Chapter 13

36 4 0
                                    


NAGISING ako dahil sa paghapdi ng aking tagiliran. Pilit kong iminulat ang asking mata ngunit ganoon nalang ang takot ko ng makitang nasa hindi pamilyar na lugar ako! Maraming drum na madudumi, mga kahon at kahoy ang nandito. Nakatali ang paa at kamay ko habang nakahiga ako sa malamig na semento.

Muling kumirot ang tagiliran ko kaya napangiwi ako, doon ko lang napansin na dumudugo ito. Nanghihina na ako pero pilit kong nilabanan ang sakit. Alam ko na kung bakit ako nandito, dito ako dinala mi Fiona!

"Tulong! May tao ba diyan? Tulungan ninyo ako!"


Sigaw ko dahil hindi ako pwedeng maubusan ng dugo! Kung sana lang ay hindi nakatali ang kamay ko baka naagapan ko na kaagad. Naiiyak ako sa pinaghalong sakit at takot. Hindi ko alam kung anong gagawin nila sa akin!


Marahas na bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang tatlong lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt. Sa mukha palang nila ay alam mo ng hindi gagawa ng maganda!


"Anong gagawin ninyo sa akin?" Kinakabahan kong tanong bago pinilit na maupo kahit sobrang sakit na talaga ng tagiliran ko!


Hindi sila umimik nanatili lang silang nakatingin sa akin ng walang emosyon, ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay dumating na ang taong may kagagawan ng lahat ng ito! Malawak ang ngiti ni Fiona na naglakad palapit sa akin. Sumasayw ang kanyang gintong buhok at nagsusumigaw ang kanyang pulang labi. Nakaramdam ako ng galit!


"Ganito ba Fiona? Ha? Ganito ba ang ginagawa mo sa mga babaeng naging malapit noon kay Tobi? Napakasama mo!"


Galit na galit ako! No one deserves to be treated like this! Wala siyang karapatan para parusahan ang kapwa niya ng dahil lang sa pansariling dahilan!


"Oh dear.. Believe me, kulang pa iyan. Pwede bang magkwento muna ako sayo?? I just feel like telling some story kase.." Maarte siyang tumingin sa akin bago naupo sa isang silya na inilagay ng isa sa mga lalaki. Pinagkrus niya ang kanyang mga binti bago itinaas ang kilay sa akin. "I'll start na okay?"


Pinanlisikan ko siya. Gustong-gusto ko siyang sabunutan pero hindi ko magawa dahil sa taling nasa kamay ko!


"Once upon a time there was a princess and a prince who love each other so much..." Tumingala siya habang nakangiti na akala mo inaalala ang isang napakagandang pangyayari. "The princess love the prince and she would do anythimg just to have him always. But oneday.. Someone tries to steal her prince!"


Napaurong ako ng bigla siyang bumaling sa akin habang nanlilisik ang mga mata! Animo iyon nag aapoy sa galit. Kinakabahan ako..


"They want to have him, so the princess kill all the bitches! And when all the bitches die.. They live happily ever after!" Sinundan niya iyon ng nakakakilabot na pagtawa, halos umecho iyon sa buong silid! Bahagya akong nanlamig dahil sa takot!


"Do you love the story Samantha?" Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatingin sa kanya ng may poot. "Answer me!"

 

"Was that yours and Tobi's story?"


"Oh dear! You're such a smart girl! Sayang ka naman!" Ngumisi siya pero agad napalitan iyon ng galit! "Gustin!"



Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin ang isa sa tatlong lalaki at huli na bago pa ako makapagprotesta dahil nahampas na niya kagaad ako ng kahoy sa binti!


The Gullible Hearthrob's LoveWhere stories live. Discover now