Chapter 22

32K 421 49
                                    

Patawad sa typographical errors. Tamad mag backread si author. Thanks.

x

CHAPTER 22

 

 

 

Kareeza’s POV

“Besty? Akala ko ba di tayo pupunta?”

Hindi na ako nagsalita pa sa sinabi ni Micaela. I know she doesn’t want to go too pero may bagay talaga na nagtulak sa’kin para puntahan si Nate sa party’ng ‘yon.

Mabilis kong binuksan ang gate at nag-abang ng taxi. Simple lang ang sinuot ko ngayong gabi – isang maitim na dress na may lace. Nilingon ko si Micaela na nag-aayos ng mahaba niyang floral dress. I mentally rolled my eyes, nerd talaga kahit kailan.

“Kareeza?”

 

Napalingon ako at biglang napaismid nang makita ko si Hanz. Nakasuot siya ng putting v-neck shirt at naka itim na pants. Kung ibang pagkakataon lang siguro ‘to malamang naglaway na ako sa kagwapohan niya pero hindi eh. Hindi parin mawala sa isipan ko ang ginawa niya kanina sa field.

“Ano’ng ginagawa mo dito?”

 

Nag-iwas ako ng tingin nang maaninag ko ang malungkot niyang mukha. Hindi ko kasi mapigilan ang maging matabang pagdating sa kanya. Napalingon ako kay Mica na marahan akong kinalabit. Alam kong may gusto siyang malaman pero hindi na ako nagsalita. Nagkibit balikat nalang ako at agad pinara ang papalapit na taxi.

Bago pa man ako makapasok sa loob ay hinigit na ako ni Hanz.

“Diba sabi ko wa’g kang pumunta?”

 

Hindi ko siya sinagot at pilit na inalis ang kamay niyang nasa kaliwang braso ko. Walang imik ko siyang tinalikoran at agad sumakay ng taxi.

“Bes, may dapat ba akong malaman?”

 

Hindi na ako nagsalita kahit panay na ang kulit niya sa’kin. I feel bad for Mica, I know she’s disappointed. Of course, she’s my bestfriend. I just think that it’s not yet the right time to spill things out to her.

Nang matanaw ko na ang Gym ng school, agad akong lumabas ng taxi. Hinayaan ko ng si Mica ang magbayad. Siguro napansin rin niya ang pagmamadali ko.

Mag-isa kong tinahak ang entrance ng gym at kahit nasa labas pa ako, rinig na rinig ko ang hiyaw ng mga estudyante. Siguro kakasimula na ng after party. Sa maliit kong bag ay nilabas ko ang cellphone ko at agad tinawagan si Nate pero walang sumasagot sa phone niya. Nang makailang ring na ako at wala paring sumasagot ay nagpasya na akong umakyat sa papunta sa location mismo ng event. Dalawang palapag kasi ang gymnasium ng school kaya talagang masasabi kong bigatin ang event pag dito ito inorganize.

Bribing Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon