My Handsome Katipunero

By JanelleRevaille

912K 38.2K 10.2K

[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMP... More

My Handsome Katipunero
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
ANTONIO HIDALGO
ANTONIO HIDALGO
WAKAS
Author's Note
Questions and Answers
Highest Rank Achieved
Special Chapter: Moon, Stars and Fireflies
Special Chapter: The Moth and the Flame
HAPPY INDEPENDENCE DAY!

KABANATA 25

15K 662 69
By JanelleRevaille

"S-si Emilio Jacinto 'yung lalaki kahapon?"

Corazon nodded, "Bakit? May nangyari ba?"

I hitched my breath, "Oh my God."

"Kristin?"

Emilio Jacinto also plays a huge role in the history of the Philippines. And what happened yesterday, oh heavens I don't even want to remember it. Does it mean that the possibility of me existing in the future has decreased?

Corazon tapped may shoulder, "Kristin, may problema ba? Namumutla ka. Naku baka ika'y mabinat."

I shook my head, "Wala, wala. Ah, 'D-di ba kasama siya sa pagpunta sa Imus? Bakit nandito siya kahapon?"

"May naiwan raw siyang aklat na mahalaga sa katipunan kaya siya madaling bumalik. Sakto namang dumating siya bago ako umalis ng bahay kaya naisipan kong ipagbilin ka muna sa kanya."

After the scene doon sa silid na pinagpulungan ng katipunan, hindi ko na alam kung anong nangyari kong Emilio Jacinto.

"Aklat?"

Tumango siya, "Oo. Doon daw nakapaloob ang kartilya ng katipunan. Sa tingin ko'y iyon ang aklat na nasa silid na pinagpulungan nila. Nakita ko ito habang naglilinis kahapong umaga."

So I was right. It was that book.

"As in? E loveletter naman ang laman nun. Paano naging mahalaga 'yun?"

Corazon raised a brow, halatang hindi maintindihan ang sinabi ko, "Anong ibig mong sabihiin?"

I sighed, "Wala. Wala. Masyado lang ata akong nag-iisip."

Hindi ko kilala si Emilio Jacinto. Uulitin ko, I'm not fond of Philippine History. Pero kung titigan mo ang isang Emilio Jacinto, wala kang makikitang ni katiting na pagiging romantic sa katawan nito. But that book yesterday proves us all wrong. He was a hopeless romantic who has unreciprocated love towards a girl.

Can't believe a dignified person like him lied about the book being an important document of the katipunan. Iniwan ang pulong sa Imus para sa aklat na 'yun? As if naman mababasa nung babaeng gusto niya 'yung mga sulat niya. Wait. What if isa sa mga tao dun sa bahay ang nagugustuhan niya? Tatlong babae lang naman kami, so ibig sabihin hindi hindi si Tandang Sora at hindi din ako. Dalawang beses palang kaming nagkita at base sa nakasulat doon sa aklat, ilang beses na silang nagkita at nagkausap.

I looked at Corazon.

I gasped because of the possibility. Come to think of it, Corazon fits the description of the girl in the girl in the book.

"Nandito na tayo," Corazon exclaimed.

I was pulled back from my thoughts when we stopped in front of a two-storey house. The lower storey was constructed out of bricks while the overhanging upper storey's walls was constructed out of woods. It has sliding windows, a terrace and a tiled roof.

"Dito mo inihahatid ang mga gamot?" I asked without removing my eyes from the house.

"Oo. Hindi man halata sa itsura ni Jose ngunit nanggaling siya sa isang pamilyang nakakaangat sa buhay." She grabbed my hand and drag me towards the stairs of the house which leads to the second floor.

"Magandang umaga, ho."Corazon greeted the old woman who was sitting on a wooden couch.

The old woman turned her head and smiled when she noticed it was Corazon. She stood up and gracefully walked towards us.

"Corazon, mabuti naman at ika'y muling nakapunta ngayoon," the old woman said, gladly.

Corazon kissed the old woman's hand, "Wala hong masyadong gawain sa bhay kaya naisipan kong maghatid muli ng gamot."

The old woman looked at me, "Sino naman ito?"

Her voice was high-pitched but for some reason it wasn't annoying.

"Ah, Lola Adelina, siya nga po pala si Kristin. Kaibigan ko ho at nakatira rin sa bahay ng Tandang Sora," pagpapakilala sakin ni Corazon kay Lolan Adelina.

I smiled, "Magandang umaga po."

She faced me with a gentle smile painted on her face, "Aba'y napakagandang dilag."

