Nadine's POV
One week have passed. Wala pa rin naman nagbago, Ganun parin si James. Habang patagal ng patagal mas lalo siya nagiging ma-effort. Sineryoso niya na talaga ang panliligaw sa akin.
"Oh Nadine bigay ng manliligaw mo." Sabay abot sa akin ni Ate Marie ng flowers.
Ngumiti naman ako at kinuha yun.
"Punong-puno na ng flowers yung kwarto mo dahil dyan sa manliligaw mo." Natawa naman ako kay Ate Marie. Binelatan ko siya.
"Inggit kalang!" Umupo ako sa counter. Nasa kusina kasi kami. Nagluluto siya.
Hindi niya lang ako pinansin. "Hmm, Ate kamusta na pala kayo ni Jerome?"
"Wala na kami." Sabi niya habang kumukuha ng pinggan para makahain na.
Wala na sila?
"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko. Alam ko na masakit yan para kay Ate Marie. First Boyfriend niya kasi si Jerome. Lagi niya nga yun kinekwento yun sa akin. Kaya alam ko na mahal na mahal niya si Jerome.
"May iba pala siya." Inilagay na niya yung pagkain sa mesa at umupo na ako doon.
"Okay lang yan Ate Marie, Madami pang iba diyan." Pilit siyang ngumiti sa akin. Umupo na din siya para kumain. Kasabay ko siyang kakain ngayon. Wala kasi sina Mama at Papa. Close kasi talaga kami ni Ate Marie at para ko na rin siyang kapatid.
"Basta ang sasabihin ko lang sayo Nadine ay wag kang tumulad sa akin. Masyado kasi akong nagmadali at sinagot ko agad si Jerome kahit 2 weeks palang siya nanliligaw sa akin." Tiningnan niya ako sa mga mata. "Dapat kasi kilalanin muna natin sila. Wag tayo magpa easy-to-get kasi i-aadvantage nila yun and lets see kung hanggang kailan nila kayang maghintay kasi doon nila mapapatunayan na gusto ka nila."
Napaisip ako sa sinabi ni Ate Marie. She's defenitely right.
Dapat huwag akong magmadali na sagutin si James.
Cause if he's the right guy, He won't leave.
Ngumiti naman ako kay Ate Marie. "Tama ka Ate. Let's eat na." Ngumiti lang kami sa isa't isa at kumain na.
James' POV
"Bro, Mukhang masaya tayo ngayon ah? Ano bang meron?" Nakangiting tanong sa akin ni Ivan.
Ngumiti ako sakanya. "Wala, Wag niyo na lang ako pansinin."
Inirapan niya ako. Bakla ba ito?
"Bakit mo ba kami pinatawag?" Tanong ko kay Troy. Nandito kasi kami sa bahay niya.
Troy looks so happy, Bakit kaya? "May nakita kasi akong babae kanina. Ewan ko ba, tinamaan yata ako." Napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad.
Napatingin kami ni Ivan sa isa't isa at tiningnan ulit si Troy.
Si Troy? Inlove? Imposible! Siya na nga ang pinaka playboy slash chic-boy na kilala ko.
"Oh! Para kayong nakakita ng multo. Tao lang din ako, Naiinlove." He tapped our head. Ang saya niya. I really can see it in his eyes. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka saya.
Yung totoong saya.
"Okay sige." Napakamot naman si Ivan kanyang ulo. "Pero Bro, Maganda ba? Sexy?" Tanong agad ni Ivan. Ito kaya? Kailan kaya 'to magbabago? Mabuti pa si Troy natauhan na.
Binatukan naman siya ni Troy. "Joke lang ito naman! Sayo na iyon!" Sagot ni Ivan habang hinihimas yung ulo niya.
"So, Troy. Alam mo ba yung pangalan niya?" Lumungkot naman ang mukha ni Troy.
"Hindi eh. Hindi ko nakuha."
"Okay lang yan, Magkikita din kayo." Nabuhayan yung loob niya sa sinabi ko. Kung sila naman talaga para sa isa't isa magkikita pa rin sila. Walang hadlang pagdating sa pag-ibig. I remember what my grand mom told me that Love will find a way.
"How about you bro, Kamusta na yung panliligaw mo kay Nadine?" Tanong ni Troy habang si Ivan naman umiinom ng soda.
"Okay lang naman. Ganoon parin."
"Hindi ka pa rin niya sinasagot? One week mo na siyang nililigawan ah."
Sinamaan ko siya ng tingin si Ivan. Nag-peace sign naman siya sa akin. Bakla nga talaga siguro 'to -____-
"Bahala na, Kaya kong maghintay." Seryoso ako. Hihintayin ko siya. Kahit sampung taon pa ako manligaw sakanya. Okay lang. Basta mapatunayan ko lang na seryoso ako at mahal ko siya.
