fourteen x Dagitab

3.4K 106 11
                                    

Dagitab. Spark.

---

Gabi na nang makatanggap ako ng tawag. Payapa akong nakahiga sa kanang gilid ng kama. 

"Vice, kailangan nating mag-usap." Tono pa lang ng boses niya alam ko na. Pang-ilan beses ko na bang narinig 'to mula sa kanya? Tatlo? Apat na beses? At sa tingin ko, itong pangungusap na 'to ang pinakaayaw kong marinig, at maalala, pero sa sobrang daming beses na nabibilang ko na rin kung ilan.

"Okay." 

Pero 'yun ang unang beses na kinabahan ako. Noon kasi, sa mga una, alam kong may mababalikan pa ako. Pero ngayon? Paano? Hindi ko nga alam kung ano na naman ba ang nagawa ko.

Bumaba ako sa kusina, sinubukan akong paglulutuin ko siya ng paborito niya, adobo. Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung totoong paborito ba niya ang luto ko. Ako pa rin ba kaya ang mahal niya? Baka sa huling pagkakataon mabigyan ko siya ng rason para hindi niya ako iwan.

Saktong pagtapos kong magluto, tumunog ang doorbell. Huminga ako nang malalim at pinilit kong ngumiti, kahit alam kong sa matapos ang sampu o higit pang minuto, masasaktan na naman ako.

"Hi Love, pasok ka." sabi ko sa kanya saktong pagbukas ko ng pinto. 

"Hindi, sandali lang talaga ako, eh." Habang parami nang parami ang mga salitang binibitiwan niya, lalo akong nahihirapang huminga. 

"Pinagluto pa naman kita. Please? Kain ka lang tapos usap tayo saglit tapos pwede ka nang umalis, pero ihahatid kita. Gabi na eh? Pero mas okay kung dito ka na lang matutulog. Namimiss na kita." Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin ang gusto ko. Kailan ba kami huling nagkita ng taong nasa harapan ko? Isang linggo? Dalawa? Araw-araw naman talaga. Pero dahil lang sa trabaho. At parang may kung anong pwersa ang humihinto sa'kin para man lang kausapin at hagkan siya.

Ngumiti na lang siya at dumiretso na sa dining table. Malungkot lang akong nakatitig sa kanya. Tinititigan ko lang siya habang kumakain siya. Hindi ako magsasawang makita ang kagandahan niya, pero bakit parang hindi na siya 'yung babaeng minahal ko tatlong taon na ang nakalipas?

"Ang sarap mo talaga magluto. Namiss ko 'to." Nginitian ko lang siya at pinipigilang pumatak ang luha ko. Masyado pang maaga para sa drama, kumakain pa nga siya eh. 

Ilang minuto ang dumaan, natapos na rin siya kumain. Kinuha ko na ang plato niya at hinugasan ko 'yun. Bigla akong may naramdaman na nakapulupot na braso sa katawan ko.

"Love..." Dati rati, masarap pang pakinggan 'to. Pero bakit ngayon, parang masakit na? Parang nasusugatan ako.

Hinigpitan pa niya lalo ang yakap sa'kin. Hindi ko na matiis. Siya ang kalakasan ko pero pagdating sa kanya, nanghihina rin ako. Bumalikwas ako paharap sa kanya. Nakikita ko 'yung paghihirap sa mukha niya pero, hindi ba niya nakikitang nahihirapan din ako? Pero kinakaya ko naman... Kahit kailan hindi ko naisip na iwanan siya dahil lang nahihirapan ako.

"Sorry." 'Yun lang ang nasabi niya, at tumulo na ang luha niya. Kahit na hindi ko siya maintindihan, pinunasan ko ang luha niya at niyakap siya. Kahit na may parte sa akin na gustong magalit, heto pa rin ako, iniintindi siya.

Nilakasan ko na ang loob ko para mas mapadali na 'yung paghihirap naming dalawa. "Ano bang gusto mong pag-usapan natin?" Masuyo kong sabi at nginitian siya habang hawak ko pa rin ang mga palad niya.

"Nahihirapan na kasi ako."

"Ako rin naman, K eh."

"Hindi ko na alam minsan kung ano ang gagawin ko."

"Ako rin naman."

"Pero, mahal pa rin naman kita."

"Oh, ako rin naman. Anong problema?"

Veracity: ViceRylle One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon