Bribing Mr. President

由 CincoMedicatus

1.5M 22.3K 1.9K

"Nate, bribe me please." 更多

Bribing Mr. President
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 26

30.5K 443 43
由 CincoMedicatus

Hi, may request ang isang friend ko regarding sa story niya. Pakibasa naman if you have time. Click the external link.

Back to BMP, mga alagad ni Nate, are you ready for his POV? :)

 

x

Chapter 26

FLASHBACK

Nate’s POV

 

“Heksyusme, pogi!” Napalingon ako ng may kumalabit sa’kin. “Hi pogi!” Bati sa’kin ng babaeng bungal na nakasalamin rin ng sobrang laki. Kunot noo akong humarap sa kanya. Ngumiti siya ng pagkalapad-lapad. Napangiwi ako.

“Bakit?”

 

“Hi daw sabi niya!” Humagikhik siya habang tinuturo ang isang babae na naka-jinky ang buhok. Pulang pula ang mukha nito habang pumapadyak. Natawa ako sa reaksyon niya. Napailing nalang ako habang kumaway sa babaeng namumula na ang pisngi. Natawa ako nang makita ko ang gulat na reaksyon sa mukha niya. Pero ang mas napagpagulat sa’kin ay ang biglang pagtakbo niya palayo sa’min.

Nilingon ko ang babaeng may malaking salamin na tawa parin ng tawa. Winagayway niya ang kanyang dalawang kamay saka umubo.

“Wa’g mong pansinin ‘yon. Nahihiya kase sa’yo.” Humagalpak na naman siya sa tawa. Ngumiti nalang ako at tumango.

“Ikaw si Nate Corpuz, diba?”

 

Napaawang ang bibig ko sa kanya. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Ngumisi siya sa’kin at taas noong nagsabi na stalking skills daw nila ‘yon. Natawa ako sa kanya. Mga babae talaga. Kahit ang bata-bata pa, ang dami ng alam sa buhay. Napailing nalang ako habang tinatanaw ang babaeng nakasalamin na papaalis na sa subdivision namin.

Kakalipat lang kasi namin galing States since lahat ng negosyo ni Mama ay andito sa Pilipinas. Dito ako pinanganak pero sa ibang bansa ako lumaki. It took more than ten years bago napagdesisyonan ni Mama na bumalik dito. My parents were separated. My father had a fling at hindi yun halos matanggap ni Mama. My father wants to reconcile. Unfortunately, my mother doesn’t trust him enough anymore. Sobrang galit si Mama kay Papa dahil sa bukod sa panloloko nito sa kanya ay halos nilustay nito lahat ng pera na naipundar ni Mama para sa’min - para sa’kin. At first, my mother didn’t believe her secretary at halos lahat ng empleyado sa kompanya namin pina background check niya. Until one day nahuli ni Mama na may kasama si Papa sa loob ng hotel. I guess my father’s stupid enough to play fire na siya rin pala mismo ang masusunog.

I was twelve when my parents finally received their annulment. Wala narin namang nagawa ang tatay ko dahil binantaan ito ni Mama na ‘pag hindi ito nakipaghiwalay sa kanya ay sasampahan siya nito ng kaso. Mula noon, hindi na ako pinayagan ni Mama na makipag-usap sa tatay ko. Wala rin naman akong problema dun dahil yun ang gusto ko. I don’t hate my father but his actions were quite enough for me to loathe him.

“San ka naka-enroll ngayon?”

 

Nag-angat ako ng tingin kay James Francis – my best friend – mula sa mga paperworks na binigay ni Mama para sa company namin.

“Uhh. Sa Saint Mary’s High School.” Simpleng sagot ko bago tinuon muli ang atensyon sa mga papeles ng kompanya.

When my parents finally separated their ways, maaga akong inexpose ni Mama sa takbo ng kompanya. At first, I was hesitant – hindi dahil sa masyado pa akong bata pero dahil ‘yun sa takot na baka hindi ko kayanin. Hindi problema sa’kin ang edad pero ang kakayanan na patakbohin ang kompanya ay medyo nag-aalangan pa ako. I got this fear from my father. Natatakot ako na baka matulad ako sa kanya. Natatakot ako na baka isang araw mabigo ko si Mama.

