Love at its Best (Love Series...

By FGirlWriter

6.8M 123K 9.8K

What is love? Written ©️ 2014 More

Prologue: What is Love?
Chapter 1: Love at First Sight
Chapter 2: Chasing Love
Chapter 4: Loveless Marriage
Chapter 5: Letting Love Go
Chapter 6: Love to Pretend
Chapter 7: Love that is Patient
Chapter 8: When Love is Kind
Chapter 9: It does Not Envy
Chapter 10: Does Not Parade Itself
Chapter 11: Is not Puffed Up
Chapter 12: Does not Behaved Rudely
Chapter 13: Always Beautiful
Chapter 14: The Ex-boyfriend, First kiss, and Bestfriend
Chapter 15: Is Not Self-seeking
Chapter 16: Not Easily Angered
Chapter 17: Keeps No Record of Wrongs
Chapter 18: Does Not Delight in Evil
Chapter 19: Rejoices with the Truth
Chapter 20: Surrendering to Love
Chapter 21: Love Always Protects
Chapter 22: Love Always Trusts
Chapter 23: Love Always Hopes
Chapter 24: Love Endures All Things
Finale Chapter - Chapter 25: This is Love
Epilogue: Love at its Best

Chapter 3: Love to Fight For

247K 4.2K 369
By FGirlWriter

Chapter 3: Love to Fight For

After two months...

"LOVE IS always worth fighting for."

            Napailing-iling ang tatlong kaibigan ni Eunice na sina Rizza, Syrel, at Lorraine. Kasalukuyan silang nasa garden ng bahay ng uncle Johnny niya. Pagkatapos ng dalawang buwang pagwawaldas ng pera at pagbabakasyon kung saan-saan, nakaisip si Eunice ng paraan upang mapasakanya si Terrence.

            Ipaglalaban niya ang pag-ibig niya rito. And Rachelle would be out of the picture very soon!

            "What? You don't believe it?" tanong ni Eunice sa mga ito.

            "Eunice, there's no love to fight for in the first place," ani Rizza.

            "Tama si Rizza, Eunice," pagsegunda pa ni Syrel. "And you can't just plan na paghiwalayin ang dalawang taong nagmamahalan just so you can get what you want."

            "You're being selfish," dagdag pa ulit ni Rizza.

            Nagsalubong ang mga kilay ni Eunice. "So, what? Hindi niyo 'ko tutulungan sa plano ko?" naiinis na sabi niya. Mabusisi niyang plinano ang mga dapat gawin para maagaw niya si Terrence at hindi niya kayang gawing mag-isa iyon. But from the reaction she's getting from her friends, mukhang kailangan niyang magbago ng plano. "Akala ko ba mga kaibigan ko kayo? Why can't you help and support me?"

            "Dahil mga kaibigan mo kami," matatag na sabi ni Syrel. "Ayaw naming mas lalo kang masaktan, Eunice. Okay, sabihin na nating maagaw mo si Terrence. Sa tingin mo ba sasaya siya sa'yo?"

            "Matututunan niya rin akong mahalin! I'm not that hard to love!" determinadong sabi niya. Sa oras na mapaghiwalay niya sina Terrence at Rachelle, she'll try everything para malipat ang atensiyon ni Terrence sa kanya.

            Napailing-iling sina Rizza at Syrel.

            "Girls, madali lang naman ang gagawin natin. Ide-degrade lang natin ang confidence ni Rachelle na mahal talaga siya ni Terrence. Magse-set up tayo ng mga scenes na puwedeng sumuporta sa mga puwede kong sabihin kay Rachelle. Kailangan mag-away sila ni Terrence. Kapag nawala ang trust ni Rachelle kay Terrence, magkakalabuan sila, at madali na lang natin mase-set up si Terrence into sleeping with me and then-"

            "Can you hear yourself, Eunice?!" biglang malakas na sabi ni Lorraine sabay tayo mula sa kinauupuan nito. Kanina pa ito tahimik at ngayon lang ito kumibo. "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Mukha kang desperada na parang nauubusan ka ng lalaki! Why do you have to hurt Rachelle? Bakit kailangan mong agawin si Terrence? Kasi mahal mo? Kaya ipaglalaban mo?!"

            "Lorraine..."

