Bestfriends (COMPLETED)

By Kettlekooorn

18.1K 872 164

Talaga bang pwedeng maging mag bestfriend lang ang lalake chaka babae?? Paano kung sa katagalan ng inyong pag... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Author's Note
EPILOGUE

Chapter 37

198 13 0
By Kettlekooorn

Lawrence's POV

Habang kumakain kami ng lunch, pinagmamasdan ko si Tine at Carlo.

Mahahalata mo parin kasi sakanila na they still care for each other.

Makikita mo parin sa kislap ng mga mata nila na mahal na mahal nila yung isa't isa.

Bakit ba kasi hindi nila kasundo si TADHANA at pilit silang ipinaghihiwalay.

Palaging may sagabal.

Laging wrong timing.

Ang hirap para sakanila ang maging masaya lang.

"Gusto mo ba nito??" Tanong ni Tine kay Carlo sabay lagay ng pagkain sa plato ni Carlo.

Hanggang ngayon takot parin si Carlo sakanya. HAHAHAHA!

Iba talaga tong kaibigan namin.

Handang magpakaunder sa taong mahal na mahal nya.

Siguro sa ngayon magulo pa sila, pero sa tamang panahon...

Maiintindihan din nila lahat.

Maaayos din sila.

Sana...

Hindi pa huli ang lahat sakanilang dalawa.

"Hindi ka sabi pwede nyan e!!" Suway nya kay Carlo sabay tapik pa sa kamay nito. Hahaha!

Nakakamiss din pala silang makitang ganito ulit.

"E sa gusto ko kasi non e." Pagmamakaawa ni Carlo. Iba din dumiskarte to e. :D

Sinamaan sya ng tingin ni Tine.

Ayun.

Tiklop.

Hahahahaha!

Sabi na sainyo e.

Nagtatawanan na silang dalawa nang biglang magring yung phone ni Tine, at sa tingin ko si Daniel yung tumatawag.

Agad syang tumayo at nagexcuse sa amin tapos sinagot na yung tawag.

Nilingon ko si Carlo.

Nagiba na yung mukha nya.

Bakas yung lungkot sa mga mata nya.

"Masakit tol?" I tapped his shoulder.

Ngumiti sya ng mapait.

"I think I need to let her go. She's happy now." Mapait nyang sabi habang tinatanaw nya si Tine.

"Sa tingin mo ba totoong masaya sya?" Makahulugan kong tanong.

Nagkibit balikat nalang sya.

Pinanghihinaan nanaman sya ng loob. Haaaay.

Tine's POV

Pagkatapos kong makausap si Daniel bumalik na ako sa table namin.

At pagbalik ko wala si Carlo.

"Si Carlo? Umalis e. Pumunta ata don." Tinuro pa ni Jelo kung saan dumaan si Carlo. Napansin siguro nyang hinahanap ko sya.

Umupo nalang ako at nagpatuloy na sa pagkain.

"Woah!! Ang hot nung kasama ni Carlo! Tangina iba talaga!!" Biglang sabi ni Charlie kaya napalingon ako sa kung saan sya nakatingin.

Nakita ko nga ang magaling na si Carlo, may kausap na babae!

Psh!

Akala ko ba may sakit yon?!

Basta pambababae talaga nawawala yung sakit e.

"Psh! Babaero talaga." Mahina kong sabi sa sarili ko.

"Ano yon Tine?" Nangaasar na tanong naman ni Mark. Mukhang narinig nya yung sinabi ko.

"A-ah wala." Ngumiti ako sakanya.

Padabog kong binitawan yung kutsara at tinidor ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong naman ni Abby sakin.

"Oo naman. Nakakainis lang kasi sya, pag tayo kasama nya nagpapabebe sya tas ngayon biglang nawala yung sakit." Singhal ko.

"Hmmm. Bakit parang amoy nagseselos sa banda dito?" Patango tango pang sabi ni Jelo.

"Hindi ako nagseselos no!! Nakakainis lang sya!!" Protesta ko.

Hindi naman kasi ako nagseselos no!

Asar na asar lang ako sakanya.

Napakababaero kasi nya!

Pagkatapos naming kumain nakita kong pabalik na sa table namin si Carlo.

Ngiting aso pa sya.

Psh!

Siguro nakascore!

Asar!

Umupo na sya sa tabi ko.

"Tapos kana nga? Hindi mo naman ako inantay." Naglalambing nyang sabi sakin.

Asa naman syang aantayin ko syang matapos sa pakikipaglandian nya bago ako kumain.

Hindi ko sya inimik.

"Sungit mode? Nagaway kayo?" Pangungulit pa nya.