“Shit!” Napangiwi ako isang araw nang may mabilog na bagay ang humampas sa ulo ko.

Kunot noo kong nilingon ang taong nagbato nun sa’kin bago pinulot ang bilog na bagay na ‘yon. Sa una hindi ko pa nakilala ang taong nagbato nun pero nang makalapit na siya, natawa ako ng palihim dahil siya pala si baby kamatis. Oo, yun na ang tawag ko sa kanya simula pa nung nakita ko siya. Sa sobrang lakas mag-init ng pisngi niya, dinaig niya pa ang kamatis dahil sa sobrang pula.

Tiningnan ko ulit ang bilog na bagay na hawak ko. Isa itong nakabalot na papel na nilagyan ng bato sa loob. Kaya pala sumakit ang ulo ko. Laking pagtataka siguro ang maiisip ko kung gawa lang siya sa purong papel tapos ganun kasakit pag tinamaan ka.

“Hala. S-sorry. S-Si Mica kasi.. Hoy!” Nag-angat ako ng tingin kay baby kamatis at ngumiti.

Natawa ako dahil bigla itong pumadyak at pilit na tinatawag ang kaibigan niyang kausap ko noong isang araw. Nakangiti parin ako habang tinitingnan si baby kamatis na naka jinky style parin ang buhok at naka-jumper. Ang cute niya. Isama mo pa ang pamumula ng pisngi niya. Napailing nalang ako nang bigla nitong tinakbo ang kaibigan niyang nakasalamin sa malayo. Pilit niya itong kinaladkad palapit sa’kin.

“S-siya! Siya yung bumato nung a-ano.. Ano nga ulit yun?” Desperado niyang nilingon ang kaibigan niyang nakasalamin bago tumingin ulit sa’kin at yumuko. “N-naku, sorry talaga!” Napailing nalang ako at ngumiti.

“Okay lang. Akala ko kung ano na ang dumapo sa ulo ko.” Mahina akong tumawa.

Nginitian ko si baby kamatis. Agad siyang nag-iwas at ngumuso. Ang cute talaga. Nabalik ulit ang atensyon ko sa hawak na papel.

“Ano ‘to?” Tanong ko sa kanila. Napaatras agad ako nang akmang hahablutin ito ni baby kamatis galing sa’kin. Natawa ako sa reaksyon niya dahil sa bukod sa sobrang pula ng mukha niya ay namamawis pa ito.

“W-wala yan! A-akin na please!” Inangat ko ang kamay ko para hindi niya ito maabot. Nilingon ko naman ang nakasalamin niyang kaibigan na pilit ring inaawat ang kaibigan niya. Umiling ako bago binuksan ang papel.

“Dear Nate, Alam mo crush na crush kita. Sana crush mo rin ako. I love you ng sagad.” Natawa ako habang binabasa ang nasa loob ng papel. Love letter pala ‘yon. Ibang klase. Ni minsan hindi ko naisip na gawin ‘to sa taong magugustohan ko.

Napawi ang tawa ko nang makarinig ako ng hikbi. Nilingon ko si baby kamatis na pulang pula ang pisngi at mata dahil sa pag-iyak. Lagot. Baka akalain pa ng mga kapitbahay namin nagpaiyak ako ng babae.

“Oy, wa’g ka ng umiyak.” Nilingon ko ang kaibigan niyang nakasalamin na tumatawa parin. Pambihira. Umiiyak na nga ang kaibigan niya, nakuha niya pang tumawa.

Nilapitan ko si baby kamatis at hinagod ang likod niya. Humihikbi parin siya. Nakatakip ang mga kamay nito sa mukha niya. Napabuntong hininga ako at ngumuso.

“Wa’g ka ng umiyak. Crush din naman kita e.” Pabulong kong sabi. Agad akong nag-iwas ng tingin nang inangat ni baby kamatis ang mukha niya at tumingin sa’kin.

“T-talaga?” Uminit ang magkabilang tenga ko. Napakamot ako sa ulo ko at bahagyang tumango.