"Yun oh! Ang tunay na lalaki marunong maghintay." Natawa naman kaming tatlo sa sinabi ni Ivan.
Nadine's POV
"Hi bes! Sorry kung ngayon lang kami ulit nakadalaw ni Cheska ah." Ngumiti lang ako kay Charee. I understand them. May sarili silang buhay at priorities. True friend nga sila eh. Kasi kahit busy sila they still have time for us to bond with each other.
"Okay lang yun nuh. Kamusta na pala yung botique?" I asked Charee. Siya na kasi muna yung nag-mamanage ng botique ng ate niya. Nasa states kasi daw ito para mag-vacation.
Kinuha naman ni Charee yung strawberry shake niya and she take a sip. "Everything's fine. Ang dali namang i-manage. Kahit wala naman si Ate Christine she's still there to help me out."
"Mabuti naman kung ganun." Napatingin ako kay Cheska na sobrang busy na nagbabasa ng magazine.
"Cheska, Mukhang seryoso ka dyan ah." Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagbabasa.
"Hoy loka! Ano ba yang tinitingnan mo diyan? Siguro yung mga topless na mga lalake." Natatawang sabi ni Charee. Tiningnan naman siya ng masama ni Cheska.
"Hindi noh! May binabasa kasi ako." Nagpatuloy na siya sa pagbabasa. Ano naman kaya yun?
"Ano naman yang binabasa mo? Akin na nga." Kinuha naman yun sakanya ni Charee. Inirapan siya ni Cheska. Nakakatawa silang panoorin.
"9 steps to know if he really loves you.." Napatingin naman ako kay Charee sa sinabi niya.
Na-iintriga akong malaman yung mga steps na yan. Bakit kasi hindi ko alam na may ganyan pala sa magazine dito sa bahay. Kung hindi pa nabasa ni Cheska hindi ko pa malalaman.
"Pakibasa please." Natawa naman si Cheska at Charee sa akin. Alam kasi nila yung iniisip ko. Same kami ng mind set. Kaya nga kaming magkakaibigan eh.
"Step 1: Listen to how he talks about the future. His future once meant he had a date on Saturday night, but with you, he's seeing long-term. When he plans his next vacation, he finds himself making plans with you, and when his best friend gets married in six months, you're his date."
Nag-nod naman ako pati si Cheska. Hahaha! Ano kaya iniisip ni Cheska.
"Step 2: Note whether he's making room for you in his life. Other priorities take a back seat to you, well, because you're more important than them. If he enjoys fitting you into his busy (or not-so-busy) life, that means he values your companionship"
Ganun si James, Lagi niya ipinapakita na importante ako sakanya. He never let me feel that I'm just an option.
"Next!" Pasigaw na sabi ni Cheska. Loka talaga. Charee just rolled her eyes.
"Step 3: See if he is softening up when it comes to you. Instead of insisting on getting his way, he doesn't mind compromising today. This means he understands the give-and-take of relationships, and feels good about giving a little if it means you're happy or listened to."
Natawa naman si Cheska sa narinig niya. Ano ba kasi iniisip ng baklang 'to? Siguro yung crush niya. Naks!
"Makatawa dyan akala mo naman may love life."
"Whatever!" Cheska rolled her eyes heavenlywards. Tumawa ako ng mahina.
"Step 4: Note if his spare time is mostly time spent with you. He looks forward to seeing you, and it doesn't matter what the two of you do as long as he gets to spend time with you. When he's with you, he doesn't need distractions because you're more than distracting just the way you are."
I smiled. James is like that. Hindi niya ako magawang kalimutan. Araw-araw nga yun nagpapadala ng flowers, chocolates dito eh. Pupunta nga siya mamaya dito kasi gusto daw niya akong makita. Nandoon pa kasi siya ngayon sa bahay ng friend niyang si Troy.
"Ehem! Ehem!" Pang-aasar ng dalawa. Inirapan ko lang sila. Mga loka talaga!
"Step 5: Observe what gets his attention. You're not asking to be the center of his universe - at least not yet! - but you do want to make sure that his priorities have shifted, and that those priorities take you into consideration."
"Step 6: Note the sparks. You have great chemistry-you can't be in love with someone without chemistry. Chemistry can be as little as the same tendencies or as big as the same frame of mind. Without planning it, you two tend to mesh."
Spark, Kapag kasama ko si James. Alam ko at ramdam ko na mahal niya ako. I can see it in his eyes. The way he treat me. Lagi niya akong pinapasaya.
"Nakakabagot! Ikaw naman!" Kinuha naman ni Cheska yung magazine kay Charee.
