Mad Hatter

hrxshyx द्वारा

2.6K 408 232

(UNDER MAJOR EDITING.) "Have I gone mad?" I asked her. "Yes, but let me tell you a secret, all the best peopl... अधिक

M A D H A T T E R
O N E : The Internship
T W O: Head Start
T H R E E: Maze
F O U R: Blue Catterpillar
F I V E: Wake Up
S I X: Strangers
S E V E N: Devil in the Pool
E I G H T: Lurking Ghost
N I N E: Past
T E N: Finally
E L E V E N: One of Them
T W E L V E: Dinner Date
T H I R T E E N: Chase
F O U R T E E N: Home
F I F T E E N : The Feast
S I X T E E N : Downfall
S E V E N T E E N : Shelter
E I G H T E E N : Long Night
N I N E T E E N : Don't Breathe
T W E N T Y: Arzillan
T W E N T Y
T W E N T Y O N E
T W E N T Y T W O
T W E N T Y T H R E E
T W E N T Y F O U R
T W E N T Y F I V E
----
TWENTY SIX
T W E N T Y S E V E N
T W E N T Y E I G H T
T W E N T Y N I N E

N I N E T E E N

24 10 3
hrxshyx द्वारा

CHAPTER NINETEEN:
Bon Appetit

"Ti saro to andha le laya" (It's time to prepare the offer) isa sa mga Arzillan ang nagsalita.

Nagpumilit na kumawala sa pagkakahawak ng mga Arzillan si Charle.

"Oy, kung naiintindihan nyo ako, please pakawalan nyo na kami" sabi ni Charle sa mga Arzillan.

"Wa si lake lita ukol?" (What is he talking about?) One of the Arzillan asked.

"Id me lama" (i dont know) another one said.

Mas hinigpitan nila ang kapit at pagkakahawak nila sa amin at hinila kami sa isa napakaweird na bahay.

Gawa ito sa kahoy at putik na pinatigas, dahon na tuyo naman ang nagsisilbing bubong nito at napakalaki nito.

Nang maipasok kami sa bahay, nakita namin ang limang mahahabang lamesa na nakahilera, may malaking kabinet na nakadikit sa pader na punong-puno ng mga pampalasa at gamit pangluto.

Hinila kami ng mga Arzillan sa harap ng mga mahahabang mesa. Pilit nila kaming pinahiga doon at itinali ang aming mga kamay at paa.

Sinigurado ng mga Arzillan na mahigpit ang aming pagkakatali at hindi kami makakawala, umalis sila at iniwan na lamang kami.

"Musta naman kayo mga chong?" Tanong sa amin ni Charle.

"Ayoko pang mamatay" sabi ni Alice sa amin.

"Well, I guess we're going to" Charle sassed.

"Pero seryoso, ano ng gagawin natin? Hahayaan natin silang iluto tayo o hatiin ng ganun-ganun lang?" Tanong ko sa kanila.

"Hatiin? Yung mga daggers mo! Asan na?" Tanong sa akin ni Charle.

"Nasa bulsa ng coat ko" sagot ko habang pinipilit abutin ang bulsa ng coat ko ngunit hindi talaga abot kahit anong pilit ko.

"Hindi ko maabot" sabi ko sa kanila.

"Shhh" Alice hushed them both, and as if on cue, three old ladies accompanied with two Arzillan guys entered the hut.

"lamat lis an" (thank you, you may go now) sabi ng isa sa mga matatandang babae at umalis na ang mga kalalakihan.

Lumapit sa amin ang mga matatandang babae, para bang sinusuri nila ang bawat parte ng aming mga katawan.

Makalipas ang ilang mga minuto, kumuha ang mga matatandang babae ng maliit na kutsilyo galing sa kabinet at bumalik sa amin.

Unti-unti nilang sinira ang aming mga damit hanggang sa maging hubo't hubad kami na parang bagong silang lang.

"I swear to pete! Pagtumingin kayo dudukutin ko talaga yang mga mata nyo oras na makawala ako dito!" Pagbabanta sa amin ni Alice.

"I can say the same thing to you Alice" Charle sassed.

"I'm just going to remind the both of you that in no time we're going to be the main course" Pagpapaalala ko sa kanilang dalawa.

Kumuha ng puting tela ang mga matandang babae at ibinihis sa amin, tinakpan nila ang aming mga pribadong parte.

"I guess i look great in this, pwede na kayong pang Project: Runway" sabi ni Charle sa mga matatandang babae.

Pumunta muli ang mga matandang babae sa mau kabinet at kumuha ng tag-iisang garapon na may kung anong kulay itim sa loob. Bumalik sila sa amin at ipinahid ang itim na laman ng mga garapon sa lahat ng balat na hindi natatakpan namin.

Pagkatapos nito, isa pang garapon ang kinuha nila na may laman na kulay berde na mukang chinop-chop na dahon at ibinudbod sa amin.

"Minamarinate na ba tayo?" Pabirong tanong ni Charle sa amin.

"Sa tingin ko, Oo" sagot ko sa kanya.

