High School Zero

By Alesana_Marie

5.9M 193K 48.5K

Tammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood f... More

Copyright
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter 3.5
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Extra #1
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Extra #2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Character List
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Author's Note

Chapter Twenty-One

84.4K 2.9K 267
By Alesana_Marie

Chapter Twenty One


"Ano sa palagay mo, King?" ang tanong ni Marko sa lalaking naka-upo sa sofa. Sa dalawang gilid nito naka-upo ang dalawang babae na nanunuod sa nangyayari.

Hindi sinagot ni Nino ang tanong ng beta niya. Patuloy lamang niyang tinitignan ang dalawang lalaki sa harap niya.

"I think you went to the wrong King. Aren't you first years?"

"S-Sa tingin namin, hindi ito isang bagay na pwede naming ipagkatiwala sa kanya," ang sagot ng lalaki na si Cam, galing class 1-c.

"Kahit na gaano pa man kahusay ang King namin, sa ganitong problema mas mabuti kung sa inyo kami lalapit," segunda ng kaklase nitong si Lodi.

"Did you ask your Alpha?"

Namutla ang dalawang lalaki. Naalala nila ang nangyari nang subukan ng alpha nila na ayusin ang problema. Pero bumalik itong puno ng pasa ang katawan. Hanggang ngayon ay nasa ospital ito.

Sa reaksyon ng dalawang lalaki, naging madali para kay Nino na mahulaan ang nangyari.

"Lily, Yana, invite King Pendleton here."

Tumayo ang dalawang babae at lumabas ng silid.

"K-King!" ang halos sabay na sabi ng dalawang lalaki.

"Let's hear your King's opinion first," sagot ni Nino.

Alam ni Nino kung gaano ka-seryoso at ka-delikado ang bagay na ito. Sa totoo lang ay gusto niyang iwasan na ipaalam kay Tammy ang nangyayari. Hangga't maaari ay ayaw niyang mapalapit ito sa lugar na iyon. Ngunit kung siya ang gagawa ng solusyon, mawawala ang respeto ng mga first years sa hari nila. Ito ang isang bagay na ayaw mangyari ni Nino.

Sa ginawang pag-lapit sa kanya ng dalawang lalaki, patunay ito na walang tiwala ang mga first years kay Tammy. Hindi niya maiwasan na maalala ang nangyari sa kanya last year. Nang manalo siya bilang King ngunit iniisip ng iba na dahil lang sa pandaraya na nagawa ni Bullet noon kaya iyon nangyari. Mas malakas si Bullet kaysa sa kanya kaya naman nahirapan siyang patunayan ang sarili niya sa iba.

Kahit papaano, ngayong nanalo na siya laban kay Bullet ay nawala na ang tinik sa kanyang lalamunan. Napatunayan na niya ang kanyang sarili. At iyon din ang dapat gawin ni Tammy ngayong hari na ito. Kailangan nitong ipaalala sa lahat kung gaano kalakas ang isang hari.

Bumukas ang pinto ng music room at pumasok sina Lily at Yana. Kasunod nito si Tammy. Napakunot ang noo ni Nino nang makita ang lalaking kasama nito. Ang napapabalitang first year na muling lalabanan ni Tammy sa susunod na bwan.

Bakit sila mag-kasama?

***

"Boss! Patawarin nyo na kami, Boss!"

Nasa sampung lalaki ang nasa gilid ng building, nakaluhod at nakataas ang mga kamay. Sa harap nila ay ang nakahalukipkip na si Banri. Madilim ang mukha at tila umaapoy sa galit ang mga mata.

"Iniisip lang naman namin na naagrabyado ka, Boss!"

"Oo nga po, Boss!"

Muling naglabasan ang mga ugat sa noo ni Banri sa narinig. Hindi pa yata sapat ang sakit sa katawan na ibinigay niya sa mga ito kanina. Sino ang nagsabing gumawa sila ng gulo habang wala siya?! Tatlong araw siyang hindi pumasok dahil sa sakit ng katawan niya. Pagka-uwi niya sa bahay nila noong sabado ay agad siyang pinapasok sa ring ng tatang niya at doon siya nabugbog.

Hindi pa nakatulong na inalila siya ng kanyang mga kapatid na babae nang malaman ang ginawa niya sa kalaban na si Tammy.

At ngayong akala niya ay malaya na siya sa lahat ng gulo, nang akala niya ay tapos na ang paghihirap niya, mababalitaan niya ang ginawa ng mga kaklase niya. Hindi siya makapaniwala!

Sino'ng may gusto na labanan ulit si Tammy Pendleton?! Sino ang nagsabing gusto niya?! Sila ang gumawa ng gulo at ngayon ay siya ang papaharapin?! Alam ba ng mga ito ang paghihirap na dinanas niya nitong mga nakaraang araw?! At inaasahan pa ng mga ito na magiging masaya siya sa narinig na balita!

Naalala niya kung gaano kasaya ang mga ito nang makita siya. Nag-unahan pa na sabihin sa kanya ang balita na tila naghihintay ng papuri mula sa kanya.

Sino ang nagsabi na magiging masaya siya?! Oo nga at nadismaya siya sa naging resulta ng laban pero isipin palang niya ang naghihintay sa kanya sa bahay nila kapag nalaman ulit ng pamilya niya na lalabanan niya si Tammy...

At ngayon, ang mga kaklase niya ay tinitignan siya na parang inabuso niya ang mga ito matapos siyang gawan ng kabutihan! Na para siyang amo na sumipa ng mga tuta...

