five x That's My Pogay!

4.9K 142 8
                                    

xx  slight Rated SPG (AU/OOC) xx

-

"Our contestant number two, Ana Karylle Tatlonghari aka Karl ng Cavite!"

Sa halos tatlong buwan ng segment na That's My Tomboy, siya na ata ang pinakagwapong contestant na nakilala ko. 

"Magandang tanghali, madlang people! Ako nga pala si Ana Karylle Tatlonghari aka Karl, 29 years old, ang that's my tomboy ng Cavite!" 

"Anne?"

"Oh my gosh, ang gwapo mo!"

Sa sandaling 'yon, nangarap ako na sana, babae na lang ako. 

"Anne, sirena ka ba?"

"Bakit?" 

"Kasi... mermaid for each other." 

Nakakaloka! Hindi ko alam kung ako ba ang nati-tboom dito. Ang gwapo niya. 

"Hoy tama na, OT na." 

"Wakla!! Ang gwapo. Kung siya papalit kay Erwan, okay lang."

"Gaga!"

Sumayaw si Karl ng Talk Dirty, sa harap.... ni Anne. Kilig na kilig si ngangabu habang ako medyo nababadtrip na. First time 'to, first time kong biglang ma-attach sa taong wala pang kalahating oras kong kilala.

"Grabe, hiyawan ang madlang people sa Talk Dirty mo, Karl!" sabi ni Billy. 

"Hahaha! Thank you madlang people."

"Aside sa pagsayaw, marunong ka rin bang kumanta?"

"Medyo..."

"Sample na 'yan!" sabi ni Anne.

"Ano pong kanta?" ang ganda ng mga mata niya. 

"London Bridge. Bet?" patawang sabi ko. Ang harot ni Anne.

"Ay, mukhang may nagseselos... Kantahan mo nga si Vice ng Magkabilang Mundo, Karl." 

Dito ay umaga, at diyan ay gabi. Ang oras natin ay magkasalungat....

Sabay hatak sa'kin at ako naman patola, lalo ko pa siyang hinatak na parang isang sentimetro na lang ang layo ng aming mga mukha.

"Kaya pala ang sungit mo wakla, bet mo pala!"

"Oh ito, Karl, kung papapiliin ka, si Anne, o si Vice?" sabi ni Vhong.

"Si Anne po." 

Aray ha.

"Bakit si Anne, Karl?"

"Kasi po, 'pag nagmamahal tayo, palaging kakambal ng pag-ibig ang sakit. Kapag umiibig tayo, maraming mga posibilidad na makasakit tayo. Ganon naman po yun eh. Diba? Si Anne po pipiliin ko... kasi ayokong masaktan si Vice." 

Hindi ko alam pero may epekto sa'kin 'yung sinabi niya, parang straight from the heart. Crush ba ko nito? Chos. 

"Pwede ba kitang yakapin?" sabi ko.

"Ayuuuun, para-paraan bestie!"

"Pwede naman." 

-

Pauwi ako ngayon sa Cavite para bisitahin ang mga pinsan ko. Fiesta kasi doon. Kaya kahit hectic ang schedule ng pagiging Vice Ganda, pinipilit kong maglaan nang oras para sa pamilya ko. 

Veracity: ViceRylle One Shot StoriesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora