The Gullible Hearthrob's Love

JLNstories

733 63 0

Eversince Tobi met Fiona, ipinangako niya sa sarli niyang hindi na siya makikipaglapit pa sa ibang babae dahi... Еще

Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Wakas
Tiger

Chapter 13

36 4 0
JLNstories


NAGISING ako dahil sa paghapdi ng aking tagiliran. Pilit kong iminulat ang asking mata ngunit ganoon nalang ang takot ko ng makitang nasa hindi pamilyar na lugar ako! Maraming drum na madudumi, mga kahon at kahoy ang nandito. Nakatali ang paa at kamay ko habang nakahiga ako sa malamig na semento.

Muling kumirot ang tagiliran ko kaya napangiwi ako, doon ko lang napansin na dumudugo ito. Nanghihina na ako pero pilit kong nilabanan ang sakit. Alam ko na kung bakit ako nandito, dito ako dinala mi Fiona!

"Tulong! May tao ba diyan? Tulungan ninyo ako!"


Sigaw ko dahil hindi ako pwedeng maubusan ng dugo! Kung sana lang ay hindi nakatali ang kamay ko baka naagapan ko na kaagad. Naiiyak ako sa pinaghalong sakit at takot. Hindi ko alam kung anong gagawin nila sa akin!


Marahas na bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang tatlong lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt. Sa mukha palang nila ay alam mo ng hindi gagawa ng maganda!


"Anong gagawin ninyo sa akin?" Kinakabahan kong tanong bago pinilit na maupo kahit sobrang sakit na talaga ng tagiliran ko!


Hindi sila umimik nanatili lang silang nakatingin sa akin ng walang emosyon, ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay dumating na ang taong may kagagawan ng lahat ng ito! Malawak ang ngiti ni Fiona na naglakad palapit sa akin. Sumasayw ang kanyang gintong buhok at nagsusumigaw ang kanyang pulang labi. Nakaramdam ako ng galit!


"Ganito ba Fiona? Ha? Ganito ba ang ginagawa mo sa mga babaeng naging malapit noon kay Tobi? Napakasama mo!"


Galit na galit ako! No one deserves to be treated like this! Wala siyang karapatan para parusahan ang kapwa niya ng dahil lang sa pansariling dahilan!


"Oh dear.. Believe me, kulang pa iyan. Pwede bang magkwento muna ako sayo?? I just feel like telling some story kase.." Maarte siyang tumingin sa akin bago naupo sa isang silya na inilagay ng isa sa mga lalaki. Pinagkrus niya ang kanyang mga binti bago itinaas ang kilay sa akin. "I'll start na okay?"


Pinanlisikan ko siya. Gustong-gusto ko siyang sabunutan pero hindi ko magawa dahil sa taling nasa kamay ko!


"Once upon a time there was a princess and a prince who love each other so much..." Tumingala siya habang nakangiti na akala mo inaalala ang isang napakagandang pangyayari. "The princess love the prince and she would do anythimg just to have him always. But oneday.. Someone tries to steal her prince!"


Napaurong ako ng bigla siyang bumaling sa akin habang nanlilisik ang mga mata! Animo iyon nag aapoy sa galit. Kinakabahan ako..


"They want to have him, so the princess kill all the bitches! And when all the bitches die.. They live happily ever after!" Sinundan niya iyon ng nakakakilabot na pagtawa, halos umecho iyon sa buong silid! Bahagya akong nanlamig dahil sa takot!


"Do you love the story Samantha?" Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatingin sa kanya ng may poot. "Answer me!"

 

"Was that yours and Tobi's story?"


"Oh dear! You're such a smart girl! Sayang ka naman!" Ngumisi siya pero agad napalitan iyon ng galit! "Gustin!"



Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin ang isa sa tatlong lalaki at huli na bago pa ako makapagprotesta dahil nahampas na niya kagaad ako ng kahoy sa binti!


"Arrgh!"


Namaluktok ako sa sakit. Ang sakit! Sobrang sakit! Hindi ko pa narasan masaktan ng ganito sa buong buhay ko.. Umagos ang masasaganang luha mula sa aking mata, pakiramdam ko katapusan ko na..


"Oh look!  My dear Samantha is crying.."



Hindi ko magawang tignan si Fiona, masyadong masakit ang ginawang paghampas sa akin! Pakiramdam ko ay hindi na ako makakalakad pa! Sobrang sakit...


"Stop crying bitch! You deserve that! Dahil sayo tuluyan na akong iniwan ni Tobi!"



"Ahh! Hah.." Napapasinghap ako sa sakit, hindi ko na kaya..


"This will be your graveyard Samantha. Kung alam ko lang na ganito ka pala kadali tapusin sana noon ko pa ginawa. Di bale, makakalimutan ka din ni Tobi sooner.." Humalakhak na naman siya na animo nababaliw.


Pumikit ako ng mariin habang patuloy pa din sa pag agos ang mga luha. Kailangan kong malagpasan 'to, dahil kung hindi.. Kung hindi ay.. Hindi ko na sila makikita pa.. Si Mama, si Santi, si Kuya Saac at si..si Tobi.

