Tight-Lipped (COMPLETE)

By AnanymouslyInLove

152K 2K 12

Rich girl Lavinia Montez had everything when all of a sudden, she found herself pushing a "kariton". How is t... More

TIGHT-LIPPED/ chap.1
TIGHT-LIPPED/ chap.2
TIGHT-LIPPED/ chap.3
TIGHT-LIPPED/ chap.4
TIGHT-LIPPED/ chap.5
TIGHT-LIPPED/ chap.6
TIGHT-LIPPED/ chap.7
TIGHT-LIPPED/ chap.8
TIGHT-LIPPED/ chap.9
TIGHT-LIPPED/ chap.10
TIGHT-LIPPED/ chap. 11
TIGHT-LIPPED/ chap.12
TIGHT-LIPPED/ chap. 13
TIGHT-LIPPED/ chap. 14
TIGHT-LIPPED/ chap.15
TIGHT-LIPPED/ chap. 16
TIGHT-LIPPED/ chap. 17
TIGHT-LIPPED/ chap.19
TIGHT-LIPPED/ chap. 19
TIGHT-LIPPED/ chap. 20
TIGHT-LIPPED/ chap. 21
TIGHT-LIPPED/ chap. 22
TIGHT-LIPPED/ chap. 23
TIGHT-LIPPED/ chap.24
TIGHT-LIPPED/ chap.25
TIGHT-LIPPED/ chap.27
TIGHT-LIPPED/ chap.28
TIGHT-LIPPED/ chap.29
TIGHT-LIPPED/ chap.30
TIGHT-LIPPEd/ final chapter
Author's Note

TIGHT-LIPPED/ chap.26

3.1K 51 0
By AnanymouslyInLove

Chappter Twenty Six

______________________

[ Macario’s POV ]

Napatayo ako nang biglang sumulpot sa silid ni Simon si Segmun. Marahil ay sapat na ang narinig niya para malaman ang katotohanan.

“Magkasabwat kayo,” angil niya. “All this time, magkasabwat kayong dalawa!”

Napatungo na lang ako.

“Ikaw,” tawag sa akin ni Segmun kaya napaangat ako ng tingin, “kasabwat mo rin siguro si Lavinia, ano? Siya ba ang ginagamit niyo para maging bulag ako sa lahat ng ito?”

“Huwag mong idamay ang anak ko,” kalmante kong sagot laban sa galit na bulyaw ni Segmun. “Hindi ko siya sinasali rito.”

“Pero siya ang binigay mo sa aking kabayaran para itago kita rito!”
“May mga plano ako, Segmun—“

“Tama. May mga plano kayo ni Papa,” baling niya sandali sa ama niya. “At heto! Gumagana ang plano! Hah! Totoo nga bang tinatakbuhan mo ang sindikato o baka naman kasinungalingan lang din ito? Baka naman pino-protektahan ninyo ang sindikato ninyo!”

“Anak,” salita ni Simon sa wakas, “makinig ka muna sa paliwanag namin—“

“Para ano? Para bilugin ang ulo ko?” singhal niya. “Alam mo, Papa, kahit na naiinis ako sa pagiging disciplinarian mo nung barumbadong kabataan ko, kahit kailan, hindi ko inisip na magiging isa kang kriminal! Hindi ko pinaniwalaan ang mga paratang sa iyo tungkol sa isang sindikato dahil,” napasabunot ito sa sariling buhok, “dahil imposible eh! Alam mo ‘yun? Hindi talaga ako nagsuspetsa!”

“Segmun—“

Pero agad na naglabas ng baril si Segmun at tinutok iyon sa amin.

“Anak,” tawag ko sa kanya, “maghunos-dili ka!”

“Tatawag ako ng pulis. Isusuplong ko kayong dalawa!”

Napayuko na lang ako. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Palihim akong sumulyap kay Simon at nakita na parang hindi ito natatakot pero nalulungkot. Inilahad ko kaagad ang kamay ko para iabot kay Segmun ang wallet ko.

“Nandito ang susi sa vault ng sindikato,” sabi ko sa kanya. “Plano sana namin ng papa mo naibigay iyan sa mga pulis. Talagang pinaghandaan na namin ang makulong.”

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Segmun. Pero kung nagulat man siya sa sinabi ko, hindi iyon pinahalata ng seryosong mukha niya na masama pa rin ang tingin sa amin.

“Nilalansi mo lang ako,” sabi niya.

Binuksan ko ang wallet at inilabas ang susi.

“Noon, humingi ako ng tulong sa inyong mag-ama na itago ako rito sa hacienda dahil ayaw kong madamay ang aking pamilya. Nadamay din naman sila kasi… kasi kinuha ng sindikato ang lahat-lahat ng ari-arian namin. Kaya nga… kaya nga natagpuan mo ang mag-iina ko sa kalye, Segmun.

Habang nasa tulay kami noon, may namataan ako na sumusunod sa amin. Kilala ko siya. Alam ko na isa siya sa mga bata ng boss namin sa sindikato, kaya pinili kong tumalon sa tulay na iyon. Hindi naman ako namatay nang bumagsak ako sa tubig.  Lumangoy ako papunta sa ilalim ng tulay at umahon para makatakbo kaagad. Tulad ng inaasahan ko, sinundan ako doon ng mga humahabol sa akin.

“Ayun siya!” narining kong sigaw ng isa sa mga lalaki kaya nagtatatakbo ako.

Pero dahil sa basang-basa ako at nanghihina pa mula sa biglaan kong pagtalon sa tulay, naabutan nila ako at agad na binugbog bago isakay sa van nila.

Habang bihag pa nila ako, nagpalakas ako. Alam ko na kakailanganin ko ang lakas na iyon para malabanan sila. Hindi rin kasi magtatagal, papatayin na nila ako dahil sa pagtalikod sa sindikato. Tinalikuran ko ang sindikato nang magka-interes sila na isali doon si Lavinia. Ang Big Boss pa mismo ang nagpasabi noon. Kahit kailan, hindi ko pa nakikita angmukha ng Big Boss. ‘Ni sa telepono, hindi ko pa siya nakakausap. Iyon ay dahil sa piling-pili na mga tauhan ang siya nagpapakita at nakikipag-usap. At marahil, nagpapakita siya sa mga traydor bago sila ipapatay nito. Pero hihintayin ko pa ba na patayin ako? Nagawa kong makatakas. Pinag-planuhan ko talaga iyon. At tinungo ko ang vault na nasa opisina ng pinakamalakng warehouse nila ng droga. Marami na rin kasi akong alam sa sindikato kaya alam ko na angmga records ng drug dealers at mga transactions ang kakailanganin ko para matiklo sila. Pagkarating ko sa opisina, suwerteng nasa keyhole pa ng vault yung susi.

“Yun si Macario!” narinig kong sigaw ng isa sa mga tauhan na nagbabantay sa akin. Mukhang napansin na nila na nakatakas ako kaya kinuha ko na lang ang susi ng vault at agad na tumakas.

Malakas pala ang panlaban ng susi na ito sa sindikato. Specialized ang susi. Pinasadya talaga para sa vault na iyon kaya itong susi lang ang makakapagbukas n’un.

At dahil sa ayaw kong madamay pa ang pamilya ko, hindi ko na muna sila binalikan. Tutal, nasa kalye nasila at palipat-lipat. Hindi sila agad matutunton ng sindikato. Pinuntahan ko kaagad si Simon para humingi ng tulong bago siya lumipad ng Amerika. Si Simon, matagal nang tumalikod sa sindikato. Pero dahil sa pagiging prominenteng tao niya at pagiging kilala sa businessworld, na-protektahan siya ng kapangyarihan niya. Hindi na naman siya mausig ng sindikato, marahil dahil sa takot nila na pag pinagpilitan nila ang kaso ay nabuwag ang sindikato. Pero nanatili pa ring nasa Supreme Court ang case, hindi nga lang masyadong naaasikaso.

Kaya nung nagpakita ako dito sa hacienda, alam na ni Simon na naroon ako, kahit na tumawag pa si Segmun dito para sabihin ang tungkol sa pagpapakupkop ko. Pumayag naman si Segmun dahil sa inaprubahan iyon ni Simon at wala namang tao sa mansyon dahil sa isang subdivision sa Manila siya kasalukuyang nakatira.

Doon na nga  ako nagsimulang magpahinga muna. Nagpapalamig kumbaga, habang pinag-iisipan ko kung paano mabubuwag ang sindikato at masusuplong ito sa pulis. Dahil alam ko na pag nalantad na ang katotohanan, makukulong ako… at si Simon.”

“Bakit mo naman ginawang kabayaran si Lavinia, para itago kita rito?” kalmante na na tanong ni Segmun.

“Ikaw ang nakipagkasundo sa akin, Segmun, nakakalimutan mo na ba?”

“Gagawin ko ang lahat. Basta pumayag lang kayo na makasal sa akin si Lavinia.”