            "That's bullshit, Eunice! Love is always worth fighting for, oo! But in your case, it's not love! Natsa-challenge ka lang kay Terrence! Because he's everything you want but you can never have. Hindi ka sanay na hindi nabibigay sa'yo ang mga gusto mo. You're selfish! Patutunayan mo lang sa mga kaklase natin noong high school that you're a spoiled, rotten, bratty bitch!" sigaw na nito.

            Hurt from her friend's words, nanggigil na tumayo rin si Eunice at tinapatan ito. "I don't care kung anong isipin ng ibang tao! I don't care if I sound so desperate! I want Terrence! I love him! And I'll do anything just to get him! Kahit makatapak ako ng ibang tao gagawin ko para lang makuha ko si Terrence!" she snapped. "He's the one I've been wishing for my whole life. 'Yung taong makapagbibigay sa'kin ulit ng kahulugan ng love!"

            "Eunice, matagal nang may nagbibigay sa'yo ng meaning na hinahanap mo pero ikaw ang may problema! Dahil tatanggapin mo lang kung ano ang gusto mo! Kami ba, hindi ka ba namin mahal? We're friends! Best of friends! Can't you find the meaning of love in our friendship?"

            Napapadyak ng paa si Eunice dahil sa inis. "Stop it, Lorraine! Don't give me that crap! Kung hindi niyo 'ko gustong tulungan, then you're free to go!" Eunice boomed.

            Unang tumalikod si Lorraine at mabilis na naglakad paalis.

            Sumunod na tumayo si Rizza. "If you'll win this so called 'fight', you will not be happy," huling sabi nito bago umalis.

            Syrel with teary eyes stood up next. "Y-You know that you're better than this, Eunice... Sometimes, the thing that we think we need... is not what we deserve. This is not the 'love' that should invade your heart."

            She crossed her arms and turned her eyes away from Syrel. Narinig niya ang pag-alis nito.

She clenched her teeth and held her tears from falling. Pilit siyang hindi nagpapaapekto sa mga sinasabi ng mga kaibigan. Pinili siyang talikuran ng mga ito kung kailan kailangan niya sila.

            Buo na ang desisyon ni Eunice. Matagal niya rin iyong pinag-isipan. She'll take her chance once more. She'll make sure that she can take Terrence's attention this time.

            She'll fight for the love she deserves.

❤❤❤

NANGGAGALAITING sinugod ni Terrence si Eunice sa bahay ng mga ito. Tatlong linggo na nitong ginugulo ang relasyon nila ni Rachelle!

            Una ay pinahiya nito si Rachelle sa opisina dalawang linggo na ang nakararaan. Sinabihan nito ng masasakit na salita ang girlfriend niya sa harap ng maraming tao. Agad na nagsumbong sa kanya si Rachelle noon pero hindi niya pinaniwalaan ito nung una dahil hindi ganoon ang pagkakakilala niya kay Eunice. Nagkaroon tuloy sila ng tampuhan.

            Sinubukan niyang paunlakan minsan ang pagbisita ni Eunice sa kanya sa opisina dahil matagal na rin niya itong hindi nakita at itatanong niya sana ang tungkol sa sinumbong sa kanya ni Rachelle.

            At nang makausap niya ito ay hindi siya nito sinagot at ngumiti lamang nang nakakaloko. Nagulat pa siya nang bigla siya nitong sugurin ng halik. Ilalayo niya sana ito ngunit sa kung anong dahilan ay ayaw niyang ihiwalay ang mga labi sa mga labi nito. Ngunit agad niya ring naisip si Rachelle at sinubukang ilayo si Eunice sa kanya.

            Hindi niya alam kung bakit nito iyon ginawa...

            "Eunice, what the hell are you doing?!"

            "Kissing you," simpleng sagot nito at saka siya tinulak paupo sa kanyang swivel chair.

            Sa kanyang pag-upo ay mas natitigan niya ang kaakit-akit na suot nito, ang makurbang katawan at ang ganda ng mukha nito.

            Umiling siya. What is he thinking? May nobya siyang tao pero pinagnanasaan niya ang ibang babae.

            "Eunice, will you please stop-"

            Hindi niya natuloy ang pag-awat dito nang bigla itong umupo sa kanyang kandungan at siniil na naman siya ng halik.

            She kisses heavenly. He's thinking of responding when he heard the door opened.

            Sabay silang napatingin ni Eunice sa may pintuan at ganun na lang ang pagkagulat niya nang makita si Rachelle doon.

            Tinulak niya patayo si Eunice.

            "Rachelle, this is all a-"

            Tumakbo na ito palabas. Hinabol niya ito ngunit mabilis itong nakasakay sa elevator at sumara iyon.