"Ah!" Napaigik ako ng biglang may humila sa buhok ko. Habol-habol ang hininga na nagmulat ako at sinalubong ako ng nanlilisik na mata ni Fiona!

 

"You'll die here Samantha! Akin si Tobi! Akin siya!"


"He was ONCE yours Fiona. I will never let you have him! Mamatay man ako, sisiguraduhin kong hindi siya mapapasayo!"


Ibinuhos ko ang buong lakas ko para masabi ang mga salitang iyon, hindi ko alam kung saan ko pa kinukuha ang lakas para magsalita ng ganoon. Basta ang alam ko lang, kailangan kong makaalis dito!

"Bitch."


Gigil niyang saad hanggang sa napahiyaw na naman ako sa sakit dahil sa muling pagpalo sa binti ko! Patulak na binitawan ni Fiona ang aking buhok kaya't halos gumulong na ako sa semento. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pinaghalong sakit ng binti at pagkaubos ng dugo.. Mukhang hanggang dito nalang talaga ako.


"All my life, i wanted to be love by the only person i cherish.." Nagsimula muli siyang magkwento ng mahinahon, ngunit halos hindi ko na maintindihan pa ang mga sinasabi niya dahil sa panghihina.

"We we're happy with each other, but those bitches don't know how to limit themselves! They ruin my relationship with Tobi." Bahagya ko pang narinig ang paggaralgal ng boses niya, "He broke up with me cause i easily get jealous! But it's not my fault right? I love him! And i don't want anyone being close to him except me! That's why i ruined them, at isasama kita sa kanila!"


Kasabay ng pagsigaw niyang iyon ay ang sunod-sunod na putok mula kung saan. Bago ko pa malaman kung sino iyon ang may gawa noon ay tuluyan na akong nilamon ng dilim..

Hanggang ngayon nanginginig pa din ako sa takot, i don't know how i survived that night. I don't know where i am, all i want is to hold him. I wamt to hold Tobi...





---

Tobi's POV

"She's already in jail October. Let justice rule, huwag mo ng dungisan ang kamay mo.."


I stare blankly at May whose infront of me kasama sina August, Eli, NJ at Ate A. Gusto kong matawa sa sinabi niya, Justice? Nasa kamay ko ang hustisya para kay Sammy..ako ang magbibigay ng hatol para kay Fiona!

"Bakit ba kasi hindi niyo pa pinatay ang babaeng iyon May? Tsk! Kung ako ang nandoon baka pinaglalamayan na 'yon!"

Napangiti ako ng mapait dahil sa sinabi ni NJ, i would like to do the same thing pero ang mahalaga sa akin ng oras na iyon ay si Sammy.

Dumating kami ni May sa lugar na pinagdalhan sa kanya ni Fiona, kitang-kita ko kung paano nila pinahirapan si Sammy!

"Bitch!"


Saktong pagdating namin ay narinig ko ng bigkasin ni Fiona ang salitang iyon. Kitang-kita ko kung paano niya sinabunutan si Sammy at ng hampasin ito ng kahoy ay doon na naputol ang pisi ko! Akma akong lalapit kay Sammy ng hilahin ako ni May..

"Fvck! May i need to help her! I can't just wait here and let her be hurt! Tutulungan ko si Samantha!"


"Are you dumb Tobi? Ikasisira lang ng plano ang gagawin mo! Sa tingin mo ba wala silang dalang baril? They can kill that girl in a snap kung bigla kang susugod. I shouldn't let you come with us."


"But--"


"Shut it and remain where you are. This is my job. Don't spoil it."


I left a frustrated sigh and closed my eyes tightly, i know it's her job..but--fvck! Sammy is bleeding!

That scene brings out the monster in me, nailigtas namin si Sammy pero hindi sapat..hindi ako kontento ng ganoon nalang! I want Fiona to experience Sammy's pain! Lahat ng ginawa nila kay Sammy ay ibabalik ko ng doble!


"I heard that if she won't wake up for the next 24hours ay idedeklara na nilang coma si Samantha."


Natigilan ako sa sinabi ni August, nanghina ako. Coma? Why? Bakit si Sammy pa?


"She doesn't deserve this.." I say out of the blue.


"Nobody deserves this Tobi.."


Ate A hug me, napapikit ako. I don't know how to release my anger that's building up. Gustong gusto kong patayin si Fiona!


"Let's just pray for Samantha's fast recovery."

 

"Tang inang 'yan!" Napatayo ako, hindi ko kaya! "This is all my fault! Kung hinayaan ko nalang sana siya, kung..kung sumunod nalang sana ako sa sinabi ni Fiona hindi sana nangyari ito! Damn it! This is all my fault!" Malakas kong sinuntok ang pader ng hospital.

Wala akong pake kung dumugo man ang kamao ko, kulang pa ito sa ginawa nila kay Sammy! Kulang na kulang pa!