“Kung gusto mo ang anak ko, hanapin mo siya. Hanapin mo siya at ang pamilya ko. Bigyan mo sila ng bahay at lupa at pera at trabaho. Tapos,  bahala ka na na kumbinsihin si Lavinia na pakasalan ka.”

“Salamat, Papa.”

Napailing na lang si Segmun. “Kaya pala, Papa, naipaliwanag mo sa akin ang tungkol sa sindikato ni Macario. Ang akala ko ay alam mo dahil lang sa pinuntahan ka niya muna bago pumunta sa hacienda at—“

“Talagang alam ko na ang mga iyon, anak,” sagot ni Simon. “Kinatatakutan ko na talikuran ako ng pamilya natin kapag nalaman ninyo na sumali ako sa isang sindikato.”

“Ano pa ba ang magagawa ko! Nandito na ito,” suko ni Segmun ngunit hindi pa rin binababa ang baril.

Siya namang pasok ni Lavinia sa silid.

“P-Papa!” tawag niya sa akin.

Huwag sanang magagalit ang anak ko. Huwag sana…

Napapikit na lang ako. Hindi ko inaasahan na tatakbo si Lavinia para yakapin ako.

“Buhay ka pa! Papa, buhay ka pa!”

Dahan-dahan akong dumilat saka ginantihan ng mahigpit na yakap ang yakap ng aking anak. Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita. Sana bago magtapos ang lahat ng ito ay mayakap ko na rin ang mga kapatid ni Lavinia at si Elena, ang aking asawa.

“A-Anak,” kinakabahan kong tanong, “narinig mo ba ang lahat?”

“Ang lahat ng alin?” tanong niya sa akin saka binalingan si Segmun. “Segmun! Ibaba mo nga iyang baril! Hindi mo ba kilala ang Papa ko?”

Awtomatikong binaba ni Segmun ang baril.

“Kilala. Matagal na.”

Napamaang ang anak ko na parang nagulat. “N-Nagkita na kayo?”

“At may sasabihin ako,” patuloy niya, “isa siyang kasapi ng isang drug syndicate.”

Sa sinabing iyon ni Segmun, parang gusto ko siyang sikmuraan. Bakit sinabi niya kaagad? Ngayon, malamang sa hindi, iiiyak ang anak ko at galit na iiwanan ako sa silid na ito.

“Alam ko,” sagot sa kanya ni Lavinia na parang yumanig sa akin.

 

[ Segmun’s POV ]

Maniniwala ba ako? Marahil ay narinig na ni Lavinia ang lahat ng pinag-usapan namin bago siya nagpasyang pumasok sa kwarto ni Papa.

“Matagal ko nang alam,” yuko ni Lavinia. “Kaya ng naniwala na ako noon na pinatay na ng sindikato ang Papa.”

Hinawakan ni Papa Macario si Lavinia sa mga balikat at pinihit ito paharap sa kanya.

“M-Matagal mo nang alam, a-anak? P-Pa’no?”

Sinalubong ng mga mata ni Lavinia ang titig ng kanyang ama.

“Nung hindi pa tayo naging mahirap noon, Papa,” paliwanag niya. “May humarang sa akin sa school. Isa sa mga tauhan sa sindikato. Pinasasali nila ako kung ayaw ko raw na may masamang mangyari sayo.”

Medyo naluha si Macario saka hinaplos-haplos ang mukha ni Lavinia. “A-Anak.”

“Nagdalawang-isip ako, Papa. Gusto kitang iligtas. Pero nagdududa ako na baka iniisahan lang tayo ng sindikatong iyan. Isa pa, hindi ako naniwala noong una na kasali ka sa sindikato kaya tumanggi ako. Pero nang magkwento na sila tungkol sayo, doon na talaga ako napaisip. At naisip ko na, kung kasali ka nga talaga sa sindikato, alam ko na hindi ka makakapayag na pati ako, isangla ko ang buhay ko para sa kanila, kaya sinipa ko siya sa balls,” medyo natawa pa si Lavinia, “at humalo ako sa mga estudyante sa school. ‘Yun, hindi na nila ako nahabol.”

“B-Bakit hindi mo sa akin kinuwento, anak?”

Umiling si Lavinia saka tumabi sa akin at hinawakan ako sa braso bago niya hinarap ang ama niya. “Dahil sa pagbabanta sa akin nung goon na iyon na pag hindi ako sumali sa sindikato ay sasaktan ka nila, napag-isip-isip ko na mukhang may atraso ka na sa kanila kaya ayoko na alalahanin mo pa ako. Gusto ko na ang isipin mo muna ay ang sarili mo. Alam ko na mali ang ginawa mong pagsali sa sindikato, Papa. But I know, dahil lang sa gusto mo kaming iahon noon sa kahirapan kaya… kaya kumapit ka sa patalim.”

