Chapter 27

29K 389 24
                                    

Happy 200K reads sa BMP! Thank you sa lahat ng walang sawang bumasa sa story ko at doon sa mga taong panay votes at comments!

Anyway, panay flashback ang gagawin natin kaya kung may nagugulohan man, tanongin niyo lang ako. Salamat po!

 

x

Chapter 27

FLASHBACK

Kareeza’s POV

 

I was silently laughing while checking my old stuffs. Grabe. I didn’t know I was that childish before. Ang dami kong crush. Halos mapuno na lahat ang laman ng notebook ko. Kung hindi ako nagkakamali, Grade two ako noon nang magka-crush ako sa isang lalake. He was my classmate at sobrang baduy niyang manamit, may Jose Rizal hair style din siya at malaking salamin - but above all those things, nagustohan ko siya. If I’m not mistaken, Rafael Palma ang pangalan niya. Teacher namin ang mommy niya kaya walang araw na hindi ko siya nakikitang nilalagyan ng pulbo ang likod niya. Masakitin kasi siya – sa pagkakaalam ko, may hika ito.

Then, there’s this Liam Gonzaga, isang gwapo at manyak na lalake na maraming girlfriend. Grade five ako noon nang inaya niya akong maging girlfriend pero hindi ako pumayag kasi marami kami. Sinabi ko sa kanya na dapat ako lang pero hindi siya pumayag. Aniya generous daw siya at mapagmahal. Lokong ‘yon talaga, muntikan akong napa-oo. Malay ko bang pang bucket meal pala ang pagmamahal niya.

Those men, they really played a huge role in my life. Kumusta na kaya sila? May mga girlfriends na kaya sila? Napailing nalang ako at mahinang tumawa. Half day lang kasi ang klase ko ngayon kaya naisipan kong maglinis ng kwarto. Nagmistula na kasi itong dump site at sobra sigurong nakakahiya pag may makakita nitong kwarto ko. Naturingan pa naman akong girlfriend ng isang soccer at chess player.

I was busy scanning my old stuffs nang may malaglag na isang pirasong letter. I smiled bitterly. Kumusta na kaya siya? Hinahanap niya parin kaya ang mga love letters ko? Hmm. Siguro hindi. Alam ko naman kasing walang gusto ang taong ‘yon sa’kin. I shook my head. Sa lahat ng taong nagustohan ko talaga, siya lang ang binigyan ko ng pansin. Siya lang talaga ang binuhusan ko ng oras. Nakuha ko pang magbigay ng love letter araw-araw. I know this is stupid pero minsan sumsagi talaga siya sa isipan ko. It’s like my day is pointless kung hindi ko siya maiisip.

His name is Nate Corpuz. Bagong lipat sila sa subdivision na tinitirhan ko. I was busy playing dolls that time nang makita ko siyang nagbabasa ng isang libro tungkol sa Mathematics. Ibang klase nga ang dating niya noon eh. Para siyang batang pinagkaitan ng oras dahil sa sobrang advanced niya sa lahat ng bagay.

Nate’s always outside, reading things na masyado pang malalim para sa edad namin. Most of the time, nagbabasa siya kasama ang kanyang Mama and I can’t help but wonder kung nasaan ang Papa niya. Hindi ba dapat mas close ang lalaking anak sa Papa? Ganoon kasi ang perception ko sa mga bagay bagay – na ang Mama dapat sa babaeng anak close at ang Papa naman, doon sa mga anak nilang lalaki.

Hindi ko na mabilang ang araw o linggo na hindi ko na siya nabibigyan ng love letters. Hindi narin naman ako nag-aksaya ng panahon noon dahil nahuli ako ng girlfriend niya. Grabe. Kaya pala masungit siya noh?

Bribing Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon