Veracity: ViceRylle One Shot...

By freedomswords

106K 2.4K 205

Compilation of hurdled-could've been stories of ViceRylle. More

Veracity: ViceRylle One Shot Stories
two point one x Halaga i: Vice's POV
two point two x Halaga ii: K's POV
three x Kasama Kang Tumanda
four x Altered Truth
five x That's My Pogay!
six x Plans and Pain
seven x Light Rail Transit (OOC)
eight x MEGA Pinoy Pride Ball
eight point two x Happy, Kaso May Ending
nine x Sep(anx)tember
ten x Lipad
eleven x Nurse for a Week
eleven point two x Happy Three Lovers
twelve point one x Fiesta (Misadventures of B and M)
thirteen point one x Vice's Resolution
thirteen point two x Vice's Resolution | 2
fourteen x Dagitab
fifteen x That Striped Polo
fifteen point two x That Striped Polo | 2
sixteen point one x Chances
sixteen point 2 x What If
seventeen x Spoken Word
Not an update

one x Back To December

8.2K 159 6
By freedomswords

First VK story! Push. 

-

Naalala ko pa dati, it was December 17.

"Vice!!!! Sa'n na naman ba tayo pupunta?"

"Oh bakit pagod ka na?"

"Hindi, hindi masaya nga."

Papunta kami ni Karylle noon sa isang theme park. Pasado alas-tres na ng umaga at alam kong sarado na pero gusto ko lang siyang masolo.

Sabi ko kina Archie 'wag na muna silang sumama. Pinapasok ko na si K sa kotse at pinaandar na.

"Vicey, where are we going ba? It's past midnight na."

Some would be irritated if they hear her voice. Her usual conyo voice. But for me, it's cute. 

"Somewhere masaya. Matulog ka na muna Kurba."

Pagkatapos non, nakita ko siyang nakatingin sa bintana. Ang lalim ng iniisip niya lately. We're the best set of friends I know pero wala naman siyang nakukwento sa'kin. We're SLEx bound when I caught her head slipping on my shoulder. Sana ganito na lang parati. 

I remember one time, we were having midnight adventures at BGC. Namemorize ko na ang mga inoorder niya. She always order pastas and then after bibili ng Froyo sa Golden Spoon. One time, noong nasa Hawaii kami, lumabas kami to buy her usual food. She ranted and almost cried nung nalaman niyang walang Golden Spoon sa Hawaii. 

Those simple things made her special to me. Alam ko sa sarili ko she's more than a friend to me. Loving her is the best and worst thing to do. Ang sarap sarap niyang mahalin. Ang sarap sarap niyang alagaan, pero tuwing natatandaan ko na may iba siyang mahal, hirap na hirap ko siyang ipaglaban. 

Narealize kong malapit na kami sa Enchanted Kingdom. Niyugyog ko nang niyugyog balikat niya para magising. Nairita siya at inirapan ako pero natatawa na lang ako. 

Pinatay ko na ang engine at binuksan ang pinto niya. Tinakpan ko ang naggagandahan niyang mga mata. 

"Huy, alam mo naman na I'm scared sa dilim, tinakpan mo pa."

"Kumalma ka nga. Nakakaloka ka. Matutuwa ka naman after!"


I slowly took away my hands that were covering her eyes. I saw her startled in awe and began to cry.

"Uy, may nagawa ba ako? Ayaw mo ba rito? Takot ka ba? Sorry, sorry... hindi ko alam. Uuwi na lang tayo."

 

Natakot ako sa reaction niya hanggang sa naramdaman ko na lang na may yumakap sa'kin.

"Vice, thank you."

"Ha, saan?" 

Hindi na niya sinagot ang tanong ko at hinawakan ang braso ko papunta sa main entrance. 

"Eh sir, maam, sarado na nga po kami."

"Kuya, sige na please, hindi ko alam. Next time umaga kami pupunta. Ngayon lang po. Sayang naman po gas namin..."

"Sige po sir... mam... sir.. Vice. Pero sa susunod po ha? Kaunti na lang po kasi ang tauhan dito para mag-operate eh."

"Naku 'wag kang mag-alala kuya. Carousel at Wheel of Fate lang kami."

In that moment ko na lang ulit nakita 'yung mga ngiti ng Kurba ko. I thought hindi ko na ulit makikita yung mga ganung ngiti niya. Lalo pa akong natawa n'ung nakita niya na may Golden Spoon sa loob.

"Vice.... nakikita mo ba nakikita ko?"

"Pero K, sarado na!"

"No. Tayo gagawa... Pleaseeeeee?

Buti na lang nakita ko ang manager that time at pinilit na gumawa kami ng Froyo. He said it was fine as long as after daw isara na ulit ang stall. 


