya. Sa ibang page naman ay mga picture na namin ni Jeremy dati.

Si Jeremy. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga matatamis niyang salita noong magkita kami sa Batangas.

Sinabi niya na sobrang nagsisisi siya na pinakawalan niya ako. Ako pa rin ang mahal niya, ramdam ko iyon sa yakap niya at sa paghawak niya sa kamay ko. Alam ko eh kasi maski ako ay may nararamdaman pa rin para sa kaniya.

Tinanong niya ako kung pwede ko pa siya bigyan ng isa pang pagkakataon at ang tanging nasagot ko na lang ay,

"Pagiisipan ko."

Kung noon sana, magiging madali na lang sa akin ang bigyan siya muli ng isa pang pagkakataon at iwan na lang si Casimir kahit pa ibunyag niya ang lihim ko. Pero ngayon kasi... mas lumalim ang pagkakaibigan namin. Ramdam ko na mahal niya ako. Kasi lahat ng pinapakita niya sa akin ay totoo. Andiyan siya sa tuwing kailangan ko siya. Andiyan siya 'pag nahihirapan ako. Andiyan siya 'pag nalulungkot ako. Andiyan siya para pasayahin ako. Andiyan siya para mahalin ako. At andiyan siya para tanggapin ako.

Mahirap na para sa'kin ngayon ang saktan siya. Importante na siya sa akin ngayon. He's a very special friend or someone, I don't know basta hindi ko lang kaya na saktan siya dahil mas masasaktan ako.

Naka-receive naman ako ng text galing kay Jeremy.

From: Jeremy
Still up?

Agad ko naman siyang ni-reply-an.

To: Jeremy
Yup. Bakit?

From: Jeremy
Are you free tomorrow? Labas tayo.

Ay hala shet may trabaho ako bukas at siyempre ipipilit niyang sunduin ako eh alangan namang gamitin ko nanaman 'yung bahay nila Andrea.

To: Jeremy
Sorry, hindi ako free eh. Next time na lang?

From: Jeremy
May lakad ba kayo ni Casimir? Sige, sabihan mo na lang ako kung kelan ka pwede. I love you!

Isang 'I love you' niya lang kumalabog na ang puso ko. Hindi ko siya masagot ng I love you too kasi 'pag ginawa ko 'yon ay luamalabas na sinasagot ko na ulit siya.

Kinabukasan ay maayos naman akong nagta-trabaho. Ganoon pa rin naman sila Dyosa, madaldal. Okay na rin ako kay Weng wala na akong kung anong inis na nararamdaman 'pag andiyan siya.

"Buti pa 'tong si Alex nakapag-bakasyon na. Iba talaga 'pag mayaman ang boyfriend, pa-beach-beach na lang ano?" panunukso ni Dyosa habang nagla-lunch kami.

"Baliw." Inirapan ko na lang siya.

"Pero ang dami sigurong boylets dun ano? Tapos topless pa!" dagdag ni Weng.

Nagtawanan lang kami.

"Pero seryoso Alex, hanapan mo naman ako ng dyowa oh. 'Yung kasing gwapo ni Fafabelles mo." Landi talaga nitong bading na 'to.

Napapalo si Weng sa table. "Pero dapat hindi manloloko at nangiiwan sa ere!"

Kumuha ng isang butil ng kanin si Diyosa at binato sa buhok ni Weng. "Hugot na hugot lang 'te?"

Padabog na tinanggal ni Weng ang kanin at nang hindi niya matanggal tanggal eh tinulungan ko na siya. "Eh kasi naman eh nagparamdam nanaman siya! Sweet ngayon bukas hindi na. Malambing ngayon bukas hindi na ako kilala. Sinong hindi maiinis 'di ba?"

"'Di bale Weng makakahanap ka rin ng iba. 'Yung 'mas' sa kaniya." I smiled at her.

Tinuro ako ni Diyosa. "Hoy hoy bakit ako hindi mo sinabihan ng ganiyan?"

"Babae muna kasi ang hanapin mo," natatawa kong sagot. "Gwapo mo kaya!" May itsura naman talaga kasi siya, bumigay nga lang. Though, hindi naman siya nagme-makeup o bihis babae, gusto niya pa rin talaga manamit na parang lalaki kaya may mga babaeng nagkakamali sa kaniya.

"Omg, pogay! Sali ka brad!" Weng squeaks.

Pinagkukukurot niya kami sa tagiliran. "Mga bwisit kayo!"

Nagpatuloy na kami sa trabaho. Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho nang tawagin ako ni Sir Jericho na nasa isang table, he's actually observing the customers, part of the research, maybe.

"May problema ba sa table #12?" He asks.

"Ah nagpa-add lang po sila ng order wala naman pong problema." I answered.

"Okay good," may kung ano siyang sinulat sa papel niya. "Maupo ka muna at sa iyo ako magtatanong." He sounded professional kaya sumunod na ako. Wala naman sigurong kalokohan ang lalabas sa bibig niya ngayon ano?

Ang dami niya pang tanong tungkol sa mga customer ngayong araw.

"May mga comments ka ba na narinig sa kanila?"

"Ah sabi po nila masarap daw po 'yung pesto." I smiled.

"Good." He also smiled habang may chineck sa papel niya ulit. "Eh ako, may pag-asa ba ako?"

Kumunot ang noo ko. "Kasama pa po ba 'yon sa research, Jericho?"

He chuckled. “A personal research, maybe."

Natawa na lang din ako. Unti-unti na akong nasasanay sa kapilyuhan niya. Natigil na lang kami sa pagtatawanan nang may tumawag sa pangalan ko.

"Alex?" Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at napatayo ako. "A-anong nangyayari dito? Why are you with him?" She looked at me from head to foot. Bagay na iniiwasan kong gawin ulit ng ibang tao pero wala eh nagawa na niya. "Bakit ka nakasuot ng ganiyan?"

"Belle..." hindi ako natapos magsalita dahil tinuloy niya pa ang mga tanong niya.

"Don't tell me you're messing around with this guy? Does Casimir know anything about this? What the freakin' hell is this Alex?"

Tumayo si Jeremy. "Why don't you let her explain first?"

"I am not talking to you!"

"Then don't ask about me as if I'm not here! And if you don't mind don't make a scene inside my restaurant." His jaw clenched.

Umiling si Belle habang nakatingin sa akin at biglang tumalikod para umalis. Hinabol ko siya, rinig ko pa ngang tinawag siya ng isang matandang lalaki.

"I'll just have dinner at home Tito. Bye dear cousins!" sambit niya na hindi man lang sila tinignan at dumiretso sa paglabas.

Nang makarating kami sa labas ay hinila ko ang braso niya.

"Belle..."

Masama niya akong tinignan. "Was everything a lie?"

Agad akong umiling, "Hindi."

She smiled but you can see the sarcasm in his face. "Siyempre hindi."

Nakapara agad siya ng taxi at sumakay doon. Napaupo na lang ako sa waiting shed at umiyak. Hindi ko alam kung ano bang iniiyak ko. Hindi naman siguro ipagkakalat ni Belle ang nakita niya? Kaibigan ko siya 'di ba?

Hindi ko mamamalayan na matagal na pala akong nakaupo roon kung hindi darating si Casimir.

"Oh bakit nasa labas ka?"

Akala ko natuyo na ng hangin ang luha ko pero nang makita ko siya ay lalo lang ako naiyak. Napaakap na ako sa kaniya bigla dahil wala akong ibang kailangan ngayon kundi isang taong makakaintindi sa akin.

Hindi siya nagsalita, hindi siya nagtanong, wala siyang ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng isang yakap na nagpaparating sa akin na andiyan lang siya.

Narinig namin ang pagtunog ng cellphone niya. Lumayo ako onti at kinuha niya naman ito sa bulsa niya.

Nakita ko ang pangalan ni Belle sa screen.

"Napatawag 'to?" sasagutin na sana niya pero nagsalita ako agad.

"'Wag. 'Wag mo sagutin please..."

"Huh?" binigyan niya ako ng tinging nagtataka. "Okay." In-off niya ang cellphone at ibinalik sa bulsa.

Bakit ba pinigilan ko siyang sagutin? Eh alam naman niya ang lahat ah? Marahil ay takot pa rin ako, pakiramdam ko magbabago pa rin ang tingin niya sa akin. Ewan ko, hindi ko alam.

"Thank you." Dahil andito ka. Dahil dumating ka nanaman sa panahon na kailangan kita.

Hinila niya ang kamay ko para palapitin ako sa kaniya lalo at yakapin. "Whatever it is, it'll be okay.’Wag ka na umiyak, andito lang ako."

Napahigpit ang yakap ko sa kaniya.

Right there and then, I know he's all that I need.

***

NOTE: 'Wag niyo naman po masiyadong awayin si Jeremy, 'wag hard, pogi pogi niya eh. Hihihi. :"> 

Hello kay YEZT66, nagpalit ka bang username? Sa'yo dedicated 'tong chapter. Thanks!!

Continue Reading

You'll Also Like

29.3K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
639K 14.1K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
7.4K 157 53
Elyne Rose Leibniz has a boyfriend which is Nathan. They've been in a hidden relationship for almost 2 years. Nathan is her first boyfriend and she t...
7.9M 64.7K 71
All Rights Reserved...