Narinig kong humalakhak ang kaibigan niyang nakasalamin at tumili. Pareho kaming napangiwi dahil sa tulis ng boses nito. Napailing nalang ako at tumawa narin. Simula nun, hindi na umiyak si baby kamatis. Kahit panay pa ang tukso ni Micaela – ang best friend niyang nakasalamin – sa kanya. Napag-alaman kong Yui Kareeza pala ang name niya. Nung una akala ko may lahi siyang Japanese dahil sa pangalan niya pero hindi pala. Purong pinoy siya. Maputi si Kareeza na may mahabang buhok na parating naka jinky.

Napailing ako isang araw nang may bumato na naman sa’kin ng papel na may bato sa loob. Nilingon ko si Kareeza saka kinawayan. Bilib ako sa babaeng ‘to. Napaka-straightforward. Walang araw talaga na hindi niya sinasabi sa’kin na crush niya ako. And I can’t help myself from feeling the same thing. Hindi kasi siya mahirap magustohan. Sa mga taong gaya ko, hindi uso at attractive sa’kin ang babaeng maaarte. Minsan gusto ko siyang pasalamatan dahil pinaparamdam niya sa’kin na may tao pala talagang kayang akong pahalagahan. Nang maging single parent si Mama, wala na kasi siyang bukambibig kundi ang maging successful ako. Na dapat tapatan ko ang tagumpay na naipundar niya. Minsan sa isang araw gusto ko na siyang tanungin kung ano ba talaga ang tingin niya sa’kin. Sa murang edad ko kasi wala na akong maramdaman na excitement dahil pinlano na niya lahat. It’s like my future has been set already and I have no choice but to obey her orders.

“Tol, anong ginagawa mo diyan?” James Francis asked me. Hindi ko siya sinagot.

 

Kumunot ang noo ko habang inaabangan si Kareeza na dumaan sa bahay. It’s been two months since I received her last love note. Bumuntong hininga ako at nilisan ang terrace ng bahay. That was odd. Hindi kasi hinahayaan ni Kareeza na wala akong matanggap na note galling sa kanya.

Pababa na ako mula sa second floor ng bahay habang bitbit ang note ni Kareeza. Hindi kaya nakalimotan na niya ito? Bigla akong nakaramdam ng dismaya. I shook my head. Baka may problema lang siya. Napatigil ako sa paglalakad, puntahan ko kaya siya? Then again, hindi ko pala alam ang address niya.

I sighed as I continued walking downstairs. Nakasunod na ngayon si James sa’kin na busy rin sa pagte-text. Nang makaupo na kami sa dining table ay hindi ko na naiwasang tumingin sa kanya.

“Why the hell are you smiling?” Kanina pa kasi ito ngumingisi habang nagte-text. Sandali niya akong tinaponan ng tingin at nag-text ulit. Napailing nalang ako.

“She’s amazing, right?” Nagulat ako nang biglang tinapat ni James ang screen ng cellphone niya sa mukha ko. Ilang beses pa akong kumurap para lang masiguro ang babaeng katabi ng best friend ko sa picture.

“S-sino yan?” Hindi ko alam pero biglang sumikip ang dibdib ko. Imposible. Kaya ba hindi na siya dumadaan sa bahay? Kaya ba wala na siyang note na binibigay sa’kin? Hindi ko mapigilan ang masaktan. Ang bilis naman yata.

“Yui Kareeza Montalban. Kaklase ko sa isang subject tsaka g-girlfriend ko.”

 

Parang akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ng best friend. So that’s it then. Kaya pala hindi na siya nagpaparamdam sa’kin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. It’s like my chest has been sliced right through me.

Napailing ako at bumuntong hininga. Tiningnan ko ang best friend kong nakangiti habang nagte-text. I sighed again. My best friend never been this happy and I guess this is me accepting my defeat.

继续阅读

You'll Also Like

7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
10M 103K 56
Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong na...
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
731K 14K 49
💕PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCE 💕 My name is Vienna Torres. I am pretty, sexy, smart and super rich. Nasa akin na ang lahat except Miguel...