"Okay makinig kayong lahat." Natawa naman kami ni Charee. Para kasing Mayor yung dating ni Cheska.
"Step 7: See yourself through his eyes. He's finding out more and more that he likes you just the way you are, and he doesn't stay mad long when you have a disagreement"
Ganun din si James. Nakikita ko sa mga titig niya na masaya siya sa ginagawa niya at gusto niya talaga ako.
"Step 8: Watch to see if he asks questions about you. You can tell that he's falling in love with you because he wants to find out everything about you."
"Hihihihi!" tawa ni Cheska. Nababaliw na siguro ito.
"Step 9: Notice whether his thoughts keep coming back to you. He can't stop thinking about you-he is consumed by thoughts of you. You pop in his head for no reason, and he even wonders if you think of him as much as he does of you"
James always tells me that he can't stop thinking of me.
Ngumiti ako.
Eh ako? Ganon ba din ako kay James?
Gusto ko na din kaya si James?
James' POV
Nandito pa rin ako sa bahay nina Troy. Nakakapanibago talaga itong lalaking to. Halatang halata kasi talaga na inlove siya. Sabi pa nga niya magbabago na daw siya kapag naging sila ng girl na nakita niya sa isang botique.
Nag-ring yun phone ko. Baka si Nadine tumatawag. Miss niya na siguro ako. Haha!
Napangiti ako at kinuha yung phone ko sa bulsa.
Calling... Keziah Jimenez
Nanlaki naman yung mga mata ko. Sh*t! Ginugulo na naman niya yung buhay ko.
Bakit pa kasi may taong kontra lagi sa sayang nararamdaman ko.
Hindi ko pinansin iyon at nakinig na lang sa usapan nina Troy at Ivan about sa isang car na gustong bilhin ni Ivan.
Naputol yung usapan nila at napatingin sa akin.
"Bro, Hindi mo ba sasagutin iyan?" Tanong ni Ivan.
I sighed. "Hindi, at wala akong balak na sagutin." seryosong sagot ko.
I'm irritated. Panay ring pa rin yung phone ko.
Bahala ka I'll never answer your call. Keziah.
"Sino ba kasi yang tumatawag sayo at parang galit ka sakanya." Tanong ni Troy.
Yumuko naman ako at inilagay yung kamay ko sa forehead ko.
"Si Keziah."
Nagtinginan naman silang dalawa at bumalik ng tingin sa akin.
"Sagutin mo na kaya, Knowing her, hindi yun titigil hangga't hindi mo sasagutin yang tawag niya.." Sagot ni Troy.
"For what? Wala naman kaming dapat pag-usapan. Tapos na kami." I stand up.
Lumapit naman sa akin si Troy at hinawakan ako sa balikat.
"Last call naman at para matauhan na siya na hindi mo na siya mahal. Say everything to her. That you already moved on and yun about kay Nadine." Sabi ni Troy.
Humarap naman ako kay Troy. "I can't tell Keziah yung about kay Nadine. Alam ko kung paano yun magalit. Ayokong saktan niya si Nadine."
Nag-stop naman nag ring yung phone ko.
Tumayo naman si Ivan at lumapit sa akin. Naging seryoso yung mukha niya.
"Bro, Huwag ka sanang magagalit ah." Napatingin naman ako kay Ivan.
Bumuntong hininga siya. "Sinabi ko kasi kay Dolly yung about sa panliligaw mo kay Nadine, Hindi ko naman kasi alam na hindi pwedeng ipaalam at nangungulit kasi siya tungkol sayo. Sorry talaga."
Napasuntok ako sa wall. Hindi ko kayang suntukin ang mga kaibigan ko kaya doon ko nalang inilabas ang galit ko.
"Sorry talaga bro." Hinihimas ni Troy yung likod ko habang si Ivan naman ay tumitingin sa akin.
Humarap naman ako kay Ivan at pilit kong ngumiti.
"It's okay. Tapos na yun." Nag manly hug kami dalawa at ngumiti naman si Troy sa amin.
Kahit na ganyan kasi si Ivan alam kong mabuting tao yan.
Nag-ring na ulit yung phone ko at kumalas na rin kami sa pagkakayakap.
"Excuse me, Kakausapin ko lang siya." Nag-nod naman sila.
I went out and I answer the call.
[Hi baby, I miss you.] Tsss!
"Ano bang kailangan mo?" Madiin kong sagot sa kanya.
Naaalala ko tuloy yung ginawa niyang panloloko sa akin.
2nd anniversary namin yun at balak ko siyang i-surprise. I bought flowers and cake at pumunta sa bahay niya, But suddenly, Hindi kanais nais ang nakita ko. She's kissing with someone. Dahil sa nakita ko, hindi na ako nagpakita pa sakanya. Kahit na gusto niya akong kausapin at mag-explain sa ginawa niya hindi ko parin siya pinansin. Matindi yung galit ko sakanya. Bago siyang umalis papuntang America ay nakipagbreak na siya sa akin. I expected that she'll give me some time but no, She just used the time para makaalis.
