sixteen point one x Chances

2.5K 96 7
                                    

"Ready ka na ba?" tanong ni Vice. 

Ano bang mahirap sa gagawin namin tonight? Hindi naman ito ang first time ko.

"Oo naman." ngumiti na lang ako at binigyan siya ng yakap. 

-

-

-

"Gandang gabi, Kapamilya!" masayang bati ni Vice sa audience, habang naghahanda na akong lumabas from LED. "'Yan, tama 'yan, dapat masaya lang! Espesyal itong episode na ito dahil sa paggunita natin ng ating anniversary, ay makakasama rin natin ang hindi lang isa, kundi ang pinakaespesyal na babae sa buhay ko." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. " 'Wag na tayong magpatumpik tumpik pa, Vicerylle babies..." "Ang nag-iisang binibining kurba ng buhay ko, Karylle!" Lord, 'di po yata ako makahinga.

"Gandang gabi, Vice!" bati ko nang lumabas ako. "Ang taray, parang hindi kami nagkita kanina oh!" Pareho kaming nagtawanan pero mabilis kong tinapos ang akin. Napansin yata niya ang pagiging tensyonado ko dahil hinawakan niya bigla ang kamay ko, at 'di ito nakalampas sa mata ng mga audience kaya may ibang mga napasigaw. "Hala, kilig na kilig na naman sila!" 

"Hay, nakakaloka, wala pa man din pinagpapawisan na ako oh!" Nakita ko ngang tumatagaktak ang pawis ni Vice. Nawala na rin nang konti ang pagkatense ko kaya game na ako makipagtrip sa kanya. Kinuha ko ang panyo ko from my pocket and wiped his sweat. Again, nagtilian ang mga tao from the studio.

"Thanks babe." sabi ni Vice nang may halong kindat. Hindi ko kinakaya ang landi niya tonight. 

"Dali na, ano bang pag-uusapan natin? Nasstress ako sa'yo Vice." 

"Naawkward-an na po siya. Hahaha! So, bakit ka ba nandito? Hahaha! Joke lang. Sa mga hindi po nakakaalam, si Karylle po kasi ay naging best friend ko na dito sa industriya." Tumigil siya. "Mahal na mahal ko po siya." Matagal-tagal niya akong tinitigan. Nakalimutan niya atang live ito dahil anniversary.

"Mahal din naman kita, no. Kahit na pinapagod mo ko lagi..."

"Hala 'tong si Karylle. Lagi ba kitang napapagod?"

"H-hindi. Sa mga hindi po nakakaalam, ako po kasi palagi 'yung kasama ni Vice kapag may bibisitahin siya sa dorm sa may Rec—"

"Nakakaloka bibig mo K! Matagal na 'yon, two years ago pa no. Iba na ang gusto ko no!" 

"Parang hindi mo pa yata nakkwento sa'kin 'yan ha. Haha." Pero ngumiti lang siya. "Kumusta naman ang buhay may asawa?" 

Natahimik ako bigla, hindi alam ang sasabihin. Ngumiti na lang ako.

"Mukhang speechless na speechless sa pagiging masaya ang Kurba ko." Napahinga kaming dalawa nang malalim... "Oh ito na... Sabi lang 'to sa prompter ha! Paano raw nagsimula ang Vicerylle... ay teka, parang paulit-ulit 'yung mga tanong tuwing andito ka.. Simulan na lang natin noong nag-away tayo."

"Nag-away talaga?" tanong ko. Hanggang ngayon kasi medyo guilty pa rin ako.

"Oh, bakit... Simula noong nag-away tayo naging close tayo lalo sa isa't-isa noh. " "So bakit nga ba tayo nag-away?" tanong ni Vice.

"Ehhh, ikaw na magkwento..." hiya kong sabi. Natawa naman siya. "Hindi kasi, ano, ang alam kasi ng public talaga dahil lang nagtampo ko sa kanya *turo sa'kin* kasi hindi siya umattend sa Victory Party ko.. kesyo tinatamad daw siya, wala siyang driver, tapos 'di siya invited..." pinamulahan naman ako ng pisngi. "Pero mayroon pang dahilan dun... K?"

"Kasi si Vice eh!"

"Oh, Kurba bakit ako? Hahaha!"

"Uh... 2 days before ng party ni Vice, magkatext kami, mga 4am na yata. Pauwi siya after ng lakad nila ng friends niya. Lasing siya, tapos sabi ba naman sa'kin, "Nafall na yata talaga ako sa'yo." Tapos sabi ko, "Vice, para kang tanga." sabi niya, "Tanga na kung tanga, pero mahal kita!" Eh diba, line 'yon ni Kim Chiu sa isang movie nila ni Gerald, so tawa lang ako nang tawa. Tapos sumingit si Jake, Jake Galvez, kinuha niya 'yung phone ni Vice. Sabi niya sa'kin, "Girl, seryoso siya doon." Sobrang hindi ko alam gagawin ko, kaya inend ko 'yung call."

Veracity: ViceRylle One Shot StoriesWhere stories live. Discover now