My Boyfriend For A Day[COMPLE...

By AngelTenshiKanade

175 14 0

[COMPLETED] My Boyfriend for a Day? This is just a joke. A real stupid joke that I was dragged unto. I admit... More

My Boyfriend For A Day
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Ending😊😊
Book two?

Chapter 9

6 1 0
By AngelTenshiKanade

"Kanta tayo, Stephanie" sabay hila sa akin ni Jhay sa may stand kung saan makikita ang isang malaking songbook. Nasa tabi niya si Jess at si Joel naman ay nakaupo sa isa sa mga upuan sa harap ng stage. Ganoon din yung mga kasama namin.

"Huh? Eh? Ano namang kakantahin natin? Dapt yung alam ko ah" sabi ko at lumapit sa kanila at nagscan rin.

"Sayang na sayang, alam mo naman siguro iyon diba?" Masaya niyang tanong.

"Oo, pero slight lang. Chorus lang alam ko" sabi ko habang naghahanap ng iba pang kantang pwede kong kantahin.

"Geh ako nalang sa verse 1 sa chorus ka nalang sumabay. Kung kaya mo na sa verse 2 sabay ka nalang.. Dalawa naman yung mike, okay?" Mahabang paliwanag niya tango lang ako ng tango. Well.

Umupo na ako sa inupuan ko kanina at pinanuod yung taong kumakanta sa stage magaling naman yung lalaking kumanta. Napatango tango lang ako at kung minsan ay sinasabayan yung lalaki sa pagkanta pero mahina lang.

Bumaling ako kina Monica na may hawak na isang song book, naghahanap din ng mga kanta. Magsosolo kayo at kukuha ng isa pang room. Tumango lang si Monica at nagpatuloy sa paghahanap ng kanta sa songbook. Binilang ko kaming lahat walo kaming lahat kaso ang maximum na bilang lang nang tao sa isang room ay Pito. Sayang. Pinagpasapasahan nila ang songbook at nagsulat ng mga kanyang gusto nilang kantahin mamaya.

"Bakit yan?" Tanong ko nang iabot nila yung isang maliit na papel at ipatong sa lap ko ang isang asul na somgbook at may lapis sa tabi nito. Nangunot pa ang noo kong tinitigan sila.

"Pili ka ng gusto mong kantahin" seryoso? Tingnan ko yung maliit na papel at may dalawa pang bakante. Kaya nagscan ako ng magandang kantang pwede at kaya kong kantahin.

Isinulat ko naman ang mga iyon at sa wakas ay inabot na nila iyon sa isang staff at nagbayad. Pinanuod ko silang pumasok sa isang room at duon ay nagkantahan. Di bale mamaya na ako kakanta, mga nasa hulihan yung mga kantang napili ko eh. Umayos ako ng upo at bumaling sa harap.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kina Jess at Jhay na magkatabi na sa silya at naghahandang kumanta.
Seryoso? Sa stage talaga.. Feel ko gusto ko nang mag back out at tumakbo palayo o kaya  ay magtago. Nagsimula na silang kumanta at bigla akong naself conscious. Sheez.. Hindi ko kayang kumanta na nasa harap ng mga tao at lalao na't di ko pa mga kakilala. Nakakahiya. Pinagpapawisan na ako ng malamig. Di ko yata kaya toh. Medyo confident naman ako sa boses ko pero pag nasa banyo at naliligo lang malakas ang loob kong ilabas ang hinanakit ko at kumanta ng kumanta to my hearts content.

Napailing ako at pumasok nalang sa silid na inukupa nina monica. Ayun nagsisimula na silang kumanta sa loob. Napahinga na lang ako ng malalim.

Ewan.

At saktong paglabas ko ay "sayang na sayang" na yung nag flash dun sa screen. Sheez. Wala yung glasse ko kaya di mo makita ng maayos. Kinakabahan kong kinuha yung mike at si Jess umalis sa kinauupuan para makaupo ako at pumunta sa pwesto ni Joel. Huminga ako ng malalim. Kaya ko toh.

Pinauna ko nang kumanta si Jhay. Di ko masyado kabisado. Chorus lang alam ko. Pero habang kumakanta si Jhay ang mata ko lang ay nasa screen.

Hanggang ngayon ay ala ala sa twinang
Araw nating nagdaan
Ngayo'y muli tayong nagkita
Puso ko'y anong sigla at saya

Ngunit bakit ngayon lang nagkita
Kung kailan tayong dalawa'y
Kapwa di na pwede pang magsama

Sumabay na ako sa Chorus ng kanta,
Sayang na sayang talaga
Dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
Pagmamahal na di ko makakamtan sa iyo
Hindi ko akalain na ganon kataas iyon! Sheez parang mapapahiya ko yata ang sarili ko nito ah. Nakafalseto na ako geez.. Pwedeng babaan ng konti?

Hindi muna ako kumanta. Pinapakinggan ko ang tono ni Jhay para makasabay naman ako sa kanya sa 2nd stanza ng kanta.

Damdamin ay di maintindihan
Puso ko'y ikaw ang siyang sinisigaw
Ngunit sadyang di sa isa't isa
Bakit ba huli na ng tayo'y muling nagkita

Kung maibabalik ang kahapon
Sana'y di nagkawalay
Ala-alang nagdaan di malimutan

Sinabayan ko uli siya nang magchorus na pero sa dalawang salita lang ang nabibigkas ko ay napahinto na ako sa pagkanta nang marealize ko na kung ano ang kinakanta namin ni Jhay.
Sayang na sayang talaga
Dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
Pagmamahal na di ko makakamtan sa iyo
Ipinilig ko ang ulo ko at sinubukang mag-Concentrate sa pagkanta pero...
Alam kong kapwa tayong dalawa'y nakatali na
Puso'y di mapigilan ang sigaw
Mahal pa rin kita aahahh....