"Ni hindi ko nga alam kung mapapatawad pa ako ni Sammy dahil sa nangyari sa kanya. Alam ko, posible na layuan niya ako pagkatapos nito, pero anong magagawa ko?" Nangilid ang luha ko dahil sa pinaghalong galit at takot.. Takot akong mawala si Sammy! "Mahal na mahal ko si Sammy..hindi ko kaya kapag iniwan niya ako.."

 

Napaupo ulit ako at doon tuluyang bumuhos ang luha. I don't care if they see me like this! Mahal na mahal ko si Sammy, hindi ko kaya kapag kinamuhian niya ako.. Hindi ko kaya..

"Hindi madali ang pinagdaanan ni Samantha pero base sa pagkakakila ko ay maunawain siya Tobi. Stop blaming yourself, nobody wants this. I'm sure Samantha will understamd you.."


Hindi ko inintindi ang sinabi ni NJ, napalitan na ng takot ang galit sa sistema ko. The thought of not having her aroud is killing me, i'm afraid i can't see her smile anymore. Her soft voice that calms me.. Hindi ko talaga kaya..


"Hush Tobi.. Everything will be alright." Ate A hug me tighter. Pero hindi nababawasan ang takot ko!

"Stop crying dumbass! Hindi pa patay ang pinsan ko!"

Napatingala ako habang may luha pa sa mukha ng marinig ang boses ni Isaac. Agad akong tumayo at sinalubong ang madilim niyang tingin..

"Wha--what happen? How is she?" Natataranta ako, nandito lang kami sa labas ng kwarto niya pero hindi ko talaga kayang pumasok. I can't see her in a state like that. Hindi ko kaya..


"Tita is planning to.." Isaac sighed at naging mailap din ang tingin nito, kinabahan ako lalo.. "Galit na galit si Tita Bro, i can't blame her. Si Sam-Sam iyon, gusto niyang dalhin sa Canada si Sam-Sam."



"What?! Why? I-- hindi pa siya pwedeng bumiyahe! She..hindi pa siya nagigising Isaac!" Natataranta ako, hindi pwede! Hindi siya pwedeng umalis! Hindi ako makakapayag!


"She's already awake."

Natigalgal ako sa sinabi niya. "Gi--gising na siya? Thank God!" Nakahinga ako ng maluwag. "What.. I--hinanap ba niya ako? Can i see her now Isaac?" I was hoping.. Hoping that she wants to see me but what Isaac says crumpled that little hope i have.


"Ayaw niya makipag usap kahit kanino. That's why i'm here. She keeps on  crying, she's scared. She was traumarized. And..she agreed to her mother, the day after tomorrow..tutungo sila sa Canada."


Napahilamos ako sa mukha, gusto kong sapakin si Isaac dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko iyon na ang pinaka nakakagagong balita na narinig ko. Tumawa ako, tawang walang emosyon.

"You're kidding right? Hindi 'yan magagawa sakin ni Sammy! Alam niya na mag aalala ako! And she promised she won't leave me!" Nangilid muli ang mga luha ko, i don't believe Isaac! Bumaling ako kay Nj, "You're right Nj, Sammy will understand the situation. She won't leave me, di ba? Di ba?!" Napaigtad siya sa sigaw ko. Bumaling ulit ako kay Isaac. "I want to see her. I wanna know if she's really okay."


"I can't let you."

Napika ako ng humarang sa daraanan ko si Isaac. Agad nagdilim ang paningin ko kaya bago pa nila ako mapigilan ay nasapak ko na siya!

"October!"

 

"Gusto kong makita si Samantha! Why can't you just let me! I want to see her!" I shout at him as my tears starts rolling down, frustrated ako. Natatakot akong hindi ko na makikita pa talaga si Samantha! "I'm begging you Isaac, just let me see her.."



"I'm sorry Tobi.." He looks at me with pity. Nakakaawa na ba ako? Baka nga.. "But Samantha hates you.."


Nanlamig ako.. She hates me? Lumingon ako sa mga kapatid ko, trying to show them how miserable i am. Napayuko silang lahat. Nangapa ako.. Hindi ko alam ang gagawin. Bumaling ako sa pintuan ng kwarto niya hoping that someone will come out at sasabihin na gusto akong makita ni Sammy..but--no one did.

 

Defeated. Broken. Miserable. I turned my back on them and headed my way out of the goddamn hospital. Lutang ang pakiramdam ko. I don't know where to go. Basta ang alam ko lang ay aalis siya, iiwan na naman niya ako. But this time i know why.. And that is.. She hates me.

My Sammy fvcking hates me..





Продолжить чтение

Вам также понравится

The God Has Fallen Jamille Fumah

Любовные романы

7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
39.2M 910K 105
Si Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya...
630K 3.1K 200
Sinulat ko to hindi dahil sa wala lang..sinulat ko to dahil gusto kung eshare sa inyo ang mga story na maganda yung pagkasulat ng mga ibat ibang auth...