Halos pumutok ang mga ugat ni Banri sa galit. Iniwas niya ang tingin sa mga ito.

"Bo, nasaan ang King ngayon?" tanong niya sa lalaking nasa kanan niya.

"Alpha, ayon sa espiya, siya ay pabalik na sa kanilang silid."

Espiya? Hindi nalang niya pinag-aksayahan ng oras isipin pa iyon.

"Pupuntahan ko siya para ayusin ang gulong ito. Bantayan mo sila," utos niya.

"Opo Alpha," buong respeto na sagot ni Bo.

Pinanood ni Bo na umalis si Banri. Lubos ang paggalang niya sa kanilang Alpha dahil sa lakas nito. Nang mapanood niya itong magpractice ng boxing sa ring, lubos siyang humanga.

Sa totoo lang ay gusto rin niya itong maging Hari nila. Ngunit nang mga oras na pupuntahan nila si Tammy Pendleton upang hamunin itong muli, doon sumablay ang kanyang tyan. Nakaramdam siya ng sakit at hindi na nakasama pa. Iyon ay dahil sa cookies na ibinigay sa kanya ng kanyang girlfriend. Ang akala niya ay malas ang nangyari, mula noon ay hindi na niya masyadong pinansin ang mga texts nito sa kanya. Ngunit ngayon ay nalaman niyang swerte pala siya sa nangyari. Dahil dito ay nakaligtas siya sa galit ni Banri. Iniisip niyang bilhan ng regalo ang babae.

"Traydor ka, Bo!" sabi ng isang lalaki na nakaluhod sa lupa at nakataas ang mga kamay.

"Hehehe! Mga wala kasi kayong love life!" tumatawang sabi ni Bo sa mga kaklase.

Bigla namang nag-iba ang mukha ng mga lalaking narinig ang sagot niya. Ano ang kinalaman non sa nangyayari sa kanila ngayon?!

***

"Kyaaah! Tammy, mag-tago ka bilis! Papunta rito si Banri! Mukhang galit na galit siya!" sabi ni Cami na humihingal dahil sa pagtakbo papasok ng classroom.

Mula sa sinasagutang assignment sa libro, napatingin si Tammy sa babae. Kumunot ang noo niya. Hindi pa ito ang araw kung saan sila maglalaban. Gusto na ba nitong madaliin?

Hindi nag-tagal ay dumating si Banri. Nakatayo na ito sa pintuan ng silid nila. Madilim ang mukha nito. Likas na maangas ang porma ni Banri kaya naman hindi nakatulong ang tila galit nitong expression sa mukha. Mukha itong naghahamon ng away. Kaya naman agad na nagsitayuan ang mga kaklase ni Tammy na mga lalaki.

Ngunit sino ba si Tammy Pendleton? Natuto siyang makipag-laban noong bata palang kaya naman sensitibo siya sa mood ng mga tao.

Nang makita niya si Banri na may madilim na mukha, alam niyang galit ito ngunit hindi sa kanya. Wala siyang nakikitang galit patungo sa kanya mula sa mga mata nito. Sa kabaliktaran, parang gusto pa nga nitong humingi ng tawad sa kanya. Doon siya nagtaka.

Ngunit bago pa man makapag-salita si Banri, naitulak na ito palayo. May dalawang magagandang babae na pumalit sa kinatatayuan ni Banri kanina. Magkamukha ang dalawa. Tumingin ang mga babae kay Tammy.

"King Pendleton, sumama ka sa amin."

Biglang nag-iba ang mood sa loob ng classroom. Tila ba nagkulay pink. Mukhang tinamaan ng pana ni kupido ang mga kaklaseng lalaki ni Tammy.

"Sina Lily at Yana," bulong ni Fatima mula sa likod ni Tammy. "Second years. Kasama sa group ni King Nino."

"Teka, ako ang nauna rito!" sabi ni Banri mula sa likod ng dalawang babae.

Hindi ito pinansin ng dalawang babae. Si Tammy lang ang tinitignan nila. Wala silang masyadong pakialam sa ibang tao maliban sa target nila. Anumang utos ni Nino ay gagawin nila. Sino ba si Banri? Isa lamang itong first year.

Napansin ni Tammy ang seryosong aura ng dalawang babae. Kaagad siyang tumayo at sumama sa mga ito. Sa likod niya ay nakasunod si Banri na mukhang hindi alam ang gagawin.

Pagdating sa mga babae ay nanghihina si Banri. Naisip nalang nitong paunahin ang dalawang babae at maghintay ng pagkakataon pagkatapos.

Sa huli, silang apat ang pumasok sa loob ng Music room kung saan nandoon si Nino kasama ang ilang mga lalaki.


***AN

This is an early update. LOL Nahulaan ninyo ba lahat ng usernames na ginamit sa prev chapter? Kkkk! Kaway sa mga silent readers! Hello! Kumusta kayo! Hahaha! :D 

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 102 15
(SPIRITUAL SERIES #5 REPENTANCE) "They are now dead, they live no more; their spirits do not rise. You punished them and brought them to ruin. You wi...
90.6K 5.7K 19
Ipinanganak si Wendy na may mirror-touch synesthesia. Ibig sabihin, lahat ng nakikita niyang nararamdaman ng ibang tao ay mararamdaman din niya. Maki...
4.5M 131K 45
Kingdom University Series, Book #3 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?
964K 48K 50
Hoy bitch! Anong karapatan mong basahin ang story ko? Sinong nagbigay sayo ng karapatan? Yung walang kwentang author ba? *Rolled eyes* Oh well, anon...