I blushed. Sana'y na akong nakakatanggap ng compliment but coming from the elderly, I'm not used to it.

"S-salamat po."

"Maaari ka bang maging kabiyak ng aking apong si Jose?"

Nagulat ako sa sinabi nito kaya hindi ako nakasagot agad.

"Naku, Lola. May iba ng iniirog iyang si Kristin,"Corazong defended.

Mas lalong namula ang pisngi ko. Lola Adelina's smile faded, "Sino naman?"

Corazon gave me a meaningful look, "Naaalala niyo ho ba iyong pinsan kong si Kuya Antonio?"

"Iyong lalaking dinala mo rito noon? Iyong apo ni Isay?" Corazon nodded. "Aba'y talo na ang aking apo niyan. Napakagandang lalaki ng batang iyon."

I giggled at pinanood nalang silang magbiruan.

Pagkatapos naming ihatid ang mga gamot ay nakipagkuwentuhan muna si Corazon kay Lola Adelina saka kami umalis. Tirik na ang sikat ng araw nang marating namin ang palengke. Buti na lamang at maaraw ngayon kaya hindi mahirap ang pamimili.

"Kristin, baka mabinat ka. Umuwi nalang kaya muna tayo?" nag-aalalang tanong ni Corazon.

"Hindi 'yan. Saka ganyan talaga ako kapag nilalagnat, hindi umaabot ng dalawang araw," I reassured her. "Saka simula nang lumipat kami rito, hindi ko pa nakikita ang bayan. Noong misa de gallo, 'di ko masyadong nalibot."

She sighed, "Sige na nga."

Nilibot namin ang palengke at pinamili ang dapat bilhin. The market was rowdy. Maraming tao ang nandoon. May mga nagtitinda ng isda, karne. at kung ano pa. May mga nakaupo rin sa bangketa, nakalatag ang tela kung saan nakalagay ang mga tinitinda nilang mga bagay. There's this one vendor that catched my attention. It was a little boy selling paper fans and cranes. Somehow, may naalala akong katulad niya. Hindi ko lamang matandaan kung sino.

Pagkatapos naming mamili ay inilibot ako ni Corazon sa bayan. 'Di ko alintana ang init dahil sa ganda ng mga nadadaanan namin. Corazon showed me various streets. The roads were covered with stone paving. Halos magkadikit-dikit din ang naglalakihang mga bahay. The houses were simple but lovely because of their red tiled roofs, thick walls, huge doors, terraces with balusters standing in a row, and beautiful sliding capiz shell windows. Kahit sa malayo, you can see the intricate craftmanship employed in the houses. Before I took up Fashion designing, I considered other courses like architecture and interior designing that's why I am knowledgeable about this stuff.

Somehow, this place reminded me of Calle Crisologo in Vigan. Corazon said that most of the people that lives here belongs to the principalia class and some are mestizos.

Marami ang mga taong naglalakad paroon at parito. May mga batang naglalaro sa kalye saka gigilid kung may dadaan na kalesa. The town was lively. Pero sa tuwing may dadaan na guwardiya sibil, ang iba'y napapayuko o 'di kaya'y lumilingon sa ibang direksyon.

You can see how much the oppression affected these people. A very ugly truth of today's society.

Napahinto kami nang marating ang tapat ng simbahan. Isang matandang lalaki ang itinulak ng isang prayle.

"Bastardo! Ang kapal ng iyong mukha upang ako'y pagbintangan ng isang nakakasuklam na bagay?!" the friar shouted in denial.

The old man roughly wiped his tears. "Pinatay mo ang aking anak! Matapos mong lapastanganin ay pinatay mo na parang isang hayop!" nanggagalaiting sigaw ng matanda habang pinipilit ang sariling makatayo. "Pinagsilbihan ka ng aking pamilya ng ilang taon! Sinunod ka namin kahit na labag na ito sa aming kalooban! Tinanggap ang lahat ng paghihirap, lahat ng pang-aalipin ngunit ito ang isusukli mo?!"

The friars pale face turned red because of anger.

Pinulot nga matanda ang isang bato at ibinato sa prayle. Naramdaman kong napakapit ng mahigpit si Corazon sa aking braso pero hindi ko inalis ang tingin sa harapan. Nagtawag ng mga guwardiya sibil ang prayle. Pinigilan ng dalawang guwardiya sibil sa pagwawala ang matanda sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang braso nito habang ang isa nama'y tinutukan ito ng baril.

My heart thumped faster. I looked at the crowed. Lahat sila'y nakatingin lang sa harap, nagbubulong-bulungan at habang pinapanood ang komosyon. Why isn't anyone helping him? Wala man lang ni isang pumipigil sa away.

I looked at COrazon, "Kailangan nating tulungan ang matanda."

"Huwag, Kristin.."

"Wag? May nakatutok na baril sa matanda at anumang oras ay pwedeng kalabitin nung lalaki ang gatilyo ng baril."

"Hindi pwede, Kristin," napansin ko ang panlalamig ng kamay ni Corazon.

"Bakit?"

"Mapapahamak tayo kapag tayo'y nakialam."

"Kakausapin lang naman natin sila, ah? Wala namang masama dun."

She shook her head, "Iyon nga ang problema, mahina ang boses namin mga indio. Kahit na pumunta kami doon sa harap at pigilan sila ay hindi kami pakikinggan. Wala kaming karapatang manhimasok."

I rolled my eyes heavenward, "Kapwa niyo indio ang matanda diba? Bakit niyo siya hinahayaang apihin ng mga tusong 'yun? Wala man lang ni isang tutulong sa kanya, ganun?"

This coming from me is unbelievable.

"Umuwi na tayo, Kristin. Siguradong nag-aalala na ang Tandang Sora."

What's wrong with Corazon? She can't look at the commotion in front.

I sighed, "Indio din ako. Pero ako 'yung indio na hindi hahayaang apihin ang kapwa ko."

Mahina kong tinggal ang pagkakahawak ni Corazon saking braso. "Kristin.."

I felt the urge to help the man. I saw myself in him. I saw his pain. I saw how much he avenge his loved one. I saw his desperation. Nakikita ko kung paano siya nilamon ng galit.

I was like him before. I let my hate for this country and the terrorist envelop me. Just like that man right now. Somene should pull him back before he drowns.

But before I could get closer, someone pulled me back causing me to bump on his hard chest. Bago pa man ako makalingon ay tinakpan niya ang mga mata ko gamit ang kanyang kamay. Then, I heard a loud bang.

I hitched my breath. "B-bitawan mo ako.." nanginginig kong tugon sa lalaki. What happened? What was that sound? It was a gunshot. C-could it be..? I have to see what happened.

"Mas makabubuting hindi mo na ito makita," said the man.

"A-antonio.." I bit my lower lip as I prevented my tears from shedding. "A-anong nangyari?"

"Umuwi na tayo, Kristin."

Antonio's gentle voice drowned in people's gasps and whispers. Narinig ko rin ang mahinang paghikbi ni Corazon habang pinapatahan ni Santiago.

-

I sat on the fallen log and stared at the setting sun. Today's sunset looked sad. I don't know. Maybe it's just me. Epekto lang siguro ng nangyari kanina. The old man was shot dead nang hindi man lang nabigyan ng hustisya. Hindi man lang nakonsensiya ang prayle. Mga walang hiya.

"Mabuti na ba ang iyong pakiramdam?" napalingon ako sa llaking kararating lang. He smiled at me, "Maaari bang umupo?"

I smiled back and nodded. He sat down beside me. "Mabuti na ba ang iyong pakiramdam?" again, he asked.

"Oo. Salamat nga pala kanina."

Tahimik ako kanina pagkauwi namin ng bahay. Sumakit din ang tiyan ko dahil na rin sa kaba. Hindi ko naman kaanu-ano ang matanda, hindi ko din nakita ang pagbaril sa kanya pero sobra akong nalungkot nang malamang pinatay ito. Maybe because the moment I decided to help someone ay nabigo pa ako. And worse, napatay pa ito.

Pauwi na pala sila Antonio noon nang makita nila kami ni Corazon. Natakot raw si Antonio noong papasugod na ako sa prayle kaya agad niya akong hinila at tinakpan ang mga mata. Wagas naman ang paghingi niya ng paumanhin kanina.

"Bakit nila nagawa 'yun? Bakit nagawa ng prayle ang bagay na 'yun? Hindi ba alagad siya ng simbahan?" tanong ko kay Antonio.

They were priests. They were serving God, but how could they do such things? Hindi ba sila nagu-guilty? Parang pangalan ng Panginoon ang nilapastanganan nila.

"Ganyan talaga ang nagagawa ng gutom," he answered. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito.

I looked at him, "Gutom?"

"Gutom sa kaalaman, salapi, kapangyarihan. Hindi ko nilalahat ngunit may mga taong gutom sa kapangyarihan. Katulad na lamang ng prale kanina. Nagawang pumatay para sa kapangyarihan. Pumatay siya upang ipakita sa mga tao na siya ang mas mataas. Na siya ang dapat na katakutan."

He pointed something. Napatingin ako sa itinuro nito. It was a crow preying on something.

"Ang gutom ay tulad ng isang uwak. Kahit ano ang kinakain ng mga ibong ito. Gagawin rin nila ang lahat kahit na ang pumatay upang mapawi ang gutom na kanilang nararamdaman."

Napayuko ako, "Nakakalungkot lang at hindi nila pinapakinggan ang boses ng mahihirap. Minsan ay ang mga nasa mababa pa ang palaging may kasalanan."

"Kaya itinatag ang katipunan upang maging pantay ang lahat. Adhikain ng samahan ang magkaroon ng pagkakapantay-pantay ng bawat isa. Ang makalaya sa gapos ng mga mananakop." I looked at him and I saw how his eyes sparkle, "Sana sa sunod na pagsikat ng araw ay maayos na ang lahat. Wala ng taong nasasaktan, wala ng taong naghihirap, wala ng taong inaapi. Sana sa susunod na pagsikat ng araw ay malaya na ang lahat."

He raised one hand forward na para bang inaabot ang papalubog na araw, "Ano kaya ang pakiramdam ng pagiging malaya?"

Napangiti ako nang makita ang kagustuhan nitong makalaya. People like Antonio deserves everything in this world.

"Sa lugar kung saan ako galing, ang mga tao doon ay malaya. Malayang nagagawa ang gusto nila, malayang naipapahayag ang kanilang mga saloobin. Kaya kung ako ang tatanungin ay kung ano ang pakiramdam ng pagiging malaya? Ang tanging sagot ko ay masaya."

He looked at me with amusement in his dark brown eyes. Napangiti siya at napatinging muli sa papalubog na araw, "Gusto kong makapunta sa lugar na iyong pinanggalingan."

"Makakapunta ka din doon." I reassured him.

I stood up. Antonio raised his head to look at me. I faced the setting sun. With my arms wide open, I closed my eyes and welcome the warm breeze coming from the horizon. "Subukan mo ang ginagawa ko. Ganito ang pagiramdam ng pagiging malaya.'

I heard him chuckle kay agad akong napamulat, "Bakit? May problema ba?"

Umiling siya, "Kahit na nakaupo lang ako at titigan ka ay pakiramdam ko malaya na ako."

In an instant, my cheeks turned red. Nakita ko namang bigla siyang nahiya sa sinabi niya. Agad siyang napalingon sa ibang direksyon at napahawak sa kanyang batok. "P-paumanhin."

Lumingon akong muli saharap para itago ang pamumula ng mukha ko. "B-b-baliw. Tumayo ka na diyan at gayahin ako."

Tumayo siya at lumapit sa tabi ko. Kagaya ko, he stretched his arms wide open and closed his eyes.

I looked at him. Antonio is handsome.He had that kind of face that will stop you in your tracks. As if God moulded him to spoil your eyes. His darks curls danced with the wind as the rays from the setting sun hit his sun-kissed skin. He's not just beautiful on the outside but also on the inside. He's got a heart as pure as a dove.

Without me knowing, again, I've fallen. Hard.

***

Hinabaan ko po ang update ngayon kaya wag niyo akong batuhin ng hindi pa nilalabhan na medyas. (/ω\)

Midterm ko na pala next week kaya hindi wattpad ang kaharap ko sa sunod na linggo kundi mga xerox na magiging panggatong din naman pragkatapos ng semester, mga aklat, at magulong notes. Pero ipinapangako kong maglalaan ako ng time para magupate next week. Goal ko kasi ngayon ang magupdate every week para hindi na kayo nabibitin.

Yown lang. At bye. ≥﹏≤ And please, bear with me.

-

Hi. Did you like this chapter? I hope you did. To show your support for the story, feel free to smash that vote button and share your hinanaings in the comment section. Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

5.3K 239 7
"I hate it when I get pissed. You wanna know why? Nanghahalik ako." - Dr. KKP "I have everything. I get everything I want. Ikaw nalang ang kulang."...
4.7M 72.7K 49
PUBLISHED BY VIVA PSICOM
Una Vez en Diciembre By Azul

Historical Fiction

13.7K 756 16
Dahil sa maling bahay na pinasukan, biglang nagbago ang takbo ng buhay ni Seraphim. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa pahanon kung saan makik...
5.9K 885 27
Isang sumpa na nabuo nang dahil sa pag-ibig. Isang pangakong ibinaon at binitiwan ilang daang taon nang lumipas ang patuloy na nanatili't hindi kumup...