thirteen point two x Vice's Resolution | 2

2.5K 94 10
                                    

12:00, January 01, 2015

Ikaw pa rin, ang buhay ko.

Mabilis na inend call ni Vice ang usapan. Saglit siyang humiga sa kama. Nagbihis para sa simpleng salu-salo sa bahay kasama ang pamilya. 

Kumatok si Nanay Rosario, 

"Tutoy? May bisita ka sa baba, dalian mo raw kasi saglit lang siya."

"Sino raw po, nay?" 

Pagbukas ni Vice ng pinto, nakita niya na 'yung taong sinasabi niya kaninang, taong mamahalin siya pabalik, ng totoo.

-

-

-

"Happy New Year, Vice!"

"Karylle?"

Hindi malaman ni Vice kung anong gagawin. Hindi niya alam kung namumula ba siya ngayon sa kilig o dahil sa hiya sa pinagsasabi niya sa telepono.

"Ayaw mo ba akong papasukin? Matatamaan na ako ng sinturon ni Hudas dito, oh." Bigla namang natauhan si Vice kung kaya't inalok niya itong pumasok sa bahay. 

Nagulat lahat ng tao sa loob noon.

Si Karylle? Bakit siya nandito?

Diba tinurn-down niya si Tito dati? Bakit?

Habang naiwang takang-taka ang mga kasama ni Vice sa bahay, siya naman ay nanatiling nakatulala, na para bang hindi makapaniwala sa nangyayari. 

"Sandali lang talaga ako, Vice. May pupuntahan pa kasi ako." Sinenyasan ni Vice ang mga tao na umalis muna sa sala, kaya nama'y naiwan silang dalawa.

"So, happy new year? Hehe." 

"Bakit parang nerbiyos na nerbiyos ka? Mag-aabot lang naman ako ng pancit sa'yo, ito oh." Saktong pag-abot ni Karylle, tumulo ang luha sa mga mata ni Vice.

"Oh, bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Karylle.

"Pancitzoned na naman ba ako?"

"Ha?"

" 'Yung sinabi ko sa'yo kanina sa phone..."

" Anong phone?" nairita naman ng kaunti si Vice sa pag-aasta ni Karylle. " Sampung minuto kitang kinausap sa phone, bago ka kumatok. May amnesia ka bang kulot ka ha?" Tila naguguluhan pa rin si Karylle sa mga tanong na inuungkat ni Vice. 

Inilabas ni Karylle ang phone niya at pinakita ito kay Vice. "Ayan po o, Viceral. Battery empty po ako. Baka voicemail 'yon. Answering machine? Sabi ba..."

"Hi, this is K! Just leave a.... Shit! Ang tanga tanga ko na lang palagi." 

Natawa-tawa naman si Karylle sa inaakto ni Vice. "Ano ba 'yun? Mahaba ba? Eh di, sabihin mo na lang now?" 

Kaya ko bang sabihin nang harap-harapan?

"Wala, ano kasi... Babatiin lang naman talaga kita ng Happy New Year, na sana nag-eenjoy ka ngayong break kasama pamilya mo. 'Yun lang."

"Yun lang? Akala ko ba for ten minutes kang nagsalita? Ano 'yun paulit-ulit?"

"Oo, basta. OA lang ako doon sa ten minutes."

"Sure ka ha. Sige, mauuna na ako." Saktong pagtayo ni Karylle hinila ni Vice ang kanyang kamay. "May nakalimutan pa pala akong sabihin."

Isang I love you na lang, Vice bakit hindi mo pa magawa? 

"Ingat."

"S-sige." binitiwan na ni Karylle ang pagkahawak sa kanya ni Vice. "Happy New Year ulit." 

Veracity: ViceRylle One Shot StoriesWhere stories live. Discover now