nine x Sep(anx)tember

3.6K 135 24
                                    

Bukas na ang alis ni Vice papuntang Dubai, na susunod sa Europe at sa latter week ng September, sa Singapore.

"You think dapat talaga umalis ako?" tanong ni Vice.

"Malamang, 'te. Trabaho mo 'yun e. Tsaka settled na, isipin mo na lang 'yung mga Pilipino dun na naghihintay sa'yo. Tapos dahil lang sa misunderstanding niyo ni Kurba, di ka tutuloy? Unfair naman ata 'yun." sagot ni Archie.

" Gaga, hindi 'yun yung iniisip ko. Hindi pa kasi okay yung boses ko oh?" depensa nito.

" 'Yun na rin yun. Last year bakit ka nga ba napatakbo sa ospital para magpacheck-up? Diba dahil sinabi sa'yo ni Karylle? Kilala kiita, meme. Kundi naman sinabi sa'yo ni Karylle 'yon, hindi ka magpapatingin sa doktor. Ang sabihin mo, kahit walang kayo, under ka." patawang sabi ni Buern.

" Ang dami niyong alam. Nasa'n ba si Bernard? Buti pa d'on wala akong makuhang talak." 

" Eh kasi nga...." paasar na sabi ni Archie.

"Oo na, oo na. WALA na. Happy na kayo?" 

-

Day before Vice leaves the Philippines for his concert tour

"Madlang people, aalis po muna ako ah? Sandali lang naman, almost one month lang. May concert tour po kasi ako. 'Wag po kayong mag-aalala, kasama naman ako sa Showtime tour sa Canada. To my little ponies, please study hard while I'm physically away from you, ha? Make your mother horse proud. Vicerylle babies, *long pause, tingin kay Karylle* 'wag niyong istress-in masyado yung nanay niyo ngayon thirty thousand na kayo. I love each and every one of you, my ponies and madlang people! I'll see you soon!"

Pagkatapos ng show, agad na pumunta si Vice sa kanyang dressing room upang mag-impake sa mga natira niyang gamit doon. Sunud-sunod namang pumasok sa kwarto ang co-hosts niya.

Teddy, Jugs: Mag-iingat ka dun ha.

Vice: Sabayang pagbigkas ba 'to? Ayoooos... Charot. Salamat ha. Kayo rin!

Billy: Bestie, sapatos ha?

Vice: Hay, natigil na nga akong mamigay tapos susunod ka pa? Joke, oo na alam ko na 'yon, text mo na lang sa'kin size mo.

Billy: Pati kay Coleen na rin ha?

Vice: Aba matinde! sabay slight sapak kay Billy

Anne: I'll miss you sis. Wag munang haharot ha? I mean I know you're free and all but this time if you ever decide to look over someone to you know, accompany you, make sure he won't hurt you.

Vice: Aalis lang sa ibang bansa magkakajowa na? Sana nga ganon kadali, no?

Vhong: Wala 'yang hahanapin doon, sigurado ako. 

Nanlisik naman ang mata ni Vice kay Vhong na parang ipinapatigil niya itong magsalita.

Vhong: Hello?! Pinoy barako kaya gusto nito ni Jose Marie,

Vice: Tah kayo! Oo na. Mamimiss ko kayo. Tsupi na, di pa ako tapos mag-ayos ng gamit.

Sabay-sabay nang umalis ang co-hosts niya at nagpatuloy siyang mag-ayos nang gamit nang may kumatok muli, sa pag-aakalang si Archie ito.

Vice: Naknampucha, teka lang namin bakla baka mabutas mo 'yung pinto!

Sa pagbukas ng pinto, si Karylle ang inilahad nito.

"Aalis ka na raw, mag-iingat ka doon." sabi ni Karylle habang hindi pa nito tinatama ang mata ni Vice.

"Maka- "raw" ka naman diyan parang wala ka kanina at hindi mo ako narinig."

Veracity: ViceRylle One Shot StoriesOnde histórias criam vida. Descubra agora