            "Damn it!"

            Galit na galit na bumalik siya sa kanyang opisina. Si Eunice ay prente lang na nakaupo sa kanyang puwesto kanina. She's wickedly smiling.

            Nanggigil siya. Dapat pala ay naniwala siya sa sinabi noon ng nobya.

            Iba ang nakilala niyang Eunice sa Eunice ngayon. She's really a scheming spoiled brat.

            "Out!" sigaw niya rito. Mas mabuting paalisin niya na lamang ito at baka ano pang magawa niya. Pamangkin pa rin ito ng ninong Johnny niya na ginagalang niya.

            Tumayo ito na may tagumpay na ngiti pa rin sa mga labi. What is she actually thinking?

            Bago ito lumabas ay muli siyang binigyan nito ng isang mabilis na halik.

            "Bye!"

            Hindi pa sila nakakapag-usap muli ni Rachelle mula nang malaman niya sa iba pang empleyado na kasamahan nito na pumunta na naman doon si Eunice at siniraan siya sa kanyang nobya. Ayaw na talaga siyang makita ni Rachelle dahil doon. Mas pinaniwalaan nito si Eunice.

            That brat already got into his nerves kaya naman agad niyang sinugod ito kahit pa nakatira ito sa mismong bahay ng ninong Johnny niya. Kailangang malaman na rin siguro ng tiyuhin nito ang kalokohan ng paboritong pamangkin!

            "Oh, Terrence! What a pleasant surprise!" bungad nito pagkakita sa kanya.

            She's still wearing her negligee at medyo magulo pa ang buhok nito na halatang bagong gising pa lang.

            "I didn't come here to visit you!" angil niya agad dito.

            "Oh, a little grumpy in the morning, Mr. Handsome?" malambing na tanong nito.

            "Stop these, Eunice! Ano bang ginagawa mo? You've been ruining my relationship with Rachelle! Bakit mo ba kami ginugulo?"

            Tumingin ito diretso sa kanyang mga mata. She touched his face, pero umiwas siya. "I really like you, Terrence."

            Sinasabi niya na nga ba. She likes him. And for a typical brat like her, she'll do everything to get him. She's just playing.

            "You, bitch! Sabihin mo ang totoo kay Rachelle! Na wala tayong relasyon. Na ang naabutan niya sa opisina ay wala lang at ikaw ang may kasalanan. Aminin mo ang lahat sa kanya!"

            "And why would I do that?" nakataas na kilay na sabi pa nito.

            "Because no matter how you like me and do everything to ruin my relationship with Rachelle, I won't like you. Gagawin ko ang lahat bumalik lang siya sa'kin. I can't afford to lose her," mariing sabi niya. "I. Love. Her."

            Nabanaag niya ang sakit sa mga mata nito pero agad din itong tumalikod sa kanya. He probably hurted her ego. Pero bakit may lungkot din siyang nakita sa mga mata nito?

            "You'll fight for her..." anito habang nakatalikod pa rin sa kanya.

            "Because what we have is worth fighting for. Gagawin ko ang lahat, mabalik lang kami sa dati. Ipaglalaban ko ang relasyong pilit mong sinisira," mariing sabi niya.

            Mahabang katahimikan ang dumaan sa kanila nang muli itong magsalita.

            Huminga si Eunice nang malalim. "I'll tell her the truth... in one condition."

            Nagsalubong ang mga kilay niya. "What?"

            Humarap ito sa kanya at matapang na sinalubong ang kanyang mga mata.

            "Sleep with me."

❤❤❤

            HINANDA ni Eunice ang mapang-akit na ngiti at tingin. Nilapitan niya si Terrence na tila hindi makapaniwala sa nilahad niyang kondisyon.

            Hinaplos niya ang batok nito papunta sa leeg at pababa sa dibdib nito. Tinago niya ang panginginig. Hindi dapat nitong makita na kinakabahan siya! A little bit more and Terrence would be hers.

            Tumingkayad siya at nilapit ang mga labi sa tainga nito. "Give me a hot, fucking bang, lover boy," she huskily whispered.

            She heard him silently cursed.

            Idinikit niya pa lalo ang katawan niya sa katawan nito. Manipis lang na negligee ang suot niya kaya't ramdam niya ang init na nanggaling mula sa katawan nito.

            Nagulat siya nang marahas siyang hinapit nito at marahas siyang hinalikan!