Sinamaan ko sya ng tingin.

Ramdam kong nakatingin sila samin.

Niligpit ko nalang yung pinagkainan namin.

"Teka, diba papainumin mo pa ko ng gamot? Sabi mo kanina e." Habol nya sakin.

Hinagis ko sakanya yung gamot.

"Oh! Uminom ka magisa mo!" Tapos umalis na ako.

Ewan ko pero biglang naginit yung ulo ko sakanya.

"Anong problema non?" Dinig ko pang tanong nya sa mga kasama namin.

"Ang babaero mo kasi e." Sagot ni Mae tapos sinundan na ako.

"Hindi naman halatang nagseselos ka girl e." Nagulat ako sa nagsalita. Si Khate pala.

"Hindi nga ako sabi nagseselos e." Sagot ko sakanya.

"E ano yan? Yang inaasta mo?" Usisa pa nya.

Tangina ayokong aminin pero basta!!

Nakakainis!

Nakakaselos!

Di nalang ako sumagot.

"Indenial stage ang ate mo." Paggatong pa ni Mae.

Nakatungo nalang ako.

Niyakap nila ako.

"Hindi ko na to dapat nararamdaman e!" Tapos pinagsususuntok ko yung dibdib ko.

Naiiyak ako.

Pinigilan nila ako.

"Tama na nga yan!" Pilit akong inakap ni Khate.

Naiyak na ako ng tuluyan.

"Magpakatotoo ka lang sa nararamdaman mo. Dun ka sa alam mong sasaya ka." Pangaral sakin ni Mae.

Ang daya lang kasi e.

Hanggang ngayon, bakit sya padin? 😭😭

Maling mali to.

"Hindi to pwede." Hagulgol ko sakanila.

"Magiging maayos din ang lahat." Pagpapatahan nila sa akin..

"Ang hirap magmahal no? Kasi kahit anong pananakit yung gawin nila sa atin sila parin yung gusto natin mahalin." Biglang sabi ni Mae.

"At kung sino pa yung taong mahal natin sila yung hindi napapasatin." Dagdag ko.

"Paano si Daniel?" Seryosong tanong ni Khate, hinawakan nya yung kamay ko.

Naiyak nanaman ako.

Kase wala syang ibang ginawa kundi mahalin at pasiyahin ako tapos ganito yung igaganti ko sakanya.

"Mahal ko sya. At totoong pagmamahal. Hindi ko sya ginawang rebound." Sagot ko sakanila. Totoo naman e.

Lahat ng pinakita at nararamdaman ko kay Daniel totoo.

"Pero paano yung nararamdaman mo kay Carlo?" Dagdag pa nila.

Di ako makasagot.

Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang ipaglaban tong nararamdaman ko sakanya.

Ilang saglit lang at napagpasyahan na naming bumalik sa hotel para makapagpalit.

Habang naglalakad nakasalubong ko yung pinsan ko kasama din yung mga kaibigan nya.

"T-tine?" Tawag nya sakin tapos nilapitan kami.

"Ate!" Tapos nagyakapan kami.

Pinakilala ko lang sya kina Mae at Khate.

"Kasama mo ba si Carlo?" Tanong nya. Kilala din kasi nya si Carlo since panay ang kwento ko sakanya nung tungkol sa amin.

"A-ah oo! K-kasama namin sya." Tipid kong sagot.

"Okay na pala kayo? Mabuti naman. Ang tigas kasi ng ulo nila tito at tita e. Sinabi ko naman sakanila na hayaan nalang kayong dalawa ni Carlo." Paliwanag nya. Naguluhan ako. Tito? Tita? Paano sila nasali dito?

"Ha? Hindi kita maintindihan." Nagtataka ko syang tinignan.

"Hindi mo ba alam?" Gulat nyang tanong.

"A-ang alin?" Mas naguluhan ako.

"S-siguro kayo nalang ni Carlo magusap. Una na ako." Pagkasabi nya non agad narin syang umalis.

May hindi ba ako alam?

Dali dali kong hinanap si Carlo.

Nakita ko sya sa tabing dagat, nakaupo at nagiinom.

"Can we talk?" Tanong ko sakanya.

Tinignan lang nya ako.

"May magbabago ba kung sakaling magusap tayo?" Pagbabalik nya ng tanong sakin. Seryoso yung mukha nya.

"Gusto kong malaman lahat lahat." Pakiusap ko sakanya.

Hinanda ko ang sarili sa mga sasabihin nya.

Wala pa syang sinasabi pero sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.






VOTE. COMMENT. ENJOY. SHARE.

-Kettlekorn❣️

Continue Reading

You'll Also Like

27.1M 718K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...