Sinubukan ko muli siyang sabayan mula rito sa Chorus... Nakita kong nakatingin na ang mga tao sa ibaba, binalewala ko lang sila. Ang pangit siguro ng boses ko. Bat pa kase ako pumunta pa rito?

Dahil ayaw kong madisappoint si Jhay pag tumanggi ako. Sigaw ng nasa loob ko. Napabuntong hininga nalang ako.

Sayang na sayang talaga
Dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
At pumiyok na ang boses ko. Naramdaman ko yun. Di ko napigilan. Feel ko eh may nakabara na sa lalamunan ko habang narerealize ang message ng kanta. Nakita kong tinitingnan na ako ng mga taong nakaupo sa ibaba ng stage dahil siguro ang pangit ng boses ko at pumiyok pa ako. Pero...

Pagmamahal na di ko makakamtan...

Napailing nalang ako at ibinaba ko na ang mikropono...

Sayang na sayang talaga
Dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
Pagmamahal na di ko makakamtan sa iyo.

Pagkatapos ng kantang iyon... Bumaba na ako. Ngumiti ako kay Jhay ng maliit at saka tinahak ang silid na kinaroroonan nina Monica at duon ko ibinuhos ang nararamdaman ko.. Mga frustrations ko. Yung kahihiyan kong nadama kanina. At ang pagkainis ko sa sarili ko. Tsk.

Kinanta ko yung "Secret love song" by little mix. At surprisingly ay naka 99 points ako. Not bad. Sobrang taas at nakaya ko yun. Tinawanan ko lang ang sarili ko. Sira yata tong machine nila. Last na yung kanta.

"Counting Stars" pero intro palang nung kanta ay nagitla ako nang pumasok si Jhay sa room nakinalalagyan ko. Isinenyas niyang kakanta din daw siya at so sabi ko. Siya yung bantang part ng lalaki tas yung babae ay sa akin. Umalis na sina Monica kaya kaming dalawa lang ang natira dito ni Jhay. Kinanta namin iyon. Then ako yung naglast ng phrase na kinanta.

"...every thing that kills me, makes me feel alive..." Hanggang dun ko lang tinapos ang kanta.

Parang love. Alam mong masasaktan at masasaktan ka pero nagririsk ka parin... Dahil iyon ang sa tingin mo'y bumubuhay sayo na pag binitiwan mo feel mo ay gumuho na ang mundo mo di mo na kayang mabuhay pa.

Nilisan na namin ang lugar na yun.

Pababa na kami ng daan nang makita namin sa mga establishimentong nadaraanan namin ang mga dekorasyon na pamasko. Pati ang simoy nang hangin ay nagpapahiwatig ng kapaskuhan. Maraming mga naggagandahang kulay ang makikitang kumikislap kislap at kung di naman kaya ay tila maliliit na apoy na naglalaro sa iyong mga mata dahil kung saan saan sumusulpot. Natawa ako.

Hindi ko namalayang nakabingkis na pala ang braso ko sa braso ni Jhay habang naglalakad kami, napansin ko lang ito nang napatingin ako sa kamay ko na sinubukan kong mangapa sa bulsa ko na hindi ko nagawa dahil sa kamay niya. Nagsimula muli siyang kumanta ng pamaskong mga kanta at sinasabayan ko lang. Pinagtitinginan na kami ng mga taong nakakasalubong at nasa likod at harap namin pero wala kaming pakealam. Gusto lang namin i-share ang feeling ng kapaskuhan. Napangiti ako. Feel ko nasa ulap ako at may mga pakpak ako.

Huminto si Jhay at sinabing hintayin daw namin siya at may bibilhin pa daw siya.

Nag-antay pa kami ng ilang minuto bago nagpasyang puntahan ang sinabi niyang tindahan na pagbibilhan niya. Susubukan sana namin siyang textan at malaman namin kung nasaan na siya at bakit ang tagal niyang bumalik. Lumalalim naang gabi at mamaya ay maglalast trip na ang mga jeep papunta sa amin.

Mabilis kaming nakarating duon at kaba at takot ang namayani sa puso ko.

Sarado na ang tindahang yaon pero.. Nasan si Jhay? Sinubukan naming bumalik sa kung saan niya kami iniwan, nagbabakasakali akong makikita siyang naghihintay roon at baka nagkasalisihan lang kami ngunit wala siya roon. Pinigilan ko ang pagpatak ng aking luha na dulot ng frustration na hindi siya makita.  Nagkawalaan ba kami?

Inaya na akong umuwi ni Mayka at Rosie. Ayaw ko pa nga sanang umalis dahil hihintayin ko pa sana si Jhay ngunit nakita ko ang pagod sa mga mukha nila kaya ayun. Sumama na ako at nang makauwi na kami.

Siniguro naman ni Mayka na pagka-charge at pagka-charge niya ng phone niya ay tetextan or tatawagan niya si Jhay na nauna na silang umuwi. Si Mayka lang kase ang may number ni Jhay. Sayang at hindi ko hiningi kanina.

Napilitan akong maglakad palayo at pinigilan ang sarili kong lumingon dahil natatakot ako na lumingon at bumalik duon sa pwesto namin kanina at hintayin si Jhay. Baka nga darating pa iyon maya maya lang--- pinigil ko na ang pag-iisip. Pagod na rin ako. Umaasa ako na pagkatapos ng taon. Sa january at ang simula muli ng pasukan ay makikit ko siya at makahihingi ako ng tawad at nauna na kaming umuwi.

Pero di ko inaakala na ang araw na iyon pala ay ang araw na aki'y huli siyang masisilayan.

_____________________________________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

8.1M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
22.1M 533K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!