            His lips crushed into hers. His kisses were rough and angry.

            Nasasaktan siya ngunit ano pa bang aasahan niya? That he'll be gentle with her? Sa lahat ng ginawa niyang panggugulo sa buhay pag-ibig nito?

            No. She deserves this kind of treatment from him. Pinilit niyang makisabay sa gawi ng paghalik nito. Kumapit siya sa batok nito.

            Her heart beats erratically.

            And when she felt his reaction on her stomach, shivers run down her spine.

            "Where's your room?" he roughly asked between their kisses.

            "Upstairs... First door to the left."

            He bit her lower lip that made her groan.

            Naramdaman niyang umangat ang kanyang mga paa mula sa sahig. Pangko na siya nito habang paakyat sila ng hagdan.

            Are they going to do it now? This early morning?

            She felt the excitement. Pero kinakabahan siya dahil wala iyon sa plano! Ngunit, kung mangyayari na ngayon ito... makikisabay na lamang siya sa agos.

            She loves Terrence so much and she's willing to give herself to him. Naramdaman na niyang lumapat ang kanyang likod sa malambot na kama.

            Terrence left her lips and trailed rough and savage kisses on her neck down.

            She moaned aloud. Nasasaktan siya sa paraan ng ginagawa nito. But then, he's awakening something inside her that she never felt before.

            "Terrence!"

            "You want this, right?" marahas na tanong nito. "So, I'm giving it to you. But not gently, brat. You don't deserve it!"

            She wanted to cry but she held back her tears. He's right. She deserved to be treated this way. Halata sa paraan nito ng pagdama sa kanya ang nararamdaman nitong galit. Ginusto ito ni Eunice at wala siyang karapatan upang umangal.

            Tuluyan na nitong hinubad ang kanyang manipis na kasuotan. When he saw her nudity, desire and anger flashed in his eyes. Hinubad na rin nito ang suot na polo-shirt. He grabbed her arm and harshly kissed her once more.

            She bit her lower lip when one tear fell from her right eye. He's really mad at her.

            Unexpectedly the door swung open!

❤❤❤

"MAGPAPAKASAL kayo! Whether you like it or not!"

            "But nothing happened!" pilit na paliwanag ni Terrence sa harap ng ama nito at ng kanyang uncle Johnny.

            "My niece is naked and you're on top of him, young man! Kahit walang nangyari, sa tingin mo ay palalagpasin ko iyon? I trusted you, Terrence! Kung hindi ninyo tuluyang nagawa ngayon, sigurado akong susubukan niyo muling gawin iyon!" her uncle exclaimed.

            "No! Kasalanan po lahat ito ng magaling niyong pamangkin, Ninong!" nanggagalaiti pang pagpapaliwanag ni Terrence habang matalim na nakatingin sa kanya. "I'm sure this is a part of her bitchy plan para paghiwalayin kami ni Rachelle!"

            "Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo, Terrence! You're accusing my niece of nonsense!"

            Napayuko si Eunice.

            "But she's a bitch-"

            "Enough, Terrence David!" Dumagundong sa buong kabahayan ang pagtaas ng boses ng ama ni Terrence. "Bigyan mo kami ng kahihiyan! Siguro normal na sa henerasyon niyo ang muntikan nang mangyari kanina. Pero sana hindi ka nagpahuli! At isisisi mo lahat kay Eunice? Maging lalaki ka naman, Terrence! May nangyari man o wala, magpapakasal kayo ni Eunice!"

            Wala nang naisagot pa si Terrence. Nanahimik ito at tinapunan na lang siya ng nanggagalaiting tingin.

            Hindi niya kayang salubungin ang mga tingin nito.

            Magpapakasal na sila ni Terrence. Looks like kahit wala sa plano niya ang nangyari kanina ay doon pa rin ang punta niyon... ang pagkahuli sa kanila sa di kaaya-ayang sitwasyon.

            "If you'll win this so called 'fight', you will not be happy."

            And her friend is right. She cannot feel any satisfactory at the fight she had just won.


***

Let's get connected!

Follow my official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 101K 49
Shinessa knows that Helix is worth the fight―until she discovers that he's dying soon. Now faced with a difficult situation, can Shin overcome her wo...
487K 4.4K 130
This book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible vers...
3K 128 15
The Cristina and Leonardo's love story. [HER POV] BOOK 2 Cover by: PANANABELS
7.3K 227 5
It all started with that site where you get to talk with strangers.