Natawa naman siya sa kabilang linya.
[Ikaw! Kailangan kita. I still love you baby.. and I know that you still love me too.] She said.
Tsss. Napakawalang hiya naman ng babaeng to.
Nakakawalang respeto.
"Ano ba Keziah! Can you please just leave me alone! I don't love you anymore. Kung makaganyan ka akala mo naman wala kang ginawa sa akin." Sigaw ko. Sinara ko yung kamay ko.
Naiinis na ako.
[Hahahaha! Okay, I'm sorry for what I've done.]
I sighed. "Its not important for me anymore. I already forgot that at may mahal na akong iba." Seryoso kong sabi.
Napatigil naman siya. [Hindi ako titigil James. I'll fight for you whatever it takes.]
She ended the call.
Yan na talaga yung sinasabi ko. Hindi ko na dapat sinagot yung tawag niya.
Bumalik na ako sa loob at napatingin naman silang dalawa sa akin.
"Anong sabi?" Sabi ni Troy. Binigyan naman ako ni Ivan ng drink.
"Keziah said that she'll fight for me." Wala sa sarili kong sagot.
Bakit ba kasi hindi niya matanggap na I already moved on.
"Bakit ba kasi hindi pa siya naka-move on eh 2 years na kayong wala at siya pa kaya yung nakipag break sayo." Nagtatakang tanong ni Ivan.
I sighed at tumayo. "I don't want to talk about her. She's Pathetic. Sige bro aalis na ako pupuntahan ko muna si Nadine." Si Nadine lang ang magpapagaan ng pakiramdam ko.
"Sige bro. Wag mo nalang siya pansinin. Brat girl kasi, Kaya gusto nun nasa kanya lahat ng atensyon." Pilit akong ngumiti sa kanilang dalawa at umalis na.
Nadine's POV
"Ma'am nasa baba po si James." Sabi ng maid namin. Nasa room kasi ako, nagbabasa. Umuwi na rin kasi sina Cheska at Charee.
"Sige, Sabihin mong pababa na ako." Bakit kaya nandito si James? Wala naman kasi siyang sinabi na dadaan siya dito at pagkakaalam ko kasi na kay Troy siya ngayon.
Pumunta muna ako sa salamin at nag-ayos. Ayoko naman mag-mukhang mangkukulam kaharap si James baka pagsisihan pa niyang nililigawan niya ako.
Matapos mag-ayos agad na akong bumaba. Nakita ko siya sa living room na parang ang lalim ng iniisip. Parang wala siya sa sarili at mukha siyang malungkot.
"James? Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong.
Wala siyang sinabi..
Pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap.
dub.dub.dub.dub.dub.
Nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso ko.
Parang nangangarera sa sobrang bilis nito.
Stop it! Nadine! Back to reality, okay?
"Nadine, I really really love you...." Seryoso niyang sabi.
Alam ko na hindi siya nagbibiro.
Nakayakap pa rin kami sa isa't isa.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kinikilig tuloy ako.
"Kinilig kanaman?" Paano naman niya nalaman? Mind reader ba siya?
"H-Hindi Nuh!" Pagtatanggi ko. Obvious ba? Nakakahiya naman.
Magkayakap pa rin kami sa isa't isa. Nakakahiya naman sa mga katulong namin. Pinagtitinginan kami.
Tumawa siya "Ramdam na ramdam ko nga yung lakas ng tibok ng puso mo."
Kumalas ako sa pagkayakap sa kanya. I blushed.
"Whatever James!" I rolled my eyes. Umupo ako sa couch then tumabi naman siya sa akin. I crossed my arms.
"Sorry na." Paglalambing niya sa akin. Ni-rest niya yung head niya sa balikat ko.
Nananancing to ah. Pero aminin mo Nadine gustong gusto mo rin. -___-
Tumingin naman ako sakanya at ganoon rin siya sa akin.
Bakit ba kasi ang gwapo gwapo niya... Ang hirap tuloy magalit...
Ramdam ko na papalapit na yung mukha niya sa akin.
Hanggang sa magbanggaan na yung ilong namin.
Napapikit nalang ako..
Bahala na...
"Sino ka at bakit mo hahalikan ang anak ko?"
OMG! Si daddy! Diba bukas pa yung uwi niya?
***
Sino kaya yung girl na nakita ni Troy? hmmm. :D
A/N: Mga silent readers dyan, Mag-ingay naman kayo oh. Comment naman diyan. :)
VOTE. COMMENT. BE A FAN.