Iniwanan ako ni Lavinia at maluha-luhang niyakap ang ama.

“Papa…”

“Huwag kang mag-alala, anak,” iyak ni Macario. “Matatapos din ang lahat ng ito. Isusuplong na namin sa pulis ngayong gabi ang sindikato.”

Humiwalay si Lavinia mula sa pagkakayakap sa ama. “I-Ibig sabihin… b-baka makulong ka na rin, Papa!”

“Hindi lang siya,” singit ng tatay ko. “Magkasama kami.”

Napatitig siya kay Papa, tapos ako naman ang binalingan niya ng tingin.

“Huwag kang mag-alala,” sabi ni Macario. “Hindi kasali sa sindikato si Segmun. At pinahanap talaga kita sa kanya. Alam ko na siya lang ang makakapag-alaga sa iyo sa oras na makulong ako.”

“Marami kayon g explanation na gagawin sa akin,” sabi ni Lavinia.

Nauunawaan ko na ngayon kung bakit kailangan ko silang mabigyan ng house and lot para lang makuha ang kamay ni Lavinia sa kasal mula kay Papa Macario. Iniisip niya ang ikabubuti ng pamilya niya. Mukhang tama nga siya. Pinagplanuhan na nga niya ang lahat.

“Akala ko ba ayaw niyo kay Segmun?” nguso ni Lavinia.

“Ikaw pa, anak. Lahat naman ng gusto mo, binibigay ko ‘di ba?” ngiti niya sa wakas. “Bakit ayaw mo na ba kay Segmun?”

Aba! Parang mababaligtad pa yata ang set-up ah! Agad kong hinapit palapit sa akin si Lavinia. Nalimutan ko ang hawak kong baril kaya nahulog ko iyon.

“Aba, akin na ‘to!” sabi ko sa kanila. “Ang usapan ay usapan, Papa,” sabi ko kay Macario.

“Pero ‘di ba ang usapan lang naman ay …

Kung gusto mo ang anak ko, hanapin mo siya. Hanapin mo siya at ang pamilya ko. Bigyan mo sila ng bahay at lupa at pera at trabaho. Tapos,  bahala ka na na kumbinsihin si Lavinia na pakasalan ka.

Winagayway ko ang mga kamay ko.

“Eh! Tama na nga ‘yang paulit-ulit na flashback na ‘yan!”

Naramdaman ko na lang ang tapik ni Lavinia sa pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya.

“Napaka-paranoid mo,” ngisi niya. “May sinabi ba ako na ayaw ko na sayo?”

“Aba! Malay ko ba, eh kanina si Ronnie—“

“Pati ba naman si Ronnie, pinagseselosan mo?” sapo ni Papa sa noo niya.

“Baka naman bugbugin mo ang anak ko pag kinasal na kayo sa kaseselos na ‘yan, Seguismundo,” seryosong komento ng papa ni Lavinia.

“Ah… Eh…”

“Akala ko ba gwapo ka, bakit nagseselos ka pa?” kawit ni Lavinia ng mga braso niya sa leeg ko.

“Bakit, sa gwapo ka lang ba tumitingin?”

“Hindi,” tawa niya.

“Huwag na kayong mang-inggit, please lang,” halos mapipi na singit ni Papa kaya natawa na lang kami.

Kahit wala sa sitwasyon talaga naroroon pa rin ang sense of humor na signature na ng mga Libral.

Happy ending na ba agad? Hahalikan ko na ‘to para happy ending na.

Nilapit ko na ang mukha ko at kasasayad pa lang ng labi ko sa labi ni Lavinia nang marinig ko si Papa na nagsalita.

“Sino ang mga iyon?”

Napalingon tuloy sa kanila si Lavinia. Bakit kasi naimbento pa ang wrong timing ?

Naglapitan kami kay Papa at nakitago sa likod ng kurtina ng pintuan papunta sa terrace para silipin ang nakita ni Papa. May nakita kaming mga sasakyang Jaguars at van na tumigil sa tapat ng terrace ng Papa. Hindi pa kami nakakabilang ng tatlo ay napadapa na kaming lahat dahil sa sunod-sunod na putok ng baril patungo sa pwesto namin.

Continue Reading

You'll Also Like

5.1K 524 100
Anna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, a...
7.8M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
117K 1.9K 27
I love to be with you, I want to give you a second chance. Pero ikakasal ka na.
27.6K 258 102
Siya po ay naglalaman ng tagalog at english na Qoutes! Hope you like it.