Nang matapos na ang mga matatandang babae sa kung ano mang ginawa nila sa amin, lumabas na sila ng bahay at iniwan kami.

"Anong kalokohan ba to? Di na nakakatuwa" sabi ni Alice sa amin.

"This is disgusting" bulong ko.

Apat na lalaking Arzillan ang pumasok sa bahay  na may tatlong mahahabang kawayan. "Oy! Oy! Ano kami? Baboy? Lelechonin? No way!" Sabi ni Charle.

Lumapit sila kay Alice at inalis ang pagkakatali dito ngunit hawak pa rin nila ito.

"Bitiwan nyo nga ako!" Sigaw ni Alice.

"Fuck! Let go of her!" Charle shouted as well as me. And we both tried getting rid of the tie but failed.

Itinali ng mga ito si Alice na parang baboy, nakatali ang kamay at paa nito at naiwang nakasmsabit ang katawan nya.

"Pakawalan nyo sya!" Sigaw ko.

Lumapit ang mga Arzillan sa amin at itinali kami kagaya ng kanilang ginawa kay Alice. Ilinagay nila kami sa may gilid ng bahay.

"Is this the end?" Alice asked softly.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan Alice, uuwi tayo, uuwi pa tayo" Sabi ko sa kanya at umaasang mapagaan ang loob nya kahit kaunti.

"Sssh" Charle hushed them when he saw a small figure on the door frame.

And there was a innocent looking Arzillan child, he's wearing a small version of he clothes the seniors were wearing and his face was painted black.

Nakatingin lamang sya sa amin at nakadungaw sa may pintuan.

"Hi" pagbati sa kanya ni Alice ng dahan-dahan. Tumingin ang batang Arzillan kay Alice. Tumango si Alice at sinubukang papuntahin ang bata palapit sa amin ng hindi gumagamit ng kahit anong salita.

Unti-unting naglakad papalapit ng papalapit sa amin ang bata, mukang takot na takot rin ito sa amin.

Nang makalapit sya sa amin, umikot ang tingin nya sa aming tatlo na para bang tinatanong kung ano ang nangyayari at ano ang dapat nyang gawin.

Tumingin si Alice sa mata ng bata at sa coat ko na halos masira na ng tuluyan. Tumango ang bata at pumunta kung nasaan ang coat ko.

Kinapa-kapa nya ito hanggang sa makuha nya ang mga daggers sa bulsa nito.

"Maraming Salamat" sabi ni Alice sa bata ng ibigay sa kanya nito ang mga dagger. Sinimulan nyang putulin ang mga tali sa kanyang kamay at nagawa nya ito.

Nang matanggal na nya ang tali sa kanya ay tinanggal na rin nya ang tali namin ni Charle. Bago kami umalis ng bahay na iyon, lumuhod si Alice sa harap ng bata uoang makita ang mga mata nito.

"Maraming Salamat" sabi ni Alice at hinalikan ang bata sa noo.

Lumabas kami ng bahay na iyon ng dahan-dahan, takot na makaani ng atensyon. Ngunit sa kasamaang palad, isang grupo ng Arzillan ang nakakita sa amin at hinabol kami.

Hindi nagtaggal ay nahuli muli nila kami.

Itinali nila ang aming mga paa at kamay, dinala nila kami sa pinakasentro ng Tribo nila at pinalibutan nila.

"Mulai!" (START!) Sigaw ng pinakapinuno nila sa tingin ko, sinuklian naman ito ng mga Arzillan ng sigawan.

Natigil ang kasiyahan ng isang grupo ng Arzillan ang lumapit.

"Wi luhi sai ap laya" (we caught another offer) one of the Arzillan said.

Itinulak nya sa gitna ang isang pamilyar na babae na may kulay asul na buhok at nakaitim na kasuotan.

"Gosh, Stop being harsh" sabi ng babae sabay tawa.

"Max" bulong ni Charle ngunit malakas pa rin upang marinig namin ni Alice.

"Lita bae" (tie her up) utos ng pinuno ng mga Arzillan. Dalawang Arzillan ang kumilos at itinali ang kamay at paa ni Max.

"Hey, hey, you like it rough huh?" Tanong ni Max, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Wa si bae sita ukol?" (what is she talking about?) Tanong ng isa sa mga Arzillan.

"oh shush, magsalita nga kayo ng pangtao, yung makatao naman please" sabi ni Max at itinapon sya papunta sa aking tabi.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Max?" Tanong ko sa kanya.

"Una sa lahat, gusto ko 'yang suot nyo ah, at yung sagot ko sa tanong nyo, tutulungan ko lang naman kayong makatakas" bulong nya sa akin at siniguradong ako lang ang nakakarinig.

____________________________________
Green Inferno Reference!

QOTC: How are you liking the Arzillans so far?

P.S We are ranked #160 in Sci-Fi genre!
Thanks to you guys!

HAPPY NEW YEAR!

____________________________________
All The Love - Z

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

TUNED IN (Wattys2021 WINNER) Josh द्वारा

कल्पित विज्ञान

394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...