K rushed to the machines and picked her favorite flavors. Ganito lang ako, pinanonood siyang matuwa sa kinakain niyang froyo. Ni minsan hindi ako kumain. Makita ko lang siyang nag-eenjoy masaya na ako.

"Vice, bakit ayaw mo ng froyo? Masarap kaya..."

"Makita lang kitang masaya okay na 'ko."

"Ha?"

"Sabi ko ubusin mo na yan at magCarousel na tayo."

For two years, I always make her feel loved and important, but I never had the guts to tell her what I truly feel. Minsan naiisip ko, kailangan kong sabihin. Pero tuwing naiisip ko lahat ng pinagsamahan namin, 'wag na lang. Baka masayang lang. Baka mawala lang. 

"Vice, tikman mo na kasi. Isa lang."

"Karylle, ayoko nga..."

"Sige na babe."

"Ano?!"

"Eh, ayaw mo kasi akong pagbigyan. Sige na isang spoon lang!"

"Fine."


Froyos are never my thing pero kasi naglambing siya sa'kin. Kapag di siya napagbibigyan haharutin ako. Ganyan 'yan! Pero ako naman... sige lang. (Tinawag kasi akong babe.)

Pagkatapos niyang kumain ng Froyo, dinala ko na siya sa Carousel. Tawa siya nang tawa kasi raw andaming Vice na paikut-ikot. Ako naman na kunwaring nairita sa joke niya, bigla siyang di pinansin.

"Vicey galit ka ba?"

"Hindi."

"Weh eh bakit ganyan ka?"

"Anong ganyan? Lagi naman akong ganito."

"Sorry na."

"Okay lang. Sanay na."

Nakita ko siyang biglang nalungkot. Naguilty naman ako sa pinaggagagawa ko kasi dapat nasustain niya yung saya niya eversince noong napunta kami doon.

"Baliw joke lang. Nahilo ako. Tara wheel of fate na!"


Noong nakasakay na kami sa wheel of fate without no one else around us, bigla na lang siyang natakot. Nakikita ko sa mga mata niya natakot siya.

"Hey, takot ka sa heights?"

"Medyo."

"Nasanay ka kasi na......."

"Baliw!"

"Hahaha joke lang. Halika dito." 

I pulled her closer to me and hugged her  as the ride started to go up. Medyo mataas na rin eh. I can see the expressway in here. 

"Vice, bakit ka ba ganito sakin?"

"Ha? Anong ganito?"

"Lately ang sweet mo kasi. Palagi na lang akong niyayaya kung saan-saan kahit dis-oras na nang gabi."

"Oh bakit ayaw mo ba?"

"Hindi nga... I mean masaya ako tuwing kasama ka. Pero aminin mo nga sa'kin, gusto mo ba 'ko?" 

"Hala K. Pagkababa natin dito inom ka maraming tubig. Tulog ka na agad. Kung anu-ano pinag-iisip mo!"

"So hindi nga?"

"Hindi kita gusto."

"Kahit sabihin kong wala na kami ni Yael?"

"Ha? Kahit magbreak pa kayo K no. Hindi talaga! Best friends kaya tayo. Sira. Hahaha."

Bakit ganon? Siya na mismo nagtanong. Akala ko siya lang pinagsinungalingan ko. Pero sarili ko rin ang niloko ko. 

After that ride, inuwi ko na siya sa bahay niya sa Cavite. May part sa isip ko na nagsisisi. I should've known.

It's March 21 today. Makikita ko siya mamaya na maglalakad sa aisle... na hindi ako ang sasalubong.

Pinuntahan ko si Anne na nakaupo. 

"Pero Anne, sila nga ni Yael diba?"

"Girl, nagbreak sila mid-September! Nung kinwento mong nag-EK kayo at tinanong ka niya kung gusto mo siya, wala na sila nun! Sabi ni Karylle kay Billy nakipagbreak daw siya kay Yael kasi akala niya may special something kayo. Pero after nun, nakita niya si Yael at nagsorry. They got back together week after you guys went at the theme park." 

Siguro kung naging matapang lang ako, ako ang pupuntahan niya sa altar. 

Please.

Take me Back to December.

xx How was it? HAHAHAHA unang-una ang bigat ng nangyayari. Hahaha as I've said, message niyo lang po ako kung saan niyo ako pwedeng i-reach and I'm open to make you a story with your chosen member ng team Vice in it. ;) Haha thanks for reading! ;) - @maemalaya

Continue Reading

You'll Also Like

8.9K 365 13
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
1.2M 23.9K 56
just for fun
183K 12.2K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...