Chapter 15

31 3 0
                                    

Sam's POV

Malungkot kong tinatanaw ang langit mula sa veranda ng apartment ko. Ramdam ko ang sakit hindi lang ng katawan kundi pati ang sakit sa aking puso. Masakit lumayo.. Mas masakit kesa noong unang iniwan ko siya, hindi ko ito ginusto pero kailangan..

Five months ago..

Matapos  kong maalala ang nangyari ay nilamon muli ako ng antok at sa pangalawang pagkakataon na pinilit kong magmulat, bagaman masakit ay nagtagumpay ako. Bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Mama at Kuya Saac!

"Anak!"

"Sam-Sam.."

Pinilit kong ngumiti ng tipid kahit napakahirap. Ayokong mag alala si Mama. Kailangan kong ipakita na malakas ako..

"Anak.. May masakit ba sayo? Sabihin mo kay Mama anak.."

Agad nag-init ang sulok ng aking mata dahil sa sinabi ni Mama. Gusto kong sabihin na sobrang sakit ng katawan ko, na natatakot akong baka hindi ako makalakad.. Gusto kong sabihin sa kanya na natatakot akong baka.. Baka--baka may mangyaring hindi maganda kay Tobi!

"Sam-Sam tell me.. Or-- try to signal what are you feeling. I need to know.."

Sa kabila ng pamamanhid ng aking katawan ay naramdaman ko pa ang pagdaloy ng mainit na likido mula sa aking mata. Tarantang lumapit si Mama habang walang tigil ang pagbuhos ng aking luha. Natatakot ako..hindi para sa akin, kundi para kay Tobi. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Pero kung malaya pa din si Fiona ay hindi imposibleng si Tobi naman ang isunod nito! Natatakot ako!

Gusto kong igalaw ang daliri ko pero ang hirap. Bahagya ko nalang ipinilig ang ulo ko bilang senyales na hindi ako okay..

"Anak makinig ka kay Mama ha, dadalhin ka namin sa Canada. Ilalayo kita dito.. Hindi ka pwedeng mapalapit sa taong may kagagawan nito!"

Tumango ako kay Mama sa pag aakalang si Fiona ang tinutukoy niya. Kailangan kong makalayo kay Fiona! Sigurado ako na sasama sa akin si Tobi sa Canada. Sa isiping iyon ay agad kumalma ang puso ko. Ngumiti sa akin si Mama bago tumalikod at naging busy sa cellphone. Natuon ang atensyon ko kay Kuya Saac, maingat siyang naupo sa gilid ng kama ko.

"Sam-Sam, i know this is not the right time for this but you need to atleast know.."

Hindi ako makapagsalita kaya nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Ang mga luha ay kusang tumigil sa pagbuhos..

"Nahuli na si Fiona.. It's Tobi and his sister who rescued you." 


Mas lalong napuno ng galak ang puso ko. Sa isiping kahit kailan ay hindi hahayaan ni Tobi na masaktan ako, narealize ko na..it was worth it. The pain Fiona gave me was all worth it  dahil naputanayan kong mahal talaga ako ni Tobi.

"But.. Tobi was a wrecked when he saw your condition Sam-Sam. He's gone mad. He wants to kill Fiona.."


What?! No! Gustong ibulalas dahil sa pagkabigla. Hindi pwede! Hindi pwedeng pumatay si Tobi!

"So..August and Eliazar talked to me." Hinintay ko ang sasabihin niya, pakiramdam ko ay hindi iyon maganda. "They--uh.. They ask if i could.. Well you see.. Damn! How can i say this without hurting your feelings?!"

Gulong-gulo si Kuya Saac, yon ang nakikita ko sa mukha niya. Pero gusto kong malaman kung anuman ang nais niyang sabihin kaya, kahit hirap ay pinilit kong abutin ang kamay niya. Pinapaunawang magpatuloy siya..

The Gullible Hearthrob's LoveWhere stories live. Discover now