Chapter 12

41.3K 550 28
                                    

Sorry for the long wait guys. May problema lang ako sa love life. Chos! Hahahaha! Hi herayoshi, thanks for supporting BMP! Enjoy this chap since it is for you! :)

x

CHAPTER 12

 

 

 

Kareeza’s POV

Ano pa bang di malinaw sa sinabi ni Nate sakin? He’s disappointed. Meaning, burden lang ako sa kanya. Kinakahiya niya na ba ako? Ganun ba ‘yun? Di ko maintindihan. Nanghihina na ako. Pakiramdam ko may kung anong tumusok sa dibdib ko. I can feel that pang inside my chest. Na para bang anytime pwede na akong bawian ng buhay.

I know this relationshit – I mean, relationship won’t be easy but still, I gave it a shot. Sa Mama palang ni Nate alam kong malaking problema na but then again, binigyan ko ito ng chance. I’ve been inside my cage for years kaya walang masama na sumubok ako ulit. Where is this going anyway? Napailing nalang ako.

Nangangawit na ako dito sa loob ng classroom at pakiramdam ko, magkaka-varicose na ako. I faked a smile. Bakit nga ba di pa ako lumalabas? Bakit di pa ako lumayas sa punyetang classroom na ito? I sighed.

It’s because I want Nate to come back. Hinihintay ko siya.

 

Kusang tumulo ang luha ko and I gladly wiped it off. Bigla akong nabuhayan ng loob nang bumukas ang pinto. I smiled widely. Sabi na eh! Hindi niya ako kayang tiisin because he loves me.

“K-kareeza?” my smile vanished when I saw Hanz’s presence near the door. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya. Agad niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit.

“Jesus, Kars! Ano’ng nangyari?” he asked while giving me a quick squeeze.

Para akong sinukloban ng langit. Pakiramdam ko binuhusan ako ng isang baldeng tubig. Malamig na tubig. Next thing I knew, humagulhol na ako sa iyak. Damn! Kelan pa akong naging OA?

 

“Tangina. Pinaiyak ka na naman.” Medyo nagulat pa ako sa pagmumura niya pero mas nawindang ako sa sinabi niya. Oo nga. Pinaiyak na naman. Na naman. I sighed heavily.

Teka, ba’t niya nasabi ‘yun? Does he know? I mean, paano?

Bigla ko na namang naalala yung sinabi ni Nate sakin. He’s disappointed. Siguro sa sobrang pagka-dismaya niya, di na niya ako nagawang balikan. May kung anong tumusok na naman sa puso ko. Ganon ba talaga ‘yun ka-big deal sa kanya?

Minsan naisip ko na baka hindi niya ako mah—I immediately shook my head. No. I know he l-loves me. Ramdam ko yun.

Wait, sino ba ang kinukombinsi ko?

Bigla akong nakaramdam ng takot.

“Let’s get you out of here.” Kakalas na sana si Hanz sa yakap pero pinigilan ko ito.

Bribing Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon